Join our Facebook Page



Post Reply 
 
Thread Rating:
  • 0 Votes - 0 Average
  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
  • 5
mga nasasaniban
12-23-2007, 08:12 PM
Post: #1
mga nasasaniban
naniniwala ba kayo sa mga nasasaniban??

Little Chef

[Image: 125327vehjruzezk.gif]

“"Anybody can make you enjoy the first bite of a dish, but only a real chef can make you enjoy the last.”"

-Francois Minot
Find all posts by this user
Quote this message in a reply
12-23-2007, 09:23 PM
Post: #2
Re: mga nasasaniban
hindi eh Grin baka may psychological factors lang yun
Find all posts by this user
Quote this message in a reply
12-24-2007, 10:40 AM
Post: #3
Re: mga nasasaniban
^ako dati hindi pero naka witness na kasi ako ng sinasaniban..

nung kinuwento lang sakin yun hindi ako naniniwala pero nung nakita ko siya naniwala ako agad

iba na kasi siya

yung kulay nung eyes niya
sobrang putla niya
and take note
nagawa niya mag apparate and disapparate

Little Chef

[Image: 125327vehjruzezk.gif]

“"Anybody can make you enjoy the first bite of a dish, but only a real chef can make you enjoy the last.”"

-Francois Minot
Find all posts by this user
Quote this message in a reply
12-26-2007, 10:12 PM
Post: #4
Re: mga nasasaniban
nakakita din ako dati nung elementary pa ko nun. haha.. sa ganung age ko hindi na ko naniniwala. Grin
Find all posts by this user
Quote this message in a reply
07-29-2008, 09:20 PM
Post: #5
Re: mga nasasaniban
Baka dissociative identity disorder (DID) yung mga ganun..I think it's psychological tulad ng sabi ni JaJa.
Visit this user's website Find all posts by this user
Quote this message in a reply
08-07-2008, 07:01 AM
Post: #6
Re: mga nasasaniban
sa tagal ng nabubuhay ng tao dito sa mundong ibabaw marami pa rin tayong hindi mapaliwanag gaya ng sanib... ano ba talaga ang sanib?
ito ba ay isang nasisiraan lang ng bait o talagang sinasapian ng masamang mumu...

my mga naniniwala my mga hindi.....

but in my opinion i do believe sa sapi.......
coz isa ako sa nakakita ng sinapian......
minsang bumisita ako sa school ng pinsan ko sa provincecoz that time out of school youth naman ako e..
kaya minabuti ko na lang na magbakasyon..... ayun nga bumisita ako sa school ng pinsan ko kasi ako nagdala ng lunch nya....
ng bigla na lang na nagkagulo...... laking gulat ko limang guro ang pumipigil sa isang studyante... kung titignan e napakahina ng babaeng sinasaniban... kasi payat at maliit lng ang babaeng tinutukoy ko....
pero hindi xa makaya ng limang guro na pumipigil sa kanya....

im shock sa nakita ko... ganon pala ang sinasaniban.....
my mga salita syang sinasabi... na hindi maintindihan ng karamihan....
my tagalog din syang sinasabi kaso hirap ito banggitin....
nanlilisik ang mga mata ng babaeng sinasapian....
dumating ang albolaryo... at tuluyang inilayo ang babae sa school ng pinsan ko....
minabuti na nilang dalhin sa bahay ng sinapian.... at ako ay naiwang tulala sa mga nangyari....

mangha.. at the same time e shock sa mga nangyari....
hindi na bago sa pinsan ko ang mga pangyayaring yun....
dahil halos monthly daw e my sinasapian sa paaralan nila...
kaya kadalasan nasususpinde ang pasok nila... hindi lang isa minsan ang sinasapian...
naikwento rin sakin ng pinsan ko ng meron silang activity na living rosary...
pito ang sinapian sa mga classmate nya ....
yang lang po ang maishashare ko sa inyo kung bakit e sa pananaw ko e naniniwala ako....

mahirap man paniwalaan pero totoo ngyari ito..
Send this user an email Find all posts by this user
Quote this message in a reply
08-07-2008, 02:38 PM (This post was last modified: 08-07-2008 02:44 PM by Irene.)
Post: #7
Re: mga nasasaniban
nakakita na rin ako maraming beses na...sa isang catholic high school kung saan ako nag aral at sa Notre Dame Village kung saan ginanap yung Youth for Christ camp. Dun pa nagkasapian. Ayon sa manliligaw ko, nakakita na din siya sa mga youth camp na umiikot yung ulo as in 180 degrees ang pag-ikot!!! Meron din tumatakbo sa mga dingding!! Na parang spiderman!!

Sa experience ko naman uunahin ko yung sa highschool. May tsismis na inatake daw ng asthma yung schoolmate namin. May tsismis din na sinapian sya. Na-curious kami lalo na ako..kaya pumunta kami sa lugar ng event na yun. Hawak na yung estudyante ng mga guro at nurse at naririnig ko siyang nagsisigaw na hirap intindihin. Umuwi na ako pagkatapos.

