Join our Facebook Page



Post Reply 
 
Thread Rating:
  • 0 Votes - 0 Average
  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
  • 5
para sa iyo -==short story==- tignan naman natin ang side ni nathan^^
07-19-2008, 09:05 AM (This post was last modified: 10-02-2008 09:48 PM by hazalle_calla.)
Post: #1
para sa iyo -==short story==- tignan naman natin ang side ni nathan^^
Para Sa Iyo


naaalala ko pa yung mga panahong una tayong nagkakilala bilang magkaklase
syempre masaya ako dahil ikaw ang nakatabi ko crush ka kaya ng bayan
at crush ka din ng bestfriend ko
kaya masaya ako


akala ko nga nung una masungit ka at mayabang
paano di ka kasi namamansin lalo na sakin
kahit na magkatabi na tayo ngayon
naaalala ko pa nga noon dumadayo ka pa sa ibang pwesto para lang
                     makipagdaldalan gayong pwede naman sakin


ang hirap kaya, kaya sobra akong nainis sa iyo noon
pinipilit kong itago yung inis ko pagandyan yung bestfriend ko at
                     nagpapakwento ng tungkol sayo
minsan nga pinagtatakpan pa kita sa kanya para lang hindi masira yung imahe mo sa kanya
para manatili kang malaprinsipe sa paningin nya, walang anumang kapintasan


dahil nga doon lagi kitang tinatarayan, sinusungitan kahit na minsan
         ay may itatanong ka lang sakin
siguro nga akala mo noon lagi akong "mayroon"
dumaan ang mga araw, at ilan pang mga linggo
alam kong pareho na tayong nahihirapan ngunit itinuloy ko pa rin


bigla na lang dumating ang isang araw
sobra akong nabigla sa ginawa mo
nasa canteen ako noon kumakain kasama yung mga kaibigan ko, ang kalat nga eh
                     para kaming mga bata
ayos lang naman iyon wala namang pansinan sa canteen eh


bigla naman kayong dumating, ikaw at yung barkada mo
ang lakas nga ng hangin noon eh
kala ko naligaw lang kayo, kala ko sa auditorium sadya nyo
paano ba naman kasi yung dalawa may dalang gitara, yung isa may beat box.. sa isip ko
                     ayos ah, para lang magcoconcert


hindi ko na kayo pinansin noon kasi nasa kabilang dulo naman kayo pumwesto, pero parang
                     may iba akong naramdaman..
sabi ng kaibigan ko "grabe ang swerte natin katapat natin sila oh!"
inisip ko naman noon ano naman bakit espesyal ba sila?
hindi ko na lang pinansin baka kasi mag-away pa kami, kayo kasi
                     kadalasan pinag-aawayan namin


nagulat na lang ako bigla ba namang may kumanta, gawin daw bang stage yung canteen?
hinanap naman namin kung sino yung kumakanta
napalingon ako sa likod namin
nakita ko "kayo"


at nakatitig ka sa [glow=green,2,300]akin[/glow]
ewan ko pero parang nakaramdam ako ng kaba at ng kakaibang pakiramdam, tuwa kaya iyon?
kumakanta ka habang nakatitig sa akin
grabe, pakiramdam ko nalulusaw na ako.. nakatitig lang naman din ako sa iyo hindi                                      
                     ako makatingin sa malayo, parang may nagsasabi sa akin na tumingin lang sa,yo


ikaw pala yung kumakanta , ang ganda grabe ang lamig ng boses mo
bigla ka na lang ngumiti habang papatapos na yung kanta
ano naman kaya ibig sabihin noon?
naisip ko tuloy, may kinalaman kaya ako dito?


