|
Join our Facebook Page |
|
|
|
|
Forever and Always
|
|
09-27-2008, 01:41 PM
Post: #1
|
|||
|
|||
|
Forever and Always
This story is dedicated to all fnets people ..especially to the avid readers of the short stories i make...
Love you all..mwah! a isang ospital sa isang lunsod sa Metro Manila, OB section... "I'm sorry Jason...." maluha luhang sambit ni Marianne. HIndi umimik si Jason. Sa halip ay hinawakan nito ang kamay ng asawa. Hysterectomy ang procedure na ginawa kay Marianne. Tinanggalan siya ng buong matris dahil sa laki ng cyst sa loob nito at ito ang naging payo ng OB na tumingin sa kanya. Limang taon nang kasal sina Jason at Marianne noon. Biglang sumagi sa isipan ni Marianne ang mga pangako nila ni Jason sa isa't isa bago pa makasal. "Lima sana ang gustong anak" pabiro ni Jason "Ang dami naman! Hindi kaya ako mahirapang manganak niyan?" "Of course not...kung gusto mo simulan na nating gawin ngayon?" si Jason pa. Natawa si Marianne. "Basta ba kaya mong buhayin magiging anak natin, why not!?" napakasaya ng bawat isa ng mga oras na iyon. Ikinasal sa San Agustin Church ang mag asawa..maraming panauhin ng araw na iyon. Puno ang venue ng mga kaanak, kaibigan at mga taong may halaga sa kanila. "Congratulations, Jason. Ingatan mo sana ang aking unica hija". bilin ni Atty Perez, ikalawang ama ni Marianne. "Yes, dad. I promise to take care of her" sabay halik sa pisngi ng asawa. "Saan ang honeymoon ninyo niyan?"Tanong ng maid of honor na si Jade, pinakamalapit na kaibigan ni Marianne. "Sa Paris. Nakabook na nga yung flight namin next week". tugon ni Marianne. "wow ang bongga naman!" sabad ni Andrew, ang gay na kaibigan ni Jason na siyang bestman sa kasal. "Join ako diyan!" "Huwag na noh! at baka mamalayan ko eh katabi mo na ang husband ko!" pabirong tugon ni Marianne. Kasabay noon ay pumaibabaw ang tawanan at kagalakan sa lugar na iyon. Ginawa sa Casa Manila ang reception. Umabot ng humigit kumulang na 300 ang mga panauhin. "What else can i say? Bonggacious talaga ang wedding ng ating bride" si Andrew. "Sana sa kasal mo rin.." si Jade. "Hay naku, pag na approve na yung same s*x marriage, go na!" "Kahit kailan di mangyayari yun Andrew, dito pa sa Pilipinas.." sabad ni Jeff, kapatid ni Jason na abay rin sa kasal. "E di i'll go abroad.." nahinto ang usapan nila ng biglang ipinakilala ang bagong mag asawa sa madla. "Presenting..the newlyweds..Jason and Marianne! Long live to both of you" Nagpalakpakan ang mga bisita. Isang sayawan ang ginanap matapos niyon sa saliw ng Orchestrang tumugtog sa kasal nila. "I'm so happy today, Jason" si Marianne. "I'll do everything to make you happy my love". Nagbakasyon sa Paris ang bagong mag asawa matapos ang kasal. "Ingat doon, anak" bilin ni Gng. Mildred Perez, ina ni Marianne. "Opo mommy. Anong gusto ninyong pasalubong?" "Ang makauwi ka ng ligtas ay sapat na..." si Atty Perez. "Dad, thanks so much. Kahit di ninyo po ako tunay na anak...minahal ninyo akong parang nanggaling sa inyo. Hindi talaga nagkamali si mommy ng pagpili sayo" si Marianne. "Lahat ng mahal ng mommy mo ay mahal ko rin" sabay niyakap nito ang stepdaughter. "Ikaw na ang bahala sa kanya, Jason" bilin ni Gng Perez. "Yes, mommy." tugon ni Jason. Naging masaya ang unang taon nina Marianne lalo't suportado sila ng parehong partido. Samantala... "Anak, sana maging matibay ang pamilya mo...hindi kaparis namin ng mommy mo....naging mahina kami sa mga pagsubok sa buhay" bilin ni G. Yuzon, may ari ng pinakamalalaking grocery sa buong Luzon. "Yes, dad. I'll remember that" "Well, ibibigay ko sayo ang house and lot natin sa Tagaytay. Doon na san akayo tumira ni Marianne" "Po? sigurado kayo?" "Oo naman, there's nothing i cannot give to my son" "Thank you dad" Doon nanirahan ang mag asawa nang halos isang taon nang biglang may matanggap na overseas call si Jason. "Hello, anak?" "Mommy?" si Dra Belinda Barford ang nasa kabilang linya. Ina ni Jason na ngayon ay nasa Germany. "Anak, pasensiya kung di ako nakarating sa kasal mo. Marami kasing ginagawa sa hospital lalo't ngayon, ako na ang administrator ng hospital." may ari ng hospital ang napangasawa nito sa Germany. "Ok lang yun mommy, thanks po sa gift ninyong SUV nung kasal namin...it's a great help" "Anak..alam mo naman, yun lang ang kaya kong maibigay sayo. Siyanga pala kaya ako tumawag..gusto kong ibilin sa yo ang negosyo natin..yung apartment sa UBelt. Ikaw na sana ang magpatakbo noon. "Po? talaga?" "Oo...kumusta na nga pala ang wife mo?" "She's at work" Marketing Analyst si Marianne sa isang Food Manuf. Company. "Is she pregnant?" "No, not yet...siyangapala mommy, kelan ko bibisitahin yung apartment sa ubelt?" pag iiba ni Jason ng usapan. "The soonest. At kinausap ko na rin yung lawyer ko diyan na itransfer na yung business sa yo...anak huwag mong pabayaan ang negosyong yan ha?" "Yes, mommy..maaasahan ninyo po." Pagkauwi ni Marianne mula sa opisina. "Guess what, love? binigay na ni Mommy sa akin yung apartment sa ubelt..la na tayo problem sa income!" balita ni Jason. "Really? ang dami naman nating blessings love" sabay yakap nito sa asawa. "Isa na lang ang kulang, mahal ko...ang magkaanak tayo". "Oo, mahal ko. sana ay malapit na...." |
|||
|
09-27-2008, 01:42 PM
Post: #2
|
|||
|
|||
|
Re: Forever and Always
ollege reunion ng barkada ni Marianne. Siyempre pa kasama nila ang kani kanilang husband at fiance. Ginawa ito sa Taal, Batangas..viewing the lake afar.
