Poll: please rate poh
maganda
okay lang
pangit
[Show Results]
 
Post Reply 
 
Thread Rating:
  • 4 Votes - 4.5 Average
  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
  • 5
i've fallen for you ( true story)
07-25-2009, 10:33 PM
Post: #11
RE: i've fallen for you ( true story)
ay ang unti!!
d ble una nmn ako
ngcomment hahaha..adik nu?
ok bsta intayin ko po C'=

sayang!!ikaw na sana un!!pinkawlan pa kita
sometimes the hardest and the right thing are the same[i]
[b]
Send this user an email Find all posts by this user
Quote this message in a reply
08-07-2009, 12:15 AM
Post: #12
RE: i've fallen for you ( true story)
After one week.,

^ Adrian ^

Grabe kinakabahan ako. paano ko kaya ibibigay tong chocolate kay Jenny., malaki ring tulong nung Lyka na yun sa panliligaw ko

Ayan na labasan na nila....

^Lyka ^

Pag labas ko nakita ko si Adrian nakatayo sa harap ng pintuan ng classroom namin
Grabe talaga tong lalaking toh di makapaghintay
di man lang ako hinintay bago ako lumabas ng classroom.,
Ui may dala siyang chocolate
favorite ko pa...cadburry

Naku adrian mahahalikan kita., sobra., you remembered i like that chocolate...

Napahinto ako sa pagpunta kay Adrian ng inabot niya ang hawak niyang chocolate kay Jenny.

Ang stupid ko talaga.,

Kinuha ko ung bag ko sa upuan ko at dahan dahang lumabas ng classroom

" mama!!!" sigaw ni jenny sakin

napatingin ako sakanilang dalawa ni adrian

" papakilala ko si adrian sayo..." sabi ni Jenny

Ou nga pla di alam ni Jenny na kasabwat ako ni adrian sa panliligaw saknanya

" nice meeting you..." sabi ko " alagaan mo anak ko ah "

Ngumiti sakin si Adrian.

" Di pa naman niya ako sinasagot eh pero yup.., i'll take gud care of her " sabi niya

Ngumiti si Jenny kay adrian.,

I looked at both of them., and unknowingly bigla na lang tumulo luha ko habang nakatingin sa kanilang dalawa.., why? ba't ako naiiyak., as if naman may gusto ako kay adrian.. i hate him!!!

" lyka okay ka lang., ba't ka umiiyak?" nag-aalalang tanong ni adrian

"napuwing lang ako.,sige una na ako" sabi ko

++[[ i hate to see the one i love happy with somebody but i trully hate to see the one i love unhappy with me]]++

fallen_angel ' o24
Kiss
Visit this user's website Find all posts by this user
Quote this message in a reply
08-07-2009, 10:41 AM
Post: #13
RE: i've fallen for you ( true story)
weee ganda!!! kilan po next?

pa add po friendster minoko001@yahoo.com
[Image: fnets1-1.gif]
Fnets is like marijuana, nakakaadik Big Grin
Send this user an email Visit this user's website Find all posts by this user
Quote this message in a reply
08-08-2009, 10:51 PM (This post was last modified: 08-08-2009 10:55 PM by jem_navoa.)
Post: #14
RE: i've fallen for you ( true story)
^Lyka^

hayz., ilang araw na pala akong di nakakatulog...
ilang araw na rin ako di pinapansin ni Adrian
Yung supladong yun, siguro sila na ng anak anakan ko..dahil di na siya nagpapakita sakin

" bwisit talaga!!!" sabi ko habang binabato ang notebook ko sa lamesa ko

" hoy wild girl, ano na namang sinisigaw sigaw mo?" sabi ni Liezel. Di ko napansin ang paglapit niya sakin

" wala... nabwibwisit lang ako" sabi ko

" ah baka nakita mo si Adriian noh? naku hanggang ngaun ba may galit ka pa rin kay Adrian?" sabi ni Liezel

Mas matagal na kaming magkakilala ni Liezel kumpara kay Jenny.

Napatingin ako sakanya " bat ko naman iisipin yung Adrian na yon?" ...hay naku lyka di mo nga ba iniisip eh kaya ka nga nagwawala diyan dahil di ka na kinakausap nung tao

" eh wla lang,. kasi tuwing nagwawala ka... iisa lang naman ang rason... nag-away kau ni adrian o kaya naman ay sinisisi mo na naman sakanya ang kamalasan mo".sabi nito

eh siya naman tlaga ang may kasalanan kung bakit malas ako!!!
tignan mo siya na naman ang rason kung bakit naggagalaiti ako sa galit!

