|
Join our Facebook Page |
|
|
|
|
Unlucky Valentines 2010
|
|
02-10-2010, 03:30 PM
(This post was last modified: 01-27-2012 04:42 AM by duelmaster01.)
Post: #1
|
|||
|
|||
|
This story is inspired by the story "Unlucky Valentines", a story inspired by one time that Friday the 13th was followed by Valentines Day the next day.
"Nakakainis ka naman eh! Sa dami ng lugar pwede mag-date, dito pa tayo sa resort na 'to...? ", bulyaw ng isang babae na mahaba ang buhok, matangkad, morena, mga 19 taong gulang at naka-casual attire sa lalaking disi-otcho anyos, may katangkaran, mestizo at may suot na salamin, na kasama niya sa loob ng isang resort."Riza, please huwag kang mag-eskandalo dito.", malumanay na sabi ng lalaki sa kasamang babae. "Besides maganda naman dito sa Golden Sand Private resort ah....." "It doesn't change the fact na may nangyari dito last year.....", turan ni Riza. "Last year pa yun at tsaka nag-improve naman yung security dito. At yung nangyari dito ay dahil sa pag-ibig." "Niko, sabihin mo nagkukuripot ka lang. Alam naman nating dalawa na pagkatapos yung insidente dito last year ay bumaba na ang rates ng resort na'to.", pabirong pakutya ng dalaga. "Kasalanan ko bang nadukutan ako. Buti na lang at meron pa akong extra. At teka, hindi pa ba tayo uupo at oorder?", tanong ni Niko. Umupo ang dalawa sa upuan ng isa sa mga cottages at um-order sa waiter. Pagkatapos mag-order ay ipinagpatuloy ng dalawa ang usapan. "Asan na pala tayo? A, yung tungkol sa dukot. Siguro umandar na naman yang balat sa pwet mo o baka yung katangahan mo.", biro ni Riza. "Ikaw naman Riz, minalas na nga yung tao eh kinukutya mo pa.... ", sabi ni Niko."Ah.... wawa naman boyfriend ko...... ""Okey lang yun. Ang importante ay ligtas ako..... suwerte mo." "Alam kong suwerte ako. Pasalamat ka nga sa suwerte ko at humihinga ka pa ngayon. Tingnan mo na lang ngayon." "Inaamin ko, malas ako at suwerte ka. Pero it doesn't matter kasi we love each other.", sabi ng binata. "Sobrang cheesy!!!! ", pabirong sabi ni Riza at tiyempong dumating na ang waiter dala ang order nila. Pagkatapos malagay sa mesa ang mga na-order nila ay binayaran na ni Niko ang waiter at umalis na ang waiter pabalik sa estasyon niya.Makatapos na kumain ang dalawa ay naglakad-lakad sila sa dalampasigan. Magkahawak ang kanilang mga kamay at si Riza ay kapit na kapit kay Niko na konti lang ang taas kumpara sa kanya. "Alam mo Niko, ayokong mangyari sa ating dalawa yung nangyari sa dalawang tao na sawimpalad na namatay rito.", sweet na sabi ni Riza sa boyfriend niya. "Ako rin, ayokong mangyari sa ating dalawa yun at sa tingin ko ay hindi naman mangyayari sa atin yun.",sagot ng lalaki. "Basta pa rin sa akin ay walang dahilan upang maranas natin ang nangyari sa kanila. Basta ako wala akong tinatago, ewan ko lang sa'yo. Sino ka ya sa ating dalawa ang madalas wala sa date." "Excuse me, wala akong iba. At yung mga dahilan na sinasabi ko, totoo yun. Katulad ng na-holdap ako, o nung nasiraan yung sinasakyan ko, o nung isang beses eh iniwan akong mag-isa ng mga groupmates ko na gawin yung class requirement naman, lahat yun totoo Riza.", paliwang ni Niko. "NIKO!!!!!!!!", gulat na sigaw ni Riza sabay tulak kay Niko paharap. Isang segundo lang pagkatapos ay bumagsak sa dating kinatatayuan ni Niko ang isang kumpol ng buko. Tinulangan ni Riza na tumayo si Niko na nadapa dahil sa pagtulak niya. "Okey ka lang?", alalang tanong ni Riza "Okey lang naman ako.", sagot ni Niko na nakatayo na. At isang saglit lang..... Tumunog ang pagtama ng buko sa ulo ni Riza na nahulog mula sa parehong puno na pinagmulan ng bukong tatama sana kay Niko. Ang pagtamang iyon ay ikinawala ng malay ni Riza. -Ipagpapatuloy........ |
|||
|
02-11-2010, 08:50 PM
Post: #2
|
|||
|
|||
|
Asan ako? Bat parang nag-iba ata ang paligid. Teka bat andito si Mama?