"Perfect, i like this place!" saad ni Ginny, sosyalerang barkada ni Marianne. Kilalang congressman sa dakong visayas ang ama nito. "That's why i brought you here." si Marianne...habang abala ito sa pag iihaw ng chicken barbeque. "Guess what's up with Sarah?" sinulyapan ni Ginny ang kaibigan na may kausap sa phone nito. Isang fashion designer si Sarah. "Yeah, what?" tugon ni Jade, ang sporty type ng grupo. Kasalukuyan itong nagt training for taekwondo para sa 2012 London Olympics para sa team Filipinas. "She's getting married soon...engaged na sila ni Harry. Si Harry ang longtime bf ni Sarah. Isa itong IT manager sa isang multinational company sa Singapore. "Really?" Tugon ng iba. "Is that true Sarah?" tanong ni Marianne. "What?" taka nito. "You're getting married! when?" si Jade. "Yep that's true. Of course kasama lahat kayo sa secondary sponsors. At para walang selosan, ang sister ko ang magiging maid of honor" Tugon nito. "Exciting! kelan ang playdate?" si Marianne. "This coming December..." nag ring na naman ang phone ni Sarah..."Yes, hello?" sabay talikod nito. "Naku, Marianne...baka maunahan kang magkababy ni Sarah. It will be your 2nd year in marriage next month!" kantyaw ni Jade. "Hindi naman siguro." nangiti lang si Marianne. Sa grupo naman ng mga kalalakihan... "Pare, ano ba..ang bagal ninyo naman ni Marianne! kelan ba ko magiging ninong?" tanong ni Paul, fiance ni Jade. "Hayaan mo, as soon as magkaroon ikaw ang unang babalitaan ko" tugon ni Jason. Nagpapalipad ng saranggola ang mga ito. "One good thing is that you have everything..madali na lang yung magkaanak, di ba pare?" si Matt na parang pinakamalapit kay Jason, boyfriend ni Ginny. "Kasi naman eh, magkakakain ng aphrodisiacs ng makabuo agad! hahahahahaha" si Harry. "Ikaw rin, baka maunahan pa kita..Sarah and i are getting married this December" "Really? COngratulations, pare" bati ng mga kasama nito. Madalas mangyari ang ganitong eksena. Sa reunion, kahit anong occasion sa family, laging nauusisa ang mag asawa sa pagkakaroon ng anak nito. Hanggang sa.... "Love, i'l stay in Manila for a week...may ipagbibilin ka ba? May major repairs kasing gagawin dun sa apartment and i need to supervise them. "Sure...just keep in touch, ok? uwi ka kagad ha?" Kinabukasan ay lumuwas agad si Jason patungong Manila. Pagdating nito sa apartment.... "Who is she?" natanaw ni Jason ang isang dalagang pumasok sa isa sa mga unit ng apartments nila. Hinintuan niya ito. "Hi miss, do i know you? ako kasi ang may ari ng apartment na ito?" "Oh, nice meeting you. I'm Venice. Cousin ako ng tenant mo na nasa unit 4A. si Ms. Mendoza, yung professor sa FEU. "Oh, i see." napatda si Jason. "I'm sorry. Anyway, i'm Jason, Jason Yuzon." sabay abot ng kamay nito. sa taas na 5'7, may magandang hubog ng katawan at magandang mukha si Venice. Isa itong part time aero boxing instructor sa Fitness first. "Would you like to come in?" aya ni Venice sa loob ng unit. "My cousin is not around. I think may tour sila" "Oh no, thanks. Pleased to meet you again". sabay sibad na ng sasakyan ni Jason. Napailing si Jason. Gusto niyang alisin sa isip ang tagpong iyon ngunit di niya magawa. Kinagabihan, nagpapahinga noon si Jason sa unit na para sa kanya nang nagring ang mobile nito. "Hello? who is this?" "Jason?" "Hello?" "Jason, si Marianne ito kumusta diyan?" Nabigla si Jason "Marianne...este Love? kumusta?" "Bakit parang nagulat ka...arent you expecting my call?" "No, i was just surprised..na miss mo ko agad no?" palusot ni Jason. "Of course..eh ikaw? i just came home from work" nang matanaw ni Jason mula sa itaas si Venice. hindi na naman makasagot si Jason nang may tinanong sa kanya ang asawa. "Jason, whats going on with you?" "Ah..eh love..ano nga yung sinasabi mo?" "Whats wrong with you?" "Sorry love, medyo masama kasi pakiramdam ko. alam mo na napagod ata sa biyahe" "Ganon? o sige na magpahinga ka na nga.Good night" "Good night" Isang linggo ang lumipas pinilit iwasan ni Jason na iwaksi ang dalaga sa isipan. Nagpakaabala ito sa trabaho nang.... "Hi Jason..." si Venice. "Hi" matabang na tugon nito. "Are you busy? samahan mo naman ako tonight sa Malate. May gimik kami ng friends ko" "Bakit di mo isama bf mo?" "I dont have bf yet. we just broke up......iniwan niya ako" "What?" takang taka si Jason dahil napakaganda ni Venice para iwan ng lalaki. Nakumbinsi ni Venice ang lalaki na samahan siya. Kinagabihan ay nagtungo ito sa unit na kinaroroonan ng dalaga. Nasa pintuan na ito nina Venice nang... "I'm sorry Jason, di na pala tuloy ang meeting." "What? so paano?" "then, let's stay here." "Ok ka lang...? look Venice, im married" Tahimik si Venice. umiyak ito. "Ang boyfriend ko nagpakasal rin sa iba. bakit ganon Jason, am i bad? bakit niya ako iniwan?" Inalo naman ito ng lalaki. "Ok, ok. if you need someone to talk to, sige usap tayo. I wont leave" Masayang nagkape at nag usap ang dalawa....hanggang sa nagkayayaan silang mag inuman. Lumipas ang mga oras...at gaya ng inaasahan..nakalimot ang dalawa. |
|||
|
09-27-2008, 01:43 PM
Post: #3
|
|||
|
|||
|
Re: Forever and Always
Nagpatuloy ang relasyon nina Venice at Jason nang di nakahahalata ang asawa...
