Join our Facebook Page



Post Reply 
 
Thread Rating:
  • 1 Votes - 5 Average
  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
  • 5
Meron ba tayong "free will" o wala? Kanino nanggaling ang "karunungan" natin?
02-09-2010, 04:41 PM (This post was last modified: 02-15-2010 02:42 PM by Satanista666.)
Post: #1
Meron ba tayong "free will" o wala? Kanino nanggaling ang "karunungan" natin?

Alam niyo ba ang "future" niyo? Sino ang humahawak sa "future" niyo? Si God o ikaw? Kung naniniwala ka na ang humahawak sa "future" mo ay si God, ibig sabihin nun ay mayruon tayong "predestination", hindi mo nga lang napapansin na naka-"predestine" tayo. Ang akala lang natin ay may "free will" pero wala tayong "free will." Ngayon, kung ikaw ay hindi naniniwala na ang "future" natin ay hindi "hawak ni God", ibig sabihin nun ay naniniwala ka sa itinatawag nating may "free will." Halos karamihan ng christian denomination ay naniniwala na may "free will" tayo dahil namimili lang daw tayo. Ows. Kung naniniwala nga sila na ginawa tayo ng Diyos na may "free will"--- ang ibig pala sabihin nun ay hindi ka naniniwala na ang humahawak sa "future" natin ay si God.

Ang lumalabas na ibig sabihin ay hindi niya alam ang mga "future" natin. Kung hindi niya alam, ang ibig sabihin pala nun ay hindi siya "perfect god." E sa hindi niya alam ang magiging "future" natin e. Ang sinasabi sa biblia ay "perfect god" siya, "omniscient" siya at "omnipotent" siya kung kaya, kapag ang isang tao o buong tao ay naniniwala na ginawa ng Diyos ang tao na may "free will" ang ibig sabihin nun, naniniwala lahat ng mga tao na ang Diyos ay hindi "perfect" dahil hindi niya alam ang magiging "future" ng mga tao at higit pa sa lahat, magiging kontradiktory siya sa magiging kasulatan sa biblia.

Ngayon, ang totoo, ginawa ba ng Diyos ang tao na may "free will" o ginawa ng Diyos ang tao na naka-"predestine" na siya? Ang ibig sabihin nun, lahat tayo ay naka-set up na, bawat salita, bawat isip at bawat pananalita at ang magiging sunod na pangyayari sa hinaharap ay alam na rin niya. Ngayon, tuklasan natin ang buong katotohanan patungkol kay Adan at Eba. Wala akong babanggitin kung sino ang dapat sisihin ha? Ipapaliwanag ko lang ang bawat detalye ng proseso kung bakit ang kasalanan natin ay dala-dala natin simulang henerasyon ng henerasyon ng magiging anak natin at sa kasalukuyan nating panahon. Sa mga taong nagbabasa, handa na ba kayo mamulat kung ano ang katotohanan? Pagkatapos niyo magbasa, bahala na kayo manghusga kung katotohanan nga ito sasabihin ko o hinde.

Magpapaliwanag lamang ako at wala ng iba pa.

Simulang gumawa ang Diyos ang langit at lupa, at ang dalawang tao na nangangalang Adan at Eba, ginawa niya ito na may bahid na inosente. Ang ibig sabihin nun, walang karunungan. Walang alam. Hindi nakakakilala kung ano ang tama at mali, at kung ano ang mabuti at masama. Inosente na parang bata. Nasubukan niyo na ba na mang-uto ng bata? Sumusunod siya sa patakaran ng batas pero wala siyang karunungan upang malaman ang inpormasyon kung ito ba ay nakakabuti o nakakasama, o sabihin din natin na hindi siya nakakakilala kung tama o mali ang kanyang sinusundan.

Ngayon, inosente ang ginawa ng Diyos at ipinangalan na Adan at Eba. Sa kainosentehan nila, kahit hubu't hubad, malamang ay hindi nila alam kung mabuti siya o masama, o kung tama o mali ba na nakahubad silang dalawa sa harden ng paraiso. Ika nga, ibig sabihin ng inosente ay walang alam. Mangmang sila. Walang karunungan. E sabi ng Diyos sa kanila na huwag na huwag nila kakainin ang prutas sa puno ng karunungan. Yun lamang ang mahigpit na ipinagbibilin ng Diyos sa kanila. Huwag daw kainin.

Dumating si Satanas na nagkatawang ahas. Itinukso na una si Eba. E si Eba, inosente diba? Bata na hindi nakakakilala ng tama at mali, mabuti at masama. Pangalawa, ginawa sila ng Diyos na hindi ka level ng Diyos. Ang ibig sabihin ay "weak" sila at nagkakamali sila.

Natukso si Eba at pagkatapos, natukso si Adan na walang alam na mali pala ang kanilang ginagawa nila sapagkat hindi sila nakakakilala kung ano ang tama at mali, mabuti at masama. Dumating ang Diyos at saka sila napurusahan.

Ang tanong, sino ba ang hindi makatarungan dito? Hep. Wala akong binabanggit dito ha?

Ang batang inosente na naparusahan na walang kamuang-muang kung kaya nakarating tayo sa ganitong panahon na puro makasalanan o ang ama, na walang puso na hindi niya nabantayan na meron palang manunukso sa kanila, na alam naman niyang "weak" at "inosente" sila?

Kung hinayaan lang niya ang mga ito, ang ibig sabihin, hinahayaan niya sapagkat para mabigyan tayo ng pagkakataon na magkaruon ng karunungan dahil alam na alam na niya ang mangyayari kina Adan at Eba e.

Meron siyang "purpose."

May takas pa ba sa tunay na realidad na meron tayo?

So, kanino nanggaling ang karunungan natin?




Nanggaling na rin ang karunungan natin kay Satanas.

Visit this user's website Find all posts by this user
Quote this message in a reply
Post Reply 


Possibly Related Threads...
Thread: Author Replies: Views: Last Post
Wink wala lang po aang 1 680 05-01-2010 04:55 AM
Last Post: Satanista666
  Pag-Ibig at Karunungan Satanista666 2 1,046 02-01-2010 12:12 AM
Last Post: Satanista666
  "TeaR HerE" OhBea! 112 10,555 04-02-2009 10:53 AM
Last Post: OhBea!
  My "Life" at a Glance inspiring.grief 6 952 10-15-2008 06:37 AM
Last Post: inspiring.grief
  OMFG. (Ang walang "sense" na blog.) ~Ryu~ 1 847 05-21-2007 08:56 PM
Last Post: ~Ryu~

Forum Jump:


User(s) browsing this thread: 1 Guest(s)