Join our Facebook Page



Post Reply 
 
Thread Rating:
  • 0 Votes - 0 Average
  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
  • 5
Fourteen's Short Stories- STORY THREE: SUMMER LOVE
04-11-2008, 05:24 AM
Post: #1
Fourteen's Short Stories- STORY THREE: SUMMER LOVE
Have you ever been in love during the summer time? Was it for real or just a fling? Read on the story based on what happened with my friend during the summer time late 90's.  Cool

I dedicate this story to my email bud (nagpapagawa siya ng kuwento) named JCT... :tounge:



    Kalagitnaan ng tanghaling tapat ng magkaroon ng misa sa parokya ng San Antonio, sa isang bayan sa Kabisayaan. Mangilan ngilan lamang ang nagsisimba, kalagitnaan ng sanlinggo ng araw na iyon.

    Natapos ang misa, masayang umuwi si Desire.

    "Nakangiti ka ata, sa'n ka ba galing?" puna ni Georgette, nakatatandang pinsan nito.

    Hinila ni Desire ang pinsan palayo sa pinaka - bahay nito upang makatiyak na di sila maririning ng mga magulang sa loob. "Alam mo ba, may bagong sakristan diyan sa simbahan..."

    "O ngayon..."

    "Ang guwapo, Georgette!" tawanan.

    "Ano ka ba naman, kaya ka ba nagsimba?"

    "Hindi noh...ang sama mo naman" inabot ni Desire ang dala sa pinsan "O ayan, dinalhan kita ng hamburger galing sa bayan..alam kong miss mo nang kumain niyan..."

    "Thank you...magkano?" nang aasar na tinig ni Georgette.

    "Libre yan....para di ka magreklamo at mag aya kina Tio na umuwi sa Manila" nagbabakasyon lamang si Georgette nang summer na iyon dahil katatapos lamang nitong mag aral sa kolehiyo.

    Kinabukasan...

    "Bakit ang aga mong gumising?" naalimpungatan si Georgette sa katabi nito..

    "Magsisimba ako"

    "Kasisimba mo lang kahapon di ba"

    "Ok lang iyon. Iyon naman ang gusto ni Mama di ba..kaysa naman pakikipagboyfriend ang atupagin ko ..."

    "Kunsabagay..."

    "Sama ka ba?" noon ay bihis na si Desire.

    "Hindi na, ikaw na lang. Sa Linggo na lang ako magsisimba"

    Nagmamadaling pumunta si Desire sa simbahan..nagsisimula na noon ang misa. Minsan pa ay nakita na naman niya ang sakristan. Ang nagmimisa nang umagang iyon ay si Padre San Jose, ang kura paroko ng San Antonio.

    Kilala ni Padre Jose si Desire..personal silang magkakilala kaya't nagtataka ito nang makita niyang magkasunod nang araw nagsisimba ang dalaga. Pansin din ng pari na panay ang sulyapan nila ng sakristan.

    Masaya na namang umuwi si Desire...noon ay alas 9 na ng umaga...

    "Hinahanap ka ng mama mo..di ka ba nagpaalam." si Georgette.

    "Tulog kasi siya nung umalis ako"

    "Sa susunod magpaalam ka ng maayos para di ka hanapin sa akin, alam mo naman si Tia Aurora...." tukoy sa ina ni Desire.

     Kalagitnaan noon ng Abril, mag iisang linggo na mula nang dumating ang bagong sakristan sa simbahan. Nagulat si Desire nang makita niya mula sa bakuran ang lalaking ito.

    "Maayong buntag 'day" bati ng lalaki.

    "Maayong buntag pud" tugon ni Desire.

    May kasamang ilang kabataan ang lalaking iyon. "Gusto lang naming malaman kung pupuedeng dito kami magsagawa sa inyo ng katekismo. Dito nakatira si Kapitan Luis, hindi ba" tukoy ang ama ni Desire.

    "O-oo naman..." tugon ni Desire.

    "I'm Eric..pakilala nito"

    "My name is Desire"

   Si Eric ang sakristan na nakikita ni Desire sa simbahan.

    Magmula noon ay araw araw nang nagkikita ang dalawa. Sa umaga, nagkikita sila sa     simbahan tuwing may misa, sa hapon ay sa klase ng  katekismo naman.

