Join our Facebook Page



Post Reply 
 
Thread Rating:
  • 0 Votes - 0 Average
  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
  • 5
MAHAL KO
12-16-2005, 04:18 PM
Post: #1
MAHAL KO
>hi! im just a newbie here, and i would like to share some poem...baka maka relate kayo....  Grin


MAHAL KO


Mukha na nga akong tanga
Nabibighani, nakatulala
Hindi mo man lang ako napapansin
Hay naku, sarap mong sapakin!

Hindi ko alam kung bakit
Pag ibig sayo'y hindi ko mabanggit
Siguro hindi lang tayo itinadhana
Pinagbawalan kasi tayo ni Bathala

Bakit ba kasi nangyayari sakin to?!
Bakit ganito sa totoong mundo?
Kelangan bang sayangin ko ang aking luha?
At hayaang mamaga ang aking mata

Kahit na ika'y isang kuto
na namemeste sa aking ulo
Mahal pa din kita
Ganun ako ka gago
Para lang makasama kita
dito sa aking mundo... :crybaby:



>isa pa...pwede?


BULAG

'Lam mo ba kung gano ako ka bobo?
Na halos gagawin ko na ang lahat para lang sayo...
Kahit na mukha akong timang
Eto parin ako, sayo'y hibang na hibang

Pero alam mo ba kung bakit
Ang sabihing "mahal kita" ay masakit
Dahil alam kong hindi mo ako tanggap
Kasi may iba ka ng nahanap


BAkit siya pa?
Eh, hindi ka naman niya "mahal", diba?!
Pero, eto pa rin ako naghihintay...
Handang sumalo sayo ng walang humpay

Iwanan mo na siya
Dahil sakin ka mas liligaya
Ano ba, wag ka ngang magpakahangal
Sa isang taong hindi ka naman mahal

At kung sakaling ika'y pagod na,
Sana'y matauhan ka
Na ako'y maghihintay
Pangako yan pang habang buhay...



>thank you po!  Zzzn
Find all posts by this user
Quote this message in a reply
12-16-2005, 04:28 PM
Post: #2
Re: MAHAL KO
Ang galeng galeng m naman., ang kata mo nman. More more... i'm newbie din nya pala khpn lng...
Find all posts by this user
Quote this message in a reply
12-16-2005, 06:25 PM
Post: #3
Re: MAHAL KO
ay thank you...!!!! ok cge...




WALA NA

Narinig ko na
Ang pinakasusumpa kong kanta
Nagpapaalala
Noong kami'y naghiwalay na


Noong kami pa
Wala akong nararamdaman
Napaka walang kwenta
Kaya nagbunga ng hiwalayan


Noong nawala siya
Para sa akin'y napakahirap
Nakita ko ang kanyang importansya
Hinanap ko siya sa isang iglap


Pero huli na ang lahat
Nakita ko siyang may kasama
Mga mata'y aking minulat
At sinabing, "t***in@....wala na..." :animcry:
Find all posts by this user
Quote this message in a reply
12-16-2005, 06:35 PM
Post: #4
Re: MAHAL KO
Cge pa' more more' pwde b ung gawing qoest
Find all posts by this user
Quote this message in a reply
12-21-2005, 01:23 PM
Post: #5
Re: MAHAL KO
galing! astig ang dating! Zzc
Find all posts by this user
Quote this message in a reply
12-21-2005, 01:29 PM
Post: #6
Re: MAHAL KO
more more pa  Grin

Media Search Engine:
fnets.net
Visit this user's website Find all posts by this user
Quote this message in a reply
12-25-2005, 04:05 AM
Post: #7
Re: MAHAL KO
Zzt Zzm

Crybaby2
pano ako magsisimula
ulit kung sa isang hakbang
ko palayo sau.. hinihila mo
ako dalawang hakbang
pabalik sa mundo mo..
Heart~habibi~
Find all posts by this user
Quote this message in a reply
01-05-2006, 05:54 PM
Post: #8
Re: MAHAL KO
hihihi...thank you po!



DAYA

Ngayong gabi naalpasan
Ang nararamdamanag kalungkutan
Ang linggal ng aking puso
Naririnig mo ba ang kanyang pagsusumamo?!

