Join our Facebook Page



Post Reply 
 
Thread Rating:
  • 1 Votes - 4 Average
  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
  • 5
Sakit At Ang Paghanap Lunas
01-27-2009, 01:55 AM
Post: #1
Sakit At Ang Paghanap Lunas
Sakit At Ang Paghanap Lunas

Pigil ang hininga ngunit ika’y humihinga
Kasabay ang kagat ng langgam, sa sakit ay mapapanganga
Nagkabukol at hapdi na halos ang hangin sa lalamunan
Ay mapapatuyo at halos tinanggalan ka ng kalamnan

Kalamnan na tagos sa buhay na balat; nabubuhay ka
Ngunit ang katumbas nito ay mamamatay ka
Na wala man lang lunas ni isang kapirasong gamut
Na kahit uminom ka pa ng milyong tabletas, patuloy pa rin ang pagkirut

Hawakan mo man siya ay hindi mo man siya mahawakan,
Nananais na lang umalis sa katawan na puno ng sugat
Ngunit asan ang sugat na ito? Hindi mo siya makikita
Tumawag ka man ng magikero, ni isang kusing, di makita sa sariling mata

Ayan na, tumatagos siya, lampas sa dugo, lampas sa balat
Para siyang multo na hindi matanggal at nais pa atang manirahan
Na panghabangbuhay at magpakailanman---
Ang kulang na lang sa balat ay dahan dahang kumakalat

Ayan na, pailalim na at hindi na makahinga
Ngunit may hangin siyang dinadaluyan kaya nakakahinga
Ang hindi lang maintindihan, may gamut nga ngunit walang lunas
Na kahit haplusin man, hindi pa rin siya nagwawakas

Pansamantala, isang hininga upang masingot ang hangin
Sa paghahanap ng lunas ay iisa lang ang dinggin
Ay sana may makasama, makausap at may makaintindi
Sa akin, sa salitang na kay ganda at tunay na pag-ibig
Ay siya lang ako mabubuhay sa tindi ng sawi at sakit
Visit this user's website Find all posts by this user
Quote this message in a reply
01-27-2009, 02:02 PM
Post: #2
RE: Sakit At Ang Paghanap Lunas
[/color]oh sureee!:peace2:tau
Find all posts by this user
Quote this message in a reply
Post Reply 


Possibly Related Threads...
Thread: Author Replies: Views: Last Post
  * tula ng pag-ibig , sakit , at pagdurusa * reizhabiel 19 78,731 05-09-2008 03:10 PM
Last Post: reizhabiel
  LUNGKOT AT SAKIT... nbsa koh lng powh... jcris143 1 2,555 02-25-2006 07:04 PM
Last Post: jcris143

Forum Jump:


User(s) browsing this thread: 1 Guest(s)