nagulat ako bigla ka na lang naglakad papunta sa amin
at ewan ko na lang kung saan nanggaling yung nagiisang blue rose na hawak mo
kinabahan ako, pakiramdam ko kasi para sa akin yun, mahilig kasi ako sa blue at
                     paborito ko rin yung rose
at habang naglalakad ka, ewan ko lang ha, pero parang madadapa ka pa ata sa kaba


nandito ka na sa tapat namin pero hanggang ngayon wala ka pang sinasabi
inabot mo yung rose, kanino pa e di sa akin
nararamdaman ko nagbublush na ako
gawin daw ba dito yung ganyan? Hello ang dami kayang tao rito


nakita ko naman yung bestfriend ko na nagdilim yung mukha niya
batid ko nalungkot siya, akala niya talaga siguro para sa kanya yung performance at
                    kung ano-ano pang efforts na ginagawa ng prince charming niya [glow=green,2,300]sa akin  [/glow]
napansin ko na parang nalungkot siya kaya lang dinaan na lang niya sa ngiti
na para bang nagsasabing “ok lang ako”


at ayan ka na nga inaabot mo sa akin yung bulaklak
ayoko sanang kunin dahilan nga ng sa bestfriend ko
kaya lang nakita ko naman siyang sumenyas na kunin ko
kaya tinanggap ko na rin


nakita naman kita na napatingin sa barkada mo na parang sinasabing “ayos!”
tapos ayon todo ngiti ka na
syempre may kasunod pa yan
sabi mo “Czare, uy sori na kung ano man yung mga nagawa ko, sori na
                     sa lahat ng maling nagawa ko, sori na please”


at di lang yan nagpuppy dog eyes ka pa, nagpapaawa pa
syempre umoo na lang ako kasi matagal na rin namang gusto kitang kaibiganin kaya lang
                     parang ikaw yung umiiwas sa akin
“friends na tayo?” yan pa ang sabi mo noon, sabi ko oo naman lupet ng efforts mo eh
malay ko bang sa sobrang tuwa mo noon nagtatatalon ka, parang nanalo sa lotto


tapos niyakap mo pa ako noon
naguiguilty tuloy ako, paano nandyan yung bestfriend ko, yung may gusto sa iyo
                     tapos eto ka at yakap-yakap ako
inalis kita sa pagkakayakap mo, sabi ko close na tayo?
sabi mo tuloy “hehe, sori nabigla eh, masaya kasi eh”


tapos iyon kumalat yung balita dito, doon
ang nasa headlines syempre ikaw at ako
nagalit ka dun sa mga nakikichismis tapos sabi mo pa,
“para yun lang pinagtsitsismisan nyo na, itigil nyo na nga yan”


nagulat ako noon, para yun lang
wala pa sa kanyang effort yun?, e buong school na nga yung pinakitaan nya
pagkasabi mo noon wala na nga ako ng narinig na usap-usapan tungkol
                     sa ating dalawa
sayang feel na feel ko pa naman na nasa headlines ako, grabe sikat ako


pagkatapos nga ng pangyayaring yan kung anu-ano binibigay mo sa akin
                     chocolates, stuff toy- yung maliit lang naman
akala nga nila noon nililigawan mo na ako
tumawa ka noon ng pakunwari ngunit may sumilid na ngiti sa,yo na parang natuwa
                     ka na may nakahalata
pero ang sagot mo naman yung sagot showbiz, “hindi no friends lang kami”


tapos yun na nga mabilis yung mga pangyayari naging close na agad tayo
na para bang hindi ka mabubuhay ng isang araw na di mo ko nakikita o nakakasama
syempre parang ganoon din yung naramdaman ko
naging super close tayo, turing ko na nga sa iyo super bestfriend na lalaki


napapansin ko rin noon nilalayuan na ako ng bestfriend ko
kinompronta ko sya sa likod ng building ng school natin
sabi nya ok lang daw sya, pero pansin ko yung bigat ng loob niya
tapos sinabi na nga niya sa akin lahat, mula nung kinantahan mo ako sa canteen noon


naguilty talaga ako, sobra
alam ko kasing totoo yun, hindi ko naman itinatanggi
nagkaaminan na nga kaya nalaman ko na rin na hindi na lang pala basta “crush”
                    ang nararamdamn niya sa iyo, mahal ka na niya
tinanong niya sa akin kung may pagtingin daw ba ako sa iyo, sabi ko wala best friend lang talaga


