|
Join our Facebook Page |
|
|
|
|
Kwento ng isang Guitarista
|
|
05-27-2009, 05:03 PM
Post: #1
|
|||
|
|||
|
Kwento ng isang Guitarista
Characters:
Kian Madrigal - rich Kid, emo, cute, hinahangaan ng lahat, mahilig sa music Katy Prieto - someone special ni Kian, Gorgeos looking girl, simple kahit na medyo sosyal Brent Santiago - Dakilang Bestfriend ni Kian Alexandra Montenegro - "Alex", rich kid, gorgeous brainy gal, admired by most of the people around her. Harvy Trinidad - special someone ni Alex, cute, Brainy din but concentrated sa game nia... "CHESS" Kelly Reyes - board mate ni Alex ----------------------------------------------------------------- Chapter I Kian's POV It's the fist day of the new semester. Nakakabagot na naman kunin ang course na ayaw mo. Kian is a 2nd year student at University of the Philippines Baguio. He is considered as one of the best admired personalities in the campus because of his intelligence. Sabi nga nila Kian is one of a kind. Matalino at nakakatakot. Everyone thinks he's kind and sweet but on the other hand, hindi nila maiwasan na isiping weird si Kian. Para kasing sa mga kinikilos niya eh we can consider him as one of those "EMOS" sa school. "Hi Kian!", bati ni Brent, and dakilang bestfriend ni Kian. "Buti naman nandito ka na. Parang mamamatay na ako sa kasosyalan niang grupo ni Alex.", pagalit na sabi ni Kian. "Pare, relax lang. Alam mo namang isa si Alex sa pinakamagandang chick dito sa campus. And besides, diba brainy din xa. She reminds me of Katy eh." "Tumigil ka, wag mong i compare ang maarteng babae na yun kay Katy. Wala siyang sinabi dun." "Pare, don't deny it. They have almost the same features. Brainy, simple kahit nga minsan eh medyo sosyal. Pero believe me, para talaga siyang si Katy." "Ok... ok... inaamin ko, pero hindi sila magkatulad. Iba ang mga pananaw ni Katy kesa sa kanya dahil si Katy lang ang nakakaintindi sa akin." The conversation was interupted... "Ah, excuse me.. Kian, can I borrow some of your notes last semester? kasi kaylangan ko lang eh, since hindi mo na naman yun ginagamit diba?", sabat ni Alex. "Pinagpaguran ko yun at hindi ko yun hahayaan na mapakinabangan lang ng iba." "Pero Kian, hindi naman sa ganun, kasi plano ko na magshift ng major, kukunin ko yung katulad ng sayo." "Oo nga, gagamitin mo yun para sa sarili mo eh ako naman ang naghirap dun." "Teka lang Kian. Easy ka lang.", pinutol ni Brent ang usapan. Mukha kasing inis na si Kian. "Pero Kian, wag ka naman kaagad magalit." "Wala kang pakialam. Umalis ka na sa harapan ko." "O sige na. Sorry ha." Umupo na lang si Alex na malayong malayo kay Kian. Hindi niya maintindihan kung bakit galit na galit ito sa kanya. "Kian, bakit mo naman binastos si Alex. Everybody was looking at you. Nahulat ata sila sa pinakita mo." "Wala akong pakialam. Siya ang may kasalanan." ------------------------- Natapos na ang PHILO 27 nila. Sa canteen. "Oops! Sori", paumanhin ni Alex. May nabangga ata siya. "Hindi ka kasi nag-iingat eh!!"pasigaw na sabi ni Kian. "(Patay!) Sorry Kian. Hindi ko sinasadya. Sori talaga." "Lagi