Join our Facebook Page



Post Reply 
 
Thread Rating:
  • 0 Votes - 0 Average
  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
  • 5
~Philippine- Christian Nationalism Movement~
02-19-2010, 09:09 PM
Post: #1
Rainbow ~Philippine- Christian Nationalism Movement~
(“As we remember the Philippine Independence [June 12, 1898] the sacrifices of our heroes and with the help of the American people; we gain our freedom and established our country with our faith in God and with action of Filipino people, to gain our right and democracy that we enjoy.”)

Hindi dapat inuuna ng mga opisyal o pulitiko ang pagpapasikat sa mga tao o paghahanap ng anumang papuri, pag- abuso sa kapangyarihan sa pamamahala at sa kasakiman sa kayamanan.

Nakikitang mas kailangan ng bayan ang serbisyo ng uupo sa pwesto sa mga kandidatong ating napili, maraming dapat asikasuhin, imbis na pansariling kapakanan, It’s not too late for Change! Yes.

Kung lahat tayo ay nagkakaisa para sa mabuti tayo ay uunlad at kung may pag- ibig tayo sa ating kapwa tayo ay may malasakit sa kanila, ang respeto sa bawat isa para sa payapang bansa.

May pananalig sa Maykapal at pagkilos na malagpasan natin ang bawat pagsubok at mga problema n gating bansa na turuan ang bawat kabataan at nakatatanda ng magandang halimbawa at itama ang kanilang landas.

Piliin natin ang tapat na mga pinunong may takot sa Diyos, malinis ang pagkatao, at maganda ang layunin para sa bayan na hindi natin pagsisihan sa huli tulad ng mga nakaraang panahon.

Mga minamahal na kapatid at kaibigan, sama- sama nating labanan ang kahirapan, ang korupsyon, ang sugal, prostitusyon, droga, terrorismo at illegal na mga gawain malaki man o maliit.

Ito ang mga pangunahing sanhi ng ating pagdurusa noon at hanggang ngayon. Hanggang kalian tayo magbubulag- bulagan? Hanggang kalian tayo magbibingi- bingihan? Kalian tayo kikilos pag tapos na ang lahat?

Gampanan nawa natin an gating mga tungkulin sa Diyos at para sa Bayan, na walang halong personal o pansariling interest, paglilingkod na maging puro at totoong serbisyo para sa lahat mayaman man o mahirap.

BAWAT ISA AY MAY PANANAGUTAN, TAYO AY MAMAMAYAN NG PILIPINAS. Mga pinoy o ofw, mga katoliko, protestante, muslim etc. nawa ay mawala na ang diskriminasyon at dibisyong hindi naman mabuti ang epekto sa atin at ang crab mentality kundi tulungan nating magtagumpay an gating kapwa sa matuwid.

“Tayo ay tumayo sa KATOTOHANAN at ipaglaban ang KARAPATAN… ng mga kapus- palad, kababaihan, mga street children, katutubo, mga senior citizen, ang mga may kapansanan at mga preso...”

-Tayo na sa BAGONG PINOY- BAGONG PILIPINAS 2010, ang kinabukasan ay nasa ating mga pasya, salita at mga aksyon.

Ito ay isang pagtawag at hamon sa lahat ng mga filipinong nagmamahal sa Diyos at sa Bayan.

(Please pray for Philippine Progression 2010, Liberation of North Korea and Iran, the Haiti recovery and all the world issue.)

Mission/Vision/Goal:

I. To serve God and People.

II. To fight for the truth and stand for the right.

III. Preach the Gospel (Evangelism in the Philippines).

IV. To fight poverty and corruption.

V. Equality and justice.

VI. Stop immorality and evil act.

VII. General Change! (Both Social and Political)

Thank you and God bless…

JESUS SAVES!

(Angeles City, Pampanga.)
Send this user an email Visit this user's website Find all posts by this user
Quote this message in a reply
02-19-2010, 10:49 PM (This post was last modified: 02-19-2010 11:30 PM by Satanista666.)
Post: #2
RE: ~Philippine- Christian Nationalism Movement~

Alam mo ba? Sa aking opinyon, ang "demokrasya" ay magulo. Democratic = chaos. Hindi kahit kailanman magkakaisa ang mundo, at hindi talaga magkakaruon ng kapayapaan dahil "demokrasya" nga e. Kahit ilan beses may tumayo sa ating lipunan na keyso magtulungan tayo, keyso magtulungan tayo na paulit-ulit, hindi lahat ng tao ay magtutulungan.

Iisa lang ang solusyon diyan. Gawing "diktatoryan" ang bansang Pilipinas o gawing "komunista." Mas malinis ang pamamalakad natin. Sa akin lang ha? Sawang-sawa na ako sa "magulo." Sawang-sawa na ako sa walang "kapayapaan sa mundo." Bakit hindi na lang baguhin ang "demokrasya" sa pagiging "komunista" o pagiging "disktatoryan" diba?

Sige, sabihin natin na kung ganuon nga ang pamamalakad natin, ang reklamo naman ng mga tao ay keyso "walang freedom"? E ang akala ko ba, they are seeking for peace and justice at pagkatapos, sabay nagrereklamo sila na "walang freedom" diba?

If they are seeking for peace, justice at walang gulo ang ating mundo o ang ating bansang Pilipinas then, don't make this country rule by "democracy."

Site ko ang "demokrasya" ng bansa natin ha?

Sa sobrang laya ng mga tao, ano ang resulta? E hindi ba? Iba-ibang relihiyon nag-aaway? May protestante, may iglesia ni kristo, meron pang ang dating-daan? Ano na ang nababalita sa TV, nagkakaruon na ng patayan dahil lamang sa relihiyon. Away-away diba?

