|
Join our Facebook Page |
|
|
|
|
i've fallen for you ( true story)
|
|
06-27-2009, 02:32 PM
(This post was last modified: 07-12-2009 02:06 AM by jem_navoa.)
Post: #1
|
|||
|
|||
|
i've fallen for you ( true story)
CHAPTER 1
waaa!!! Tama ba tong nakikita ko? di kaya namamalikmata lang ako? Okay lyka...breathe in...breathe out Go girl!!! Kaya mo yan Tuloy mo lang ang pagbaba ng hagdan naghihintay sayo si prince charming!!! Hays.... ano ako asa? Halos talunin ko na nga ang hagdanan ng aming paaralan. Naku bat ba tuwing nakikita ko si Adrian ganito ang feeling. feeling.... hays di ko maexplain... feeling... IMPIYERNO!!! I hate Adrian... I definitely hate Adrian Legrama! Siya ang lalaking sumira ng buhay ko!!! Ayon siya nakaupo sa lamesa under the bulletin board... Napaka feeling...feeling gwapo as if naman totoo Bumaba ako ng hagdan...hala palapit na ako... napakalapit ko sa hell!!! " wait Lyka!" pigil ni Adrian He's holding my hands... Oh my God..magkakasakit ata ako magkakasakit ako sa init... sa init ng ulo ko " Bkit?" I asked him Tumingin lang siya sakin na para bang magtatapat. Kilig... O ano magtatapat ka na? Aba bilisbilisan mo... hindi lang ikaw ang lalaking pipila para sa kamay ko. " May sasabihin sana kasi ako sayo" sabi niya Sabi na nga ba tinamaan dinsakin tong kumag na toh kaya favorite niya akong asaarin at awayin. Hay grabe Lyka taas ng energy level mo ngaun noh? Taas mo din mangarap. " Ano sasabihin mo?" tanong ko sakanya ng malumanay Di makatingin sakin ng deretso si Adrian. " di ba alam mo na kaw ang close ko dito at kaw lang ang kinakausap ko na babae" sabi niya ng dahandahan so since ako ang paborito mo nainlove ka na ganun ba? Bat ba kasi antagal...di mo na sabihin kaagad. naku umiinit ang ulo ko Adrian. " Close? lagi mo nga akong inaaway eh" sabi ko Sabagay siguro may point siya. Napaka close namin...Close enemy kami!!! May ganun bang salita? Siguro nga may ganun. " Sori na kung inaaway kita dati" sabi niya Naku Adrian maski lumuhod ka s harapan ko I'll never forgive you!!! Maski kaw na ang last man on earth!! Ano ako Timang? Pagkatapos ng mga ginawa mo sakin! Mark my word! Mamatay ka man! Ahy ang bad ko wag ganun. Itaga mo na lang sa bato...Never!!! Never kitang papatawarin!! " Okay lang yon...Nuh ba kailangan mo?" Pinagsalikop niya ang kamay ko May ganung effect? Ano ba kasi talaga sasabihin mo " Favor...Can you please be my..." ah ayan nah. Gf? Asa ka " Ou!" sabi ko " Talaga payag ka? Tuwang tuwang sabi ni Adrian " Ou nga" ayan ah pinagbigyan na kita maski ayaw ko... hehehe... " You will be my bridge? tutulungan mo ko manligaw?" halos magtatatalon na sabi niya Wat? ano daw? Bridge? Tulay? Wat dah? " tulay?" Nanlaki ang mata ko " ou type ko kasi friend mo eh, di ko alam kung pano siya ligawan. Close kayo di ba? Kaya kaw naisip kong hingan ng tulong" pagpapaliwanan niya Heck...tulay pala ah! Sabi na nga ba eh kapag dinidikit talaga sakin ang taong may pangalan na Adrian Legralma walang magandang nangyayari.... On the second thought... This is the best thing that happened to my life! Adrian Legrama... I'll make sure you will live a living hell. I'll make you wish you never ruined a girl named Lyka Sandoval...I'll make you wish...you have never been born!!!! " sure" I smiled at him " thank you talaga Lyka... Thank you akala ko di mo tatanggapin. Alam ko kasing galit ka sakin" sabi niya na tuwang tuwa "di ako galit sayo!!!" galit na galit!!! Pagkatapos ng lahat ng ginawa mo sakin there's no way na magkakabati tayo! Adrian legrama... 