Sa YFC youth camp naman, maraming gustong makilahok sa YFC, mga kabataan galing sa iba ibang high schools dumalo. Gabi nagstart ang activities. Dumating yung panahon na oras na para sa Baptism of the Holy Spirit. Nagpraktis kami ng mga religious songs. Ang tumutugtog ng gitara at nagle-lead ng songs ay yung mga facilitators Then maya-maya habang umaawit pa rin kami, yung katabi ko na schoolmate ko din at friend ko, tumataas na ang pitch ng boses niya. Hanggang sa nagiging matinis na ang kanyang boses at malakas pa. Nagiging out of control na yung boses niya. Ako eh bagamat naririnig ko na yun, patuloy pa rin sa pag-aawit ng mahina. Ako eh talagang matakutin. Sobrang lamig na ng katawan at mga palad ng kamay ko, sobrang kinakabahan na ako. Tumahimik na ang buong grupo at yung friend ko sigaw pa rin ng sigaw. Yung mga facilitators huminto na sa pagtugtog at nakapatalikod samin. Naguusap sila ng tahimik sa isat isa. pagkatapos lumabas silang dalawa. Pag balik nila may kasama na silang member ng Couples for Christ na babaeng may edad na din. Sinubukan nilang itahan yung friend ko. Lumipas ang ilang minuto ng tumahan na din siya. At maya maya nagsasabi siya ng kung ano ano. Na  siya si Sto. Nino, sabi niya "Pagpalain kayo ng Diyos," then sunod nman sabi niya anghel daw siya, sabi niya, "Glory to God". Binanggit nya pa ang pangalan niya bilang anghel. Nakalimutan ko na kung ano yun pero nagsisimula yun sa letrang "A".

Maya maya hindi pa rin siya bumalik sa tamang pag-iisip. Kasi tinatanong siya kung anong pangalan niya iba ang sinasabi niya. Pero nung nagdinner na kami. Tinanong siya ulit, at sinabi niya yung pangalan niya. Ibig sabihin nasa tamang pag-iisip na ulit siya.

Pagkatapos sa sunod na gabi merong Walk of the Rosary. Dun talaga ang daming na-possess. Namumula ang mga mata nila at nagwawala sila. Babae pati lalaki. Takot na takot ako nun. Bawat isang na-possess merong tagaalaga. Tapos hindi na kami nagtanong kung ano ba ang nangyari dahil naniwala kami na talagang nasaniban sila ng mga espirito. Kinabukasan parang may bonding na kaming lahat kasi lahat kami nakawitness o nakaranas ng ganun. Kaya ang saya namin. Di ako nakaranas ng kasiyahan na naranasan ko nung youth camp ng YFC 1998.

Pero pagkalipas ng ilang taon, narealize ko na may dahilan kung bakit yun nangyari. Hindi pa nga talagang naipapaliwanag ng siyensya pero naniniwala akong may relasyon ito dun. May isang doktor na nagkaroon ng teoriyang merong DID or dissociative identity disorder sa Pilipinas (formerly called multiple personality disorder). At ang mga "demon-possession or spirit possession" na kung ating tatawagin ay simptomas ng DID. Ang DID ay kung saan ang isang tao ay merong ibang distinct na personalidad na may sariling pangalan, ugali at pag-iisip. Pero sa iisang katawan lamang. Madalas ito ay nangyayari sa mga babae na nabiktima ng molestation o rape nung bata pa sila. Nangyayari din ito sa mga lalaki. Ang mga "alters" o personalities ay maaaring higit pa sa isa. Sa history ng medisina, ang tao na may pinakamaraming alters ay may 99 alters o 99 na iba ibang personalidad. Weird noh?
Visit this user's website Find all posts by this user
Quote this message in a reply
02-22-2010, 08:47 PM
Post: #8
RE: mga nasasaniban
Sa school, noon --- tumitirik mata tapos nagsisisigaw. Iniiisip ko noon, "gusto lang mag-cutting nyan"

Pero nung nag-stay ako sa bahay ng tita ko, nagising ako dahil may ingay sa baba, nasaniban daw yung katulong. Tinatry pigilan ng mga driver, pero malakas sya. Tapos parang iba talaga yung boses pag nagsasalita.

Napa-yosi ako nun e.
Find all posts by this user
Quote this message in a reply
06-02-2010, 04:31 PM
Post: #9
RE: mga nasasaniban
Totoo ang sapi, pero 10 out of 100 lang ang totoo. Mostly mas gusto ng mga spirits o ghost makipag-usap.
Send this user an email Find all posts by this user
Quote this message in a reply
Post Reply 


Forum Jump:


User(s) browsing this thread: 1 Guest(s)