sumaya siya naman noon bigla, tapos nagpapatulong pa siya sa akin na maging close kayo
at eto akong baliw umoo naman
sobrang saya niya noon, nakalimutan ko na tuloy tignan sa puso ko kung okay lang
                    ba talaga
hindi ko na lang pinansin yung kaunting kirot na naramdaman ko


dumaan pa nga yung mga buwan, tinulungan ko siya sa iyo
syempre pakila pakilala at dahil nga naturingang friendly ka, close na agad kayo
masmalapit na kayo kaysa tayo
lagi na kayong magkasama sa kanya ka na nagpapaturo, parang kayo na nga yung
                     bestfriends eh, nalungkot ako noon


napansin mo rin pala na sadyang iniiwasan kita
kaya isang beses habang nagkaklase tayo may binulong ka sa akin
sabi mo “wag ka nang magtampo dyan, ikaw lang naman yung mahal ko eh”
nung ina ang babaw lang ng intindi ko dyan


saka ko lang naintindihan nung nagtapat ka sa akin
grabe nga ang ginawa mo noon eh
dun daw ba sa stage magtapat? Grabe talaga ang takbo ng isip mo
ang saya ko noon grabe, feeling ko nasa ulap na ko


declamation kasi natin noon, at kailangan sa stage daw tayo sa labas ng room para daw sa paghahanda natin noon sa impromtuos speech
tapos na talaga yung piece mo noon kaya lang sabi mo kay ma,am “saglit lang po
                     ma,am penge pong three minutes”
at dahil nga mabait si ma,am pinagbigyan ka nya
nun ka nagtapat sa akin gamit ang isang tula na ikaw pa ang gumawa


natuwa ako ng sobra noon syempre kasi narealize kong  [glow=dodgerblue,2,300]mahal din kita[/glow]



===============================================================================

ok po ba? shall i make the continuation?
please reply on this
Send this user an email Find all posts by this user
Quote this message in a reply
07-23-2008, 04:32 PM
Post: #2
Re: para sa iyo -==short story==- pov ni czare, girl sana basahin nyo^^
waaaaaaaaaaahh very nice ituloy mo po Grin

Little Chef

[Image: 125327vehjruzezk.gif]

“"Anybody can make you enjoy the first bite of a dish, but only a real chef can make you enjoy the last.”"

-Francois Minot
Find all posts by this user
Quote this message in a reply
07-23-2008, 11:38 PM
Post: #3
Re: para sa iyo -==short story==- pov ni czare, girl sana basahin nyo^^
(07-23-2008 04:32 PM).bluesmine. Wrote:  waaaaaaaaaaahh very nice ituloy mo po Grin

hehe...thank you po ng marami!!

tutuloy ko po sya pramis!! Grin  Cheesy
Send this user an email Find all posts by this user
Quote this message in a reply
09-05-2008, 05:37 AM
Post: #4
Re: para sa iyo -==short story==- pov ni czare, girl sana basahin nyo^^
kabitin nman tuloy nyo po hihihi Big Grin
Find all posts by this user
Quote this message in a reply
10-02-2008, 09:25 PM
Post: #5
Re: para sa iyo -==short story==- pov ni czare, girl sana basahin nyo^^
eto na po yung kasunod


[color=dodgerblue]Para Sa Iyo

[glow=hotpink,2,300]para sa iyo czare[/glow]







sikat daw ako  sa campus, ni hindi ko nga alam kung paano nangyari yun eh
di naman ako close sa girls at lalo naman di naman ako matalino
pero ewan ko ba at baliw na baliw sila sa akin
makita lang nila akong dumadaan sa harap nila kinikilig na agad sila


ngunit nung una kong ibinaling ang paningin ko sa iyo
hindi ko alam kung bakit hindi na kita maalis sa isipan ko
at ang larawan ng mukha mo ang parati kong naaalala
alam kong “corny” pero anong magagawa ko kung ganoon naramdaman ko