Sana pag iyong narinig
Hiniling ko'y hindi ka matulig
Pero kung puso'y di pakikinggan ang sasabihin
Puso't tenga mo'y pilit na tutungkubin

Wag ka namang manhid
Puso ko na nga'y inilalapit
Wag mo naman akong pahirapan
Gusto ko lang naman sabihin ang nararamdaman

pero bago mahuli ang lahat...


Sasabihin ko na!
MAHAL KITA!!!!!!
Sana'y hindi ka magpaalam
Sinabi ko sana'y di dahilan ng 'yong pagparam

Pero kung siya ang 'yong ikaliligaya
Handa akong magparaya
Sige na, pumunta ka na sa kanya
Wag mo nang alalahanin ang aking pagluha... Sad



gawa ako ulit....bh ako eh.. Coffee broken hearted
Find all posts by this user
Quote this message in a reply
01-05-2006, 07:05 PM
Post: #9
Re: MAHAL KO
gusto ko lang i share tong ginagawa kong short story...hihihi...sana magustuhan niyo...mahaba siya eh...


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~=+++++++++++++++++++++=~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~​~



Ngayon...eto ako nakaharap sa computer, sinulat lahat ng nararamdaman ko.Lakas ng trip ko noh?! Hindi naman kasi ako

masyadong nag e express ng feelings sa harap ng mga tao. Tanging ang computer na 'to ang kaibigan ko na mapagkakatiwalaan.

Sampolan ko kayo para malaman niyo kung gano ako ka tanga...


Si John, mahal ko siya..pero kaibigan lang turing niya sakin. Pero hanggang dun nga lang ba? Ako, mahilig akong gumawa ng mga

tula, tungkol sa nararamdaman ko... para sa kanya. Minsan nga nung binigyan ko siya ng poem, tinanong niya ako..."Ako ba

tinutukoy mo dito?!" so ako parang, kinuryente! Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, natakpan na kasi ng kaba tska

kaligayahan 'tong damdamin ko. Kaya sabi ko na lang...
"Kapal ha! Iba tinutukoy diyan noh...!"
"Ows talaga?! Sinong siya?!"
"Duh! Edi si CJ!"
"Sino? Yung ex mo? Kala ko ba ala siyang kwenta?!"
"Kala ko kasi......Malalaman mo pala kahalagahan ng isang tao pag wala siya." hehe...kung alam lang niya. Drama lang yun,

pero sa totoo, siya naman yun eh! Hindi ko lang masabi... Pasensya na, pagdating talaga sa pag express alang ala ako.

Dito nagsimula ang lahat...

Si jenna, kaibigan ko siya, at may syota siya, si John. Mahal na mahal talaga ng kumare ko si John, masaya ako para sa kanya,

kahit hindi. Hindi.. dahil sa kaloob looban ko, di ko matanggap kung bakit kailangan akong parusahan harap harapan, na

nakikita kong masaya si John sa piling ng kumare ko. OO...mahal ko si John, hindi nga niya lang alam. Pero parang nayanig ang

puso't utak ko nung isang araw sinabihan ako ni John, "Mahal Kita" kala ko joke lang, kaya sinabi ko "Mahal din kita." Pero,

parang tinotoo ata nung bobo na yun, binigyan ba naman ako ng letter?! T@n*ina! siryusohin ba?!


Nakalagay dun na mahal na mahal niya ako at...ano to?! MASAYA DIN SIYA NANG MALAMAN NIYA NA MAHAL KO RIN SIYA?! Ano bang

kalokohan 'to?! Gulo 'tong pinasukan ko....! OO nga mahal ko siya, pero may syota siya diba?! Parang ginagago niya lang pala

kumare ko kung ganun! Para matapos na lahat 'tong kalokohan na 'to, tinanong ko kumare ko..."Mare, mahal mo ba talaga siya?!"

Sabi niya oo, tinanong ko siya...
"Pero alam mo na?"
"Ang ano?!" sinabi ko sa kanya yung tungkol sa letter na yun, ang drama diba?! Kala ko kasi ang mga nakikita ko sa tv ay pang

tv lang. Pwede pa lang mangyari sa totoong buhay yun.hehe...pang maalalala drama ko...kulit ngang isipin eh, pero iba pala

pag nangyari sa'yo yun..lakas din ng tama!


pagkatapos niyang mabasa ang letter...hindi ko alam yung expression ng mukha niya, para kasing nakangiti siya pero sa kaloob

looban niya gusto na niyang mangitngit sa galit...buti na lang hindi ako ginera!Pero napag alaman ko na hindi lang pala ako

ang nag iisang bobo...siya din pala...tanungin ba naman ako...

