|
Join our Facebook Page |
|
|
|
|
Ayusin Ang Kulang Pero Hindi Maiayos
|
|
03-25-2009, 03:00 AM
(This post was last modified: 10-13-2009 05:08 PM by Satanista666.)
Post: #1
|
|||
|
|||
|
Ayusin Ang Kulang Pero Hindi Maiayos
Ala una singko sais ng umaga at ako ay gising pa. Hindi ako makatulog sa matahimik kong kuarto. Nakahiga at nakatitig sa kisame. Nakakumot ako sapagkat ang hangin ng electric fan ay nagpapalamig sa aking kuarto. Napapaisip ako. Bakit nga hindi pantay pantay ang mga tao? Bakit magulo ang mundo? Bakit walang katarungan? Bakit ako lang ang nakakapansin ang lahat ng mga ito samantala ang ibang tao na nakakadikitan ko at nakakasama ko ay pawang wala silang nakikita. Ang ginagawa lamang nila ay tumawa, magtsismisan, manuod ng telebisyon, kiligin sa mga crushes nila at kung ano ano pa. Bakit? Parang may kulang ata na hindi ko maintindihan. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makuntento sa kinalalagyan ko. May pera naman kami kaya lang medio magulo ang sitwasyon na nangyayari sa amin sa bahay. Hindi naman kami baon sa utang. Ano kaya ang kulang na 'yun? Hindi ko siya mahagilap sa ilalim ng higahan ko, kahit sa labas ng bahay ay hindi ko siya matagpuan, sa hayup lalo na sa pusa ay kinagigiliwan ko nga at nanggigil ako na ang kulang na lang ay iuwi ko siya sa bahay at gawin ko siyang alaga panghabang buhay kapag nakikita ko sila na pakalat kalat sa kalsada ngunit, may kulang pa rin. Nagmamahal naman ako pero hindi nga lang katulad sa iba na nagkakadarapa na sa iisang lalake o sa iisang babae dahil bakit ko naman gagawin 'yun? E sila nga, hindi ganun, ako pa kaya? Okay naman kung gagawin ko 'yun basta alam ko na gagawin din niya ang ginagawa ko sapagkat alam ko kung papaano ako magmahal ng matindi at duon ko lamang maisusukat ang pagmamahal ng iisang tao sa akin kung ginagawa niya ang ginagawa ko para sa kanya ngunit walang taong ganun. Iba iba ang personalidad at karakter ng mga tao. May mga free will na ibinigay ang Diyos sa atin kung kaya't hindi ako nagtataka kung bakit magulo ang mundo. Saan mo ba hahagilapin ang ganuong tao? Hmp. Ano nga ba ang pakialam ko? Bakit? Lahat na ba ng tao ay naging masaya dito sa mundong inaapakan natin? Hindi naman di ba? Ang raming raming naghihirap. May umiiyak at may nasasaktan. May iniiwanan at may tinatanggihan at marami pang iba pa ngunit kahit ganuon na lamang ang aking nakikita, nararamdaman at napapakinggan, eto ang mundong kinagisnan ng mga bata. Ang mga bata ay hindi rin napapansin ang mga ganuong klaseng sitwasyon at bakit nga ba? Hindi ko pa rin sila maintindihan lahat lahat. Siguro, wala silang ginawa kungdi maglaro at tumawa at matulog. Tatanda rin sila at mamumulat rin sila sa mga sitwasyon na hindi kanais nais na ang kulang ay magpakamatay ka na lang at kung makatakas ka sa ganuong paghihirap, maswerte ka. Ano ang ginamit mo para makatakas ka? Marami. Sobrang marami. Ang una, defense mechanism ang gagamitin nila. Kailangan nila edepensa ang kanilang mga sarili upang ang sakit na nararamdaman nila ay hindi na ulit mangyayari at ito ay base kung magagamit mo siya sa kasamaan o sa kabutihan, depende sa paningin ng buong tao dito sa ating mundo. Halimbawa, ang iba, nasaktan na sa kanilang first love at sa pangalawang pagkakataon, hindi na seryosohan sa susunod na kasintahan mo o malamang, may behind the scene ka ng ginagawa na lingid ng taong mahal mo, nakasampu ka na palang syota! Maraming klaseng defense mechanism kung tawagin at bahala na ang tao dito sa mundo kung papaano nila pahahawakan 'yun at kung bibilangin mo, kulang pa ang isang buong kapirasong papel. Magulo. Ang iba naman, kapag hindi nakakayanan, dalian nilang pupuntahan ang mga kaibigan o kakilala nila o sa mga hotline na ang akala naman nila ang gagaling nila magpayo ngunit hindi pa rin nalalaman ng tao na 'yun kung ano ang nararamdaman mo. Baka mali pa ang maipayo niya sayo. Bakit nga ba kinakailangan nila na gawin nila yun? Dahil sa hindi marunong mag-isa? Hindi marunong lusutan ang sariling problema? Hmp. Hindi ako katulad sa iba na umiiyak at napapatawag sa telepono upang makahingi ng mga payo sa mga taong ang akala mo maiintindihan ka nila pero hindi naman. Baka iba pa ang ipayo sayo kung saan ikasakit mo pa ng ulo dahil ang buhay, sadyang mapaglaro, bawat kilos mo, may panibago kang masasalubong na hindi maganda kahit sabihin natin na nakakapagbigay sila ng payo. Wala naman din ipinagbago. Ganun pa rin sapagkat bawat desisyon ng iisang tao, tama man o mali, lahat lahat may consequence. Hindi maaaring hinde. Ulit, may kulang pa rin. Marami akong gustong ipuno para makuntento na ako. Hindi ako makuntento sa lahat lahat ng aking nakikita, nararamdaman at napapakinggan. Ang mundo ng mga tao kung saan humihinga, mga halamanan sa kapaligiran at may tubig at pagkain na nagagamit ang mga tao ay sadyang may gusto akong dagdagan na hindi ko naman maaaring gawin. May gusto akong ipuno sa mundo natin na para tayong baso na walang katubig tubig pero hindi ko naman din magawa. Ang nararamdaman ko kung saan may gusto akong gawin na sa imahinasyon ko lang siya magagawa. Siguro nga, kung nagawa ko na ang mga bagay na dapat gawin para sa mundo natin, masasabi ko na Wow, my master piece! Everything is nice and I made the whole world become organize and perfect, as a result, love prevail, I love it! |
|||
|
« Next Oldest | Next Newest »
|
User(s) browsing this thread: 1 Guest(s)

Search
Member List
Calendar
Help