•Nanay ni Riza: Anak, okey ka na ba? Ano palang nangyari? Ba't ansakit ng ulo ko? Teka ano itong umu-umbok sa ulo ko? Bukol ba ito? •Nanay ni Riza: Anak? Oo nga pala. Nabagsakan pala ako ng buko. Swerte rin pala itong si Niko. Pero ansakit pa rin ng ulo ko •Nanay ni Riza (kausap ang lalaking nakaputi) : Doc, okay na ba itong anak ko? •Doc: Most probably. Nagkamalay na naman siya. Subukan niyo na lang kausapin. (Aalis ang doktor.) •Riza: Ma, asan si Daddy? Asan rin si Niko. •Nanay ni Riza: Teka lang nasa labas silang dalawa. Tawagin ko lang. Ikaw, okey ka na ba? •Riza: Okey lang ngunit masakit ulo ko..... •Nanay ni Riza: Alam mo bang dalawang oras kang nawalan ng malay. •Riza; Ta...la....ga.... Mommy. (Hinihimas ang maliit na bukol sa ulo.) •Nanay: Oo anak. Sige, tawagin ko muna ang dalawa at baka duguan na yang boyfriend dahil sa galit at pag-aalala ng daddy mo. At lumabas na nga ng kwarto ang mommy ni Riza. At parang hindi nga siya nagkakamali sa hinala niya dahil sa paningin niya ay gigil na gigil na saktan ng asawa niya si Niko dahil sa galit. -Ipagpapatuloy........ |
|||
|
02-12-2010, 11:26 PM
(This post was last modified: 09-04-2010 04:05 PM by duelmaster01.)
Post: #3
|
|||
|
|||
|
Paano na kaya si Riza? Okey na kaya siya? Kainis naman o! Hindi ko man lang siya naprotektahan. At eto pa ngayon si Tito Ariel, galit sa akin. Hindi ko naman siya masisi. Hay naku pakikinggan ko na lang si Tito.
•Ariel : Naku! Kung hindi ko lang kaibigan ang mga magulang mo ay kung ano na ang inabot mo sa 'kin! •Niko: Pasensiya na po tito. Teka! Si Tita Athena lumabas na ng kwarto ni Riza. Kumusta na kaya siya? Lalapit si Athena, ang nanay ni Riza at pakakalmahin si Ariel. •Athena: Ariel, please wag kang mag-eskandalo dito. Tutal, aksidente lang naman ang nangyari. At nagkamalay na naman si Riza eh. •Ariel: Pasalamat ka Niko. Sige, pasok na tayo. Sa sobrang tuwa ay napayakap si Ariel sa anak niya at nangumusta. Sabi naman ni Riza na okay lang siya at ang idinadaing lang niya ay ang kirot sa ulo niya at ang kasama nitong bukol. Pagkatapos namn ng ilang bilin ay umalis na ang mga magulang ng dalaga upang makapagsarili sila ni Niko. Umalis na nga sina Ariel at Athena. Sa loob ng kwarto ay medyo sweet ang dalawa na parang walang nangyari. •Niko: Sorry ha, wala akong nagawa. •Riza: Anong wala? Paano ako nakapunta rito? •Niko: Hindi ba nasabi sa'yo ng mommy mo? Tinawagan ko kasi si Tita Athena nang lumipas ang 10 minuto sa resort na hindi ka pa nagkamalay. Alam mo alalang-alala ako sa sa'yo. •Riza: Wala kang kasalanan, okay? Huwag mong sisihin ang sarili mo. Salamat. •Niko: Walang anuman. Ikaw pa. At tumunog ang cellphone na Niko na siyang ikinaputol ng pag-uusap ng dalawa. Ate pala niya ang tumatawag. •Niko: Hello ate! Bakit may problema ba? •Ate: Niko, si nanay....... -Ipagpapatuloy........ |
|||
|
02-13-2010, 10:27 PM
(This post was last modified: 09-01-2010 10:18 PM by duelmaster01.)
Post: #4
|
|||
|
|||
|
At tumunog ang cellphone na Niko na siyang ikinaputol ng pag-uusap ng dalawa. Ate pala niya ang tumatawag.
