Join our Facebook Page



Post Reply 
 
Thread Rating:
  • 1 Votes - 5 Average
  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
  • 5
Pag-Ibig at Karunungan
01-31-2010, 02:44 PM (This post was last modified: 02-15-2010 03:15 PM by Satanista666.)
Post: #1
Pag-Ibig at Karunungan

May napapansin ba kayo ngayon? Kung hindi ngayon, nuong nakaraan at itong darating na panghinaharap? Ako? Marami akong napapansin. Siguro nga, mas maoberserba ako sa mundo na ginagalawan ng mga tao kaysa sa mga tao na walang inisip kungdi ang kanilang nararamdaman ngayong kasalukuyan.

Anu-ano ba ang mga ito? Ito ang mga kasalukuyang nararamdaman ng mga tao. Ang manuod ng ‘Pinoy Big Brother’, ang magtilian kung sino ang maganda at gwapo sa TV, ang laging updated sa bagong palabas, ang makaramdam ng kasalukuyang pagmamahal patungo sa taong gusto nila at marami pang iba.

Sa kasalukuyan, hindi ko siya pinapansin. Wala akong pakialam. Ang mahalaga sa akin ang obserbahan ang takbo ng mga tao dito sa ating mundo. Kung anong meron tayo nuong nakaraan, pangkasalukuyan at sa panghinaharap. Pumpasok sa aking isipan ang bagong idea na mapaganda at lalong mapabuti ang ating mundo. Nakakalungkot lang isipin sapagkat ako lang ata ang nakakaisip ng ganito. Wala ng iba pa.

Bakit kaya? Hindi ko maunawaan o sadyang wala silang pakialam? Kapag alam kong may kulang sa ating kapaligiran, naglalagay ako ng makabagong idea para mapuhunan ang mga ito samantala ang mga taong nakakasama ko, walang inisip kungdi magbakasyon at magpakasya sa ibang lugar. Sama-sama daw sila ng pamilya, kamag-anak at pamilya nila. Kasa-kasama nila ang mga syota at magiging asawa nila.

Bakit pa kinakailangan intindihin ang mga iyun?

Tulad ng sinasabi ko, ako lang ata ang may ganitong pag-iisip. Ang para sa akin, unawain lang muna nila ang mapaganda ang ating mundo bago muna sila magpakasaya ngunit, ni isa ay walang nakakaisip katulad ng iniisip ko.

Masyado ba ako matalino?

Hindi rin. Sinasakop ko lang ang karunungan dito sa mundo sa abot ng aking makakaya upang madali ko maunawaan ang lahat. Ayoko tumulad sa mga tao na nabubulag na sila sa kanilang nararamdaman. Grabe pa nga ang nakikita ko. Hindi ko naman din matatawag na wala silang utak ngunit, ang masasabi ko lang, sa nararamdaman nila, duon sila nabubulag. Hindi na nila makikita kung ano ang tama at mali, mabuti at masama.

Magbibigay pa ba ako ng halimbawa?

O sige.

Magbigay tayo ng kakaibang scenario. Sabihin na lang natin na pangkaraniwang scenario.

Mag-asawa.

Ang tanong.

Papaano nila malalaman kung mahal siya ng asawa o hinde?

May sagot ba?

Hindi pwedeng sagutin ng tao yan. Ang makakasagot lang sa tanong na yan ay mismong nararamdaman ng tao kaya nasasabi niya na “oo, mahal ako ng asawa ko” kahit walang ebedensiya.

Tao e. Hindi naman siya robot.

Isa pa, may kabit ang asawa na hindi alam ng babae o lalake.

Ang tanong uli.

Papaano nga ba malalaman kung talagang mahal siya ng asawa o hinde?

May sagot ba?

Ulit, ang makakasagot lang ay ang mismong nararamdaman ng tao kaya bulag siya. Hindi niya makita kung ano ang tama at mali sa asawa niyang may kabit, basta ang alam niya, mahal niya. Wala siyang lohikal na paliwanag. Kinakailangan lang nila muna na manghula hanggang makakuha sila ng perpektong sagot.

Hindi kase siya konkreto na nahahawakan ng tao. Imahinasyon lang siya na dala ng bugso ng kanyang damdamin. Hindi katulad na may utak at abot-abot ang kanilang karunungan, may mga ebedensiya silang nakikita. Halimbawa, may pulang mansanas at dilaw na mansanas na nakalantad sa namesa ng isang tao. Madali maitukoy ng isang tao kung ano ang kakaiba, at kung ano ang mali sa mansanas na yun. Perpektong alam na ng tao kung ano ang karapat-dapat kainin.

“Kakainin ko itong pulang mansanas na ito. Ang dilaw na mansanas na ito ay hindi ko kakainin dahil hindi siya normal sa ibang pangkaraniwang mansanas”, --- konkreto diba?