"Love, i have to visit the apartment..may mga bago kasing nag iinquire eh...atska may mga improvement na gagawin" paalam ni Jason na pilit na may ikinukubli. "Youre going to Manila again? Last month lang andun ka ah?" si Marianne. Hinagkan ni Jason ang asawa. "Love para naman sa atin yun eh. of course its a family business...i have to attend to it most of the time" "Paano naman ang lakad natin this weekend? di ba may dinner date tayo?" Kunwa ay nagulat si Jason "oo nga pala ano....sige ganito na lang. bawi ako sa yo. next month, bakasyon tayong HOngkong, tayong dalawa lang..ok ba sayo? busy lang talaga ko love, sana maintindihan mo" niyakap nito ang asawa. "Oo na nga. basta lagi mo ko tawagan ha..." Matapos noon ay agad nagtungo si Jason sa Manila. Sa pintuan pa lamang ng unit nina Venice at naghihintay na ang dalaga. "Hi, honey" bati ni Venice. "Hi" matabang na tugon nito. "O bakit bad mood ka ata?" Napailing si Jason. "Dahil sa iyo nakakapagsinungaling ako sa asawa ko..." "Bakit, di ka ba nageenjoy sa akin?" HIndi umimik si Jason. "Look, Jason. Kung talagang masaya ka sa wife mo..hindi mo sana nagawang sumama sa akin, right?" May punto si Venice. Siguro nga ay di siya nagiging masaya sa asawa niya lately. "Ayokong magkikita na tayo dito, Venice. We should meet somewhere else" "Saan?" "Malayo sa Tagaytay atska malayo rin sa Manila. Baka kasi makahalata nang asawa ko." "Sure. Hanggang kailan ka dito?" "Two weeks lang ako dito" "That's good. Come, pinagluto kita ng dinner...." Ilang buwan ang lumipas, patuloy na nagkikita ang dalawa at tuloy sa kanilang ginagawa. Isang gabi... "Love, nagring ang cellphone mo!" tawag ni Marianne sa asawa. "Ok..." "Sino ba yan?" abala noon sa pagbibihis ng pantulog si Marianne. "ah...yung contractor sa Manila...may ico confirm siguro about the repair" pagsisinungaling ni Jason. hindi umimik si Marianne. Samantala, lumabas ng kuwarto si Jason at doon nakipagusap sa telepono. "Bakit ka tumawag dito? nasisiraan ka ba?" Si Venice ang nasa kabilang linya "gusto ko lang i confirm yung out of town natin sa Cebu. Remember, we'll be having our summer vacation there." "My goodness Venice, ipapahamak mo ko sa ginagawa mo! tatawagan naman kita at alam ko yan." Natigilan si Venice. "Do you love me, Jason?" Lalong nainis si Jason. "ano ka ba, ayan ka na nman!" "Kasi kung mahal mo ako di ka ganyan sa akin magsalita" "Of course i do love you...." nang .. "Love, may itanong lang ako sa yo saglit" si Marianne na nasa loob ng kuwarto "I'll be there..!" binalikan ni Jason si Venice sa phone "sige na, makakahalata na wife ko..i'll call you. Bye" Gayunpaman ay natuloy ang summer vacation ng dalawa sa Cebu. Tumuloy sila sa Cebu Shangri La Hotel nang... "Is that Jason?" si Sarah, na kasama ang asawa nang si HArry. May fashion exhibit sa Cebu ang una. "Oo nga no? who is that girl?" tukoy ni Harry sa kasama. Di nag aksaya ng panahon si Sarah, agad nitong tinawagan ang kaibigan. "Hi Marianne...asan ka?" "I'm driving on my way to work" sa kabilang linya. "Where's your husband?" Nagtaka si Marianne. Bakit nito hinahanap ang asawa. "Why? He's in Manila attending our apartment there..." "I dont have any plan to ruin your day, pero Marianne..andito siya ngayon sa Cebu. Friend, may kasama siyang ibang girl. Were here in Cebu Shangrila..." "Are you sure?" "KUng gusto mo tawagan mong asawa mo" Di nag aksaya ng oras si Marianne. TInawagan nito ang asawa. "Jason???" "Love, o bakit napatawag ka bigla?" "Gago ka! sino yang kasama mo sa Cebu!" Nagulat si Jason. "Kung di ka uuwi sa araw na ito...maghiwalay na tayo!" pagtatapos ni Marianne. Nabigla si Jason sa sinabi ng asawa. Biglang nagpakita sa di kalayuan sina Sarah at Harry...nakatingin sa kanya. Lalo siyang natunaw sa hiya. |
|||
|
09-27-2008, 01:43 PM
Post: #4
|
|||
|
|||
|
Re: Forever and Always
Hindi nagawang pumasok ni Marianne sa opisina. si Jason naman ay agad bumili ng plane ticket pauwi.
Pagkarating ni Jason sa bahay.. "Bakit mo iyon nagawa Jason?" lumuluhang wika ni Marianne. Hindi nakakibo ang asawa. "Bakit?!" sabay sinampal nito ang asawa. "I'm sorry, Marianne" "Gaano mo na ko katagal niloloko, hayup ka?" Hindi ito nakasagot. "Kailan pa?! kailan mo nakilala ang malanding iyon!?" "mula nang asikasuhin ko ang apartment sa Manila...doon siya nakatira." "Mga walanghiya..di na kayo nahiya sa sarili ninyo! kaya pala panay ang punta mo ng Maynila dahil may iba kang inaasikaso....! Ako namang tanga, paniwalang paniwala sayo!" "I'm sorry Marianne...."niyakap ni Jason ang asawa. "kaya ko lang nagawa iyon dahil ....dahil di tayo magkaanak...inakala kong di ako masaya sayo..pero ang totoo ay mahal kita" Hindi mapatahan ni Jason ang asawa. "I wont do that again, Marianne. I promise" Di nag aksaya si Jade ng panahon ng malaman niya iyon, nagtungo ito sa bahay ng kaibigan makalipas ang ilang araw. "Jason, gago ka, hinahamon kita ng manu mano..bakit mo nagawa iyon sa kaibigan ko!" "Jade!" si Marianne. Hindi umiimik si Jason. Alam niyang masakit sa mga kaibigan nito ang ginawa niya sa asawa. "Jade, tama na..nag usap na kami at nangako siyang di niya na uulitin iyon" "At naniwala ka naman?" hindi ka dapat naniniwala sa gagong yan! ano! hinahamon kita ng manu mano tayo...! panay ang sigaw ni jAde sa labas ng gate. "Can we talk with civility?" pakiusap ni Jason sa kaibigan ng asawa. Noon lamang napakalma si Jade, sa tulong na rin ni Marianne. Nag usap ang dalawa nang wala si Marianne. "I'm sorry Jade, alam kong nasaktan kayo sa ginawa ko. Kasalanan ko ang lahat." Katahimikan "Sa oras na maulit pa ito, Jason....kalilimutan kong asawa ka ng kaibigan ko. Kahit ubusin ko ang oras ko sa pag aaral kung pano kita dudurugin gagawin ko." galit pa ring tugon ni Jade. Sa loob ni Jason ay masaya siya dahil alam niyang mahal si Marianne ng kanyang mga kaibigan. "Again, im sorry, Jade kung nasaktan ko rin kayo" Pinaalis nina Marianne at Jason si Venice at ang pinsan nito sa