hindi ko nga maintindihan kung bakit ganoon eh di ka naman maganda
pero ewan ko ba! Para kasing may pwersang tumutulak sa akin na paulit-ulit na isipin ka
kung sinuswerte ka nga naman, naging magkaklase tayo ng sumunod na taon
higit pa rito ay naging magkatabi pa tayo


sobrang saya ko nun
kaya kang hindi ko alam kung paano ka kakausapin
naiinis nga ako sa sarili ko eh! Katabi na kita at lahat para lang kausapin ka hindi ko pa magawa
siguro nga iniisip mo na ngayon na napakalaki kong snob


bakit ba kasi ako natotorpe sa harap mo?
madali ka naman kausapin at friendly naman ako di ba?
at dahil nga natotorpe akong kausapin ka, pumupunta pa ako dun sa iba nating kaklase na kungtutuusin ay
malayo sa pwesto natin
siguro nga iniisip mo na ngayon na masungit at mayabang ako


pakiramdam ko nga nagsisisi ka at naging magkatabi tayo
feeling ko tuwing kausap mo yung bestfreind mo eh kinukwento mo yung mga nagyayari sa atin sa room
na parang nagsusumbong ka sa mga ginagawa ko sa iyo
pero ang pinagtataka ko bakit bigla na lang siya ngumingiti kapag dadaan ako habang magkausap kayo
at parang nagblublush pa ata sya


naiisip ko tuloy minsan kung ano yung kinukwento mo sa kanya
kung paanong hindi kita kinakausap?
kung paanong  tinatarayan mo ako kahit nagtatanong lang naman ako sa iyo?
naisip ko tuloy na dahil sa kasungitan mong iyan ay lagi kang meron, diba ganun naman iyon? 
masusungit ang mga babae kapag meron sila? Kaya lang ang pinagtataka ko ang dalas kasi nung iyo eh


napapansin ko na nga na nadadalas na yung pagtataray mo sa akin
ang galing nga eh, yung iba humahanap pa talaga ng paraan para lang makausap ako tapos ikaw
tinatalikuran mo lang ako kapag kakausapin na kita..
minsan tuloy naiisip ko “ano ba talaga ang nagustuhan ko sa iyo?”
tanungin ko man ang sarili ko hindi ko rin naman alam kung bakit..


matagal-tagal din nagtagal ang mga ganitong pangyayari..
nang hindi ko na makayanan, ako na ang gumawa ng paraan upang mapalapit ako sa iyo
mataas man ang pride ko, linunok ko na lahat para lang sa iyo
hindi ko na kasi matiis yung ganitong mga pangyayari at hindi ko na rin matiis yung
nararamdaman ko para sa iyo

Send this user an email Find all posts by this user
Quote this message in a reply
10-02-2008, 09:37 PM
Post: #6
Re: para sa iyo -==short story==- pov ni czare, girl sana basahin nyo^^
ako ang nagplano ng lahat, ng araw, ng oras at ng mga kakuntyaba
dumating na rin yung araw na pinagplanuhan ko
kasama ko ang mga kaibigan ko, dalawa ang may dalang gitara at yung isa naman ay mag dalang beatbox
napunta kami ng canteen ng kakahanap sa iyo


ang weird namin no? dapat talaga kasi sa auditorium namin gagawin to kaya lang di kami
pinayagan ng ng magaling nating titser
kaya eto ngayon on the spot, kung saan ka namin makita dun na..
at napakaswerte naman talaga at nakita ka naming sa canteen kumakain kasama yung mga kaibigan mo
napatingin ako sa iyo at napangiti, ang cute mo kasing kumain para kang bata, ang dumi ng bibig mo
para kang hindi ka second year college ng lagay na yan, feeling ko tuloy grade six ka lang


nung napatingin ka sa akin, agad mong iniwas yung tingin mo at pinunasan yung bibig mo
lumakad na rin kami nun, dun kami sa may kabilang dulo ng canteen pumwesto
habang inaayos na nila yung set-up namin, napatingin ulit ako sa iyo at napangiti ewan ko nga basta
napangiti ako at naisip ang magiging reaksyon mo sa gagawin namin
nakita ko naman na tinuro ako ng kaibigan mo tapos napasimangot ka naman.. tungkol saan naman yun?