Kahit ang asawa na may kabit o hindi lang asawa, syota na rin, ang tanong, papaano malalaman ng tao kung mahal siya ng tao o hinde? Hindi sapat ang aksyon at salita. Maraming tao na kaya magkunwari. Kung ang isang eyewitness, nakita niya na may ibang minamahal ang asawa o syota ang isang tao, at magsusumbong ito, maniniwala ba kaya ang asawa o syota sa kanya?

Ito lang ang pwede niyang sagutin.

May tiwala siya sa asawa niya o syota niya na hindi nakikita mismong ng mata niya na may kinalolokohan siyang iba o pwede siyang maniwala sa taong nagsusumbong sa kanya pero ang tanong…

Papaano nga malalaman kung totoo nga may iba siyang mahal o wala?

Ulit, depende sa tao kung ano ang nararamdaman niya. Ang nararamdaman lang niya ang pwedeng makasagot sa tanong na yan, at depende na rin sa tao kung pahahawakan pa rin niya ang kanyang karunungan o ang kanyang nararamdaman.

Tanong uli, ano ba ang gusto ng mga tao?

Puso na nararamdaman na hindi nakikita ng mismong mata o karunungan na nakikita niya ang bawat sulok ng sitwasyon?

Ako? Ang gusto ko ay karunungan dahil ayoko mabulag katulad sa iba.

Kayo? Oo nga. Sa taong nagbabasa? Saan ang mas mainam sa inyo?

Puso o karunungan?

Visit this user's website Find all posts by this user
Quote this message in a reply
01-31-2010, 08:38 PM
Post: #2
RE: Pag-Ibig at Karunungan
astig!!..ndi ba pwedeng pagsbayin ang pag-ibig at karunungan??

Kiss
Send this user an email Find all posts by this user
Quote this message in a reply
02-01-2010, 12:12 AM (This post was last modified: 02-15-2010 03:17 PM by Satanista666.)
Post: #3
RE: Pag-Ibig at Karunungan
(01-31-2010 08:38 PM)princess21 Wrote:  astig!!..ndi ba pwedeng pagsbayin ang pag-ibig at karunungan??

Kiss

Ay. Meron pala nagreply dito sa blog ko. Hehehe. Hindi siya pwedeng pagsabayin e. Kapag love niya ang isang guy o ang isang girl, hindi na siya maaaring magdalawang isip, at hindi na siya maaaring mag-isip pa. Ibig sabihin nun, kapag mahal ng isang guy o ang isang girl, no questions ask. Ke tama o mali, mabuti man o masama, mahal niya talaga ang tao na yun. Kaya totoo ang ibig sabihin na love is blind. Hindi talaga siya mismo nakikita ng mata. Nagtitiwala ang isang tao sa pamamagitan ng kanyang pag-ibig, ke tama o mali. Ibig sabihin nun, magsusugal ang isang tao sa pagmamahal, kung tumama siya, jackpot o kung nagkamali siya, bagsak. Risk kung baga. Walang authentication ika nga. Hindi siya authenticated. Walang kasiguraduhan. Basta kung mahal ng guy o girl ang isang tao, kahit anong tsismis diyan, hindi nila paniniwalaan niyan basta kung ang paniniwalaan lang nila ay yung nararamdaman nila, yung nagmamahal sila kahit behind the scene, meron siyang iba.

...kaya totoo yung love is blind.

Not like na may knowledge ang isang tao, o tipong halos utak ang gamit, mga ganun, authenticated na sa kanila na alam na nila ang sunod na kabanata na mangyayari. Kung baga, masyadong advance ang utak kahit hindi naman ganuon ka perpekto. Mahirap ipaliwanag e. Nakikita na niya yung sitwasyon na maaaring mangyari, o nakita na niya ang nangyari kaya hindi siya nabubulag sa nakikita niya.

...e kase, siyempre naman di ba? Kung utak ang ginamit ng isang tao, o marami na siyang alam, clearly sa kanya nakikita kung ano ang tama at mali, mabuti man o masama sa sitwasyon na nakikita ng isang tao, hindi katulad na nagmahal talaga ang isang tao... basta, mahal mo, mahal mo talaga--- kahit babaero o lalakaero ba siya, basta mahal mo talaga ang tao.

Love kase yun na hindi nakikita ng mismong mata. Hindi siya mathematical equation o logical explanation na pwede mo talaga siya maepinpoint kung ano ang tama at mali at pagkatapos, pwede mo siyang baguhin o ignore.
Visit this user's website Find all posts by this user
Quote this message in a reply
Post Reply 


Possibly Related Threads...
Thread: Author Replies: Views: Last Post
  Meron ba tayong "free will" o wala? Kanino nanggaling ang "karunungan" natin? Satanista666 0 722 02-09-2010 04:41 PM
Last Post: Satanista666
  Whats the worst thing ang ginawa nyo dahil lang sa pag ibig (Gf/bf) stupi_love 4 892 11-26-2007 09:37 AM
Last Post: stupi_love

Forum Jump:


User(s) browsing this thread: 1 Guest(s)