apartment. Gayundin naman, binalaan ni Jade si Venice nang minsang dumalaw ito ng personal sa huli. "You are Venice, right?" si Jade. "I am, why?" "Kaibigan ako ng asawa ng lalaking nilandi mo. Sa oras na makipagkita ka pa kay Jason ay sisiguraduhin kong pipilayan na kita. Talipandas!" ------------------------ Nagkasundong magtungo sa Obando, Bulacan ang mag asawa. Doon ay nagsayaw sila bilang pagsunod at pagsubok na rin kung makakatulong iyon sa pagbubuntis ni Marianne. Masaya ang okasyon na iyon ng makatanggap si Marianne ng text message. Galing ito kay Sarah...ibinalita nitong buntis na siya makalipas ang 4 na buwan mula ng makasal sila ni Harry. Lihim itong nanibugho ngunit natutuwa rin naman sa kaibigan. Minasdan ni Marianne ang asawa mula sa kalayuan habang nakikisalamuha ito sa ibang mga kalalakihan na naroon din sa okasyon na nasabi. Ilang panahon pa ang lumipas, di pa rin nagbunga ang pagsisikap ng mag asawa. Ngayon ay nasa ikalimang taon na sila ng kanilang anibersaryo. Sa Palawan nagbakasyon ang dalawa... "Happy anniversarry,love" bati ni Jason sa asawa. "Happy anniversarry too..." sabay hagkan ni Marianne rito. "Here's my gift to you" isinuot ni Jason ang isang kuwintas na may diamond pendant sa asawa. "Wow, thanks. Ako rin may gift sayo" "Really? ano yun?" Inabot ni Marianne ang susi.. "What's this?" "The one youve been dreaming of. Harley Davidson motor. Kaso nasa Tagaytay, iniwan ko" "Thank you." napayakap si Jason sa asawa. "Alam mo love, kahit walang ganito..basta ang importante ay may bunga ang pagmamahalan natin..." dugtong pa niya. di na naman umimk si Marianne. Tila hindi siya mamahalin ni Jason kung di sila magkakaanak nito. |
|||
|
09-27-2008, 01:44 PM
Post: #5
|
|||
|
|||
|
Re: Forever and Always
Lumipas ang panahon, di pa rin nagkaanak ang dalawa hanggang sa...
"love, masakit na masakit na ang tiyan ko....dalhin mo na ako sa hospital" alas 2 ng madaling araw non. "huh?bakit?" pupungas pungas pa ito. "hindi ko na kaya talaga..." iyon lang at nawalan na ng malay ang asawa. Dinala ni Jason ang asawa sa pinakamalapit na ospital.. "May malaking cyst sa ovary ang wife mo, kailangan siyang maoperahan agad" sabi ng OB na tumingin kay Marianne, si Dr Ruiz. "Ano ho ang mangyayari?" "Accdg to ultrasound malaki na ito masyado, maaring matanggal ang isang ovary niya. but dont you worry, she still can be pregnant" paliwanang ng doctor. "Gawin ninyo po ang marapat" Sinimulan ang operasyon kay Marianne, abut abot ang dasal ni Jason. umabot ng 3 oras ang operasyon dahil kinailangan nilang tanggalin ang mismong obaryo nito. hindi nakita sa ultrasound ang cyst dako roon. Kinausap muna ng doctor si Jason... "Jason, kailangan nating tanggalin iyon dahil kung hindi ay baka manganib ang buhay ng asawa mo" Hindi umimik si Jason. pumirma na lang siya sa waiver. Matapos ang operasyon.. "I'm sorry, Jason." si Marianne. Walang kibo ang asawa. Nagpagaling muna si Marianne ng 2 buwan. Lagi lang si Jason sa tabi nito ngunit bihirang magsalita. Nang makaya na ni Marianne na bumalik muli sa trabaho... "Marianne, gusto ko na munang magbakasyon. gusto ko na munang mag isip" Hindi kumibo si Marianne. Alam niya kung bakit. "Hanggang kailan?" "Hindi ko alam. Pupunta na muna ako sa Germany, kay mommy...dun muna ako" "Ok, take care" Labis na ikinasama ng kalooban ni Marianne ang naging tugon ni Jason sa nangyari sa kanila. Siguro nga ay di siya kayang samahan nito hanggang sa huli. Ilang araw ang lumipas nasa Berlin, Germany na si Jason. "Iho, kumusta na?" niyakap ng ina ito "Im fine mom" "Nabalitaan kong nangyari kay Marianne.Kumusta siya?" "She's fine" "Hanggang kailan ka magbabakasyon dito? Im glad you came here" Ngumiti lang si Jason. "Hangga't ok sa yo mommy, dito na muna ako" Samantalang si Marianne ay nagpapakaabala sa trabaho. Dumaan si Jade at Ginny sa office nito. "O di tamang tama, gimmick tayo all night! walang sisita sayo" si Ginny. "Oo nga, wag mo na munang isipin ang asawa mo..." si Jade. "San ba tayo pupunta tonight?" "Hang out tayo sa Ayala...." tugon ni Ginny. "Barhopping?" si Marianne. "di kaya makasama sa akin yun?" "Oh no, mas mabuti yun ng di ka mainip" si Jade pa. Isang buwan na ang lumipas, naroon pa rin si Jason sa abroad. Kung minsan ay nagpapadala siya ng email, tumatawag o kaya ay nagchat. Isang gabi ay nagchat ang mag asawa: Jason: how are u Marianne: im good..ikaw? kumusta si Mommy? Jason: doing great... Marianne: do you still love me Jason? Jason: oo naman. Marianne: bakit kailangan mong lumayo? Jason: gusto ko lang mag isip. Marianne: alam mo Jason..kung nakikita mong di ka na masaya sa relationship natin, i'm willing to let go. Jason: what the hell are you saying... Marianne: pls dont pretend. there's nothing i can do. hindi ko na maibibigay ang bagay na pinapangarap mo. i'm sorry if i failed you...i still love you ..pero siguro mas mabuting tapusin na natin ito. i know its over. Jason: what do you mean? Marianne: Just tell me when, willing akong ma annul ang kasal natin. Para malaya ka nang makahanap ng iba. Hindi agad nakasagot si Jason. Marianne: i have to go now. i have to sleep.we have team building tomorrow. bye. take care. Jason: bye. good night. Ipinagtapat ni Jason sa ina ang sinabi sa kanya ng asawa. "Iho, minahal mo lang ba si Marianne dahil gusto mo lang magkaanak sa kanya?" "Kahit naman siguro sinong lalaki, mommy, yun ang gusto" "Hindi mo nga siguro siya mahal, kasi hindi mo kayang tanggapin ang mga bagay na wala sa kanya" Hindi sumagot si Jason. "ako naman ang mapapahiya kung wala kaming magiging anak. ano ang sasabihin ng mga tao, baog ako?" "ano nga ba?" "what do you mean?" "i mean, nagpa check up or nagpawork up ba kayo sa doctor?" umiling si Jason. "I'm sorry iho, pero di kita puedeng kampihan sa pagkakataong ito. nagiging makasarili ka. sarili mo lang ang iniisip mo. palagay ko ay hindi mo nga tanggap ang asawa mo. kung ako man si marianne, yun din ang magiging