17... Basketball Varsity player, hunk, maputi, gwapo, matangkad...and the best thing is my mortal enemy. Ever since grade 4 mainit na talaga dugo ko sakanya...favorite kasi niyan akong batukan, sabihan ng pangit, black lady at siya din ang sumira sa first crush ko. Dahil sakanya kung anu- ano ang kumalat sa school... Kesyo raw...nagsasalita akong mag-isa, weird, at may sapak sa ulo...Dahil din sakanya kaya wala akong bf ngayon... inshort jinx si Adrian Legrama... Panira siya ng buhay ko!!! -------------- ^ Adrian ^ grabe akala ko aawayin na naman ako ng amazona na yon I know she hates me and she hates me big time. Ewan ko ba kung bakit antindi ng galit sakin nun. Nakakatakot bigla siyang bumaet...Pumayag siyang maging tulay ko? I can't believe this... hindi ako makapaniwala Lyka Sandoval... Weird, laging nakasalamin, laging nakalugay kung di lugay nakatali ng ponytail na pangchinese. nerd? Ou ata nerd nga ata siya, Kinakausap lagi ang sarili... Laging binubully ng mga tao pero ang best description...mortal enemy ng buhay ko. wala naman akong sala kung nakikita ng mga tao na weird siya pero ako talaga ang pinag-iinitan niya. Hayz ------ ^Lyka^ di bali balang araw mahahanap ko rin ang prince charming ko. Yung tipong mas better pa dun sa mayabang na adrian na yon. Yung tipong mas gwapo pa sakanya, at yung tipong tanggap ako maski ano man ang sabihin ng iba ----- ^ Adrian ^ Sawakas magkakalapit na rin kami ng princess ko. Siya yung girl na hindi weird unlike that amazon girl. ----- ^Lyka and Adrian^ i hope i can be with the one i love... ah para dun sa mga makukulit kong piinsan, o ayan sinulat ko na yung story namin... pinalitan ko na lang yung names... ahehehe sori kung natagalan bago ko kayo mapagbigyan. sa mga nagbabasa naman po enjoy reading... |
|||
|
07-02-2009, 10:45 PM
(This post was last modified: 07-12-2009 02:07 AM by jem_navoa.)
Post: #2
|
|||
|
|||
|
RE: i've fallen for you
CHAPTER TWO
^lyka^ bad morning world! Bad morning life! Di ako makatulog ng matino kagabi! Pano nga ba ako makakatulog kung unang una kong naiisip ay yung kapre na yon! Wahhh...asar!!! Okay... plan a. Ang alam niya tutulungan ko siyang manligaw pero sisiraan ko siya plan b. Tutulungan ko siyang manligaw, papasagutan ko siya sa friend ko and then papabreak ko sila kapag nainlove na ng husto si Adrian Plan c. Alam ni Adrian na tutulungan ko siya pero ala akong gagawin para maging sila Wahh..anong gagawin ko Ah alam ko na para makaganti ako sa lahat ng kasalanan niya siguro ang best option eh yung plan b mararamdaman niya yung feeling ng sakit na naiparamdam niya sakin... Hay naku bahala na nga! Mangyari kung anong mangyari ------ Sa school.... anlaki ng eyebags ko buti na lang nakaeyeglass ako hays... " lyka!" sigaw ng isang lalaki hay butiki... ano ba sino ba yun Paglingon ko nakita ko si adrian nasa likod ko " adrian?" " good morning..." sabi niya while smiling. shit ang ganda ng ngipin What's so good about morning... hays...bad morning ako kasi nakita ko face mo " good morning din" sabi ko Grabe bat ba kasi pinanganak na gwapo tong mokong na toh nakakainis!!! Gwapo nga siya masama naman ang ugali " dun tayo sa gilid mag-usap baka may makakita sakin na kinakausap kita" ahba may sapak ata sa ulo tong lalaking toh eh!!! Eh ano kung may makakita satin na kinakausap mo ko ano gusto mo ng away! " sige" Naglakad kami papunta malapit sa stage " so ano pano mo ko tutulungan?" tanong niya wala nga akong balak tulungan ka...di mo ba alam " ah di pa ako nakakaisip kung paano eh" sabi ko " ganito na lang tanungin mo siya kung ano yung mga favorite niya.Favorite chocolate, flowers, anong kulay ng teddy bears na gusto niya...etc."sabi niya ano ako slambook " wala ka ring balak gawin akong slambook ano?" sabi