•Niko: Hello ate! Bakit may problema ba? •Ate: Niko, si nanay....... •Niko: Bakit? Anong nangyari kay nanay? •Ate: Si nanay nakakain ng napanis na buko salad. Eto ngayon bumubula na ang bibig... •Niko: Sige punta na ako diyan. At nagpaalam na sa si Niko kay Riza at umuwi sa kanila. Pagdating niya sa bahay ay wala na doon ang nanay niya. •Niko: Ate asan si nanay? •Ate: Andun sinugod na sa ospital kasama si Kuya Ruff. •Niko: Saang ospital? •Ate: Sa Divine Care Hospital. Sige sabay na tayong pumunta doon. •Niko: Sige. At sumakay na ang dalawa sa taxi papuntalng ospital. Sa oob ng sasakyan ay halatang balisa ang magkapatid. •Niko: Ate, ba't di mo sinabi na sa Divine Care Hospital dinala si Nanay. Kagagaling ko palang kasi dun. •Ate: Sori, di ko kasi alam. Teka, bvakit ka nandun? •Niko: Si Riza kasi nabagsakan ng buko at nawalan ng malay. Pero okay na siya. •Ate: Mabuti naman. •Niko: Oo nga eh. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na ospital ang magkapatid. Agad nilang tinanong sa Information Desk ang room number ng nanay nila at hindi nagtagal ay napuntahan ng dalawa ang kwarto ng mahal nilang nanay. Pagpasok nila ng kwarto ay naghihingalo na ang mahal nilang ina at parang nagbibigay na ng habilin nito. Silang tatlong magkakapatid ay nandun. Agad-agad nilapitan ni Niko ang ina at niyakap ito. •Ina: Niko, mahal kita anak. Kahit sa....bi ni...la a malas...... ka........ Mahal..... pa....... rin..... ki.....ta..... Anak puntahan mo si Madam Donday, alam niya ang magbibigay swerte sa'yo. Mahal ko...... ka.....yo...... mga a....nak....... At nalagutan na nga ng hininga ang nanay ng tatlong magkapatid. Balot ng kalungkutan ang silid. Si Riza na nakarinig ng iyakan sa kwarto niya ay lumabas at sumilip sa katabing silid. Nakita niya ang boyfriend at ang dalawang kapatid nito na umiiyak at yinayakap ang katawan ng kanilang ina. Dali-dali siyang tumawag ng doktor. -Ipagpapatuloy........ |
|||
|
02-14-2010, 09:19 AM
(This post was last modified: 02-14-2010 10:18 AM by duelmaster01.)
Post: #5
|
|||
|
|||
|
Pinuntahan ni Niko si Madam Donday sa "opisina" nito. Umalis siya sa ospital dahil sabi ng ate at kuya niya na sila na raw muna ang bahala at gawin na lang daw niya ang bilin ng nanay. Wala na ring nagawa ang mga doktor na tinawag ni Riza upang ma-revive ang nanay ni Niko.
In-entertain naman siya ng maayos ni Madam Donday. May katabaan si Madam Donday at mahaba ang buhok. Ang suot niya ay katulad sa suot ng mga karaniwang manghuhula sa Quiapo. •Niko: Magandang gabi po, Madam Donday. Andito po ako dahil sabi ni nanay na may alam daw kayong paraan upang mawala ang kamalasan. •Madam: So, ikaw ang sinasabing anak ni Mareng Isay. Nasabi nga niya sa akin na napapadalas raw ang kamalasan mo. •Niko: Mahirap man pong aminin pero totoo. •Madam: May itatanong ako ngunit huwag kang magagagalit. •Niko: Sige po. •Madam: Nagsimula hindi ba ang kamalasan mo ng maging girlfriend mo ngayon, di ba? •Niko: Medyo po. Bakit po? Kailangan ko ba siyang hiwalayan? •Madam: Hindi naman. Paglabas mo rito, halikan mo ang unang babaeng makikita mong naka-pula at may bag na kulay itim. Yan ang nakikita kong paraan upang swertihin ka. At hindi na kita sisingilin. Nabasa ko kanina sa tarot card ko na lumisan na sa mundong ito si Mareng Isay. Condolence pala. At lumabas na siya sa pahulaan ni Madam Donday. Paglabas niya ay may nakita siyang babaeng naka-pula at may hawak na itim na bag sa kabiling panig ng daan. Sa kinatatayuan niya ay medyo maputi ang babae at