    Isang hapon, matapos ang klase ng katekismo...

    "Desire, may gusto kong itanong sayo wag ka sanang magalit" bungad ni Eric.

    "Ano yun?" patay malisyang tanong ni Desire.

    "Gusto ko lang malaman kung..."

    "Kung, ano?.............."

    "Kung may boyfriend ka na"

    Lihim na nangiti si Desire. Sa isip niya "ito na!"

    "Ah eh...wala naman, bakit mo naitanong?"

    "Hah? ah eh..wala naman...." katahimikan.

    "Mauna na ko, Des. Marami pa kong gagawin sa simbahan. Kita uli tayo bukas"

    Pagkaalis ni Eric, inis na inis naman ang dalaga.

    "Hmphf! Akala ko naman... hay naku"

   
    Walang ganang kumain si Desire nung gabing iyon.

    "Bakit ayaw mong kumain, may problema ba?" Usisa ni Georgette.

    "Wala lang akong gana."

    "Kelan ka pa nawalan ng gana? E pati nga sa panaginip kumakain ka" biro ng pinsan nito.

    Lalong sumimangot si Desire. "Naiinis ako kay Eric..akala ko aamin na siya kanina"

    "Sinong Eric?" Takang tanong ni Georgette.

    "Siya yung sakristan na sinasabi ko sa yo. Nagpunta siya rito nung isang linggo para magpaalam na dito gagawin yung katekismo...simula noon naging magkaibigan kami"

    "Tapos..."

    "Kanina, tinanong niya ko kung may boyfriend na ko ang sabi ko wala"

    "Ngayon..."

    "Akala ko aamin na siya...na gusto niya ko kaya niya tinanong kung may boyfriend na ako..tapos hindi pala...."

    "Yun lang nainis ka na? Des naman, magpapari yung tao guguluhin mo pa. Yun ang dapat mong alamin"

    Natigilan si Desire.
   

TO BE CONTINUED
   

Quote this message in a reply
04-13-2008, 05:20 PM
Post: #2
Re: Fourteen's Short Stories- STORY THREE: SUMMER LOVE
woOw ateh neW stoRy.. Grin
next npoH ulEt.. Zza

Visit this user's website Find all posts by this user
Quote this message in a reply
04-15-2008, 07:36 AM
Post: #3
Re: Fourteen's Short Stories- STORY THREE: SUMMER LOVE
Continuation..

Patuloy na tumatakbo ang mga araw at linggo...at ngayon nga ay katapusan na ng Abril...

Isang Linggo ng umaga..

Punung puno ang simbahan ng mga kababaihan ng araw na iyon.

Bumulong si Georgette sa pinsan..."akalain mo mula nang magkaroon ng guwapong sakristan dito sa San Antonio dumami ang mga dalagang nagsimba..."

Umirap lang si Desire. Napangiti si Georgette.

Kalagitnaan noon ng misa... sa isang tingin lamang ay nagtagpo sina Eric at Desire sa likod ng simbahan.

"Hi Eric."

"Hi..."

"Pasensiya ka na ha....gusto sana kitang invite maglunch mamaya sa bahay..."

"Ha..eh..si Father ..baka may lakarin kami afterwards..kung gusto mo sa amin ka na lang sumabay maglunch"

Natuwa si Desire sa narinig. "Talaga..sige! abangan kita sa labas mamaya"

Nauna nang umuwi si Georgette matapos ang misa...


   Nasa hapag kainan sina Padre Jose, Eric, Desire at ilang mga kasama sa simbahan.

"Gaano na kayo katagal magkaibigan ni Desire, Eric?" tanong ng pari

"Father, simula po nang magklase ako sa katekismo. Hindi ba sinabi ninyo na kausapin ko ang kapitan ng barrio para dun ko ito gawin?"

Tumango ang pari "Nagagawa mo naman ba ng maayos?"

"Opo naman" ngumiti ang pari at bumaling kay Desire.

"Iha, anong year mo na sa pasukan?"

"Fourth year highschool po."

"Ganun ba...graduating ka na pala. Ano naman ang kursong gusto mong kunin pagkatapos ng highschool?"

Napaisip si Desire.."ah foreign service po"

Napatango ang pari.."mahusay. ipagpatuloy mo yan" Maya maya pa ay natapos na silang mananghalian.