ko tumawa siya " please" ahla bat parang nagflip heart ko sa pagtawa niya. naku delekado. " cge na cge na..." sabi ko " thank you talaga..." sabi niya habang tumatakbo palayo sakin ahla...ba't ba ako pumayag Okay kung gawin ko man yun at kung hindi wala naman siyang karapatang magalit. Problema ko ba kung paano siya manliligaw...hindi naman di ba? Pero ba't ganun...bakit nandito ako sa harap ng friend ko at nagplaplano kung ano ang itatanong ko... " Jenny pwede ba magtanong?" sabi ko sa harap ng friend ko " naku naman mama as if naman kailangan mo pa ako tanungin kung pewde, ano tanong MO?" tanong sakin ni Jenny Mama ang tawag niya sakin tapos sakanya ang tawag ko naman ay anak. " ano kasi eh..gumagawa ako ng slambook" sabi ko hayz...what a reason Inabot ko sakanya yung papel na kung saan may laman na name, age, bdate, fav day, fave choco, fave color, fave flower at etc. tinignan niya yung iniabot kong papel tapos tumingin siya sakin " ba't ganito laman ng slambook mo? Parang ang mga tanong eh yung mga tanong na binibigay kapag nanliligaw" ahla nabisto na ba ako? naku Lyka..isip ka ng rason..hurry " ndi kaya ah...pati si rie binigyan ko niyan" sabi ko naku kailangan kausapin ko si rienne sabihin ko kapag nagtanong si jenny about dun sa slambook sabihin niya may binigay akong ganung mga tanong din sakanya " sige mama abot ko na lang sayo mamaya" |
|||
|
07-05-2009, 11:15 AM
(This post was last modified: 07-12-2009 02:08 AM by jem_navoa.)
Post: #3
|
|||
|
|||
|
RE: i've fallen for you
CHAPTER THREE
bat ba ako napasok sa ganito? Ahys, life nga naman Nakatingin ako sa labas ng bintana ng service bus namin at nagmumunimuni " mukhang malayo ang iniisip mo ah" sabi sakin ng lalaking umupo sa tabi ko Maski di ko tignan kung sino yun alam na alam ko naman na si adrian legrama ang nagsalita " ba't ba lagi mo na lang akong pinapansin?" naiirita kong sabi tumingin lang sakin si Adrian Kinuha ko yung papel sa aking bag na naglalaman ng mga pinapatanong niya. grabe naiinis ako sa di ko malamang dahilan " ayan na yung pinapatanong mo" habang inaabot ko sakanya yung papel Tinitigan niya yung papel at nilagay niya sa bulsa niya " May problema ka ba?" sabi niya napatingin ako kay Adrian dahil para bang nahimigan ko na kahit papaano nag-aalala siya... kaninO... siguro naman sakin. " wala... pagod lang ako" sabi ko " sige libre kita para makabawi naman ako sa tulong mo sakin" sabi niya Aba kahit pala papaano ay may pagkaanghel si Adrian... pero sorry..ayaw ko ng juice mo Lasunin mo pa ako " no thanks na lang" sabi ko " Aba himala magkasundo ata kayo ngaun" sabi ng isang boses na di ko kakilala kung kanino Napatingin ako dun sa nagmamay-ari ng boses ah..si Jesus lang pala Jesus DelaCruz... kaibigan ni Adrian Gwapo??? ou Gwapo siya... Mabait naman kesa kay Adrian kaso mas gwapo pa rin si Adrian ko... ha ano raw? angkinin ko raw ba si Adrian. Joke lang yun..walng 'ko' Oh di ba pangalan palang ni Jesus santong santo na. Jesus of the cross. Jes tawag sakanya " di mo ba alam na magkaibigan na kami" sabi ni Adrian kay Jes Nagpalipat lipat ng tingin samin si Jes. " hay naku sabi ko na nga ba..sa haba haba ng prosisyon niyong dalawa... may pawar war pa kaung nalalaman...eh magiging kayo rin pala" sabi ni Jes Binatukan siya ni Adrian " May tama ka talaga noh...sabi ko magkaibigan kami" "oo nga mag-ka-i-bi-gan kayo..you know lovers" pang-aasar ni Jes Ha? ano raw...lovers? kami ni Adrian lovers? " never noh!" sabi ko sabay takip sa bibig ko Nilingon ako ni Adrian " never...." mahinang sabi niya |
|||
|
07-12-2009, 02:04 AM
(This post was last modified: 07-12-2009 02:09 AM by jem_navoa.)