maikli ang buhok. May nakita siyang kasama ang babaeng nakaitim na talo pang babae at isang lalaki. Tumawid sa daan si Niko at nilapitan niya ang babae. Kinausap niya ang babae at napag-alaman niyang bayaran pala ito pati ang mga kasama niya. Ang lalaki naman ay ang bugaw. Naki-usap siya sa babae at bugaw kung pwede niyang halikan ang babaeng magdadala sa kanya ng swerte ngunit hindi sila pumayag. Nag-alok si Niko ng dalawang libong piso kapalit ang serbisyo ng babaeng naka-itim na nag-ngangalang Ryza. Ini-abot ni Niko ang bayad sa bugaw. Hahalikan na sana ni Niko si Ryza ngunit pinigilan siya nito at naghintay muna sila ng taxi at sumakay dito. -Ipagpapatuloy........ Feb. 14, 2010 Hindi pa'rin nagtext si Niko simula ng umalis ito sa ospital. Pagkakataon nga naman, Valentines day na valentines day ay nasa ospital siya at hindi pa nagtetext o tumatawag ang boyfriend niya. Hindi naman siya galit, siguro ay nasa bahay si Niko at inaayos ang mga bagay-bagay para sa burol ng ina. Tinext niya si Niko at naghintay ng ilang minuto ngunit hindi parin sumagot. Tatawagan na sana niya ang boyfriend ng dumating ang nakababatang kapatid niyang lalaki na mga isang taon lang ang tanda niya. •Riza: O Jikun, buti naman at dinalaw mo ako. Wala ka atang date ngayon. •Jikun: Meron naman ate kaso lang dinalaw mo na kita. •Riza: Ah.... Ambait mo naman ngayon.•Jikun: Siyangapala ate, hindi ka ba dadalawin ni kuya Niko. •Riza: Hindi ko alam. Busy siguro siya dahil aasikasuhin iyong burol ni Tita Melissa. •Jikun: Ate, huwag kang magagalit ah. Nakita ko kasi si kuya Niko kagabi na may kasamang babaeng nakapula at maikli ang buhok. Magkahawak pa nga ng kamay at sumakay sa taxi. Hahalikan pa nga ni kuya yung babae ngunit pinigilan siya. Ang ganda ng babae ate.... Ang sexy.... •Riza (nainis): Jikun, huwag kang magbiro ng ganyan!!! •Jikun: I'm not lying ate. Tanungin mo pa girlfriend ko. Nakita naming dalawa kagabi. •Riza (medyo mataray): Sigurado ka? •Jikun: Oo 'te. Ba't hindi mo tanungin si kuya. Sige 'te, alis na 'ko. •Riza (medyo kumalma na): Sige ingat ka. At umalis na nga si Jikun. Pagka-alis ng nakababatang kapatid ay tinawagan niya si Niko na sa kasalukuyan ay kalalabas pa lang ng motel. •Niko: Hello, Ryza, i mean Riza. •Riza: Anong Ryza?!?!?! Sinasabi ko na nga ba. Totoo yung pala narinig ko!! At Ryza pa ang pangalan. Galing mong pumili. •Niko: Riz, I can explain. •Riza: Niko, please huwag na. Ano ba naman Niko, kamamatay pa lang ni Tita Melissa tapos inuna mo pa ang pambababae. I hate you Niko. •Niko: Pupunta ako diyan, I promise. I'll explain everything. •Riza: Don't waste your energy!! BYE!!!!! Sinubukang tawagan ni Niko si Riza ngunit hindi ito sinasagot ng dalaga. Tinigilan niya ang pagtawag at tumawid na si Niko. Habang tumatawid ay naalala niya ang nangyari ng lumipas ng gabi. Sa loob ng taxi ay hindi pa rin nagpahalik si Ryza ngunit nung makapagcheck-in na sila sa motel higit lang sa halik ang ang nakuha ni Niko. Kursunada pala siya ni Ryza kaya hindi lang pumayag sa halik ang babae. Punum-puno ang isipan ni Niko kaya hindi niya narinig ang sigaw ng buko juice vendor sa kanya. Tuloy, nasagasaan siya ng ambulansiya ng Divine Care Hospital kung saan nasa hindi stable na kundisyon ang isa sa mga empleyado ng UCPB o United Coconut Planters Bank dahil inatake raw sa puso. Dahil sa nangyari ay natupad niya ang pangako kay Riza na pagpunta sa ospital. ~WAKAS~
|
|||
|
08-02-2010, 04:33 PM
(This post was last modified: 09-04-2010 04:06 PM by duelmaster01.)