" eh bully siya eh..."

" oh ano naman rason ngaun ng pangbubully niya?...binatukan ka na naman niya?" tanong ni Liezel

alam ni Liezel na lagi akong binabatukan ni Adrian at alam niya ang galit ko kay adrian

" ndi... nililigawan niya si Jenny" sabi ko

" eh ano naman sayo kung nanliligaw siya kay Jenny?"

Ou nga ano nga sakin kung nanliligaw siya kay Jenny
as if care ko sila..,

Bigla kong naalala ang pagpapakilala ni Jenny kay Adrian...
Ndi ako makahinga!!!

" Nagsisikip dibdib ko pagnakikita ko sila... pakiramdam ko... wala nang mambubully sakin, mang-aaway..."

Nanlaki mata ni Liezel sa sinabi ko

" OH my god!!!" sambit niya

++[[ i hate to see the one i love happy with somebody but i trully hate to see the one i love unhappy with me]]++

fallen_angel ' o24
Kiss
Visit this user's website Find all posts by this user
Quote this message in a reply
08-10-2009, 09:13 PM
Post: #15
RE: i've fallen for you ( true story)
napatingin ako kay liezel
hay naku kung mag-react talaga ang friendship ko...parang end of the world

" bakit ka naman nag-ooh my god?"

" mahal mo si adrian noh?"

mahal??
anong mahal?

ni minsan hindi pumasok sa bokabularyo ko ang salitang mahal?
sakit lang sa ulo ang pag-mamahal

" che hindi noh., sinabi ko lang na nagsisikip dibdib ko..."

" nagseselos ka kapag nakikita mo sila?" tanong ni liezel

nagseselos...ano ba ang nagseselos???
" ewan... pag nakikita ko sila feeling ko gusto ko patayin si jenny ..."

" ano ka may pagkabrutal?" sabi sakin ni liezel " pagnakikita mo si adrian anong feeling?"

si adrian ano nga ba?

naiinis ako sakanya
" naiinis ako sakanya.... "
" bakit?" tanong ni LIzel
" kasi dikit siya ng dikit kay jenny.... " sbi ko
" eh di nagseselos ka nga"
nagseselos?
nagseselos ba talaga ako ???

" no way!!!"

++[[ i hate to see the one i love happy with somebody but i trully hate to see the one i love unhappy with me]]++

fallen_angel ' o24
Kiss
Visit this user's website Find all posts by this user
Quote this message in a reply
08-11-2009, 12:02 AM (This post was last modified: 08-11-2009 01:00 AM by jem_navoa.)
Post: #16
RE: i've fallen for you ( true story)
" nO way ka diyan...eh ikaw na nga nagsasabing gusto mo patayin si Jenny at naiinis ka kay Adrian pag magkasama sila"

Naku naman..wag naman please...
Okay na ang lahat wag lang yong mainlove ako sa damuhong na iyon
siguro pag nangyari iyon na mainlove ako sa lalaking iyon maghahalo ang langit sa lupa...
di pwede... NO WAY!!!

" bat ba todo tanggi ka eh ayan na nga ung signs" sabi sakin ni Liezel

Naku liezel wag kang mangulit at masasapak kita....
it's not acceptable
di pwede
dahil pag nagkataon na may gusto nga ako kay Adrian...
masasaktan ako
dahil si Adrian...ang mahal niya ang bestfriend ko... ang anak anakan ko

" ndi nga pwede...di pwede akong mainlove sakanya" sabi ko kay Liezel

" gaga anong di pwede eh wala naman nagsasabing bawal magmahal"

May tama ata tong LIezel na toh at nakalimutan na niya ang nakaraan namin ni Adrian. ... ang masalimuot naming nakaraan

" di nga pwede... parang di mo alam na mag-kaaway kami. we're enemies di ba? as in sobra. at isa pa weirdo ang tingin sakin nung tao. and hello... parang di mo rin alam na ang tawag niya sakin ay multo..ayaw na ayaw nga niya ang itsura ko di ba? para raw akong volcano na tinubuan ng mukha"

