Join our Facebook Page



Post Reply 
 
Thread Rating:
  • 0 Votes - 0 Average
  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
  • 5
Para sayo Anak ko
08-01-2008, 07:24 PM
Post: #1
Para sayo Anak ko
Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensyahan. Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan, huwag mo sana akong kagagalitan. Maramdamin ang isang matanda. Nagse-self-pity ako at tuwing sisigawan mo ako.

Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan ng "binge!" paki-ulit nalang ang sinabi mo o pakisulat nalang. Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako.

Kapag mahina na tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.

Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit ulit na parang sirang plaka. Basta pakinggan mo nalang ako. Huwag mo sana akong pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan. Natatandaan mo anak noong bata ka pa? kapag gusto mo ng lobo,paulit- ulit mo 'yong sasabihin, maghapon kang mangungulit hangga't hindi mo nakukuha ang gusto mo. Pinagtiyagaan ko ang kakulitan mo.

Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy matanda, amoy lupa. Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang katawan ko. Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan. Natatandaan mo noong bata ka pa? pinagtiyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.

Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako'y masungit, dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin. Kapag may konti kang panahon, magkwentuhan naman tayo, kahit sandali lang. inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap. Alam kong busy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik na akong makakwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kwento ko. Natatandaan mo anak, noong bata ka pa? Pinagtiyagaan kong pakinggan at intindihin ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy bear.

At kapag dumating ang sandali na ako'y magkakasakit at maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong
pagsawaan alagaan. Pagpasensyahan mo na sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan, pagtiyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay. Tutal hindi na naman ako magtatagal.

Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan.

At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha, ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka sana ...



dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama't ina...




:animcry:    :animcry:    :animcry:
Visit this user's website Find all posts by this user
Quote this message in a reply
09-07-2008, 05:53 PM
Post: #2
Re: Para sayo Anak ko
waw... ni-play namen to sa church last3 holy week.. san mu po ito nakuha?!
Visit this user's website Find all posts by this user
Quote this message in a reply
09-29-2008, 01:31 PM
Post: #3
Re: Para sayo Anak ko
ang ganda naman sana marami makabasa ni2 kc ang ganda talaga natouch ako sobra!!!!...
lahat naman ng bagay narerealize mo kapag nagkamali ka di ba? kaya sana mahal natin ung mga magulang natin ang mgamagulang natin tulad ng pagmamahal nila sa atin ......
Visit this user's website Find all posts by this user
Quote this message in a reply
10-11-2008, 07:32 PM
Post: #4
Re: Para sayo Anak ko
wow naalala ko to.. pinabasa samin to dati nung retreat namin.. ganda nito dami umiyak samin

na miss ko tuloy ang retreat

super emotional :crybaby:

nice letter :animcry: :animcry:

Little Chef

[Image: 125327vehjruzezk.gif]

“"Anybody can make you enjoy the first bite of a dish, but only a real chef can make you enjoy the last.”"

-Francois Minot
Find all posts by this user
Quote this message in a reply
Post Reply 


Possibly Related Threads...
Thread: Author Replies: Views: Last Post
  Ang Masunuring Anak Satanista666 0 532 05-11-2010 02:37 PM
Last Post: Satanista666
  Para sayo jezsen91 1 880 12-17-2005 01:30 PM
Last Post: jezsen91

Forum Jump:


User(s) browsing this thread: 3 Guest(s)