namang ganyan ang sinasabi mo." Umalis na si Kian. "(hai,,, anu ba kasing nagawa ko kay Kian? Simula nung naging magkakilala kami eh ang init init na ng dugo niya sa akin)" ---------------- Sa boarding House ni Alex "Alex dumating ka na pala.", bati ni Kelly. "Hi Kelly, nakakapagod ang araw na ito." "Bakit? May problema ba? Anong nangyari?" "Remember Kian? Yung sikat? Galit na galit siya sa akin." "Hah? Bakit naman? eh diba mabait daw yun?" "Ewan ko! bakit sa akin hindi?" "Hay naku, pabayaan mo na lang, may GIG nga pala mamaya ang PN, sama ka?" "Hah? O sige." -------------------- Sa Bar "Wow, Kelly, buti sinama mo ako nakita ko na din ang PNE!" "Alex, alam mo naman ako, basta PNE favorite ko!" KKKKRRRRRRRRRIIIIIIINNNNNNGGGGGGGG "(naku, patay! si Mama.) Labas lang ako hah, tumatawag si mama." Lumabas si Alex at unfortunately may nabangga na naman xa. "Naku, Sori talaga, W8 lang may tumatawag sa akin, balikan kita jan ha." Tumakbo palabas si Alex, hindi na niya nakilala yung nabangga niya basta ang alam niya ay may bracelet na silver at naka jacket na black ang nakabangga niya. Pagkatapos niya makausap ang mama nia, bumalik na siya sa loob at nakita niya na nakabantay si Kian sa may Pinto at sobrang sama ng tingin sa kanya. "(naku, bakit kaya nandito siya? makaiwas na nga)" hinigit ni Kian sa braso si Alex.. "Ikaw, kahit kailan talaga hindi ka nag-iingat!!!!! Tanga ka ba?" "(patay, siya nga yung nabangga ko) Naku... Sorry Kian ha... Kasi tumatawag si Mama." "Bahala ka! Wag na wag ka ng magpapakita sa akin!" sabay alis lang ni Kian.. ----------itutuloy------------ |
|||
|
05-28-2009, 10:40 AM
Post: #2
|
|||
|
|||
|
RE: Kwento ng isang Guitarista
Pagbalik sa Loob ng Bar..
"Anong sabi ng mama mo Alex?" "Wala naman, kinamusta lang ako." "Ah, pero bakit parang pinagalitan ka? Tingnan mo nga yang mukha mo." "Hindi si Mama, si Kian. Nandito din siya eh, nabangga ko na naman. Nagalit na naman." "Bakit ba lagi na lang kayong pinapagtagpo niyang si Kian? Siguro soulmate kau Alex!" "Kelly, alam mo namang may boyfriend na ako diba?" "Boyfriend nga... Hindi man lang makuhang mangamusta." Biglang napaisip si Alex.. "(Oo nga noh.. hai..) Hindi, busy lang kasi siya." "Sobra namn atang busy nun. Pang-gabi ba ang klase nun?" "Hindi, pero busy lang talaga siya." "Bahala ka na nga girl.." ---------------- Sa Boarding House... Nasa labas si Alex.. plano niyang tawagan si Harvy, ang dakila niyang boyfriend... "Hello?", sagot ni harvy. "Hi Harvy, kamusta ka na?", tanong ni Alex. "Busy sa studies, ang hirap nga eh." "Talaga? Wow ang sipag mo naman." "Oh sige na. Busy kasi ako eh." "Hah? Eh pwede bang mag-usap lang muna tayo sandali?" "Eh busy talaga ako eh, sige, BYE!" sabay baba ng phone. Alex POV Hai naku, hindi niya man lang ako kinamusta. Tampo na talaga ako. "Oh Alex, binabaan ka na naman kaagad ng phone?" "Busy daw kasi siya eh." "Wag mo na lang intindihin uyan. Matulog na tayo." "Sige Kelly, susunod na ako." ------------------------ HISTORY Class "Kaylangan ninyong humanap ng partner para gumawa ng documentary tungkol sa buhay ng