Ano pa? Maraming corrupt, e bakit hindi na lang gawin "dahas" para matauhan ang mga tao? Ang sagot nila, ayaw nila dahil may "freedom" daw sila at masama. Papaano uunlad ang bansa kung demokrasya ang bansa natin?

Ganito ha? Kinakailangan ng taong "magdidictate" sa ating lahat at gumamit ng dahas para sa ikabubuti ng bansa. Parang ganito e, kung hahayaan niya ang mga tao, dahil lahat sila may "freedom of choice", "freedom of speech" at kahit ano mang "freedom" na yun --- magulo na dahil nag-aaway away na. Ang gusto ng isa ay ganito, ang gusto ng isa ay ganyan. Walang sama-sama. Kung baga, walang "ideal country." Dapat sa atin, may "ideal country" tayo na may "iisa ang idea" na lahat ng mga tao, upang walang magulo.

Karamihan nga ng mga tao ay hindi marunong sumunod sa batas ng Diyos kaya nga may sari-sariling pananaw, kaya nga maraming pasaway e, ano pa kaya ang batas na nilalathala ng demokrasyang pamahalaan diba? Mas lalong maraming pasaway! They can do whatever they want because they are "free." E kung pokpokin mo sila sa ulo, e di siyempre, mapipilitan silang tumino.

Kung baga, para tumino, kailangan pokpokin mo ang tao sa ulo kaysa bigyan mo nga sila ng "kalayaan" na kahit anong gustong gawin ng tao ay gagawin niya, at lahat ng isip niya ay gusto niyang gawin and then, what? Saka aasa ang tao keyso --- "lahat tayo ay kailangan magkatulungan, lahat tayo kailangan magkaisa, lahat tayo ay sama-sama" and so on pero wala naman nangyayari sa Pilipinas, para masunod ang gusto natin mangyari na magkaruon ng "kapayapaan". Ni isa naman, walang natutupad. Anong resulta? Hanggang salita lang? Na hanggang wishful thinking na puro "sana, ganito... sana, ganyan." Bakit ka pa mangangarap sa "kapayapaan" ng mundo kung lahat ng mga tao ay may "sari-sariling idea at pananaw" dahil ang bansa natin ay "demokrasya"? Mas mabuti, huwag ka na lang mangarap na magkaruon ng kapayapaan ang mundo natin kung ang bansa natin ay "democratic country."

Ang demokrasya ay magulo. Katulad ng ginagawa ng Diyos sa atin. Binigyan tayo ng laya, kaya tingnan mo, magulo ang mundo natin. Sabay sisisihin ang mga tao dahil "free will" nila? Hindi yun. Para siyang "demokrasya" na hinayaan ng Diyos ang gusto gawin ng mga tao, kaya ang resulta "chaos" ang labas ng mundong kinagisnan natin.
Yun ang resulta kung bakit "magulo" at walang "kapayapaan" ang mundo.

Ipinapaliwanag ko lamang ito dahil ito ang "objective view" ko para magkaruon ng peace sa buong sanlibutan. Hindi ito patungkol sa "subjective" ng mga tao kungdi yung external happenings na nangyayari sa tunay na realidad ng mundo natin.

Ang mga tao nangangarap na magkaruon ng "demokrasya" pero hindi naman marunong magkaisa. Para sinabi na rin ng tao na ang "demokrasya" ay sadyang magulo.



...for me, para sa akin, sawang-sawa na ako sa nakikita at sa naririnig ko na keyso "tara, magsama-sama tayo!" "tara, magtulungan tayo!" "tara, labanan natin ang corruption at poverty!" --- grabe. In my point of view, may nangyari ba? May nagbago ba? Wala. The same pa rin diba? For me is nakakagalit siya. Sabay, sasabihin na "sabay tayo magdarasal para sa kapayapaan ng bansa" --- nasagot ba ang dasal na magkaruon ng peace ang bansa natin? Diba hanggang ngayon, nasa 'poverty' pa rin tayo? Hanggang ngayon, hirap na hirap tayo?

...for me, nakakagalit siya dahil "hanggang salita" lang e, pero hindi lahat ng tao nagagawa yan. Iisa lang ang pwedeng gawin diyan. "Iron fist" --- "pantay-pantay" ang trato sa lahat ng mga tao, walang mahirap, walang mayaman --- ganun ang dating. That means, parang libre lahat o kailangan talaga "edictate" mo kung may tatayong presidente, "dictate" talaga --- which is "dictatorian" at pagkatapos, bigyan mo sila ng consequence kapag hindi sila sumunod.

Parang batang pasaway. Kapag hindi siya marunong sumunod, paluin para tumino. Kapag binigyan mo ang isang bata na puro "laya" na lang, ewan ko na lang kung hindi magkakagulo ang buhay niya.

Ang pangarap ko "peace" sa buong mundo. Hindi siya magkakaruon ng "peace" at laging may "gulo" hangga't hindi natin popokpokin ang taong mga pasaway.

...If presidente lang ako, gagawin ko siyang mabuti ang bansa natin. Hindi ko siya bibigyan ng gulo. Bibigyan ko sila ng kapayapaan. Libre pa ang lahat. Walang maghihirap.

Visit this user's website Find all posts by this user
Quote this message in a reply
Post Reply 


Possibly Related Threads...
Thread: Author Replies: Views: Last Post
  The Marcos Gold, Cory Aquino & the Philippine Judiciary judgefloro 4 1,113 02-21-2011 12:11 PM
Last Post: richiathton07

Forum Jump:


User(s) browsing this thread: 2 Guest(s)