decision ko. Nasa sayo na yan kung gusto mong magpa annul...." Dahil sa kagustuhan na rin ni Jason, at di niya rin gusto pang gumastos si Marianne, siya na ang nagfile ng annulment. "Siraulo talaga ang Jason na yon" yakap ni Jade ang kaibigan. "Hayaan mo na..may makikita ka pang iba" si Sarah. "At least nakawala ka na sa gagong iyon" "Paano ang hatian ng properties?"si Ginny. "We would sell this house then we would split the proceeds. Sa kanya yung SUV, akin yun CRV. Yung business niya sa apartment kanya na. Yung farm sa province , sa akin." paliwanag ni Marianne. "Be strong, Marianne" si Sarah. "We are here for you" Wala pang isang taon ay nagrant ang annulment nina Marianne at Jason. Personal na dumalaw si Jason sa dating asawa sa bagong tinutuluyan nito ngayon sa Alabang.. "Hi" bati nito "Bakit nandito ka? para insultuhin ako? binigay ko na ang gusto mo" si Marianne "No, not. I just want to say im sorry" Nangiti si Marianne. "Ngayon ka pa nagsorry. its useless. in a way thankful na rin ako dahil nakawala na rin ako sa makasarili at walang kuwentang lalaking gaya mo" "ang sakit naman ng sinabi mo" "What? ano bang masakit? ang sinabi ko o ang maiwan ng kanyang asawa sa panahong kailangan niya ito?" di kumibo si Jason. Galit ang idinulot ng desisyon nito sa dating asawa. "Umalis ka na Jason ,di kita kailangan sa buhay ko...lalo na ngayon" Dahil sa pangyayaring iyon, nakaragdag sa pagdaramdam ng stepfather ni Marianne na si Atty Perez ang pangyayari. Ilang buwan pa ay binawian ito ng buhay... "Dad...why now?" tanging nasambit nito nang mawala ang kinikilalang ama. Makalipas ang isang linggo mula nang malibing ang ama nito. "Marianne, mabuti siguro ay magbakasyon ka muna. kahit saglit lang" mungkahi ng ina nito "Saan naman mommy?" "Mag abroad ka muna. May kaibigan ako sa Canada. Kung makakahanap ka ng trabaho dun, mas maganda" Pinag isipang mabuti ni Marianne ang sinabi ng ina. di nga nagtagal ay nagdesisyon itong umalis. "I'll be leaving, kayo na muna ang bahala kay Mommy" bilin ni Marianne. "Sure, we'll take care of her" si Ginny na kapitbahay ng mommy ni Marianne. "I'll visit her often...." si Sarah "If i have time, dadalawin kita dun, friend" si Jade, na pinakamalapit sa kanya. "Thanks for everything, my friends" Ilang minuto pa ay lumipad na ang eroplanong lulan si Marianne. |
|||
|
09-27-2008, 01:45 PM
Post: #6
|
|||
|
|||
|
Re: Forever and Always
6:30 AM ng lumapag ng Toronto Airport si Marianne.
Tumuloy muna ito sa isang inn para doon magpalipas habang hanap nito ang kaibigan ng ina sa lugar na iyon. "Hello, good morning. Is this the house of Mrs Helen Verner?" "Yes, this is. May i know who is this?" "Hello, im Marianne Perez" di na nito gamit ang apelyido ng asawa. "My mom told me to get in touch with you once i reach the airport" "Oh, of course. I'll ask my son to meet you there" "Thank you" Makalipas ang isang oras, dumating ang sundo ni Marianne, si Daniel. "Hi, i'm Daniel, you're Marianne, right?" Ngumiti si Marianne.... "i'm mrs Verner's son." sa tingin ni Marianne ay nasa early 20's si Daniel. Sa Brantford, Ontario ang tahanan ng mga Verner. Isang balo si Mrs. Helen at ang anak nitong si Daniel ang tanging kasama. Ang ibang kapatid niya ay nasa iba't ibang lugar na ng Canada. "Youre a good son, Daniel.....youre taking care of your mom real good" Ngumiti lang si Daniel. "By the way, i suggest that while you re having vacation, you can work in my brother's restaurant"... Napakunot noo si Marianne. "Oh....sure" ang dating sa kanya eh, di siya puedeng tumambay lang. Nagtrabaho bilang crew si Marianne sa Brantford Cafe habang nakabakasyon doon ng 6 na buwan. Masaya naman siya sa pinapasukan at kumikita pa...makalipas ang 3 buwan.. "I guess, i have to find my own apartment, Dan......" "You sure? you want me to help you find one?" "No....actually i talked to the manager and theyre staying in an apartment with fellow Filipinos. I'm planning to move this weekend" "well, good luck!" "Of course, i have to inform your mom about this"... Sa Princeton area ang apartment na nilipatan ni Marianne... "Feel at home Marianne! doon ka sa dulong kuwarto bakante dun" sabi ng gay na manager ni Marianne na si Alvin na doon din tumutuloy. "Thanks Alvin..." "sure...." Papasok noon si Marianne sa kuwarto ng .... "Hi" siya namang lumabas ang lalaking ito sa katapat na kuwarto...si Julius ito. Biyudo ng limang taon at isang inhinyero sa isang manufacturing company sa lugar na iyon. "Si Marianne yan, crew ko sa resto...bago lang yan dito...si Julius...3 yrs na siya dito sa Canada" pakilala ni Alvin. "Hi, Marianne" nasa 40's na si Julius ngunit bakas pa rin dito ang kaguwapuhan. "Hello" "I hope that you will enjoy here..." "Sure" "Ok, i'll go ahead, i have work" "Ok, take care" Minsan ay nalulungkot pa rin si Marianne kapag nag iisa. Agad nitong ipinaalam ang paglipat ng apartment sa ina. "Mag iingat ka diyan anak" "Yes mommy, ikaw, wag mong papagurin sarili mo..si Jade lagi ba andiyan?" "Oo..minsan nga lang madalas siya sa training. Si Andrew ang madalas ring andito" Katahimikan "May balita kayo kay Jason?" Hindi nakaimik ang ina. "Mommy???" "Kakakasal niya lang last month. May anak na yung napangasawa niya" "That damn guy!" sa isip nito. "Sige mommy, magpapadala na lang ako ng pera once makaipon ako....masaya dito mommy, tsaka maayos makisama mga kapwa pinoy" "Remember that you have a job here" "Tell them that i'll be resigning...no ..i'd be the one to tell them that" "sige anak..magpahinga ka na" Doon naisip na kaydaling lumimot ni Jason sa pinagsamahan nila. Naisip niya na marahil ay noon pa nito gustong humanap ng iba dahil sa pagkukulang niya. Bukas ay haharapin na naman ni Marianne ang panibagong hamon ng buhay... |
|||
|
09-27-2008, 01:46 PM
Post: #7
|
|||
|
|||
|
Re: Forever and Always
Inabot ng pasko si Marianne sa Ontario, noon ay nagkaron ng apartment sa boarding house. Nagkakasiyahan ang lahat ng...