" naku ano kaba.. eh di ba ang tagal na nun...atsaka di ba medyo close na kayo ngaun? eh di gumawa ka ng paraan na magkagusto siya sayo"sabi ni LIezel

di ba yun nga ang plano ko... pagsisihan niya ang sinabi niya sa kaibigan niya tungkol sakin... pero...pero... parang ayaw ko na talagang ituloy yun...wala akong pag-asa

" hoy Lyka... matalino ka noh.... at may utak ka naman... di mag-isip ka ng paraan para maging kayo" sabi ni LIezel

GAga talaga ang kaibigan ko...
bestfriend ko nga ang nililigawan ni Adrian di ba? Si Jenny.... AS in si Jenny na anak anakan ko.
Eh paano kung may gusto si Jenny kay Adrian...eh di sinaktan ko ang friendship ko., hayz kaw talaga

" ewan ko..."
SA bahay...

Lyka ano ba? gagawin mo ba ang plano mo o hindi
akala ko ba you will make him treasure you para malaman niyang mali ang sinabi niya sa kaibigan niyang loko loko
huhuhu naiiyak na ako...
paano ko ba yun magagawa kung nakita ko ang expression ni Jenny
it seems as if she likes him...
geh bahala na nga si batman....

KRING KRING KRING

letseng telepono na toh...ngayon ka pa tumunog
tatanggalin ko kwerdas mo makikita mo

" hello" sabi ko
" hello poh" grabe ang ganda ng boses ng nasa kabilang linya
binabawi ko na ang sinabi kong tatanggalin ko ang kwerdas mo telepono
" pwede po kay lyka" sabi ng tao sa kabilang linya

Oh my goodness....ngayon lang nagkaroon ng lalaking tumawag sakin
sino ka ba ha...
sana gwapo

" speaking...ano kailangan mo?" sabi ko
" LYka si Adrian toh may sasabihin lang sana ako sayo" sabi ni Adrian

Ahy marunong duminig ang Diyos ng kahilingan...gwapo nga..kaso naman impakto., hay naku bat ba ako tinawagan ng lalaking ito ngayong pinag-iisipan ko kung anong gagawin ko

" ano naman poh ang sasabihin mo?"
" ano kasi eh... kinakabahan ako... basta di ko maexplain yung feeling... di ko alam kung ano pang mga pwedeng maibigay ko pwede ba magkita tayo?" sabi ni ADrian

" ba't kailangan pa nating magkita?" naku Adrian miss mo lang ako., ehheheh aminin mo na
" ah ayaw mo ba...sige dito na lang sa phone.. ano kasi eh.... ang ganda niya nung kasama ko siya ... parang gusto ko siyang halikan" sabi ni Adrian

Gago talaga tong lalaking toh ...walang delikadeza di man lang nahiya... sakin pa niya sinabing gusto niyang halikan si Jenny

" eh ano naman meron dun?" tanong ko
narinig ko si Adrian na nagbuntong hininga
" ano ka ba namang kausap ka.., ayaw mong tumino..., tama ba naman tanungin ako kung anong meron dun.,syempre sinasabi ko lang sayo na masaya ako. alam mo na... ikaw lang ang mapagsasabihan ko tungkol kay jenny dahil di ko masabi sa mga kabarkada ko ..."

ewan ko ba kung bakit bigla na lang may parang tumusok sa heart ko
mahal ko nga ba talaga si Adrian
kung hindi ko siya mahal bat ganto nararamdaman ko
bakit nasasaktan ako ngayon na naririnig ko siyang sinasabi niyang masaya siyang kasama ang bestfriend ko
^Lyka^

ilang araw na ring di sumasabay si Adrian sa bus namin
nakakamiss ah
araw araw tinitignan ko yung upuan niya pero wala
walng adrian na dumadating

eto na nga ba ang kinatatakutan ko eh
mawawala ang mambubully sakin
naku kabwisit

Ilang araw na rin niya akong di kinakausap simula nung tumawag siya sa bahay
Adrian Legrama ... miss na ktia magparamdam ka naman

Hayz mahina siguro ako kay Lord kasi di ko man lang din nakita si Adrian maski anong wish ko
and until now maski anong wait ko dito sa bus
eh di siya dumadating
oh well...bukas humanda ka sakin...
pagsisisihan mo ngayon na napasakay ka sa bus na ito
pagsisisihan mo na nakilala mo ko
at pagsisisihan mong pinanganak kang gwapo
bwahhahaha

Kinabukasan...