  "Eric, aakyat muna ako sa aking kuwarto para manalangin..may misa pa ako mamayang hapon. Ikaw naman, ihanda mo yung mga gagamitin ko mamaya...maliwanag ba?"

  "Opo, father."

  "Desire, maraming salamat sa pagpaunlak mo sa imbitasyon namin na dito kumain..."

  "Wala pong anuman, father."

  Yun lamang at nilisan na sila ng pari.

  "Desire, gusto ko pa sanang makipagkuwentuhan sa iyo kaso marami pa akong gagawin. Magkita na lang tayo bukas sa klase..."

  "Sige salamat....agahan mo bukas ha!"

   
  Patuloy ang pagtakbo ng magandang panahon kasabay ang banayad na hangin na dulot ng tag araw...maberde ang dahon ng puno at mabubunga ang mga bulaklak..kasabay ng gandang nasa kapaligiran ay ganun din kaaya ang damdamin ni Desire at ng kaibigan nitong si Eric. Hanggang sa.....

  "Georgette..alam mo ba may nakita akong mag asawa na papuntang simbahan kanina. Nagmano nga si Eric pagkakita sa kanila..sino kaya iyon?" si Desire.

   "Baka naman parents nya..dinadalaw siya?' sagot ng pinsan nito.

Dumalaw ang mga magulang nito kay Eric at kinumusta ang anak...

    "Kumusta na anak...maayos ba ang kalagayan mo dito?" anang Ina.

    "Mabuti naman mommy. Kumusta kayo ni dad?"

    "Ok naman kami..sana magtagumpay ka sa bokasyong pinili mo."

    Katahimikan...

    "Dad, kailangan bang magpari ako talaga"

    "Nasa sa iyo naman yan. Hindi ka namin hahadlangan sa gusto mo. Pero wag mo sanang kalimutan ang ipinanata mo noon, na sa oras na gumaling kami ng mommy mo sa sakit..ay ibibigay mo ang buong buhay sa Kanya"

    Naalala ni Eric ang lahat. Nagkaroon ng kanser ang mama nito at ang ama naman niya at may sakit sa baga. Halos maubos ang kayamanan ng kanilang pamilya sa pagpapagamot. Hanggang sa ipinanata ni Eric ang sarili para sa ikagagaling ng magulang nito. Limang taon na ang nakakaraan mula ng mangyari iyon...

    "Bakit Eric, may humahadlang ba?" ang dad nito.

    Umiling si Eric.."wala po dad.

    Matapos pa ang ilang oras ay inihatid ni Eric ang mga magulang sa bus station upang umuwi. Kasama nito ang pari na naghatid.

   "Father, kayo na po ang bahala sa aming anak" ang mommy nito.

   "Makakaasa kayo, Ben at Lisa. Susubaybayan ko ang anak ninyo habang malayo siya sa inyo" pangako ng pari.

   "Salamat. Eric, paalam na anak."

   Yun lamang at umalis nang palayo ang bus...noon ay gulung gulo ang puso ni Eric. Gusto niyang ibigin at pagbigyan ang damdamin para kay Desire..ngunit pag amin pa lamang ay di magawa dahil sa mga bagay na nararapat isaalang alang.

   Sa klase ng katekismo...

   "Hi Eric, nakita kong may dumalaw sa yo nung nakaraan sa simbahan..parents mo iyon?" usisa ni Desire.

   Nabigla ito. "Oo..dumalaw lang ..."

   "Talaga..sayang di mo ako napakilala."

   Katahimikan...

   "Gusto kong malaman mo Desire na masaya ako pag kasama kita at mula nang makilala kita..."

    natahimik si Des at nagtataka sa mga sinabi ng binata. Matapos noon ay di na umimik pa uli ito.

    Palubog noon ang araw at nasa dalampasigan ang dalawa, nakaupo sa isang bangka na nakadaong dito.

   "Hindi ko kalilimutan ang lugar na ito" si Eric.

   Nangiti si Desire. "Anong plano mo?"

   "Sa pasukan ay college na ako...sa Butuan na ako mag aaral"

   "Ano naman ang course mong kukunin?"

   "Philosophy". Bumuntung hininga si Eric. "Sana Desire...magkita pa rin tayo balang araw"

   "Oo naman..magkaibigan tayo di ba" sa loob ni Desire ay tuwang tuwa ito dahil nagkakalapit na ang loob nila ng binata.