mga UP student, at ang pinakamagaling, ipapasok ang entry sa MEDIA production, this will serve as your OJT." sabi ng prof nila. "Lahat ba may parner na?" "Meron na po." "Wait lang sir, ako po wala pa." sabay na sabi ni Alex at Kian. Masama ang tingin ni Kian kay Alex. "(patay na naman ako.) Ahh, sir pwede bang by threes na lang po?" "Hindi pwede, follow my instructions! Eh di kayo ni Mr. Madrigal ang mag-partner." "Ok sir." "(Hah? Ok lang sa kanya?)" "Ok, kayo na ang bahala. Goodbye." ------------ Sa labas ng room.. "Kian, sori kung ako ang partner mo." "Wala na akong magagawa dun. Pagtyatyagaan na lang kita." "Ok, kelan tayo mag-start?" "Bukas, since sabado naman." "Ok. Saan tayo magkikita?" "Meet at Burnham. 7:00) "Ok.." ------------------- Kinabukasan.. "Patay!!! 7:30 na. Late na ako!" Dali-daling sumakay ng Taxi si Alex. Pagadating sa park. Nadatnan niya si Kian. Galit na galit. "Anong oras na? 1 hour ka nang late!" "Sori Kian, kasi may hinanap lang ako!" "Eh di dapat mamaya mo na lang hanapin! Alam mo namang may usapan tayo." "Hindi, kasi importante yun sa akin." "Ano ba yun?" "Necklace ko." Napatingin si Kian kung nasaan ang neklace ni Alex. "(Bakit may ganun xa?) Bakit may necklace kang ganyan?" "Meron talaga aq nito. Mahabang Kwento." "Bakit nga?" "Basta. Tara na." -------------- |
|||
|
05-20-2011, 09:07 PM
(This post was last modified: 05-20-2011 09:07 PM by ayelness.)
Post: #3
|
|||
|
|||
|
RE: Kwento ng isang Guitarista
"San na tayo pupunta?"
"Eh di sa UP. San pa nga ba?" "Eh diba, pwede naman tayong mag-interview ng mga UPians. Eh, documentary nga about UPians diba?" "You got a point. Pero sino?" "Uhh, sino nga kaya ang pwede? ALam ko na, bakit hindi na lang ikaw? Tutal you're the best strudent here. Hehe" "Wag ka ngang mang-asar. Seryoso na kasi." "Seryoso ako. Diba, popular ka sa campus. Magaling ka. Matalino. Bakit hindi na lang ikaw? "Papayag ako, kung tayong dalawa." "Ano? Ano namang gagawin ko? Eh I'm a nobody." "Hahaha. Akala ko mataas ang self confidence mo. You're one of the best chic in the campus. And matalino ka. You perform well in class." "Well ka dyan, eh ikaw nga tong journalist eh." "Eh diba you're planning to shift to Journ, kahit speech ka dati. Pareho naman tayo ng interest ngayon." "Sige na nga. Bahala na kung anong sasabihin ko." "Good, let's just explore some of the sceneries here, and tell me kung anong insights mo." "Eh anong kinalaman nun?" "It's part of the team-up. Ok?" "Totoo ba yang sinasabi mo? Na we're a team now?" "Wag ka ngang makulit." "Sige sorry na. Haha." "What's funny?" "None lang. Hahaha. Let's go?" "Okay." ------------------------------- Napunta sila sa biking area sa Burnham. Tuwang tuwa si Alex. "wow, ang saya naman nila. Parang gusto ko din mag-bike." "Para kang bata." "Anong bata dun? May nagsabi bang bawal mag-bike ang college students?" "Wala." "Eh wala naman pala eh. Taraa." "Ayaw ko nga." "Sige naaaa." "Ayaw ko." "It's part of the team-up, remember?" "(Ugh, ayaw ko nga eh) Sige na nga." "Okaaay!" Nagbike silang dalawa. Tuwang tuwa si Alex, pero eto namang