This is it... my total plano para makita at makasama kita
wahahha
sige na sabihin niyo ng bad ako kasi alam kong nililigawan niya si Jenny
pero anong magagawa ko
alam ko na na mahal ko siya
as in to the highest level
simula pa ng una kaming nagkita mahal ko na siya
simula pa nung grade four kami at tinatawag niya akong multo mahal ko na ata siya
basta mahal ko siya...
so magalit na ang magalit...
at besides di pa naman sila ni Jenny eh
at wala din naman akong balak agawin siya kay Jenny
i Just want to see him... maski ngayon lang ...
maski ngayon lang pagbigyan niyo na ako lord...gusto ko siya makausap ngayon.. miss ko na siya eh...

Eto ako kasama ko si Liezel habang naglalakad kami sa gitna ng court papalapit kanila Adrian na naglalaro ng basketball kasama ang mga kabarkada niya

" Ui Lyka..sigurado ka ba sa gagawin mo..di ka ba nahihiya?"
Tinitigan ko si Liezel " ano naman ikahihiya ko wala naman akong gagawing kalokohan... may itatanong lang ako sakanya"

Naku Liezel wag kang magulo ngayong kinakabahan ako ... baka mabatukan kita
^ ADrian ^

" pare yung nobya mo oh lalapitan ka" sabi ni Kiel na tumatawa habang naglalaro kami ng basketball

Napatingin ako dun sa tinutukoy niya
at nakita ko ang walang iba kundi ang weirdong babaeng nilapitan ko para tulungan ako kay Jenny

" di ko siya nobya.. hayaan niyo na lang siya" sabi ko at nagpatuloy sa paglalaro

^ Lyka^

dahan dahan ang paghakbang na ginagawa ko dahil sa sobrang kaba ko
nang malapit na ako narinig ko si Kiel na nagsalita

" pare yung nobya mo oh lalapitan ka"
nobya? promise ang gandang pakinggan...

Tumingin sakin si Adrian..
oH my...
hayz masaya ba siyang makita ako na lalapitan ko siya
grabe pulang pula ako sa gagawin kong paglapit
di ako sanay na lumalapit sa lalake...grabe

" di ko siya nobya.. hayaan niyo na lang siya" isang kabingibinging pangungusap ang sinabi ni ADrian at nagpatuloy siya sa paglalaro

aba at lumabas din ang kayabangan ng lalaking ito
pagkatapos mong tumawag tawag sa bahay at kwentuhan ako at sabihing masaya ka kay Jenny ganito sasabihin mo sakin.... hayaan

Nawala ata lahat ng takot at pangamba ko dahil ang alam ko na lang na sumunod na ginawa ko ay nakakaloko

" Adrian!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" isanG malakas na sigaw ang pinakawalan ko

Yung pagshoot ng bola ni Adrian ay hindi pumasok dahil nagulantang ata siya sa pag-sigaw ko. Napatingin din sakin yung iba niyang kasama
at walang nagawa si Adrian kundi tumitig sakin

Tinawid ko ang distansiyang nasa pagitan namin
at sa tangkad ni Adrian na 6 ft. ay niyuko niya lang ako.

" bakit mo sinisigaw ang pangalan ko?"
aba hindi dahil nakakaligaw ka na kay jenny ay pwede mo na akong sigawan

nginitian ko siya ... yung pinakamatamis....
Nakatitig lang siya sakin
" tatanong ko lang kasi kung nakaalis na yung bus.." sabi ko ng marahan
napakamot siya ng ulo dahil lalong naglalakasan ang kantsaw ng mga barkada niya
bumuntong hininga si Adrian...

" ou eh... kanina pa...bakit nandito ka pa?"
" naiwanan kasi ako ng bus.....ikaw din ba naiwanan ka?"
" ha ah eh..... nagpapaiwan kasi talaga ako dahil... may practice kami lately sa basketball" paliwanag niya
" hala paano nayan paano ako uuwi..." sabi ko habang nakatitig sakanya...galingan mo pag-arte Lyka...
Syempre para mas nakakaawa effect halos maiyak iyak na ako..
alam naman niya syempreng malayo ang bahay ko ..and besides delekado sa babaeng maglakad ng ganito
di naman siguro ganun kasama ugali nitong Adrian na ito

