Join our Facebook Page



Post Reply 
 
Thread Rating:
  • 1 Votes - 5 Average
  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
  • 5
HINDI MAANINAG ANG LIWANAG - my new story please read....
12-27-2008, 06:38 PM
Post: #1
Video HINDI MAANINAG ANG LIWANAG - my new story please read....
HINDI MAANINAG ANG LIWANAG


Nakatayong nag-aabang si Nestor sa unang palapag ng bar. Halos mainip na siya sa kahihintay kay Lailani na kasalukuyang nagpapasaya sa sinumang tao na handang magbayad sa kanya.

Hindi nagtagal ay bumaba na rin ang isang lalaking nakakurbata at si Lailani. Pangisi-ngisi pa ang babae sa habang kinakausap si lalaki. Hinalikan ng lalaki si Lailani sabay abot ng pera. Hindi nagtagal ay lumabas na 'rin ito.

` Tinawag ni Nestor si Lailani ngunit hindi siya narinig dahil sa ingay ng pinapatugtog ng sa bar na ito. Lumingon-lingon si Lailani at nakita niya si Nestor saka nilapitan.

“Naka 7000 ako sa lalaki kanina. Eto, sa'yo na ang 1500.”, sabay abot niya ng pera kay Nestor na pakipot namang tinanggap ng lalaki.

“Pa'no ka?”,tanong naman ni Nestor . “May kostomer pa ako mamaya. Umorder ka muna ng maiinom. Andun si Tonyo, usap muna kayo. Akong bahala sa order.” , sagot ni Lailani. ”Andun na ang mayamang Don. Sa taas muna kami.” Isang halik sa labi ang nakuha ni Nestor at linapitan na ni Lailani ang mayamang Don at pumunta na siya kasama ang Don sa taas.

Nakiupo na si Nestor sa mesa ni Tonyo. Mag-isa lang umiinom si Tonyo kaya natuwa siya na may makakausap siya.

“Swerte mo dun kay Lailani ah,. Linigawaqn ko rin yan dati kaso malas lang talaga. Kaya ayun, naging kami ni Rose.”,nasabi niya kay Nestor. “Hindi kami. Bodyguard lang niya ako. Tapos.”, sagot naman ni Nestor. “Alam mo.....,Nestor......,hindi basta-basta iyang 'yang si Lailani.”,parang lasing na sabi ni Tonyo. “Ang iba nagpapakapagod lang para makasamasiya, wala pa nga iyang bayad. Samantalang ikaw, inalok ka pa nga niya, may bayad pa. Gusto ka niya, 'tol. Pinagnanasaan ka niya.”

Tatlumpu't apat na taon na si Tonyo samantalang dalawampu't siyam na taong gulang na si Nestor. Magkapitbahay ang dalawa at magkalapitang puwesto nila sa palengke. Si Tonyo ang rin ang isa sa unang kaibigan ni Nestor dito sa siyudad ng lumipat ang pamilya niya dito sa lungsod.

Umorder si Nestor ng beer at nag-inuman ang dalawa. Di-nagtagalay dumating si Rose at nagpasya nang umuwi kaya nagpaalam na si Tonyo kay Nestor. Dahil doon ay mag-isa na lang uminom si Nestor habang pinanonood ang mga sumasayaw na babae.

Sa kanyang solong pag-iinom ayilang beses din taas-baba si Lailani na may iba't ibang kostumer ng gabing 'yon. Pagkatapos ng halos dalawang oras ay nagpasiya na si Lailani na umuwi at binayaran ang order ni Nestor.

Sa labas, mga alas dos ng madaling-araw naghihintay sina Lailani ng traysikel na dumadaan. May mga traysikel pa'rin sa mga oras na'yon dahil sa bar. At dito sa labas ay nagkuwenta si Lailani.

“Eto, 1000 yan yung napag-usapan natin. Eto 3000, pa-bonus ko sa'yo dahil nakarami ako kanina. Gamitin mo 'yan sa pamilya mo.”, sabay bigay ng pera kay Nestor.