si Kian, parang wala lang, at tumigil na nga sya sa pagb'bike. Kaya triny nyang magpa-cute dito para tumawa. "Kaya mo ba toh?", sabay ikot ni ALex, paikot ikot sa paligid ni Kian. "Tumigil ka nga, mahihilo ka lang nyan eh." "Ako? Eh sanay ata akong magbike" tuloy pa rin ang pag-ikot ni ALex. "Oh? Totoo ba ang narinig ko, sanay kang mag-bike? Eh parang ni minsan di mo nga na-try masugatan sa tuhod tapos nag-b'bike ka." "Maingat lang ako kaya wala akong sugat. Hahaha" Hindi napansin ni Alex na may parating na nag-b'bike sa likod nya, at di sinasadyang nabunggo siya nito. Natumba si Alex at nasugatan sa kanyang tuhod. Agad syang itinayo ni Kian. "Okay ka lang ba?", nag-aalalang sabi ni Kian. "Uhh, medyo masakit, pero oka naman ako." "Akala ko ba maingat ka, eh bakit ngayon nasugatan ka." "Hindi ko nakita noh? DUH" At di napigilan ni Kian na tumawa. "Hahahaha." "Totoo ba toh? Tumatawa ka?" "Anong tingin mo sakin? Hindi tumatawa." "Oo. Hahaha" "Ewan ko sayo." "At least, napatawa ko Si Kian Madrigal." "Ewan ko, tara na. Umalis na tayo dito." Sabay lakad ni Kian. Sumunod naman si Alex. "Ahhh, ang sakit." "Oh akala ko ba okay ka lang." "Hindi ko alam, hindi ko na sya masyadong mailakad. Araaaaay." "Halika na nga." sabay kuha ng kamay ni Alex, binuhat nya ito. "Uhh, pwede namang akayin mo na lang ako." "Mas mabuti na toh. Mag-taxi na tayo." Pumara sila ng taxi. At pagkatapos, isinakay ni Kian si Alex sa taxi. "Sa Trancoville po Manong." "Trancoville ka pala?" "Oo, bakit? san ka ba?" "Sa Crystal Cave pa." "Kaya naman pala. Lagi kang late." "Ang yabang mo naman." Tumahimik na si Alex. At si Kian naman, hindi mapigilan ang ngiti, dahil tuwang tuwa siyang naaasar si Alex. Nakarating na rin sila sa bahay ni Kian. Pagpasok sa bahay. "Pwede mo na akong ibaba." "O sige, bubuksan ko lang ang pinto." "salamat. Ang laki pala ng bahay mo noh?" "Ayaw ko nga dito eh, dahil mag-isa ako. Tara pasok na tayo." at inalalayan ni Kian si Alex hanggang makaupo ito sa may sofa. "Dito ka lang, kukuha lang ako ng first aid kit para malinisan ang sugat mo." "Ahh, sige." Pagbalik ni Kian--- "Itaas mo ang tuhod mo." At pinahiran ni Kian ng bulak na may alcohol ang sugat ni Alex. Napatingin siya dito dahil hindi man lang ito umaray. "Bakit ka nakatingin?" "Wala, kasi kung ibang babae to, takot na takot sila at nagsusumnigaw na sa sakit." "Haha. Masakit, pero hindi lang talaga ako sumisigaw pag ganyan. Sugat lang eh." Napaisip si Kian. "(Para syang si Katy. Hindi umiiyak sa konting galos)" "Oh, napatulala ka na dyan." "Wala naman. Ayan hindi ka na makakapag shorts bukas. Bakit kasi nakashort ka eh lalabas ka ng bahay." "Grabe ka naman, eh dito ako komportable eh, tsaka hindi naman gaanong maikli ah." "Oo nga, pero kahit na." "Masagwa bang tingnan?" sabay tayo ni Alex. Kitang kita ang hubog ng magandang katawan ni ALex. Napakaganda nya. "Uhh, umupo ka na nga! (Infairness, kahit naka shorts lang sya, ang elegante pa rin niyang tingnan.)" sabay hila sa kamay ni Alex para umupo na ito. "Tama na, okay na ang sugat ko. Tska, parang sobra naman na ata ang