Titig na titig sakin si Adrian
" ngeh wag kang umiyak...bat ba kasi naiwanan ka..kahit kelan talaga napakabagal mong kumilos ayan tuloy...di ka ba masusundo ng tatay mo?"
Nasa trabaho si papa noh...
and besides ano ipangsusundo niya sakin...truck???
Truck ng hollowblocks? yun lang kasi ang sasakyan na meron kami kung hindi naman truck ng hollowblocks ay yung pandeliver na sasakyan, Oh di ba asensado

" Hindi.."
Bumuntong hininga ulit siya...para yata siyang napipilitan
" Kung makakapghintay ka hanggang matapos ang practice... ihahatid na lang kita sainyo"

Narinig ko ang malakas na kantyaw ng mga kabarkada niya
" ayee... ano ba yan tuluyan na? "
Tintigan niya lang to ng masama

Hayz di pa irn pala effective ang plano ko dahil nafeel ko lang na ayaw niya akong makasama
at kaya niya lang ako sinasamahan dahil...dahil kay Jenny...gusto niyang humingi ng tulong para kay Jenny...

" ah...cge wag na...susubukan ko na lang tawagan ulit papa ko at magpasundo " sabi ko habang lumalakad palayo sakanya

Nilapitan ako ni Liezel " oh bakit di ka pumayag na ihatid ka niya"
tumingin lang ako sa malayo sa tanong niya
ano pa nga ba
syempre ayaw ko na napipilitan siya
" baka matagalan pa siya..."

Palayo na ang lakad namin ni Liezel nang maramdaman kong may humila sa kamay ko
Pagtalikod ko alam niyo kung sinong nakita ko
aba sino pa ba kundi ang gwapong adrian na pagkamahal mahal ko

" Lyka kung di ka talaga masusundo sabihin mo sakin... itext mo ko ...eto number ko... tapos hintayin mo na lang ako... ihahatid kita sainyo...."

Nakatingin lang ako sakanya
" ah... hindi mo naman na ako kailangan ihatid eh... ayaw kong mapilitan kang ihati..."

" di ako napipilitan na ihatid ka...ayaw lang kitang paghintayin ng matagal kasi baka magutom ka. Di ka pa nagdidinner di ba? Anong oras na...." grabe worried pala sakin ang lalaking toh..kala ko... kala ko...hayz mahahalikan kita

" eh alam ko nman kung gaano ka katakaw" dagdag pa niya

ano ??? okay na eh dinagdagan mo pa

" Hmp...cge uuwi na ako...sabi ko habang nilalagay ko sa bulsa ang numero niya"

Hinawakan niya ulit ako " txt me kung masusundo ka o kaya lapitan mo ko.., please...wag kang umuwi ng mag-isa... delekado...promise me...naiintindihan mo ba ang sinasabi ko Lyka?" he said

Kung makikita niyo lang ang itsura ni Adrian...talagang mukhang worried na worried siya

" okay... i promise"

Nginitian niya ako tapos bumalik na siya sa court

grabe ang gwapo niya lalo na at pawisan

" Hoy babae nakatulala ka na naman diyan" sabi ni Liezel "ui worried din pala sayo yung adrian na yun no...may pag-asa ka pa kung talagang gusto mong maging kayo"

" gaga wlaa akong planong maging kami... gusto ko maging masaya siya.., okay na ako na ganito yung makita ko lang na may halaga din pala ako sakanya kahit papaano.." sabi ko habang kinokontak ang number ng papa ko
^ Adrian ^

kakapagod ang practice....
buti may break kami....
hayz anong oras na pala...

tinignan ko ang orasan ko alas otso na nang gabi
Kinuha ko rin ang cellphone ko...wla pang txt sakin si Lyka

" shet ano bang ginagawa ng babaeng yun"

" Iniisip mo si Lyka? Kala ko ba di mo siya gusto?" tanong ni Kiel na di ko napansin na nakalapit na pala sakin

Binulsa ko ang cp ko " di ko nga siya gusto dahil bestfriend nga niya ang gusto ko..."

" eh bakit hinabol mo pa siya kanina?"

bakit ko nga ba siya hinabol
pakeelam ko ba sakanya kung may manyari sakanya
at sinabi naman niya di ba magpapsundo siya
pero bakit ganun
alalang alala ako kung baka ano ang mangyari sakanya pag bigla siyang umuwi ng walang kasama...