sigurado akong may kinalaman ako dun, ang inaalala ko lang talaga ay kung bakit ka sumimangot eh
naputol yung mga iniisip ko nung sinabihan ako ng kaibigan ko na nakaayos na daw ang lahat
syempre ano pa nga ba, ako ang bokalista
sana nga lang sa gagawin kong ito pansinin mo na talaga ako, aba nilunok ko na ang pride ko para dito
paghindi pa mo rin ako pinansin, hahalikan kita dyan!


nagsimula na nga sila magstrum at nagbeat dun sa beatbox at dun sa mga gitara nila
at sinumulan ko na rin yung pagkanta ko
nakita ko naman nung naglinga-linga ka na hinahanap kung sino ang kumakanta
nakita mo naman kami at tinignan mo kami na parang sinasabing bakit kayo nagcoconcert dyan?
Humanap nga kayo ng stage hindi dito sa canteen


nakatitig lang ako [glow=hotpink,2,300]sa iyo[/glow] nun habang kumakanta ako
nasiyahan ako nung hindi mo na iniwas yung tingin mo, nakatitig ka lang din sa akin
may kakaiba akong naramdaman habang nagtititigan tayo
hindi ko maipaliwanag, parang masaya na kinakabahan na nahihiya, basta halo-halo talaga


papatapos na rin nun yung kinakanta ko
napangiti na lang ako kasi pinapanood mo ako at hindi ka tumingin sa iba habang kumakanta ako
ewan ko ba sa puso ko at bakit ganito yung pintig niya ngayon, masyadong hindi normal
mabilis yung tibok niya pero kasabay nito ay mabagal din.. ang gulo no


naglakad na ako nun papunta sa iyo
syempre dala dala ko yung paborito mong bulaklak at kulaym, isang blue rose
nalaman ko ito sa pamamagitan ng magagaling kong sources
ewan ko lang pero habang naglalakad ako papalapit sa iyo ay parang madadapa ako,
[glow=hotpink,2,300]para kasing nanlalambot yung tuhod ko eh[/glow]


nung nandyan na ako sa tapat mo tumigil muna ako ng saglit parahuminga
ng malalim at kumuha ng buwelo
inabot ko yung [glow=hotpink,2,300]rose[/glow] sa iyo
nakita ko naman na bigla ka na lang nagblush
kaya medyo nagblush din ako pero kaunti lang kaya wala masyadong nakahalata


nakita ko naman na napatingin ka sa bestfriend mo
at napansin ko na yung kaninang ekspresyon nya na masayang-masaya ay biglang nag-iba
bakit parang nag-dilim yung itsura niya?
Pero saglit lang din naman at nakita ko na siya na ngumiti pero halata namang pilit


Tumingin naman ako sa mga kabarkada ko nung kinuha mo yung rose na parang sinasabi na “ayos!”
tapos napangiti ako,yung abot tenga hindi ko nga maipaliwanag pero lately talaga kapag naiisip kita bigla na lang   
            akong napapangiti, hindi pa naman ako yung taong palangiti at palatawa
pagkatapos nun sabi ko “Czare, uy sori na kung ano man yung mga nagawa ko, sori na
sa lahat ng maling nagawa ko, sori na please”
todo sorry ko na nun kahit hindi ko naman talaga alam kung ano yung inihihingi ko ng tawad


