Join our Facebook Page



Post Reply 
 
Thread Rating:
  • 1 Votes - 5 Average
  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
  • 5
Horror Movies and Teleserye. Laging Babae Ang Kalaban. Bakit?
02-16-2010, 10:54 AM (This post was last modified: 03-03-2010 03:08 PM by Satanista666.)
Post: #1
Horror Movies and Teleserye. Laging Babae Ang Kalaban. Bakit?

Horror Movies and Teleserye. Laging Babae Ang Kalaban. Bakit?

Magbibigay tayo ng mga ilang movies, na ang kalaban palagi ay ang babae, sa palabas ng mga horror movies or teleserye. Mga pangkaraniwan ay ang mga paborito ko. Ang una-una sa lahat ay ang horror movie na "The Phone."

"The Phone" --- Ito ang isang Japan horror movie na kung saan ang isang babae ay namatay sa tindi ng galit, kung kaya bawat hawak ng mga tao sa celphone, out of nowhere, lumalabas na lang ang celphone number niya at may tumatawag sa kanila, at pagkatapos ng ilang mga araw, namamatay na sila o mga ilang oras lamang, may mga hindi na kanais-nais na nangyayari sa kanila, na hindi naman naka-registered number sa mismong "company" ang mismong number na tumatawag sa kanila. Hindi sila gumagamit ng "Auto-Load Prepaid Card." Parang katulad sa Pilipinas, linya ng telepono at pagkatapos, naka-registered number mismo sa company. Ganun sa kanila.

Ang summary nito ay napatay siya ng tunay na asawa ng lalake dahil ang lalake, kabit niya ang babaeng namatay, na isa lamang estudyante. Hindi naman sinasadya ng tunay na asawa na mapatay niya ang mismong kabit sapagkat nahulog siya sa hagdan, dahil edinidepensa lamang ng tunay na asawa ang sarili niya, kungdi siya ang mamamatay sa sakal ng kabit ng lalake sa kanya. Sa maikling salita, nagtagpo at nag-away ang kabit at ang tunay na asawa. Ang kabit ng asawa, which is babaeng estudyante ay ayaw niyang mawala ang lalakeng mahal na mahal niya.

Ang pangalawa. "The dollmaster." Ulit, babae ang kalaban dito. Eto naman ang storya kung saan ang babaeng manyika ay nagiging tao siya. Lagi siya nagpapakita sa babae na nag-aalaga sa kanya nuon. Nagkaruon siya ng matinding galit dahil hindi siya ipinahalagahan nito. Ang nakaka-interesante nga lang ay gustong gusto niya patayin ang mismong nag-alaga sa kanya nuon. Nang nakita niya ang sugat sa balat na nag-alaga sa kanya, nagdalawang isip siyang patayin ang taong nag-alaga sa kanya sapagkat yung sugat na yun, naalala niya kung papaano siya ipinotektahan na nag-alaga sa kanya nuon.

Ang pangatlo. "The Grudge." Paiikliin ko na lang ito. Madali. Pinatay siya ng lalake niyang asawa, kasama ng anak ng babaeng namatay. Nagkaruon ng sumpa sa bahay kaya lahat ng nakaapak sa bahay na yun, namamatay. Ganuon din ang "The Ring." Ibang tema nga lang ng storya.

Marami pang storya na nakakatakot at laging babae ang kalaban.

Nahulaan niyo ba kung bakit?

Ang una, hindi ko alam pero ngayon, naiintindihan ko na. Laging Japan Horror Movie ang babaeng kalaban sa mga palabas. Meron pa ngang teleserye ng Japan, na nakakatakot nuon, na ipinalabas sa GMA7, at babae na naman ulit ang kalaban.

Ganito yun.

Ang babae kase ang laging humihingi ng katarungan sa lipunan. Kahit anong aspeto ng pamumuhay, laging babae ang humihingi ng katarungan. Ulit, sabi ko sa unang "blog" na patungkol sa pagkakaiba ng lalake at babae, na ang lalake ay "dominant" at ang babae ay "submissive." Ang laging inaalagaan ng batas ay babae.

Matindi ang emosyonal ng babae lalo na kung naaapi. Ipinoportray sa mga Japan Horror Movie kung papaano "magalit" ang mga kababaihan, kung papaano sila "humihingi ng katarungan", kung papaano sila "naghihinaing" sa lipunan kapag "naaapi" at "naaabuso."