" sinabi ko alng sakanya na wag siyang sumabay sakin pauwi" sabi ko habang tumatayo palayo kay Kiel

Pumunta ako sa may backstage
sira ulo talagang weirdong babaeng yon...
anong oras na .. di pa siya nagtetext

teeteeteet teeteet...

nagulat ako sa cp ko at dali dali kong binuksan ang inbox
Lyka yung nakita ko

" thanks..umuwi na po ako nagpasundo na po ako - lyka"

priness ko ang reply button

" txt me kapag nasa bahay mo na ikaw...ingat - Adrian"

teteeteet teeteet

" kaw din po ingat pag-uwi...- Lyka"

" thanks - Adrian"

hinintay ko pa reply niya pero di na siya nagreply
hayz baliw talaga yung babaeng iyon
bakit ganun...parang nanghihinayang ako na di kami nagkasabay

++[[ i hate to see the one i love happy with somebody but i trully hate to see the one i love unhappy with me]]++

fallen_angel ' o24
Kiss
Visit this user's website Find all posts by this user
Quote this message in a reply
08-11-2009, 02:51 PM (This post was last modified: 08-11-2009 02:52 PM by Satanista666.)
Post: #17
RE: i've fallen for you ( true story)
Hindi ako makarelate. Puro na lang ganun...... wala bang medio unique man lang...? Lahat ng tinitingnan kong storya, parang iisa lang ang idea pero magkakaiba lang ang sitwasyon.

Guests cannot see links in the messages. Please register to forum by clicking here to see links. //
Guests cannot see links in the messages. Please register to forum by clicking here to see links.
Visit this user's website Find all posts by this user
Quote this message in a reply
08-11-2009, 06:16 PM
Post: #18
RE: i've fallen for you ( true story)
(08-11-2009 02:51 PM)Satanista666 Wrote: Guests cannot see links in the messages. Please register to forum by clicking here to see links.Hindi ako makarelate. Puro na lang ganun...... wala bang medio unique man lang...? Lahat ng tinitingnan kong storya, parang iisa lang ang idea pero magkakaiba lang ang sitwasyon.

ahm sori kung tingin mo po ung idea is the same as others
pero this is not an imaginative story
kaya nga po siya true story kasi it is non-fictional...
kung yung scences po almost the same as others... di ko naman po maieedit yun
kasi po pag nag-edit ako..meaning di na siya true story

nwei thanks for reading though

++[[ i hate to see the one i love happy with somebody but i trully hate to see the one i love unhappy with me]]++

fallen_angel ' o24
Kiss
Visit this user's website Find all posts by this user
Quote this message in a reply
08-11-2009, 09:51 PM (This post was last modified: 08-11-2009 10:02 PM by jem_navoa.)
Post: #19
RE: i've fallen for you ( true story)
^Lyka^

gayumahin ko na kaya si Adrian
para naman kahit papaano magkagusto yung tao sakin
kaso sabi nila bad daw yun
bad as in...
ahyz wag na nga lang.,
at isa pa
gusto ko siya maging masaya with jenny

( ano ka ba lyka ...sinong niloko mo? may tao bang magiging masaya kapag nakikita mong masaya sa iba ang taong gusto mo?) heh tumahimik ka...tong demonyong isip na toh.... basta masaya ako
masaya as in masaya

kinuha ko ang cp ko sa bag
lumang modelong 33 10. ngayon lang ako nagkacp eh yung lumang style pa

tinignan ko yung mga number ni Adrian.. Adrian legrama hayz ang gandang pakinggan
dati ayaw na ayaw ko ang pangalang adrian ngayon parang gusto kong lahat ng tao sana ay may pangalang adrian.

naku umiral na naman ang pagkalokaret ko

nagtxt ako sa cp ko

" adrian punta ka sa bahay - lyka" hehehhe di naman niya mababasa toh..., at di din naman niya alam ang bahay ko., wala rin naman akong load.,

press send...

hayz., buti na lang wala akong load., wala lang press send lang para feeling kunwari may katxt ako

teteeteetteeteet

" okay... punta ako bukas., punta ako sa baba ng building mo mga 5:00.. pakainin mo ko ah - adrian"

wahhhh
di nga kay addrian ba galing toh
hala paanong nasend ung message ko eh wala naman yung load
hala....

nakakahiya

" ah .. eh... wrong send - lyka"

teteeteetteeteet

" wrong send ka diyan....eh binanggit mo pa nga pangalan ko..sabi mo adrian punta ka sa bahay- adrian"

wahh anong gagawin ko
bawal ako magpapasok ng lalaki sa bahay
strict parents ko
oh no

" ah..eh sige punta ka hintayin kita ah - lyka"
^Lyka^

mama!!! mama!!!