"Hi, kanina pa kita nakitang malungkot..." si Julius. "so what?" sa isip nito. "By the way, I'm Julius, Julius Nakpil" "I know you na. Naalala ko kasi ang mom ko sa Pilipinas, she's alone there..kaya pinatuloy ko na muna siya sa cousins ko. Where's your family?" "My wife died five years ago. I have 2 daughters na nasa Pilipinas. Right now im single" Napataas ang kilay ni Marianne. "Don't worry im a harmless person..gusto lng sana kitang maging kaibigan" "Ok..." malamig na tugon ni Marianne. Unti unting nakilala ni Marianne ang ugali ni Julius. Mabait naman ito. Ika-5 buwan na nito sa Canada nang... "Bago ka sana umuwi Marianne, gusto kong malaman kung ano ang sagot mo...matagal nang nag iisa ang puso ko..ikaw sana ang gusto kong makasama sa buhay" di inaasahan ni Marianne ang narinig. "Naiintindihan kita at ang nakaraan mo. Kung di ka man magkakaanak ay walang problema sa akin. Hindi iyon ang mamahalin ko sayo" Hindi agad nakasagot si Marianne. Nais muna niyang kausapin ang ina at mga kaibigan.... Agad kinausap ni Marianne ang mga kaibigan at ang ina thru broadband, restday niya noon. "If he's really decided, dalhin mo siya dito sa Pilipinas! di ba uuwi ka next month?" si GInny "Oo nga! nang makilatis namin" si Jade. "Mahirap na, baka maulit na naman yung nangyari sa ugok mong ex" si Sarah pa. "Tama sila, anak..mabuting dalhin mo dito si Julius. puede bang makita namin siya thru broadband??" si Mrs Perez "Oo sige..i'll talk to him" "Nameet mo na ba mga anak niyan? baka kumontra naman" si Jade. "Hndi pa nga, hindi pa namin napag uusapan" "We will see you again next week, and we expect to see your prince charming, bye!" biro ni Ginny sabay tawanan. |
|||
|
09-27-2008, 01:46 PM
Post: #8
|
|||
|
|||
|
Re: Forever and Always
Dumating ang oras na kinailangan nang bumalik ni Marianne sa Pilipinas.
Sa isang fine dining restaurant nagkita sina Marianne at Julius... "uuwi ka na tomorrow, gusto ko lang malaman kung nakapg desisyon ka na" bungad ni Julius. katahimikan. "puede bang bigyan mo pa ako ng kaunting panahon para mag isip?" "hindi pa ba sapat ang mga ginagawa ko para sayo?" "hindi naman sa gnon, Julius...nadala na kasi ako." Patda. "kung gusto mo, sumunod ka sa akin sa Pilipinas..." mungkahi ni Marianne "How can i? i m working here?" "magagawan mo naman ng paraan kung gugustuhin mo" Naputol ang usapan nila nang dumating ang waiter at inihain ang kanilang in order. Matapos nilang maghapunan... "Hihintayin ko hanggang bukas bago ka umalis ang sagot mo, Marianne. Masyadong mabilis ang panahon para maghintay..and my love for you cant wait". Hindi umimik si Marianne. Nang gabing iyon inihanda ni Marianne ang gamit niya pauwi. Sa anim na buwan, nagawa niyang kahit paano ay limutin ang nangyari sa kanila ni Jason. Napansin ni Marianne na may nadalang itong photo album nila ni Jason, mga pictures nila iyon nung bago sila ikasal... Iniwan ni Marianne ang photo album na iyon. Kinabukasan, inihatid nina Alvin at Daniel sa airport ang kaibigan.. "Bye, take care my friend" si daniel "I'm hoping to visit the Philippines next year..." "Really? you can stay in my place as long as you want" "Ingat ka friend, tawag ka lang pag bumalik ka dito..." si Alvin.. "Oo naman" sagot ni Marianne. "If i were you i'd apply for an immigrant visa..." si Alvin muli. "not yet sure, my friend. magulo pa isip ko for now" "Email ka kagad once you land sa pinas" "Sure i will" MInsan pa ay niyakap ito ng mga kaibigan. ______________________ Tama ang balita ni Mrs Perez. May anak sa pagkadalaga ang napangasawa ni Jason. Merylle ang pangalan nito at may 2 anak na sina Marvin, nasa first year highschool at si Charisse, nasa grade four. Ang ama ng mga bata ay isang sundalo na kasalukuyang nasa Mindanao. "Desperado na talaga ex mo, friend! yung may anak na pinili niya para sure..hahahahaha!" biro ni Sarah. Noon ay nagkasama sama na naman sila para sa isang espesyal na pananghalian. "Oo nga eh, san ba niya nakilala yun?" si Ginny sumabad si Jade "sabi ni Andrew nameet niya raw yun sa Manila..maybe a neighbor...matindi talaga ex mo mare!" "Ang importante, ay nakapagbakasyon na ang aking anak..and for now , she's ready to get back to work" ang ina ni Marianne. "Of course, mommy. I think and i believe..i'm ready"may ngiting tugon ni Marianne. Nang may naalala si Jade "kumusta palang prince charming mo?" tukoy si Julius "Hay naku, isa pa yun. di ko siya gusto, minamadali ako eh. Gusto niya ay sagutin ko siya agad before i leave Canada" "Is that true? tama lang na di mo sinagot. He's in a hurry kasi ayaw niyang mag isip ka pa...." si Ginny naman. Biglang dumating si Andrew... "Mga chikas..kumusta na kayo!? ang aking sister lalong gumanda..hahahahaha" tukoy si Marianne. niyakap ni Andrew ang kaibigan. kahit matalik na kaibigan ni Andrew si Jason ay di niya ito kinampihan. "well, i dont want to spoil your day...but Jason is asking about you" napataas ng kilay ang kausap nito. "Nevermind...let's not talk about him" "ano naman ang pasalubong ko?" iniba ni Andrew ang usapin. "may dala akong ipod for you...." "wow, thank you!" yakap muli ni Andrew sa kaibigan. "Lunch is ready...halina kayo" aya ni Mrs Perez. Matapos nuon ay hinarap ni Marianne ang buhay nang mag isa. Lagi namang nariyan ang mga kaibigan upang tumulong sa kanya..minsan ay dinalaw nito ang kanyang ama... "Hi dad, im back" usal nito sa isipan. "i know that youre disappointed with