Team-up natin. Hahaha" "Ay nako, bukas, since linggo. Magkita tayo ng gabi. May gagawin ako sa umaga." "Bakit gabi pa? Eh mga 3pm?" "O sige na nga. Basta, 3." "Saan? ba?" "Sa isang lugar, kung saan pwede nating interviewhin ang isa't isa." "Eh di dito sa bahay mo." "Ayaw ko nga." "Eh saan?" "Sa bahay mo na lang." "Ehhh. Sige na nga, kesa naman lumabas ako ng may sugat ang tuhod ko." "Hahaha." "Patawa ka. Uwi na nga ako." "Ihahatid na kita." "Kaya ko na." "Hindi noh. Tara." Sabay punta sa may garahe. Sumakay sila sa car ni Kian. "ANg layo pa ng bahay ko. Wag mo na ako ihatid." "Nasugatan ka dahil sa Team-up natin. Let's say this is also a part of our team-up." "Sige. Makulit ka eh." Nagdrive na si Kian. Nag makarating sila sa bahay ni Alex. "Halika pasok tayo." alok ni Alex. "Wow, your place is nice. Akala ko, ang mga maaarteng katulad mo, modern house ang gusto, yun pala, you like vintage." "This was my grandma's house. Pero since nag settle kami sa Manila, wala ng tumitira dito. At dito na nga ako tumira for college." "Pareho lang pala tayo. Pero teka naalala ko lang, diba kasama mo si Kelly sa Eng. Hill?" "Dun lang ako umuuwi pag tinatamad ako umuwi dito. Lola ko may-ari nung boarding haus nayun." "Ahh." "Yup. Ui, dito kla na maglunch." "Hah? sa bahay na, nakakahiya." "Noo, I'll cook." "You know how to cook?" "Bakit? Bawal na bang magluto ang mga maaarte? Hahahaha." Nagtawana sila. At nagluto na nga si Alex for lunch. "Anong lulutuin mo?" tanong ni Kian. "Uhh, you want ba Adobo?" "Marunong ka magluto ng Filipino Dishes? Diba sosyal ka." "Yabang mo. Syempre pinoy pa rin ako." "MAs gusto ko yung Filipino dishes" "Wow. So I'll cook na." Nakatingin lang si Kian habang nagluluto si ALex. "Parang si Katy sya. Hindi maarte, pero sosyal tingnan. Nagluluto ng Pinoy Dishes." bulong ni Kian sa sarili. They eat lunch together. Tawanan. At pagkatapos ay nanood ng TV. Habang nanonood sila ng TV.. "Alam mo, akala ko, maarte ka." "Ay nako, kasi wag pong mapag stereotype" "Sorry na, hahaha. I feel comfy with you. Thanks. Ngayon ko na lang ulit naramdaman to sa isang babae." "Ha?" "Uhh, I mean, yung maging close ulit. The last time na naging close ako sa babae was a year ago pa." "Tagal naman, samantalang yung ibang guys, gusto nila, puro girls kasama nila. Haha" "Wag na nga natin pag-usapan yan. By the way, bukas ha, 3 pm. Dito" "Ah sige." "Itetext na lang kita kung magbago ang plans. What's you phone number ba?" "Here. 0917748021" "Okay, eto sakin 09172920706. Sige, uwi nako. Bye. 6 pm na rin pala." "Ahh sige. bye." After mag-dinner ni Alex, nakatanggap sya ng message from Kian. "I enjoyed the day with you. Thanks." Hindi napigilan ni Alex ang kilig. "Mabait naman pala etong si Kian Madrigal eh. haha." The she replied to Kian's message. "Nag-enjoy din ako. Goodnight. Thanks for taking care of me, and for cleaning my sugat. hehe." ------Kian's POV---- "She's really cute girl. May similarities sila ni Katy." |
|||
|
05-22-2011, 08:54 PM
Post: #4
|
|||
|
|||
|
RE: Kwento ng isang Guitarista
Text message from Kian: "I'm on my way na."
