Join our Facebook Page



Post Reply 
 
Thread Rating:
  • 1 Votes - 5 Average
  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
  • 5
Ang Pagkakaiba ng Babae, Lalake, Tomboy at Bakla
02-13-2010, 01:00 PM (This post was last modified: 02-15-2010 03:08 PM by Satanista666.)
Post: #1
Ang Pagkakaiba ng Babae, Lalake, Tomboy at Bakla

Ano ang lalake? Sabi, "dominant" gender. Eto ang ibig sabihin ng "dominant."

Dominant ay:

1. ruling, governing, or controlling; having or exerting authority or influence: dominant in the chain of command.
2. occupying or being in a commanding or elevated position.
3. predominant; main; major; chief: Corn is the dominant crop of Iowa.
4. Genetics. of or pertaining to a dominant.


Yan ang lalake. Kahit ang biblia, sinasabi na "dominant" ang mga lalake.

Ano ang babae? Sabi, "submissive" gender. Ito ang ibig sabihin ng "submissive."

Submissive ay:

1. inclined or ready to submit; unresistingly or humbly obedient: submissive servants.
2. marked by or indicating submission: a submissive reply.



Bakit ko inilalantaran ang lahat ng mga ito? Para makita natin kung ano ang totoo na sinasabi sa biblia at upang malaman natin kung "makatarungan" ba o hindi "makatarungan." Ewan ko sa taong nagbabasa na katulad mo, kung "makatarungan" ba o hindi ang para sayo. Walang kaso sa akin ang mga iniisip mo.

Oo nga. Ikaw. Ikaw na nagbabasa.

Mag-umpisa na tayo.

Ang mga lalake ay "dominant" genetic ayun sa kanilang pagsasaliksik tungo sa ating lipunan at ang mga "submissive" naman ang mga kababaihan. Hindi ito isang uri ng sari-sariling pananaw. Eto lamang ay isa sa mga personalidad, karakter at genetic na nakuha natin simulang ipinanganak tayo galing sa ating mga magulang.

Ulit, "dominant" ang lalake. "Submissive" naman ang babae.

Sila ang ginawa ng Diyos. Ibig sabihin nun, ginawa ng Diyos ang Adan at Eba na may ganuong karakter, personalidad at genes sa kanilang mga katawan.

Equal ba?

Teka, sino ba nag-iisip na may "equal gender" tayong lahat?

Tao lang ang nag-iisip na "equal" ang mga babae at ang mga lalake na sa totoong realidad, hindi talaga sila "equal" kung kaya, itinagurian tayong "most unequal society." Saan ba kase nanggaling ang "hindi pagkakapantay-pantay" ng paningin ng mga tao "sa mga lalake" at "sa mga babae?" E hindi ba, nanggagaling din siya sa mismong biblia?

Ang una na ginawa ng Diyos ay ang lalake. Si Adan. Pangalawa lamang ang babae. Yan ang katotohanan kung kaya mapapansin natin kung bakit ang inaalagaan ng mga batas ay puro "babae." Isa pa, sa mga "religious family" mas laging ipinagbabawal ay ang "babae."

Yan ay dahil "dominant" ang lalake. Ang babae ay "submissive."

Sabi ng pare nuon ay ganito "sorry girls ha?" --- ang babae ay kinakailangan magpasa-ilalim sa mga kalalakihan 'daw' at isa pa, ang Diyos ay lalake.

Hindi ba kayo napapa-isip? O siya, siya at baka magalit na kayo sa akin. Belat niyo, hindi niyo ako nakikita in person.

Anyway, back to topic. So, hindi rin tayo nagtataka kung bakit mas maraming "nararape" ang mga babae. Mas maraming "mababa" ang tingin sa mga kababaihan ay sapagkat lahat ng mga ito ay dahil lamang sa "relihiyon" ng kanilang pinapaniwalaan at sa kanilang "pinapahawakan."

Sa akin ding natuklasan, sa mismong biblia ay marami ding "repulsive." Kung hindi siya "repulsive" sana, hindi na nagkakasala ang mga kababaihan kapag malaya sila nakakapag-isip. Kung baga, hindi suppressed.

Bakit?

Ang mga babae ay itinuturo sa biblia ang pagiging "suppressed." Hindi ba kayo nagtataka kung bakit mas "maraming bawal" ang mga kababaihan kapag lumaki sila sa "religious family?" --- kaysa sa mga lalake? Hindi lang sa religious. Henerasyon ng henerasyon ng anak ng magiging anak nila at dahil tayo ang may bansang mala-kristiano, isa rin sa mga dahilan kung bakit hindi umaasenso ang ating bansa ay dahil sa "relihiyon."