    "Basta ang isipin mo ay mahalaga ka sa akin..." Kasabay noon ang unti unti paglubog ng araw at paglatag ng kadiliman sa paligid..


TO BE CONTINUED
   

Quote this message in a reply
04-24-2008, 04:28 AM
Post: #4
Re: Fourteen's Short Stories- STORY THREE: SUMMER LOVE
Pasensya na medyo na delay....salamat sa mga sumusubaybay sa aking kuwento... W

Quote this message in a reply
04-24-2008, 05:23 AM
Post: #5
Re: Fourteen's Short Stories- STORY THREE: SUMMER LOVE
Continuation (cant post in previous page..)

LAST PAGE.

Unang ulan sa panahon ng tag init. Noon ay dumaan si Eric sa bahay nina Desire.

"Naku, Eric, kaaalis lang ni Desire..nasa bayan siya..ano bang ipagbibilin mo?" si Georgette ang humarap dito.

"Ganun ba....dumaan lang ako dito para magpaalam...aalis na kasi ako ngayon..babalik na ako ng seminaryo"

"Hah.." nagulat si Georgette. "Ah, kung gusto mo hintayin mo siya"

Tumingin ito sa labas, "nag aabang na kasi yung sasakyan sa labas". Isang van ang nakaparada at nakaumang ang pinto...

"Sige....wala ka bang ipagbibilin?"

"Pakibigay ito sa kanya" inabot ni Eric ang sulat. "Salamat"

Yun lamang at nagmamadaling umalis si Eric. Tumalilis rin kaagad ang sasakyan na kinalulunanan nito.

Pasado alas sais..dumating si Desire.

"Desire..."

"hi, pinsan....."

Di agad nakapagsimula si Georgette..."Des, dumaan si Eric dito kanina"

"Bakit daw?" wala naman kaming usapan.

"Para magpaalam....babalik na siya sa seminaryo"

Nabigla si Desire sa ibinalita ng pinsan.

  Agad binasa ni Desire ang sulat na iniwan ni Eric..

      Des,

        Sa mga oras na binabasa mo ito ay nasa biyahe na ko..babalik na ko sa seminaryo upang ihanda  ang aking sarili sa darating na pasukan....salamat sa mga panahong iniukol mo sa akin...naging mabuti kang kaibigan sa akin habang nariyan ako. Kung alam mo lamang ang totoo kong nararamdaman para sayo...natutunan kitang mahalin ng higit pa sa kaibigan sa maikling panahon ng pagkakakilala natin. Kaya lang, may mga bagay akong dapat na isaalang alang at ayokong masaktan ka at maghintay sa wala. Ito ang buhay na pinili ko ....ginagawa ko ito para sa mga mahal kong magulang at para na rin sa aking kinabukasan. Ikaw ang magiging inspirasyon ko hanggang sa loobin ng langit na matupad ang pangarap ko. Alam kong may matatagpuan ka pang mas nararapat para sayo..taong magmamahal sayo ng lubos at ganap...sana maging magkaibigan pa rin tayo..kahit na ang pinakamasakit na bagay ay ituring na kaibigan lamang ang taong mahal mo.             

                                                                        Nagmamahal,

                                                                          Eric

Agad itinupi ni Des ang sulat ni Eric. At unti unti...pumatak ang luha nito sa unang pagkakataon nang dahil sa pag ibig.

    Walong taon ang matulin na lumipas, marami nang nabago sa lugar ng San Antonio, naging patag at kongkreto ang ilang mga daan...marami na ring mga establismyento at tindahan na naroon, ang dating eskuwelahan para sa elementarya ay nagkaroon ng panibagong gusali..at may naitayo pang eskuwahan para sa mga highschool students...higit sa lahat.....ang simbahan ay bagong gawa at pintura.

    Lulan noon ng sasakyang Expedition si Desiree, kasama pa rin ang pinsan na si Georgette na nagmamaneho....

    "Andami na palang improvements dito sa lugar ninyo, Des!" puna ni Georgette habang nagmamaneho at noon ay nagbakasyon ang magpinsan mula sa Europa. Doon na sila nagtrabaho mula nung makatapos sila ng kolehiyo...

