Join our Facebook Page



Post Reply 
 
Thread Rating:
  • 1 Votes - 5 Average
  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
  • 5
Unlucky Valentines
02-08-2009, 10:01 PM (This post was last modified: 01-26-2012 06:11 PM by duelmaster01.)
Post: #1
Heart Unlucky Valentines
[Image: 1]
This story is inspired by Friday the 13th followed by Valentines Day.

"Pupunta na 'ko dyan! Hintay ka lang.",eto ang naririnig ni Faye sa kwarto ng kapatid niyang kasalukuyang nakikipag-usap sa kanyang bf.


"Ate! Kakain na!!!",tawag ni Faye sa kapatid niya.
"Mauna na kayo!",sagot naman ng kapatid na kasalukuyang nag-tetelebabad.
"Bilisan mo 'te! Lalamig ang pagkain.", muling tawag niya.
"Sige, papunta na dyan.", pasigurado ng kapatid ni Faye.

Bumaba na si Faye papuntang hapag-kainan. Kasalukuyang naghahanda ng pagkain si Aling Tina ng makarating si Faye sa hapagkainan.
"Hindi pa ba bababa si Iris? Lalamig na'tong pagkain ah.",usisa ni Aling Tina.
"Ma, bababa na yung si ate.",sagot naman ng Faye.
Nakarinig ang mag-ina ng katok.
"Faye, baka tatay at kuya mo na 'yun. Paki-asikaso na sa kumakatok."
"Sige, ma."


Pinuntahan ni Faye ang pintuan. Pagbukas niya ng pinto ay hindi tatay at kuya niya ang nakita kundi isang kartero.
"Good evening po. Ito po ba ang bahay ni Iris Mercado?",bati ng kartero.
"Oo. Ate ko 'yun at dito siya nakatira. Bakit po?",sagot naman ng dalaga.
"May package po kasi siya. Pwedeng pakipirmahan na lang po.",sabi ng kartero.
"Sige, ibibigay ko nalang sa kanya.", sabay pirma ni Faye at kuha ng package na isang maliit na suitcase ngunit may kabigatan kaya masasabing may laman.
"Sige po. Aalis na po ako.",paalam ng kartero.


Pumunta na sa may hapag-kainan si Faye dala-dala ang package. Tiningnan siya ni Iris at Aling Tina na kasalukuyang kumakain.
"Sino ba 'yun? Kanino ba 'yan galing",usisa ni Aling Tina.
"Yung delivery man po,ma. Para po kay Ate Iris itong package",sagot ni Faye.
"Kanino ba yan galing",napatanong na rin si Iris.
Hinanap ni ni Faye ang To-From sticker sa suitcase.
"Ga...ling po.... kay .... Jan..... De.... Ami...gos....... Tama, Jan De Amigos!", paputol-putol na pagsabi ni Faye dahil may kalabuan ang nakasulat.
Napatigil si Iris sa pagkain. Nagkunot-noo naman si Aling Tina.
"Diba 'yan ang ex-boyfriend ni Iris. Yung kasama sa nag-crash na eroplano. Di kaya nagbibiro yung nagpadala niyan?",medyo nababahalang sabi ng nanay ng dalawang dalaga.
"Hala, oo nga. Ngunit sa FedEx po ipinadala 'tong package, sigurado po akong hindi lang 'to basta biro.",wika ni Faye
"Bakit napatigil ka ata Iris? May problema ba?",alala ni Aling Tinay.
"Anong araw ngayon, Faye?",medyo natutulirong tanong ni Iris.
"Uhm....... Feb 12, Huwebes. Bakit 'te?",tanong ni Faye.
"Bukas pala death anniversary ni Jan tapos makalawa ay Anniversary namin.",balisang paliwanag ni Iris.
"Hala oo!!!!! Nakakapanindig-balahibo naman 'to ate."
"Hindi diba na-recover yung bangkay ni Kuya Jan. Inassume nalang na namatay na dahil sa grabeng aksidenteng yun.",dagdag ni Aling Tina. "Sayang yung si Kuya Jan. Ambait pa naman.",sabi ni Faye "Teka, ano pala ang laman ng suitcase. Curious lang ako."
"Oo nga.",dagdag pa ng nanay nila.
Binuksan ng mag-iina ang suitcase. Muntik nang mapatili si Iris sa nakita niya.
"Oh my gosh!!!! Ano yan?",gulat na tanong ni Faye.
Nakita nila ang isang puso at may kasama itong I.D. ni Rain Sobrangsagana, ang kasalukuyang syota ni Iris.
"Sobra na yan ah!!!!!!",medyo galit na sabi ni Aling Tinay samantalang halos nanigas si Iris sa kanyang kinatatayuan.


-Ipagpapatuloy........
Find all posts by this user
Quote this message in a reply
02-09-2009, 04:00 PM
Post: #2
RE: Unlucky Valentines
magandang intro po yan ah.... cge tuloy po Big Grin
Send this user an email Visit this user's website Find all posts by this user
Quote this message in a reply
02-09-2009, 07:11 PM
Post: #3
Heart Unlucky Valentines continued....
Tinawagan ni Aling Tina ang pamilya Sobrangsagana. Sinabi ng maid na hindi pa umuuwi si Rain galing trabaho. Sa totoo nga raw ay kaninang hapon pa raw kino-contact ng Doña Grace ang anak niya ngunit cannot be reached daw.

"Imposibleng puso yan ni Rain. Kausap ko palang siya kanina.",medyo nag-aalalang sabi ni Iris. "Pero hindi lang ito basta biro, ate. Hindi natin alam kung nasaan siya ngayon. Alam ko na! Tawagan mo kaya siya 'te.", suhestiyon naman ni Faye.