Ika nga, "maraming bawal." Ulit, "maraming bawal." Hindi sila ganun ka-open minded.

Proof?

Pagdating sa trabaho, "kapag 'satanista' ka, kapag 'atheist' ka" --- hindi ka na makakapasok sa trabaho kahit ang transcript of record mo ay ubod ng taas at magaganda. Ganun ka pangit ang bansang Pilipinas --- ay este, ganun tumingin ang mga taong nakatira sa bansang Pilipinas dahil namotivated tayo sa maling pamamaraan ng relihiyon. Ano pa?

"Edad" --- well, "edad." Kung hindi dahil sa "edad" --- kapag lampas ka na sa kalendaryo, bagsak mo na ay prostitute or call boy.

Ano pa?

"Educational background." Well, papaano naman ang mga hindi nakatapos ng pag-aaral pero ubod ng galing? E di, wala na?

Ano pa?

"Advertisement." Yup. Sa america, hindi masama sa kanila ang e-"advertise" ang 'condom' pero dito sa Pilipinas ay 'bawal.' Sa Japan, 12:00 ng tanghali, ipinalalabas na ang 'h*nta*' --- s*x cartoons para maging open minded na ang mga bata pagdating sa 's*x' kaya pansin niyo din, mas less ang 'rape cases' sa Japan. Open sila sa mga 's*x tools' ---- I mean, 's*x toys.' Tayo dito?

Again, 'bawal.'

Ang resulta, 'sulputan' ang mga kasong 'rape cases.'

Masyadong limitado dahil lamang sa 'relihiyon.'

Ika nga, kapag 'sinusuppressed', nagiging rebelde.

Tingnan niyo ang mga bansang may relihiyong 'muslim.' Masunurin sila sa mismong nakasulat sa biblia ng muslim na kahit ang mga babae duon, nakabalot na. Ang kulang na lang ata, pati 'mata' takpan sa pagiging 'suppressed' nila.

Resulta, maraming chat na taga muslim na babae na kumakawala. Ibig sabihin, nasa loob ang kulo.



...dahil sa ganito ang ating lipunan, nagsisulputan na ang mga bakla at tomboy. Ta-da! Sulputan na po sila. Ang dahilan? Maaaring rebelde sila o 'genes' na nanggagaling sa Diyos. Ibig sabihin, 'inborn' kung baga. Eto ang nakakapagtaka. "Inborn" sila pero sa biblia, masama daw ang mga 'tomboy' at 'bakla.' Ang ibig sabihin, mortal sin pero "inborn" sila.

Ano ang ipinagkaiba ng tomboy sa lalake?

Well, parehas na silang dominant. Naks naman. Parehas silang dalawa kaya lang, hindi pa rin sila magkaintindihan dahil isa ay lalake at isa ay babae.

Ang babae sa tomboy, o parehas na babae --- ang maganda nito ay hindi na kinakailangan magpa-impress sa lalake dahil sa submissive ang mga kababaihan. Hindi na kinakailangan magpa-impress, mag-make up para mapansin siya ng mga lalake. Hindi na kinakailangan ng ganung pamamaraan. Hindi na kinakailangan mag-ayos, pero hindi ibig sabihin, magpapangit na siya. Hindi.

Hindi na magpapakahirap magpapansin. Wala ng gastos sa make-up kit. Babae man silang dalawa, they are equal. Ke submissive man o dominant man silang dalawa. Kapag ang babae sa babae, nagkakaintindihan sila.

Sa lalake, sa sobrang dominant nila, maraming reklamo.

'Cheap si ganito at ganyan dahil hindi na virgin...'

'Nakakababaw kung ang babae manligaw sa lalake...'

'Kami lang ang may karapatan na magkaruon ng maraming kapartner dahil sa lalake ako...'

Sa bakla naman, well, kapag parehas sila na lalake sa lalake, nagkakaintindihan sila, still dominant pa rin sila sapagkat pagdating sa pera, dominant ang mga bakla at isa sa kanila, kailangan maging submissive.


Kaya kung nahihirapan kayo sa sarili niyong gender, isipin niyo na lang na ginawa ng Diyos ang lalake na 'dominant' at ang babae ay 'submissive' dahil ang Diyos ay lalake.

Unfair man pero wala tayong laban.

Bible is repulsive

Visit this user's website Find all posts by this user
Quote this message in a reply
Post Reply 


Possibly Related Threads...
Thread: Author Replies: Views: Last Post
  Horror Movies and Teleserye. Laging Babae Ang Kalaban. Bakit? Satanista666 0 807 02-16-2010 10:54 AM
Last Post: Satanista666

Forum Jump:


User(s) browsing this thread: 3 Guest(s)