Halos karamihan ng mga Japan horror movie ay lagi ipinoportray ang patungkol sa "reality base" ng mga babae sa lipunan. Hindi dahil sa pangit ang maging kalaban ang isang lalake sa horror movie kungdi, babae kase ang "submissive" duon. Sila ang laging "naghihinaing."

Eto rin ang dahilan, ayun sa balita, na hindi nila ipinahintulutan ang palabas na "Mulan" --- walt disney production, na ipilabas ito sa bansang Japan. Ipinapakita daw kase nito kung papaano magkaruon ng deskriminasyon ang mga kababaihan duon. May palabas kase duon na nuong sumali si Mulan, bawal sa military nila ang babae. Ang mga babae sa Japan --- pantay-pantay ang tingin nila sa lalake at babae duon, kaya malamang, ayun sa nahagilap kong inpormasyon, "ban" daw yung palabas ng "Mulan."

Ang maganda lang sa storya ng mga hapon, kahit ang mga anime na katulad ng "death note" --- ano pa? --- larong "final fantasy X" ay inaayun nila ang storya sa pang-reality, pang-general mismo.

Ang "death note" anime --- Katarungan ba ni Yagami Light o katarungan ni detective "L"? Si Yagami Light, gusto niya maging perpekto ang mundo kaya kinakailangan, patayin lahat ng mga kriminal. Si "L" naman, hindi naman daw makatarungan na patayin lahat ng "kriminal." Nakakulong lang kase ang mga "kriminal" sa kanila e. Objective versus Subjective. Objective si Kira. Subjective si L.

Ang "final fantasy X" naman, laro siya na may storya. Ang vanity is a sin. Si Sin ang kalaban, na tatay ni Tidus. Nagkaruon ng sin dahil sa vanity ng mga tao sa villages. Ang totoo, sa real life nating lahat, kahit hindi man siya gawing storya, vanity is a sin talaga at hanggang henerasyon ng henerasyon ng ating mga anak, ginagamit pa rin natin at patuloy pa rin natin siya nagagamit katulad ng mga make-up kit, katulad ng nagpapa-rebond ng buhok, sa mga artista na nagsusuot ng mga litaw na damit na kita ang katawan, sa mass media, may pang pa-anti aging,may pampa-puti at maraming iba pa. It is a form of vanity and vanity is a sin.

Ano ang masasabi ko dito? Eto ang mga storya na "pang-reality base" para mamulat ang mga tao sa lipunan pero hanggang ngayon, bulag pa rin sila o hindi nila napapansin ang mga ito.

Hindi katulad sa movie ng pinoy. Ang ipinoportray ng karamihan ng mga pinoy sa mga teleserye at movie ay yung mga gusto nila mangyari na hindi naman kahit kailan man nangyayari sa tunay na buhay katulad ng "love story" ng Pinoy. Lagi may happy ending sa huli na in real life, wala naman talagang happy ending. Ano pa? Sentino! Yung palabas na Sentino? Iniba nila ang storya at hindi naman talaga Sentino ang pangalan niya, at karamihan duon ay hindi "pang-reality."

Yung batang Sentino, batang saint yun pero hindi ganun ang story nun at hindi Sentino ang pangalan niya [malamang ginawang filipino version.]

Ano pa? Panday! Si Heart Evangelista at si Jericho. Hindi naman totoo na in real life, kahit walang pera ang lalake, stick pa rin siya sa lalake na yun kahit mamatay siya sa gutom. Walang ilaw. Nakatirik ang kandila sa gitna ng namesa. Walang pagkain. Tandang tanda ko pa yung scenario na palabas na yun pagkatapos, hindi man lang nag-aaway? Impossible.

Yan naman ang ipinoportray ng karamihan ng mga pinoy movie o teleserye na nanggagaling sa imahinasyon ng tao. Yan naman ang mga storya na ginagawa at ipinoportray ng mga pinoy, na kung hindi na nangyayari sa totoong buhay, idinadaan nila sa palabas.

...yan din sa dahilan kung bakit ayoko manuod na kahit alin mang teleserye at movie ng mga pinoy dahil karamihan sa kanila ay walang katotohanan.

Visit this user's website Find all posts by this user
Quote this message in a reply
Post Reply 


Possibly Related Threads...
Thread: Author Replies: Views: Last Post
  Ang Pagkakaiba ng Babae, Lalake, Tomboy at Bakla Satanista666 0 1,535 02-13-2010 01:00 PM
Last Post: Satanista666

Forum Jump:


User(s) browsing this thread: 3 Guest(s)