what happened. hindi ko alam pero siguro may mali rin ako kung bakit nagkaganito kami ni Jason. Anyway, i shouldnt feel sorry about it, habang maaga ay nakilala ko siya. I know that you trusted him that much to take care of me...hindi pala tayo dapat umasa dad. Dapat pala i should have taken care of myself so kung mawala man siya...hindi ganong kasakit para sa kin. I cant describe the pain i ve felt when he left me. And now, nagpakasal pa siya. I never realized that behind his beautiful face lies an insensitive and inconsiderate man. anyway, i believe i should let go of his memories....and i should find the real meaning of this life. Dad, i hope youre ok wherever you are.. i love you...i will never forget you and your goodness to me". Iniwan ni Marianne ang isang bungkos ng tulip sa puntod ng kinikilalalang ama. pag alis nito ay isang banayad na hangin ang sumalubong sa kanya. _____________________________ Bumalik sa pagtatrabaho si Marianne bilang Marketing Manager...noon ay may natanggap siyang card na nagsasabi at nagaanyaya ng pagtulong upang maging foster parent. "Foster parenting from God's Shelter Foundation? why not? si Marianne. Nung una ay dinalaw muna ni Marianne ang lugar na iyon. Isa itong malaking pribadong tahanan sa Tayabas, Quezon. "Hi, Ms. Perez, im Heidi Cruz, Public Relations Officer of this foundation" pakilala ng kausap. "Hello" "Sit down..." "how can i help you ma'am?" "Actually, may nareceive akong card from your foundation. Its an invitation to become a foster parent" "Really, well thanks for your response..mahaba po ang binyahe ninyo im sure..youre from Cavite, right?" "I am,,that's fine". Ipinaliwanag ni Heidi ang mga programa ng foundation. Inimbitahan rin nito si Marian na doon na mananghalian. "KUng gusto mo Ms Perez, ay mag stay ka dito ng ilang araw para makita mo how the program works. Atsaka para makita mo rin ang mga bata"..paanyaya ni Heidi. "Just call me marianne. nasaan ang mga parents nila?" "Some of them were abandoned by their parents. DSWD ang nagdadala sa kanila dito" "I see" napatango si marianne. Matapos mapag isipan ni MArianne ng ilang panahon ay nanatili ito sa Quezon. Marami siyang batang nakilala. Noon niya na isip...maraming magulang ang umaayaw sa anak, samantalang siya ay pinagkaitan ng anak...kung kaya't nawala rin ang kanyang asawa sa kanya. Isang taon matapos mapadalas ang dalaw ni Marianne sa institusyon. "I decided to sponsor for their education. yung mga batang papasok ng college" "Thank you Marianne..it will be agreat help for them" Ipinakilala kay Marianne si Isabel. Isang 16 na taong dalagita na iniwan sa foster home dahil tinangkang halayin ng stepfather. "Ma'am, thank you po sa magiging tulong ninyo...gusto ko pong maging physical therapist ma'am" "Ikaw naman, Isabel. Just call me tita. Tita Marianne." Nangiti ang dalagita. "Talaga po? salamat tita" "I asked Ma am Heidi to help you to take UPCAt exam this summer. Para sa UPPGH ka mag aral...ok?" "Thank you po" Nagkaron ng panibagong kahulugan ang buhay para kay Marianne. Di na siya nabubuhay para sa sarili niya. Kundi para na rin sa ibang tao. Hindi lang si Isabel ang napaaral ni Marianne, may mga binata at dalaga ring pinag aral niya ng vocational courses. NOon ay ika 39th birthday niya.. "What's going on?" si Marianne na nagtaka dahil tila may party sa bahay. "Happy birthday tita Marianne!" naroon ang mga batang pinaaral niya. kasama niya sa natatanging okasyon. Naroon din ang mga kaibigan at siyempre ang kanyang ina. Masayang idinaos ang kanyang kaarawan kasama ang mga mahal sa buhay. Nang may matanggap siyang long distance call... "Hello" "Hi, who is this?" "This is Daniel, remember? Happy birthday Marianne" "Oh! thanks for remembering! how r u? I thought you will visit me here" "Not for now, maybe next year..." "Haha, next year again? how's Alvin?" "He's here..." ipinasa ni Daniel ang phone sa kaibigan "Mare! kumusta ka na! happy birthday! "Alvin! im so happy you called..." "You deserve to be happy my friend" "I'm so happy today..." noon ay nagbalitaan na ang magkaibigan. __________________ Samantala, nagkahiwalay rin si Jason at ang napangasawa nito. Binawi ng tunay na ama ang mga anak nito kasama si Meryll. Isang sulat na lamang ang nadatnan nito sa bahay. Noon ay galing sa provincial tour si Jason...may sarili na rin itong negosyo sa mga probinsya. "Maraming salamat sa pagkupkop mo sa amin, alam kong pinakasalan kita ngunit sa puso ko ay si Albert pa rin ang mahal ko (pangalan ng ama ng mga bata). Salamat at nariyan ka ng kailangan ko ng makakapitan...noong panahong walang wala akong malapitan. Ang kapalaran na ang bahalang gumanti sayo. Magpapatulong akong ipa annul ang kasal natin....may tiyuhin si Albert na abogado at madali lang na mangyari iyon. Iniwan ko lahat sa kuwarto ang mga ibinigay mo sa akin. ang susi ng sasakyan ay naroon rin. salamat sa mararangyang bagay na ibinigay mo...kahit paano ay minahal at pinahalagahan kita. salamat Jason. Paalam, Meryll" ISang malaking dagok sa pagkatao ni Jason ang naging desisyon ni Meryll ngunit wala na siyang magawa. Hindi na rn niya gustong habulin ang asawa dahil wala rin silang naging anak nito. |
|||
|
09-27-2008, 01:47 PM
Post: #9
|
|||
|
|||
|
Re: Forever and Always
Nagpatuloy sa pagiging foster parent si Marianne. Nang makatapos ang iba sa kanila ay di naman ito kinalimutan. Ngayon ay ika-50 kaarawan ni Marianne...