Post: #6
|
|||
|
|||
|
Kasalukuyang nakaupo si Aling Tina sa isa sa mga silya ng isang lamay nang tapikin siya sa balikat ni Madam Donday Nag-HI! si Aling Tinay sa kakila niyang manhuhula.
•Madam: Uy, pasensya na at di ako nakapunta sa death anniversary ni Iris. Dami kasing nagpahula sa akin eh. •Tina: Ok lang yun. Naiintindihan ko naman eh. •Madam: Kawawa naman ang pamilyang ito, nagdusa dahil sa kagagawa ng haligi ng pamilya. •Tina: Ibig sabihin mo, tumalab ang sumpa ni Adelina, yung dating kasintahan ni Kanor na asawa ni Mareng Isay? •Madam: Yun na nga. Naalala mo nun, sa sobrang hinanakit ni Adelina nung iniwan siya ni Kanor ay sinumpa nya ito na buko ang tatapos sa pamilya niya. •Tina: Oo nga ano? Si Pareng Kanor nun, namatay dahil nadaganan ng marami-raming coco lumber. Si Mareng Isay naman, dahil sa panis na buko salad, at si Niko naman nasagasaan ng sasakyan ng United Coconut Planters Bank o UCPB. •Madam: Sa tingin ko ay tapos na rin ang sumpa. Kasi nung mamatay si Kanor, magkasama kami nun ni Mareng Isay na pumunta kay Adelina. Ang nasabi nun ni Adelina, matatapos lamang ang sumpa kapag maramdaman ng isa sa mga anak ni Kanor ang naramdaman niya. •Tina: Sana nga. Nakakalungkot ngang tingnan eh, dalawa silang pinaglalamayan ngayon. •Madam: Eh ikaw, kamusta ka na? Isang tao na rin ang lumipas nung pumanaw si Iris. •Tina: Eto medyo ok na rin. Pero hindi pa rin ako makapaniwalang nagawa iyon sa kanya ng ex-boyfriend niyang si Jan. Naputol ang usapan ng dalawa ng mag-ring ang cellphone ni Aling Tina. Pagkatapos makipag-usap sa tumawag ay nagpaalam si Aling Tinay na siya'y aalis na kay Madam. Di nagtagal ay binigyan na ng abuloy ni Madam Donday si Jikun at umalis na rin. |
|||
|
02-07-2011, 03:55 PM
(This post was last modified: 12-28-2011 12:47 AM by duelmaster01.)
Post: #7
|
|||
|
|||
|
|
|||
|
01-26-2012, 06:23 PM
Post: #8
|
|||
|
|||
|
"Magugunaw na lang ang mundo hindi pa nila naririnig ang kwento ko. Puro nalang sila at ang kamalasan nila sa pag-ibig. Sana bago magunaw ang mundo, may maka-alam man lang ng kwento ko. Sana...."
UNLUCKY VALENTINES 2012 Soon! |
|||
|
02-10-2012, 04:10 PM
(This post was last modified: 02-10-2012 04:11 PM by duelmaster01.)
Post: #9
|
|||
|
|||
|
|
|||
|
« Next Oldest | Next Newest »
|
| Possibly Related Threads... | |||||
| Thread: | Author | Replies: | Views: | Last Post | |
| Unlucky Valentines | duelmaster01 | 41 | 4,959 |
02-19-2012 12:54 AM Last Post: duelmaster01 |
|
| Unlucky Valentines 2012 | duelmaster01 | 5 | 434 |
02-13-2012 06:33 PM Last Post: dmz01 |
|
| UNLUCKY VALENTINES 2011 | duelmaster01 | 16 | 1,936 |
02-10-2012 04:10 PM Last Post: duelmaster01 |
|
User(s) browsing this thread: 1 Guest(s)

Search
Member List
Calendar
Help


", bulyaw ng isang babae na mahaba ang buhok, matangkad, morena, mga 19 taong gulang at naka-casual attire sa lalaking disi-otcho anyos, may katangkaran, mestizo at may suot na salamin, na kasama niya sa loob ng isang resort.
", sabi ni Niko.
"
", pabirong sabi ni Riza at tiyempong dumating na ang waiter dala ang order nila. Pagkatapos malagay sa mesa ang mga na-order nila ay binayaran na ni Niko ang waiter at umalis na ang waiter pabalik sa estasyon niya.