Tinawagan ni Iris ang kanyang kasintahan ngunit cannot be reached ang cellphone ng binata. Sinubukan niya ring tawagan ang officemate ni Rain ngunit sabi nito ay maagang umalis ito ng office dahil may emergency daw.

Hindi makapaniwala si Iris sa kanyang narinig. Ang alam ng dalaga ay nasa office pa ang binata nung nagtatawagan sila ngunit ang narinig niya ay alas tres palang nung umalis sa office si Rain. Alas sais ng nag-usap silang dalawa at sabi ni Rain ay nasa office pa siya.

Naguguluhan ngayon si Iris. Hindi niya alam kung ano ang papaniwalaan. Dahil dito ay naisipan niyang tawagan ang isa pang ka-opisina ng boyfriend niya ngunit pareho ring sagot ang nakuha niya : Maagang umalis si Rain.

Nag-ring ang cellphone ni Iris. Hindi naka-phonebook ang numero ng taong nag-text sa kanya. Ito ang nilalaman ng text :
"..., mustah nah..... mukhang nattranta u atah..... ^...^"

Panadaliang nanindig ang balahibo ni Iris. Pagkatapos ng tatlong minuto ay napagdesisyonan rin ni Iris na sagutin ang nag-text....

"..hu u? ano nidZ moh....." - Iris
"..ansWerZ..... pero ikaw ang mas may nid saken....." - Nagtext
"ANO BA!!!!!! AYOKO NA NG BIRUAN!!!!!" - Iris
"Meet me at Blue Sea Memorial Garden tomorrow. I'll wait for you. Last text ko na ito for now." - Nagtext


"Blue Sea Memorial Garden?!?!", pumasok sa isipan ni Iris


-Ipagpapatuloy.....
Find all posts by this user
Quote this message in a reply
02-09-2009, 08:40 PM
Post: #4
RE: Unlucky Valentines

wow! ganda kwento!,..aabangan ko toh,..Zzzd
Find all posts by this user
Quote this message in a reply
02-10-2009, 06:59 AM
Post: #5
RE: Unlucky Valentines
ay aunahan ako Big Grin wow ate godlike kana congrats
btw... ganda katuloy ah, may mumu pa D
Send this user an email Visit this user's website Find all posts by this user
Quote this message in a reply
02-10-2009, 11:10 AM
Post: #6
RE: Unlucky Valentines

your welcum! minoko nde nman me nakikipagkompitensya,..
basta post lng me kac wla magawa and kakalibang kac
bka mging inactive din me pg back to work nanaman me,..




aabanagn ko ung next chapter gnda kac ng kwento.,,Zy
Find all posts by this user
Quote this message in a reply
02-10-2009, 11:16 AM
Post: #7
RE: Unlucky Valentines
compliment po yun ate... hehe ako rin aabangan ko... may mumu Big Grin
Send this user an email Visit this user's website Find all posts by this user
Quote this message in a reply
02-10-2009, 11:18 AM
Post: #8
RE: Unlucky Valentines

gnun pla un!!! cge san na kya ung gamawa ng kwento? sana
ipagpatuloy nya gnda pa nman,..Zzzd
Find all posts by this user
Quote this message in a reply
02-10-2009, 06:32 PM
Post: #9
Heart Unlucky Valentines continued....
"Anak, ingat ka ha.",paalala ni Aling Tina kay Iris.
"Opo 'nay.",sagot naman ni Iris.
"Hindi ka ba magpapasama? Delikado ka dun.",pag-aalala naman ng Kuya Vhin niya.
"Tingnan ko lang kung hindi siya masaktan sa dala kong taser.",sabay pakita niya sa gamit niyang pang-kuryente.
"Sige, pupunta na ako sa date ko",paalam ni Iris.

Sa totoo lang ay nag-aalala si Aling Tina kay Iris at sa syota nito. Buong gabi nang hindi nagpapakita si Rain at nagpa-blotter na ang pamilya Sobrangsagana.

Bumaba si Iris sa sinasakyan niyang taxi sa harapan ng gate ng Blue Sea Memorial Garden. Sa kinatatayuan ngayon ng dalaga ay halos wala kang makikitang tao sa loob ng sementeryo. Tumunog ang cellphone niya at totoo nga ang hinala ng dalaga, nag-text ang misteryosong taong nanggugulo sa buhay niya at sa kasintahan niya.

"THnK gUdnEz! hiR Na U!!!! sundin mo lang instructions ko at di mgtatagal at magkikita na tayo....." - Nagtext
"...., fyn......." - Iris

Sinunod ni Iris ang instructions at nagulantang siya sa lugar kung saan siya napadpad, ang puntod ng taong mahalaga sa buhay niya.


-Ipagpapatuloy......
Find all posts by this user
Quote this message in a reply
02-10-2009, 06:50 PM (This post was last modified: 02-10-2009 06:50 PM by minoko001.)
Post: #10
RE: Unlucky Valentines
wow!!! mejo tumayo buhok ko nun ah... gabi pa naman Big Grin
Send this user an email Visit this user's website Find all posts by this user
Quote this message in a reply
Post Reply 


Possibly Related Threads...
Thread: Author Replies: Views: Last Post
Heart Unlucky Valentines 2012 duelmaster01 5 429 02-13-2012 06:33 PM
Last Post: dmz01
Heart Unlucky Valentines 2010 duelmaster01 8 1,774 02-10-2012 04:10 PM
Last Post: duelmaster01
Heart UNLUCKY VALENTINES 2011 duelmaster01 16 1,936 02-10-2012 04:10 PM
Last Post: duelmaster01

Forum Jump:


User(s) browsing this thread: 4 Guest(s)