Join our Facebook Page



Post Reply 
 
Thread Rating:
  • 1 Votes - 5 Average
  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
  • 5
In A Selfish World, A Selfish Suceeds
02-05-2010, 06:50 PM (This post was last modified: 02-15-2010 03:01 PM by Satanista666.)
Post: #1
In A Selfish World, A Selfish Suceeds

In a selfish world, a selfish succeeds.

Agree o disagree?

Malalaman natin ang tunay na kasagutan dito sa ating mundo. Napapansin natin na dito sa mundong inaapakan natin, meron mga taong mahihirap na nagiging sanhi nila para yumaman. Lalo na ang mga mahihirap na matagal na silang inaapi. Lalo na ang mga nakikita natin sa "movie" o sa teleserye kung saan inaapak-apakan at nilalait sila, at lahat ng mga ito ay pawang mga totoo sa tunay na buhay, sa realidad ng mga tao. Hindi man natin masasabing perpektong nakikita natin sa tunay na buhay sa buhay ng mga taong umaakto sa "movie" o teleserye. Magkatulad man sila ngunit, iba iba nga lang ang kanilang paraan at sitwasyon ng kani-kanilang buhay.

Sa mga milyonaryo na nabubuhay, na mala-palasyong bahay, sa mga taong umasenso na ang kani-kanilang buhay kung saan ang kanilang pera ay malalaki, at iba ibang bangko ang napupuntahan nila upang mag-withdraw lamang ng pera ay karamihan sa kanila ay mag-isa. Hindi naman ibig sabihin na mag-isa lang siya sa mundo ngunit, ang ibig sabihin nito, bago siya umasenso at nagkaruon na tumpak-tumpak na pera, ibinitiwan niya muna at ibinigay niya muna ang tutok sa pagtatrabaho para magkaruon siya ng ganuong kalaking pera. Papaano sa paraan?

Maraming paraan para kumita na malaking pera at para umasenso ang isang tao upang yumaman siya. Hindi dahil sa illegal na trabaho na pinapasukan niya, kahit ang legal na trabaho ay pwedeng yumaman at umasenso ang tao basta maging "selfish" lang siya sa sarili niya. Marami siya kinakailangan bitawan kahit ultimong mga kaibigan, pamilya at kamag-anak, at isama na rin natin ang mga taong naapi dahil naging mahirap sila at pagkatapos nito, sumikap para yumaman sila. Bakit ko nasasabi eto? Obvious e.

Magbigay tayo ng mga ilang halimbawa. Halimbawa na lamang sa mga taong may hawak na negosyo. Sabihin natin sa multi-level marketing --- networking. Lahat halos ng tao ay nangangarap na "yumaman" at meron pa ngang katagang "payaman" --- secret word ng mga taong gustong-gusto yumaman. Kinakailangan, buong oras ng taong may negosyo ay tutukan niya ang trabaho o ang kanyang ginagawa para maabot niya ang pangarap niyang yumaman. Tutal, sa pagyaman niya ay malamang, kapag mayaman na ang isang tao, giginhawa na rin ang kanilang pamilya pero ano ang kapalit? Ang kapalit nito ay kapag oras ng gimik ng mga kaibigan mo ay kinakailangan, hindi ka muna sasama. Nasa kanila yun kung masasaktan mo sila o hinde dahil "walang time"--- totoo yun. Kapag "business meeting" na nakatapat sa exaktong linggo, makakatanggi ka ba? Importante e. E kung nag-request ang asawa mo na ganito, "itong linggo ay may reunion tayong lahat" sabay sa flight mo papunta sa "business meeting" mo sa australia? Saan ka na ngayon?

...esasakripisyo mo ang isa sa kanila.

---kahit hindi sa "business meeting", sa iba ibang uri ng trabaho. Hindi yumayaman ang isang "boyfriend" kung may maintenance "girlfriend" siya lalo kung ang sahod niya ay hindi sapat. Mapipilitan siya bitawan ang "girlfriend" niya para tutukan ang trabaho niya, kung may pangarap siya magkapera ng marami at yumaman. Parang ganito, "maging selfish muna tayo para umasenso at magkapera ng marami" --- totoo yun.

Sinu-sino pa ang mga mayayaman na mag-isa lang?