"(And aga naman netong si Kian, eh 2:45 pa lang)" Alex's reply: "Ah ok, take care!" Kian's reply: "I will, thank you! ""(Akalain mong nag-smile sa text itong si Kian? Kinikilig ako. Seryoso. Hahaha. Ewan ko. Parang tanga lang)." Pagdating ni Kian... "Let's start?" "Ah ok, pero I'll prepare something to drink muna, para hindi tayo mauhaw." "Ah sige, is'set ko na rin cam ko. Teka, we have the same camera diba? Nikon D500?" "Ahh, oo." "Good, para pag lowbat na yung cam ko, we can use yours." "Ah o sige, kukunin ko na rin, magtitimpla muna ako ng juice." Nagstar na sila sa interview. First was Alex. "What's your feeling towards passing UPCAT?", unang tanong ni Kian. "I'm really shocked, hindi ko naman inaasahan eh. Well, alam mo yung feeling na naka set na lahat. Dapat papasok ka sa DSLU, then ayun, biglang UP na." "Do you really like to be in UP?" "At first, yes, syempre it gives you extra bragging rights kasi you passed UPCAT, knowing na it's the best university in the campus, but of course, ayaw ko din, cause malalayo ako sa family. My grandma wants mo to be here eh, I don't know why. He didn't allow me to put Diliman as my first campus, kasi daw, mas masaya dito. Hindi naman sya nagkamali, kasi masaya dito. Pero syempre madaming naiwan sa Manila." "Like?" "Uhh, we're normal human beings naman diba? So pwede pag-usapan ang love? Naiwan ko yung family ko and my boyfriend." "Go on." "Well, syempre, UPians also know how to love at isa na rin ako dun." "What other things you like in UP?" "Well, syempre the freedom. Parang this is the 'REAL' college life." at madami pang questions ang sinagot ni ALex. Then, it was Kian's turn. Halos pareho ng sagot si Kian at Alex, and the thing that really touched Alex was Kian's answer to the question: Do you really like to be in UP? "Hindi, pinilit lang ako ng girlfriend ko. My parents want me to study here, pero ayaw ko. Then something happened at ayun, dito na nga ako pumasok." Natapos sila bandang 9 ng gabi. Nag-padeliver na lang sila ng food from MCDO kasi late na para mag-luto. Habang kumakain sila.. "So you left your boyfriend?", tanong bigla ni Kian. "Uhh, oo, pero kami pa rin hanggang ngayon." "Long distance? Akalain mo yun, I thought, girls like you, don't survive in a long distance relationship. No offense." "Ang yabang mo." "Sorry, I'm just shocked. Kasi syempre, maganda ka, popular ka sa school, tapos may boyfriend ka pala sa baba. Sorry na." "Gets ko na, pero, is that a compliment or an insult??" "Hahaha. Ang cute mo." Nagulat si ALex, at nagblush sya sa sinabi ni Kian. "Uuuhh, I mean, I adore you, kasi you're brave." "Uhh, anyways, may girlfriend ka rin?" "Yup, dati." "Hah?" "She died before ako magcollege." "I'm so sorry, hindi ko alam." "It's ok. That's why I'm here. Nag-away kasi kami that time, kasi ayaw ko dito mag college. She wants me to obey my parents pero ayaw ko. Then the night na nag-away kami, on our way home, naaksidente kami, kasi I'm hot-tempered and I was ignoring everything then di ko namalayan na may papadating na truck. Pag-iwas ko, natama kami sa isang puno. Sa side nya yung napuruhan. Tapos ayon, wala na sya." Hindi napigilan ni Alex ang umiyak. "I'm sorry. Hindi ko naman sinasdya." Sabi ni Alex habang iyak ng iyak. Lumapit si Kian sa kanya. Hinawakan ang kanyang mukha at pinunasan ang luha. "Crybaby, wag ka na nga umiyak. Nakakatawa ka. hahahaha." Tawa pa rin ng tawa si Kian. "Ewan ko sayo. Nakakaasar to." "Hahaha. Sorry, you remind me of someone, ganyan din sya, iyak ng iyak sa mga lovestory." "Beeeeeeeeh." nang-aasar na sagot ni Alex. "Hahaha. Ewan ko na lang kung kaya mo mag-isa dito mamaya, eh may multo pa naman." "Ano?" nagulat si Alex. "Kanina, bago ako pumasok sa bahay mo, may narinig akong party sa loob nito, pero nung pagpasok ko, mag-isa ka lang. Nakakatakooooooooot. Lagooooooot." nang-aasar na sabi ni Kian. "Ehhhhhhhh, ano ka ba? alam mo namang mag-isa ako dito." "Hindi ako nag-bibiro." Lumapit kaagad si Alex kay Kian."Dito ka na matulog. Please? Please? natatakot ako?" "Ano? Ayaw ko nga." "Sige naaa. Kainis naman to. Natatakot talaga ako." "(Patay, ano ba tong nagawa ko, dito tuloy ako pinbapatulog nito.) Uhh, sige na nga." "salamat. Super salamaaaat! " Nang matutulog na sila, nagshower muna si Alex. Paglabas nya, nakashort lang sya at nakasando. Ang ganda pa rin niya. "Uhh, Kian, may mga tshirt pala dito, sa dad ko to, gamitin mo muna, tsaka my short din" , sabay abot nito kay Kian. "Ahh, salamat. (Bakit ang elegante nya pa rin tingnan?) Sige, san ba kwarto ko?" "Hah? Ahh ehh, pwede bang dito ka na muna sa kwarto ko? Sige na. Natatakot pa rin ako." "Hah?", gulat na sabi ni Kian. "Alam ko, lalake ka, at babae ako, pero mag-kaibigan naman tayo eh, tsaka natatakot talaga ako." "Uhh (shit. Kasalan ko to eh) sige, dito na lang ako sa baba ng kama matutulog." "Salamaaaat! ANg bait mo, sige, matutulog na ako ha?" Kaagad nakatulog si Alex. Si Kian naman, hindi pa rin komportable. "(ano ba tong napasok ko. Kasalanan ko to. Grabe. Di tuloy ako makatulog.)" Minabuti ni Kian na lumas muna sa may terrace (May terrace ang kwarto ni Alex) dahil hindi sya komportable. Pagtayo niya, nakita nya si Alex, mahimbing na mahimbing na ang tulog. Hindi nya napigilang pagmasdan si Alex. "(Ang ganda nya, akala ko, isa sya sa mga maaarte katulad ng iba. Hindi pala.)" Napansin ni Kian ang kwintas ni ALex. "(Ang necklace nya, I know nakita ko na yun somewhere.)" Gumalaw sa pagkakahiga si Alex kaya kaagad na bumalik sa pagkakahiga si Kian. Buong mag-damag ay hindi niya maalis sa isip ang kwintas ni Alex. |
|||
|
« Next Oldest | Next Newest »
|
| Possibly Related Threads... | |||||
| Thread: | Author | Replies: | Views: | Last Post | |
| Bago Mahuli ang Lahat (Maikling Kwento) | AnakDalita | 1 | 444 |
02-20-2012 12:15 AM Last Post: Amphie88 |
|
| LOVE-NAT ♥ isang makulit na lovestory!! | elliedelights | 13 | 1,832 |
12-08-2010 10:12 AM Last Post: elliedelights |
|
| Hawak Kamay: Ang kwento ni RJ Trinidad *UPDATED* | ayumi99 | 172 | 12,017 |
04-13-2008 06:20 AM Last Post: shawty24 |
|
User(s) browsing this thread: 1 Guest(s)

Search
Member List
Calendar
Help



"