Post: #4
|
|||
|
|||
|
RE: i've fallen for you
CHAPTER FOUR
^Adrian^ Grabe talaga yung babaeng yun amazonang amazona kung makapagreact para namang may mangyayari samin., haynaku., maski siguro gumuho pa ang mundo hindi magiging kami nung amazona na yun ni sa panaginip nga di ko na isip na ligawan yung Lyka na yun eh. "Oi Adrian don't tell me totoo ang narinig ko" salubong ni Kiel kay Adrian. isa sa barkada ni Adrian si kiel. " anong narinig?" tanong ko Tinitigan lang ako ni Kiel tapos tumawa at umakbay " yung narinig ko na nililigawan mo daw si Lyka" sabi nito " kanino mo naman yun narinig ah aber?" Mga tao talaga mahilig gumawa ng tsisms tungkol samin dalawa ni Lyka. ano bang meron ...ba't ba kumakalat na nililigawan ko siya maski di naman totoo? " hindi ba totoo? sabi kasi ni Jes magkaibigan na raw kayo ni Lyka" sabi ni Kiel na ang tono ng magkaibigan niya ay tono na kung saan ang ibig sabihin ay lovers. Ha? Magkaibigan? eto na naman kami sa salitang yun. " yup...totoong FRIENDS kami" sabi ko " friends?" namanghang tingin sakin ni Kiel " akala ko ba pinaka ayaw mong babae sa paaralan na yun ay si Lyka...kasi sabi mo nagsasalitang mag-isa, mukhang black lady, nerd tignan, weird..." Ano ba tong pinagsasabi ni Kiel? Totoo nga mga sinasabi niya pero di niya na dapat sabihin yun sa harapan ko. Paano kung marinig ito ni Lyka...baka masaktan lang yung tao. Batukan ko na kaya tong Kiel na toh., para mapatino ko pag-iisip Kalalaking tao...tsismoso " Pare, Mabait naman si lyka" sbi ko " eh di may gusto ka na sakanya....? Naku wag naman..maghanap ka naman ng matinong gf " kontra ni Kiel matino? Hindi ba matino si Lyka? Di ko din naman gusto maging gf si Lyka dahil kaibigan niya ang gusto ko...si Jenny. Ano ba tong kinakalat ng mga taong ito? " Pare... kahit kelan di ako magkakagusto kay Lyka. Di ko din siya nililigawan dahil maski sa panaginip hindi ko inasam na maging nobya ko yun. Masyado siyang weird para sakin" Naku baka mahurt si Lyka pag narinig niya toh.... Di ko napansin na napadaan pala sa kinatatayuan ko si Lyka at narinig niya ang pag-uusap namin ni Kiel. |
|||
|
07-12-2009, 11:49 AM
Post: #5
|
|||
|
|||
|
RE: i've fallen for you ( true story)
CHAPTER FIVE