syempre ginamitan ko pa ng charms, nagpaawa effect pa ako
natuwa ako ng sobra nung umoo ka
tapos tinanong kita kung friends na tayo para naman makatiyak
ang sabi mo naman “oo naman lupet ng efforts mo eh”
sa sobrang tuwa ko nun,nagtatatalon ako na parang nanalo sa lotto
[glow=hotpink,2,300]at yung mga kamay ko naman gumalaw ng kusa at yinakap ka[/glow]
Send this user an email Find all posts by this user
Quote this message in a reply
10-02-2008, 09:43 PM (This post was last modified: 10-02-2008 09:47 PM by hazalle_calla.)
Post: #7
Re: para sa iyo -==short story==- pov ni czare, girl sana basahin nyo^^
inalis mo naman agad yung pagkakayakap ko sa iyo tapos sabi  mo “close na tayo?”
syempre kailangan ng konting palusot kaya sabi ko “hehe, sori nabigla eh, masaya kasi eh”
tapos kumalat na nga yung balita
at biruin mo yung nasa headlines tayo, kahit saan ako pumunta naririnig kong ang topic ay tayo


pinagsabihan ko yung mga nagtsitsismisan, mamaya kasi yan pa ang maging dahilan
kung bakit hindi mo na naman ako pansinin
sabi ko doon sa mga nagtsitsismisan “para yun lang pinagtsitsismisan nyo na, itigil nyo na nga yan”
parang nagulat ka nga noon sa mga sinabi ko
pagkatapos na pagkatapos noon ay wala na nga akong narinig na usap-usapan tungkol sa atin


naging close na nga tayo nun, tapos lagi kita binibigyan ng kung anu-ano
             chocolates, stuff toy hindi naman araw-araw kapag natripan ko lang at yung maliliit lang naman
tapos may mga nakapansin akala nila nililigawan na kita
pero syempre ang sagot ko yung sagot showbiz “hindi no friends lang kami”
pero napangiti naman ako dahil may nakakahalata ng mga ginagawa ko sa iyo
habang naging masmalapit tayo sa isa,t-isa, lalong lumalalim ang nararamdaman ko sa iyo
sa bawat araw na lumilipas na para bang hindi ako mabubuhay ng hindi ka nakikita


napansin ko na hindi na lagi kayo nagkakasama ng bestfriend mo
napaisip tuloy ako kung nag-away ba kayo o nagkatampuhan
sayang naman yung pagkakaibigan ninyo kung mawawala lang
kaya nakaisip ako ng ideya, kung magiging malapit din ako sa kanya edi tayong tatlo na lagi ang magkakasama at hindi na kayo magkakatampuhan ng bestfriend mo


pinakilala mo nga siya sa akin, at hindi naman nagtagal at naging close na rin kami
hindi ko nga alam kung ano ang nangyayari, basta ang alam ko  malayo sa naging ideya ko
naging close kami pero napansin ko naman na iniiwasan mo na ako
hindi ko naman alam kung bakit, wala naman akong ginagawang masama


kaya nga minsan habang nagkaklase tayo binulungan kita ng “wag ka nang magtampo dyan,
             [glow=hotpink,2,300]ikaw lang naman yung mahal ko eh[/glow]” ewan ko ba kung bakit ko nasabi yun
basta na lang kasing lumabas sa bibig ko eh
tapos pagkatapos nun nanahimik na lang ako at laking pasalamat ko nung hindi ka na nagtanong
kung bakit ko sinabi yun
basta hahanap ako ng magandang tiyempo para makapagtapat sa iyo, yung perpekto


naisip kong gumawa ng tula
“corny” man na maituturing ito ang naisip ko na pinakasweet na sabihin
bago ako tuluyang magtapat sa iyo
inabot din ako ng siyam-siyam para lang magawa at mabuo to
may paenglish-english pa kasi akong nalalaman eh,
syempre naisip ko kasing mas sweet kapag english


tsaka irerecite ko ito pagkatapos kong magdeclamation, yun lang kasi ang naisip kong
perfect time para magtapat eh,
at isa pa mabait naman yung titser natin dun kaya siguradong papayagan ako
sana nga lang magustuhan mo yung tulang ginawa ko para sa iyo
at sana lang din ganoon ang nararamdaman mo para sa akin


dumating na rin ang araw ng declamation
kinakabahan ako sobra, sa stage gagawin yung declamation para daw
sa paghahand sa impromptus speech
tapos na yung speech ko nun pero hindi pa ako bumababa
humingi ako ng three munites kay ma,am, at dahil nga mabait si ma,am ay pinagbigayan niya ako


nagtapat ako nun gamit yung tulang sinulat ko para sa iyo, at pagakatapos nun ay sinabi kong

