|
Join our Facebook Page |
|
|
|
|
11 Year old blog. :D
|
|
01-27-2008, 05:32 PM
Post: #1
|
|||
|
|||
|
11 Year old blog. :D
Originally mula sa aking wordpress. Actually, Tatlong post palang yun. Hindi ko pa pinapublish yung isa
![]() Department of Foreign Affairs. Isang umaga na nakalimutan ko na pupunta nga pala kami sa Department of Foreign Affairs o mas kilala bilang DFA. Pero syempre, kaylangan ko muna i-check ang aking Friendster at Multiply accounts para sa mga newest updates sa aking mga imported friends. Naligo ako at nagpapicture sa background na royal blue. Pagkatapos ay umalis na kami at pumunta o tumungo sa DFA. Hello New Passport. Doon ko nahanap ang aking bagong kaibigan. Pero hindi ko alam ang pangalan nya. Bago palang daw sya kumuha ng passport. Masuwerte daw kaming mga bata dahil renewal lang ng passport ang kaylangan naming gawin at pwede nanaman kaming gumala kung saan-saan. Pero hindi ako ganun. Bawala ako gumala dahil grade 5 pa lamang ako. Kawawang bata. Ang haba ng pila. May nakita ako sangkatutak na litrato na nakakalat sa sahig at pinulot ko. Binigay ko sa manong. Hindi nya ako pinansin. At ang tanging sinabi nya ay Hindi namin kilala yan. At sabay alis at tinalikuran ako. Sabi ng nanay ko, Wala silang pakielam kung kanino yan at kung ibabalik nila. Bahala na sila. Walang kai-kaibigan dito. Unahan kung Unahan. Likuran o Likuran. Walang pakielamanan. Sarili mo lang ang iisipin mo. Doon ako nabahala. Ganito na pala kasama ang mga matatanda ngayong mga panahon. Syempre, may gwapo doon sa auditorium. Kaso emo. Yak. Pero gwapo sya. HAY. Nababading nanaman ang ating bida. Pati naman kayo diba? Nababading. Arrrr. Kamakailan Hindi talaga ako gumagamit ng WordPress. Nag kataon lang na wala talaga akong magawa sa buhay ko at gusto ko nanaman mag express ng aking mga ideas. Nakakapanibago nga naman ang panahon ngayon. Masyado ng Hi-Tech. Hindi mo na alam kung paano nila ginagawa yung mga gadgets. May TV sa cellphone. May water dispenser sa pusod. Aba, malay. Mamaya, May Hi-tech na inidoro na. Hindi mo na alam. Hindi mo na namalayan. Eleven years old palang ako ngayon. Pero ang naaalala ko nalang eh yung naka pajama ako at may pinupuslit sa aircon. Yun nalang ang tanging ala-ala na naiwan sa aking isipan dahil talaga ulyanin na ako. Kaylangan ko na mag Memory Plus. Sabi nga ni Kuya Kim, Ang buhay ay Weather-Weather lamang. Pero sakin, Binabagyo na ng problema ang buhay ko. Hindi na yata ako tinulungan ng Diyos sa aking pang-araw araw na gawain. Hindi ko pa nagagawa ang project ko para sa iskwela. Hindi ko ngarin alam kung kelan ko yun ipapasa. Pero ang alam ko sa 29 pa yun ipapasa. Jusmiyo. Tinatamad na po ako. Kamakailan ay naparinggan ko ang makatalbog-dibdib na kanta ng Cebuanong banda na tinatawag na Urbandub. Isa silang banda galing sa Cebu pero ang ingles ay maka tulong dugo sa ilong. Hindi ko rin alam kung ano na ang gagawin ko sa buhay kong walang kwenta. Puno ng rebelasyon at kapahamakan. Problema at saya. Lungkot at Ligaya. Tanging pamilya ko na lamang at mga kaibigan ang nag papasaya sa aking buhay na matamlay at nag papatahan sa buhay kong umuulan ng luha. Want some Milk Tea? Sure! Imo. Hindi ko alam kung trip lang ba talaga ng tao na mag sabi ng "EMO AKO MGA #@#$!". Hindi ko rin alam kung talagang emo sila. Kung wala nga talaga silang kaibigan. Kung mag-isa lang sila sa buhay. Hindi sila nag-aaral. Hindi ko alam. Hindi natin alam. At mas lalong hindi nya alam. Kahapon, nakatuklas nanaman ako ng mga panibagong kasapi ng mga posero. Mga feeling emo na hindi naman nila litrato ang kanilang Primary Picture na kung tawagin sa mundo ng mga tao sa Friendster. At syempre, GAnIT0h sZiLAh mAg tAyFF. Hindi ko rin alam kung saan nila natutunan ang ganyang style ng pag-type. Siguro pati keyboard nila ay nag rereklamo na dahil sa paulit-ulit na pag-gamit ng Caps Lock at Shift. Talaga naman ang mga Pilipino,Amerikano at kahit naba mga skwater. Sana mga skwaters rin, May Friendster. Yuh. Nosebleed.
|
|||
|
« Next Oldest | Next Newest »
|
| Possibly Related Threads... | |||||
| Thread: | Author | Replies: | Views: | Last Post | |
| Gcash Click Blog | wakpopoman | 0 | 650 |
09-25-2009 02:43 PM Last Post: wakpopoman |
|
| 10 Blog Traffic Tips | pinoytypist | 0 | 585 |
03-27-2009 09:11 AM Last Post: pinoytypist |
|
| Blog Ko! xD | shaneeee | 26 | 2,905 |
03-21-2009 09:14 PM Last Post: shaneeee |
|
| Optional Blog page | dominicuz | 2 | 553 |
11-12-2008 06:10 PM Last Post: dominicuz |
|
| Gawa rin kayo ng blog page sa fnets.net | dominicuz | 3 | 937 |
08-30-2008 02:18 PM Last Post: katorse |
|
| my blog about cebu and the IT industry | eblogger | 1 | 562 |
09-03-2007 10:13 PM Last Post: eblogger |
|
| Kawaii-FeenQue Blog | FeenQueGurL | 1 | 633 |
07-02-2007 11:22 PM Last Post: FeenQueGurL |
|
User(s) browsing this thread: 3 Guest(s)

Search
Member List
Calendar
Help