"Happy birthday, tita Marianne, if it werent for you, hindi ako makakapunta ng US ngayon.."bati ni ISabel.. "Why?' nagtaka ito. "tita, naapprove na po yung working visa ko..paalis na ko next month and i was hired as physical therapist"....niyakap ni Marianne ang tinuring nang anak. "Really? I'm so proud of you" "Tita, dont worry, kung papalarin na tumagal ako run ipapasyal kita doon" Nangiti ito. "Tita, kung tatanda ka na..dont worry, ako po ang magaalaga sa inyo." Natuwa ito sa narinig. Pati ang mga pinagtapos niya ng vocational ay may magaganda at maayos na trabaho na rin. Isang masayang party ang inihanda ng foster home para sa kanya. Naroon ang lahat ng taong mahalaga at naging bahagi ng kanyang buhay... ...si Jade na napangasawa si Paul, may 2 na silang anak at naging gold medalist noong nakaraang SEA games. ....si Andrew na isa nang Marketing manager sa isang IT company. ....si Ginny na ngayon ay konsehal na sa kanilang probinsiya. ....si Sarah at Harry na lalong tumibay ang relasyon. Ngayon ay may 3 na silang anak. ....nakarating din sa wakas ng Pilipinas si Daniel, siya na ang nagpapatakbo ng cafe ng ama sa Canada at si Alvin na ngayon ay may sarili nang bar and restaurant sa bansa ding iyon. ....ang kanyang ina na ngayon ay 80 taong gulang na ngunit malakas pa. ....at si Heidi na lubos ang pasalamat sa pagbabahagi ni Marianne ng kanyang dunong at yaman sa foundation. Nasa kalagitnaan sila ng kasiyahan nang... "Marianne, someone is looking for you at the lobby" ....tawag pansin ni Heidi. Nagtaka ito..wala na siyang inaasahang bisita. "Ok, i'll go ahead".. iniwan muna niyang nagkakatuwaan ang mga bisita. Isang sorpresa ang kanyang nakita..si Jason. Bakas na rin ang pagtanda at paglipas ng panahon sa kanyang mukha. Makikita rin na puno ng pangungulila ang kanyang mga mata. Sa ngayon ay isa nang matagumpay na negosyante si Jason, sumunod siya sa yapak ng ama. "Marianne...happy birthday" "Anong ginagawa mo rito?" "Binabati kita.....alam kong malaki ang naging pagkukulang ko sa iyo" katahimikan. Umupo ang dalawa at nag usap sa cafeteria sa loob ng foster home. "Alam kong di mo ako mapapatawad sa mga nagawa kong pasakit sa yo. Naging napakababaw kong tao para iwan ka. Sa kabila ng rangya at ginhawang nararanasan ko, di ko pa rin maramdaman ang tunay na saya. Siguro dahil nawala ka sa buhay ko..." si Jason. hindi umimik si Marianne. maya maya... "Alam mo ang totoo niyan ay nagpapasalamat ako sa nangyari dahil mas nagkaroon ng kahulugan ang buhay ko ng iwan mo ako. Mas marami akong natulungan at mas naging matatag ang pagkatao ko. Siguro kung nakasama pa rin kita, hindi ko maaabot ang sayang nadarama ko sa ngayon. Hindi lang yaman ang mayron ako, kundi may mga tao pang nagmamahal sa akin..at hindi ko kinailangang mamalimos at magmakaawa sa kanila para lang mahalin ako. Kahit nawala ka Jason, maraming nagmahal sa akin". Lalong nahiya si Jason sa narinig. "Again, im sorry Marianne. alam kong kulang ang buhay ko para ibigay sa iyo makabawi lang sa pagkakamali ko." Sa isip ni Marianne "mabuti ay alam mo" katahimikan minsan pa. "Matatanggap mo ba kong muli sa kabila ng lahat? tumatanda na tayo at parehong nag iisa...gusto ko sanang bumalik ka sa akin, Marianne" "Pagkatapos ng lahat?" sa isip pa ni Marianne. "Hindi kita dapat iniwan noon pa man...sana bigyan mo pa ko ng isa pang pagkakataon. Ipinapangako kong ibibigay ko sa iyo ng buo ang nalalabing taon ng buhay ko" Isang taon ang makalipas, isang simpleng kasalan ang naganap sa kura ng Tagaytay. "thank you for taking me back Marianne. Sana ay mapatawad rin ako ng dad mo where ever he is". ngiti lang isinagot ni Marianne. "I promise, i wont do the foolish things ive done before" "alam mo Jason, noon pa man, kahit masama ang loob ko sa mga ginawa mo ay hindi ko nagawang magalit sa iyo. hindi ko alam kung bakit" "thank you for loving me.." si Jason. "let's leave the past behind..." tugon ni Marianne. "I will love you FOREVER AND ALWAYS" pagtatapos ni Jason, sabay yakap nito sa kanyang asawa, sa ikalawang pagkakataon. ----- Wala sa rangya ng okasyon ang itatagal ng relasyon ng mag asawa. Hindi rin ito nasusukat sa materyal na bagay at kung anong mayroon sila. Para sa akin, ang tunay na pagmamahal ay pagtanggap at pag unawa sa kahinaan ng minamahal at pananatili sa kanyang tabi anuman ang mangyari. Bukod doon, ang pagpapatawad at lubos na paglimot sa mga pagkakamali ay susi sa pagbubukas ng bagong kabanata ng buhay. END. |
|||
|
09-27-2008, 01:48 PM
Post: #10
|
|||
|
|||
|
Re: Forever and Always
A Bible verse is somehow related to the story:
For it is written: Rejoice, O barren, You who do not bear! Break forth and shout, You who are not in labor! For the desolate has many more children Than she who has a husband. Galatians 4:27 NEW KING JAMES VERSION. |
|||
|
« Next Oldest | Next Newest »
|
| Possibly Related Threads... | |||||
| Thread: | Author | Replies: | Views: | Last Post | |
| My Friend Forever | earth-angel | 0 | 42 |
05-16-2012 12:10 AM Last Post: earth-angel |
|
| Forever Yours | mysteriouza | 0 | 64 |
01-28-2012 04:00 AM Last Post: mysteriouza |
|
| Alin ba ang mas matagal? ALWAYS OR FOREVER ! | tania0516 | 4 | 1,181 |
03-10-2009 01:00 AM Last Post: tania0516 |
|
| forever | 7th~heaven | 6 | 714 |
01-06-2008 10:24 AM Last Post: hazalle_calla |
|
| Friend's Forever | benchgal | 2 | 483 |
07-20-2006 08:08 AM Last Post: yusuf |
|
| ü even if it takes forever for you to love me. ü | drummer_chiq | 4 | 800 |
07-16-2006 03:06 PM Last Post: ayumi99 |
|
User(s) browsing this thread: 1 Guest(s)

Search
Member List
Calendar
Help