[glow=dodgerblue,2,300]mahal kita[/glow]
Send this user an email Find all posts by this user
Quote this message in a reply
11-16-2008, 01:55 AM
Post: #8
Re: para sa iyo -==short story==- tignan naman natin ang side ni nathan^^
SUPER GANDA HAI .......................!!!!!!!!!!!!!! SNA MAY CONTINUATION PA BITIN KC eh!!!!!!!!!!!!!!
Visit this user's website Find all posts by this user
Quote this message in a reply
11-16-2008, 03:15 PM
Post: #9
Re: para sa iyo -==short story==- tignan naman natin ang side ni nathan^^
(11-16-2008 01:55 AM)“mhel•14” Wrote:  SUPER GANDA HAI .......................!!!!!!!!!!!!!! SNA MAY CONTINUATION PA BITIN KC eh!!!!!!!!!!!!!!

hi po!!  Grin

hehe...thank you po sa pagaappreciate!!

may continuation pa po ito don't worry.. Zzb

hehehe...hindi ko po ito iiwang hanging Cheesy Cheesy



thank you po talaga sa pagpopost dito at pagbabasa Cheesy Grin
Send this user an email Find all posts by this user
Quote this message in a reply
05-06-2011, 07:00 PM
Post: #10
RE: para sa iyo -==short story==- tignan naman natin ang side ni nathan^^
(11-16-2008 03:15 PM)hazalle_calla Wrote:  [quote='“mhel•14”' pid='361331' dateline='1226771721']
SUPER GANDA HAI .......................!!!!!!!!!!!!!! SNA MAY CONTINUATION PA BITIN KC eh!!!!!!!!!!!!!!

hi po!!  Grin

hehe...thank you po sa pagaappreciate!!

may continuation pa po ito don't worry.. Zzb

hehehe...hindi ko po ito iiwang hanging Cheesy Cheesy



thank you po talaga sa pagpopost dito at pagbabasa Cheesy Grin

[/quo


pLease! tuLoy nyo pa p0h!Kiss
Send this user an email Find all posts by this user
Quote this message in a reply
Post Reply 


Possibly Related Threads...
Thread: Author Replies: Views: Last Post
  Short Story About Abortion earth-angel 0 143 01-11-2012 09:28 PM
Last Post: earth-angel
  just another short story . dominicuz 1 687 07-23-2010 08:59 AM
Last Post: blackjade
  Fourteen's Short Stories - STORY ONE: CLASSROOM katorse 20 4,560 01-12-2010 10:41 AM
Last Post: anghielyn
  --* sad . inspirational . short . painful . twisted fairytale . stories . reizhabiel 26 4,867 05-09-2008 07:06 PM
Last Post: reizhabiel
  Fourteen's Short Stories - STORY TWO: THREESOME katorse 14 3,558 05-07-2008 05:46 AM
Last Post: katorse
  Fourteen's Short Stories- STORY THREE: SUMMER LOVE katorse 10 2,782 05-07-2008 05:42 AM
Last Post: katorse
  sHoRt but iNtErEsTiNg.... iTsY_bItSy 9 1,280 03-29-2007 12:57 PM
Last Post: eraserheads214
  to all the writers here in short stories and poems ~bluesmine~ 7 1,844 11-19-2006 08:17 PM
Last Post: ~bluesmine~
  collection of short stories!!! rainzyd 3 1,161 11-06-2006 11:48 PM
Last Post: rainzyd
  life is short.... but love is shorter jhared 1 1,026 10-08-2006 09:07 PM
Last Post: jhared

Forum Jump:


User(s) browsing this thread: 1 Guest(s)