^Lyka^ Grabe ang ganda talaga ng araw ko ngayon Sana magtuloy tuloy na., Ngayon ang plano ko ay tanungin kung may nanliligaw ba kay Jenny at kung sakali man ano man ang gusto niyang matanggap sa manliligaw niya tapos mag-aadvice ako kay Adrian kung ano dapat ibigay niya kay Jenny Hayz Lyka., mukhang wala ka nang planong gantihan si Adrian ah For 6 years halos wla siyang gawin kundi awayin ka niya., Mukha namang mabaet pala si Adrian., atsaka..ewan..masaya ako na nakikita kong masaya siya., ba't kaya ganun nararamdaman ko? Naglakad ako patungo malapit sa stage nang makita ko si Adrian nakatayo sa gilid Grabe ang gwapo niya maski nakasideview siya Ititigil ko na ung plano kong revenge., bad ata yun eh " Adrian !" sigaw ko pero di niya ako narinig Tumakbo ako palapit sakanya Pagkita ko kasama niya si Kiel Hay naku pagminamalas ka nga naman talaga sa dami pang tao...si kiel pa ang yabang din nito eh second to the kayabangan siya kay Adrian teka...pinag-uusapan ba nila ako? May bumanggit sa pangalan ko sakanilang dalawa Di naman ako tsismosa Slight lang siguro wait bad yan Lyka...wag kang makinig sa usapan ng iba., naku tempting talaga...ano naman pinag-uusapan kasi nila tungkol sakin? ahy di bali na bad na kung bad bad na ako sige., pero makikinig talaga ako hehehe problema na nila yun kung napakinggan ko usapan nila kasi di sila nag-iingat at pabanggit banggit pa sila ng names " Kahit kelan di ako magkakagusto kay Lyka... Di ko din siya nililigawan dahil maski sa panaginip hindi ko inasam na maging nobya ko yun. Masyado siyang weird para sakin..." Halos nabingi ako sa narinig ko. Boses yun ni Adrian Weird...weird ba ako? Ganun ba tingin nung lalaking yun? Ba't ganun prang ang sakit ng sinabi niya... Never magkakagusto? Di inaasam? Ba't ganun mga salita niya? Bigla na lang tumulo mga luha ko... Akala ko naman mabait siya... Di pala... Kung weird ang tingin niya sakin dapat di siya humingi ng tulong sakin... Kahit kelan talaga.. masama pa rin ugali niya... Yung kapreng yun... gusto ba talaga niya ng away? Kulamin na lang kaya kita... " never...di inasam" Paulit ulit kong naririnig sa tenga ko Nakakaturete na., " Adrian.... I hate you...I definitely hate you..." i whispered and walked away |
|||
|
07-19-2009, 09:11 PM
Post: #6
|
|||
|
|||
|
RE: i've fallen for you ( true story)
yes !!!first ako
nagcomment whooo!! ate tuloy mo ang gnda suportahan ko to true story tlaga 2?? |
|||
|
07-19-2009, 11:46 PM
Post: #7
|
|||
|
|||
| RE: i've fallen for you ( true story) | |||
|
07-21-2009, 08:37 PM
Post: #8
|
|||
|
|||
|
RE: i've fallen for you ( true story)
grah! may nauna sakin mag comment!
hahaha. ganda ate. pagpatuloy mo ang pag share ng mga ka aadikan kong kwento. |
|||
|
07-21-2009, 08:59 PM
Post: #9
|
|||
|
|||
|
RE: i've fallen for you ( true story)
hahaaha....
ok bsta intayin ko poh.. |
|||
|
07-24-2009, 11:10 PM
(This post was last modified: 07-24-2009 11:34 PM by jem_navoa.)