"SO? Anong gagawin ko?!" para bang ang bobo ng tanong niya! Sarap ngang sapakin eh..
"Anong so ka diyan?! Bobo ka ba? Pinapayagan mo syota mo na ganyan?!"
"Eh anong magagawa ko?!" bumalik ang pagiging devil ko...nag isip ako ng plano...
"Ganito...kakagat ako sa kanya, tapos pag niligawan na ako nun...babastedin ko! Tapos, bida ka! Kasi pagtatanggol mo siya, i

co comfort mo siya...lam mo na."
"ok." ginawa ko lang excuse tong plano na 'to para mahalin ko siya..pero sa maling paraan.Wais noh?!


hindi ko alam kung ba't ko ginagawa 'to...mahal ko naman siya, mahal niya din ako. Pero hindi ako maka OO. Kasi sa kaloob

looban ko, napag isip isip ko, hindi pwedeng maging tayo. Kailangan mapigilan ko yung nararamdaman ko, kahit ba masakit.

Andami talagang tanong sa isip ko, na pumipigil sakin para mahalin ka ng lubusan. Isa dun ay bakit kailangang ganito?! Bakit

kailangang ganito ako ka bobo?! Bakit kailangang kong magpaka martyr?! At huling huli...bakit ba kita minahal?!Kung alam ko

namang masasaktan din ako.

haayy...buhay..sadyang pinupuno ako ng lumbay... (hehe..lumabas na naman ang pag tutula sa isip ko...)

Alam kong im putting my life in danger, pero huli na, kelangan ko ng tapusin to. So yun na nga...nagbakasyon...nag txt siya

ng isang love quote...nag reply ako...
"Talaga?!"
"Oo naman no!" gusto ko sanag murahin siya, pero baka kung ano pang sabihin niya.Ayan nag isip ako....isip isip isip...Bigla

na lang... nag off cel ko...anakng...ganda naman ng timing mo tsong! Wow...thank you ha!

Charge ng cel..hintay ako ng 2 oras...pagbukas ng cel ko...WHAT THE?! "You got 48 new messages." Ubusin ba talaga ang load?!

Puro love quotes lang binibigay niya at mga ilan ilan ding picture messages.. basta lahat ng yun puro i love you ang

sinasabi... tapos nag txt siya...
"I love you..." para sumunod naman sa plano...
"Mahal din kita." Pero yun din ang matagal ko ng gustong sabihin...sa kanya.Pero eto na naman kontrabida kong

konsesya...dapat kong pigilan...please please...pigilan mo nararamdaman mo!Mali kasi eh.

Saya ko nga nung mga araw na yun...kasi at least nasabi ko na sa kanya lahat...hanggang isang araw tinanong niya ako...
"Ano, ibig sabihin na nito MU na tayo." ABA! Lakas naman nito! Ala namang ganyanan...ayoko! Txt ko sana siya..pero ang saya

talaga... "Message sending failed." alang signal!


pasukan na naman...Etong mga bestfriends ko...aba lakas talaga umamoy ang mga tenga! Tinanong ako..."MU na raw kayo ni

John?!" napasigaw ako..."HA?! HINDI NOH!"


ooppss.... :smyl: stop muna...hindi ko pa natatapos part 2 eh...i mean...hindi pa na pupublish ang BOOK 2. Hintay na lang po kayo. Grin
Find all posts by this user
Quote this message in a reply
02-04-2006, 11:11 AM
Post: #10
Re: MAHAL KO
plssss poh pakituloy nman poh....ang ganda kc...ahihihihiihihih kainis tlga kpag nabibitin.... :head:
Visit this user's website Find all posts by this user
Quote this message in a reply
Post Reply 


Possibly Related Threads...
Thread: Author Replies: Views: Last Post
  HirAp TaLaGnG mAg mAhAL bluesmine 10 2,626 01-22-2009 04:12 PM
Last Post: booba

Forum Jump:


User(s) browsing this thread: 1 Guest(s)