Bilangin natin.

Sikat na sikat si Jackie Chan. Nuong bata siya, iniwan na siya ng mga magulang niya. Ang resulta? Yumaman at sumikat siya. Bakit? Meron siyang mga friends kaya natural, hindi siya mag-isa pero meron man siyang kaibigan pero hindi katulad ng inaasahan ng mga tao na may bonding type pa na nalalaman na keyso gigimik sa labas o buong oras ay nasa bahay ng kaibigan, hindi ganun ---dahil mag-isa lang siya sa buong buhay niya, ang natututukan niya ay ang trabaho, hanggang paglaki--- sumikat siya at yumaman at sa huli, saka siya nakapag-asawa at nagkaruon ng anak.

Sino pa? Si Madonna. Nasa top two siya sa milyonaryong babae. Mag-isa din siya--- trabaho din lang ang natutukan niya. Si Michael Jackson--- walang family ties--- mag-isa lang din siya sa bahay, sikat at mayaman pa siya at higit pa, legendary pa.

--ang dahilan kung bakit yumayaman at nagkakaruon sila ng maraming pera ay dahil sa "hardwork" at "dedicated" sa work nila na kahit bagong taon o valentines day o christmass day, hindi mo makikita na kasama siya sa pamilya o kaibigan na naglalakwatsa at nagpapakasaya sa pagiging sama-sama nilang lahat. Kapag sinabing dedicated--- "passion mo" sa puso at damdamin ng isang tao para "ma-achieve ang ganung pangarap" mo.

---kaya mahirap maging "dedicated" sa isang work kung may "dedicated" ka pa sa mga friends at family mo. Lalo na kung may "relationship" ka at pagkatapos, "dedicated" ka sa work mo, e mas mainam na huwag ka na lang magkasyota dahil mawawalan ka ng oras sa syota mo o kung gusto mo na "dedicated" ka sa syota mo, huwag ka na magwork. Dalawa ang dapat mong piliin. Asan ka duon?

Ang pagiging asenso at pagiging mayaman at pagkakaruon ng maraming pera ay hindi lamang dahil sa pumapasok ang isang tao sa trabahong illegal na kung saan, babayaran siya ng malaki, o hindi dahil sa nanloloko ng kapwa para lamang yumaman. Kung gusto talaga ng isang tao na maabot ang pangarap niya na yumaman at magkapera ng marami, "dedicated" dapat siya sa trabaho, "hardwork" dapat siya at sorry to say, "maging selfish" muna siya para sa sarili niya, na hindi naman ibig sabihin na keyso manloloko ka. Kung baga, "iintindihin" muna niya ang sarili niya para yumaman.

---kaya pansin natin, ang mga taong walang pera, at mahihirap ang pamumuhay nila, kumpleto ang pamilya nila. Walang kulang kung sabay sabay sila kumakain, kahit ata magiba ang yero nilang bahay, sabay sabay pa rin sila naglalakad na nakapaa sa kalsada.

---sa mga average na tao, hindi mahirap, hindi mayaman. Tama lang ang pera nilang hawak dahil kahit papaano, hinahati nila ang oras sa trabaho, pamilya at kaibigan pero hindi sila mayaman na keyso maraming pera. Kahit tama lang ang ikinikita nila, nahihirapan pa din sila kase may mga pagkakataon na hindi sapat sa pagkain, maraming babayaran at kung ano pa man.

---sa taong mayayaman talaga, kung sakaling may anak na mayaman, malalaman natin na malaki nga ang bahay pero siya lang ang mag-isa, na may sampung katulong, may sampung driver, at may sampung kotse. E saan ang mga magulang ng anak? Malamang, "dedicated" sila sa work at "hardworking" parents pa sila para sa anak nila, at karamihan din sa mga taong "single" at hindi na nakapag-asawa, mayayaman --- at maraming pera. Yan ay dahil lamang sa "hardwork" at "dedicated" sa trabaho.

Ika nga, "In a selfish world, a selfish succeeds" at yan din ang dahilan kung bakit "money is the root of evil"

Agree o disagree?

Visit this user's website Find all posts by this user
Quote this message in a reply
Post Reply 


Forum Jump:


User(s) browsing this thread: 3 Guest(s)