    Nadaanan nila ang simbahan. Minsan pa ay bumalik kay Desire ang nakaraan. Isang pag ibig na di natupad noong panahon ng tag araw. Natanawan niya mula sa sasakyan ang isang kabataang babae na kausap ang sakristan sa pintuan ng simbahan....naalala niya si Eric.

    Isa na lamang alaala ang lahat.....alaala ng kahapon at kasaysayan ng di natupad na pagmamahalan nung panahon ng tag araw....


          END

   

   

Quote this message in a reply
05-03-2008, 01:23 PM
Post: #6
Re: Fourteen's Short Stories- STORY THREE: SUMMER LOVE
isang di natupad na pagibig...

sayang nman..lungkot...haha

sana may part two.. Zzb Zzb


Send this user an email Find all posts by this user
Quote this message in a reply
05-04-2008, 12:46 AM
Post: #7
Re: Fourteen's Short Stories- STORY THREE: SUMMER LOVE
^Ganun ba, salamat sa pagbasa..hazelle.. Cool

Wala na tong part 2, dahil in real life di nagkatuluyan sina Eric at Desire....nagasawa ng iba si Desire then the whereabouts of Eric is unknown up to now....

Well, i'll try to make a happier story next time..again, thanks..


Quote this message in a reply
05-04-2008, 02:59 PM
Post: #8
Re: Fourteen's Short Stories- STORY THREE: SUMMER LOVE
waAaah thE eNd naH paLa .. :cry2:
haAYyY ..

uhMM ..
xurEe Poh huH .!

quN' ndEh quH naH nBbaSA un iBang ishTorii muH ..
buSy Poh eHH ..

baSta gaWa kaH laNg' Poh naN' isHtoRii ..
paG' maii taYm riD quH ..

geH Poh ..
baBay ..

ynGatsz ..
lhaByhu ..

muahHugsz .. Grin
geNun daw eHh .. Zzw



Visit this user's website Find all posts by this user
Quote this message in a reply
05-06-2008, 02:13 PM
Post: #9
Re: Fourteen's Short Stories- STORY THREE: SUMMER LOVE
hehehe ok lang po iyon babasahin ko po lahat ng story mo maging malungkot man o masaya ang ending... O O

nga po pala a po yung pagkatapos ng z.. hazalle

hehe

di po ako galit ah..cinocorrect ko lang po ang spelling ng name ko...


thank you po ulit Grin Grin


Send this user an email Find all posts by this user
Quote this message in a reply
05-07-2008, 05:42 AM
Post: #10
Re: Fourteen's Short Stories- STORY THREE: SUMMER LOVE
thanks...basahin ko rin kuwento mo....mas madali kasi itype yung hazelle kaya pagpasensyahan mo na.

Quote this message in a reply
Post Reply 


Possibly Related Threads...
Thread: Author Replies: Views: Last Post
  Short Story About Abortion earth-angel 0 71 01-11-2012 09:28 PM
Last Post: earth-angel
  Butterflies Love – An Amazing story ms vulnerable 0 303 09-29-2011 05:07 PM
Last Post: ms vulnerable
  Unconditional Love – True Story! ms vulnerable 0 204 09-29-2011 05:05 PM
Last Post: ms vulnerable
  para sa iyo -==short story==- tignan naman natin ang side ni nathan^^ hazalle_calla 10 2,932 05-06-2011 07:00 PM
Last Post: niquelicious
  para po dun sa mga nag popost nung own stories na sinulat niya ~bluesmine~ 7 4,265 02-20-2011 01:45 PM
Last Post: jojo_d_dreamer
  just another short story . dominicuz 1 611 07-23-2010 08:59 AM
Last Post: blackjade
  A love story [read niyo to...kakaiyak] ~bluesmine~ 4 1,715 07-23-2010 12:59 AM
Last Post: blackjade
  A TRAGIC LOVE STORY>> PLS READ trina21 19 2,455 07-23-2010 12:25 AM
Last Post: blackjade
  Silent Love Story ~bluesmine~ 3 1,234 06-30-2010 03:07 AM
Last Post: smithshn
  this is a love story.. that would really touch ur heart.. promise.. read this. brutally_frank 55 5,579 04-06-2010 09:18 PM
Last Post: princess21

Forum Jump:


User(s) browsing this thread: 1 Guest(s)