“Wala na dito ang pamilya ko. Bumalik na siya sa probinsya.”, malungkot na sabi ni Nestor.

Si Nestor ay isang mangingisda sa probinsya nila. Hindi siya nakapagtapos dahil ninais niyang mag-asawa. Dahil sa kahirapang nadarama nila ni Tina, ang asawa niya, naisipan nilang lumuwas ng lungsod at 'dun na mamuhay. Si Nestor ay naging tindero ng isda at ang asawa niya ay nagbebenta ng “snack” malapit sa puwesto niya sa palengke. Kahit papaano ay gumaan ng konti ang buhay nilang mag-asawa. Isang araw ay pinaalam na ni Tina na buntis siya kaya naisipang mag-sideline ni Nestor. At dahil dito, kaya siya napunta sa kamay ni Lailani.

May dumaan nga na traysikel at dito na sila sumakay. Habang nakasakay sa traysikel ay naalala ni Nestor ang sinabi ng asawa niya ng umagang nagdaan.

“Nestor, bakit mo nagawa sa'kin to? Magkaka-anak na tayo. Nagawa mo pang maghanap ng iba sa maduming kabaret na iyon. Kung gusto mong mambabae na babaero ka, di kita pipigilan. Babalik na'ko sa probinsiya.”, galit na nalulungkot na sabi ni Tina. Pagkatapos nito'y nag-empake siya at bumiyahe pabalik ng probinsiya.

Napatingin si Nestor kay Lailani. Isa siya sa mga nabibighani sa ganda ni Lailani. May kakaibang kislap ang kanyang mukha at kaakit-akit ang hubog ng katawan ng babaeng katabi niya na parang nililok ng isang magaling na iskultor.

Napansin ni Lailani na tinititigan siya ni Nestor kaya ginantihan niya rin ito ng titig at ang mata niyang mapupungay ay parang nakikipag-usap sa mata ni Nestor. Hinawakan niya ang matipunng dibdib ni Nestor na hinulma ng kahirapan at akmang yinakap ang lalaking katabi niya.

“Alam mo Nestor...” sabi ni Lalani habang mahigpit na yinayakapsi Nestor, “kung hindi lang ako babaeng bayaran, pagsisilbihan kita mula ulo hanggang paa. Ayaw ko kasing magasgasan ang katawan mong 'yan. Isa pa, mabait ka. M.............” Naputol na ang sasabihin ni Lailani dahil hinalikan siya ni Nestor sa labi. Pagkatapos ng ilang minuto ay bumaba na sila sa may “apartment” ni Lailani at dun na nagpalipas ng gabi si Nestor.
Find all posts by this user
Quote this message in a reply
Post Reply 


Possibly Related Threads...
Thread: Author Replies: Views: Last Post
  A love story [read niyo to...kakaiyak] ~bluesmine~ 4 1,915 07-23-2010 12:59 AM
Last Post: blackjade
  A TRAGIC LOVE STORY>> PLS READ trina21 19 2,548 07-23-2010 12:25 AM
Last Post: blackjade
  ninerbyos ako sa story na to [pls read] ~bluesmine~ 13 1,695 05-19-2010 09:20 PM
Last Post: ow.eyt_nalie
  this is a love story.. that would really touch ur heart.. promise.. read this. brutally_frank 55 6,056 04-06-2010 09:18 PM
Last Post: princess21
  Nice Story! REaD it! =) tan_gal 2 1,094 11-07-2007 01:35 AM
Last Post: hazalle_calla
  >*>*"Stars" that will never fade in the sky...pls read 1st story ko erchie 24 2,301 09-27-2006 07:09 PM
Last Post: leiriel_14
  The Sarah Geronimo True to life story....read nyo lang po! jia 8 8,813 08-06-2006 07:53 AM
Last Post: jia
  eto po ung ending nung story ng love story ni Nam Mina and Eun Ji Won.... xnor924 9 1,456 06-16-2006 08:14 PM
Last Post: xnor924

Forum Jump:


User(s) browsing this thread: 1 Guest(s)