Post: #10
|
|||
|
|||
RE: i've fallen for you ( true story)
(07-21-2009 08:37 PM)iamdinah Wrote: grah! may nauna sakin mag comment! thanks for reading poh ahe., sobra pong thank you CHAPTER SIX ^Lyka^ Marahas kong pinunasan ang aking luha di ako makakapayag na sabihan ako ng ganun Never!!! papakita ko sayo Adrian legrama na hindi ako basta bastang babae I'm not weird., i'll make my self special... to the point na itretreasure mo ako., bwahahaha!!! Hindi ko napansin yung tumabi sakin. " layo na naman ng isip mo" "Ahy butike!!!" Halos mapatalon ako sa boses ng lalaking ayaw kong marinig " butike ka diyan? kalaki laki kong tao tawagin daw ba akong butike" Hmp., ayaw nga kitang makita kaya butike nga gusto kong itawag sayo., On the second thought.... siguro dapat iistart ko na ang TREASURING LYKA PLAN "babaeng nerd., ano na naman ba ang ginagawa mo.. kaya ka sinasabihan na weird ng mga tao dito eh ., dahil diyan sa pagsasalita mong mag-isa" sabi ni Adrian sino bang may sabing weird ako..di ba ikaw... " di nman ako nagsasalitang mag-isa ah" protesta ko Binatukan lang niya ako., " sabi ko nga " sabi niya okay lyka go... lakasan mo loob mo this is it make it work.., make your plan work " Adrian anong number mo?" tanong ko sakanya Npatingin siya sakin Halos manlaki mata niya Parang gulat na gulat siya na tinanong ko number niya " Hindi ko pinamimigay number ko" sabi niya Aba ang letseng lalaking toh..suplado... pahihirapan pa ata ang tactics ko " maski di mo naman ibigay sakin., mahuhulaan ko" sabi ko sakanya Tumawa lang siya " itatanong mo sa mga classmates ko? Di ka ba nahihiya nun? atsaka bat naman kailangan mo pa num ko? pwede mo naman sakin sabihin ung progress ng panlalakad mo sakin sa kaibigan mo kapag nagkikita tayo" sabi niya hala.,ang dami naman rason ng lalaking toh " dahil pag nakita tau ng friendship ko na nag-uusap iisipin niyang tayo di ba?" hahaha.. may ano di mo pa ba ibibigay Mataman niya akong tinititigan " gusto mo lang marinig boses ko eh" aba kung patayin kaya kita!!! feeler!!! " hoy lalake., kung ayaw mong ibigay di wag., di ko kailangan number mo., at feeling mo...feeling mo ang gwapo gwapo mo., di ka naman gwapo" Nagulat na lang ako ng lalong lumakas ang tawa niya " di ko naman sinasabing gwapo ako ms. defensive," Namula ako sa sinabi niya hays lyka kung di ka pa isang kalahating tanga bat ba ang daldal mo kung anu-ano tuloy lumalabas sa bunganga mo bakit mo nga ba siya sinabihang hindi gwapo eh wala naman siyang cnasabing gwapo siya,. " hoy di kita crush noh" " di ko naman sinasabing crush mo ko.," nakangiting sabi niya " abat sa kapal din ng mukha mo nagtatanong lang ako ng number mo ..." di ko na natuloy ang sasabihin ko kasi bigla niyang sinabi number niya " kaw binibiro lang kita masyado ka namang mainitin ang ulo" sabi niya sakin " Ewan ko sayo...wag mo ko kausapin! Galit ako sayo!" " yeah alam ko matagal ka ng galit sakin., kaya nga ba minsan naiisip ko sa sobrang galit mo..baka mainlove ka niyan sakin" " feeling mo!!" |
|||
|
« Next Oldest | Next Newest »
|
| Possibly Related Threads... | |||||
| Thread: | Author | Replies: | Views: | Last Post | |
| TRUE LOVE | ms vulnerable | 0 | 222 |
09-30-2011 09:18 AM Last Post: ms vulnerable |
|
| Unconditional Love – True Story! | ms vulnerable | 0 | 248 |
09-29-2011 05:05 PM Last Post: ms vulnerable |
|
| True Heart (A story) | oyamakire27 | 1 | 457 |
06-17-2011 04:38 PM Last Post: oyamakire27 |
|
| Fallen Angel | ~bluesmine~ | 6 | 932 |
02-18-2009 08:59 PM Last Post: booba |
|
| Birth Certificate(true story) | pichoy01 | 5 | 1,072 |
10-08-2008 09:30 PM Last Post: pichoy01 |
|
| POT - how long will you get high? (true to life story) | u_suck | 19 | 1,676 |
01-12-2007 01:56 AM Last Post: u_suck |
|
| i will be true to you | frenzyguy | 1 | 640 |
11-29-2006 03:42 PM Last Post: frenzyguy |
|
| Laguna-True Story | jejeynn | 3 | 1,231 |
08-31-2006 01:49 AM Last Post: jejeynn |
|
| Nightmare Boyfriend (true story) | Kezi | 2 | 809 |
08-07-2006 11:43 PM Last Post: Kezi |
|
| The Sarah Geronimo True to life story....read nyo lang po! | jia | 8 | 8,816 |
08-06-2006 07:53 AM Last Post: jia |
|
User(s) browsing this thread: 2 Guest(s)

Search
Member List
Calendar
Help