" ano ka ba namang bata ka parang nasusunog ang bahay natin ah kung makasigaw ka" sabi ng papa ko

" ano kasi... ano.... may darating akong bisita bukas" sbi ko

" alam mo naman na wala tayong mapapakain sa bisita mo.. atsaka istorbo lang yang pagluluto na yan" sabi ng mama ko

" papa kasi.... kasi... sabi ko sakanya di ko siya papakainin bahala siya...eh sabi niya gusto niyang pumunta., papa sige na pumayag ka na" sabi ko
kulit ko noh? pero talagng dapat mapapayag ko parents ko

" ang kalat ng kwarto mo tapos nag-imbita ka " sabi ng papa ko " sino ba ang pupunta at napakakulit mo"

" si ano...si ... .si adrian... yung yung kinukwento ko sainyong may gusto kay jenny pupunta siya dito., " sabi ko

tinitigan ako ng papa ko

" eh baka may gusto ka kay adrian na yon kaya siya ang pinapapunta mo dito" pang-aasar ng papa ko

" wala ah..wala akong gusto dun.. sige na papa pumayag ka na., please.... "

" oh anong papakain mo dun sa adrian na iyon?"

umm ano nga ba?
ah basta bahala na basta dapat makapunta siya
ngayon lang may nagsabi sakin na may gustong pumunta sa bahay ko na lalaki

" eh ako nang bahala dun...so payag na kau?"

" bahala ka" sabi ng papa ko habang umiinom ng kape

" yehey!!!" tumakbo ako papunta sa kwarto ko

tinext ko siya

" Promise pupunta ka? anong gusto mong pagkain? "

teteeteetteeteet

" yup promise.... ahm... kahit ano..-adrian"

" ano ngang pagkain?-lyka"

" bbq...steak., hahah bahala na- adrian"

" thank you maski napipilitan ka lang" grabe ang saya ko
^ Adrian ^

hahahah
grabe sa hyper nitong babaeng ito
parang sinabi ko lang na pupunta ako
parang tuwang tuwa

" di ako napipilitan - adrian"

" talaga ... yehey cge..tulog na ako gudnyt..txt mo ko bukas ah- lyka"

" gudnyt"

di kaya ako maligaw bukas sa may bahay nila?
di ko pala natanong kung anong floor sila ng building nila...
ahy di bali na nga lang bukas ko na problemahin yun

teka nga nasan ba yung phone matawagan si jenny

++[[ i hate to see the one i love happy with somebody but i trully hate to see the one i love unhappy with me]]++

fallen_angel ' o24
Kiss
Visit this user's website Find all posts by this user
Quote this message in a reply
08-17-2009, 12:45 AM
Post: #20
RE: i've fallen for you ( true story)
wala pa rin kasunod
tagal nman
naiinip aco
ganda kse kwento e
Find all posts by this user
Quote this message in a reply
Post Reply 


Possibly Related Threads...
Thread: Author Replies: Views: Last Post
  Fallen Angel ~bluesmine~ 6 710 02-18-2009 08:59 PM
Last Post: booba
  Birth Certificate(true story) pichoy01 5 685 10-08-2008 09:30 PM
Last Post: pichoy01
  POT - how long will you get high? (true to life story) u_suck 19 1,089 01-12-2007 01:56 AM
Last Post: u_suck
  i will be true to you frenzyguy 1 347 11-29-2006 03:42 PM
Last Post: frenzyguy
  Laguna-True Story jejeynn 3 844 08-31-2006 01:49 AM
Last Post: jejeynn
  Nightmare Boyfriend (true story) Kezi 2 598 08-07-2006 11:43 PM
Last Post: Kezi
  The Sarah Geronimo True to life story....read nyo lang po! jia 8 2,956 08-06-2006 07:53 AM
Last Post: jia
  true friendship is important jia 7 760 08-01-2006 09:40 PM
Last Post: jia
  eto po ung ending nung story ng love story ni Nam Mina and Eun Ji Won.... xnor924 9 755 06-16-2006 08:14 PM
Last Post: xnor924
  your just giving me pain ( true story poh) jem_navoa 4 1,066 04-20-2006 08:22 PM
Last Post: benchgal

Forum Jump: