|
Join our Facebook Page |
|
|
|
|
The Truth Will You Set You Free... C'mon Let Us Be Objective...
|
|
03-01-2010, 01:20 AM
(This post was last modified: 03-01-2010 06:40 AM by Satanista666.)
Post: #1
|
|||
|
|||
|
The Truth Will You Set You Free... C'mon Let Us Be Objective...
"The Truth Will You Set You Free... C'mon Let Us Be Objective..." ==> Ano nga ba ang ibig sabihin nito? Hmmm. Introduksiyon muna tayong lahat-lahat. Meron akong nabasa about "hate" and "love." Ang "hate" --- mas malawak siyang nakakakita kung ano ang 'external' na nangyayari dito sa ating mundo. 'External' na ang ibig sabihin ay hindi siya 'inner.' Kung baga, 'objective' siya. Napatanong ako sa aking sarili kung ilan o ilan ba ang merong tao na 'objective' kung mag-isip? Okay. Sabihin natin na kahit hindi ka perpektong 'objective' mag-isip basta kahit papaano ay meron ka pa rin sa utak mo na kung mag-isip ka ay 'objective.' Ikaw? 'Objective' ka bang mag-isip? Oo nga, ikaw? Ikaw na nagbabasa nito? 'Objective' ka ba mag-isip? ---or hindi mo alam ang ibig sabihin ng 'objective'? Bigyan kita ng scenario. Halimbawa, ganito ang nangyari sayo. Merong isang magandang babae, nakasuot ng seksing damit. Ang sabi sayo na humihingi siya ng pera at kailangan na kailangan niya, at ikaw ito, meron kang pera, ano at ano ang gagawin mo? Gagamitin mo ba ang 'objective' or 'subjective' ng iyong pagkikilatis sa kapwa mo? Hirap noh? Kung 'objective' ka --- malamang sa 'external' palang na nakikita mo dahil sexi ang babae ay ayaw mo na bigyan ng pera. 'External' e. Kung 'subjective' ka --- malamang sa 'inner' na nararamdaman mo, at wala ka pakialam sa itsura ng babae ay maaawa ka. Sabihin natin na naging 'objective' ka, dahil ang nakita mo ay 'external' so, malamang ayaw mo na siya bigyan ng pera. 'Objective' ka dahil magtatanong ka kung bakit humihingi siya ng pera, e ang suot niya ay mukhang 'pang-mayaman.' Malamang "logical explanation" ang maiisip mo kung bakit inaassume mo na ang babaeng ito, na humihingi ng pera sayo ay isang "manloloko." Kahit kailan man, hindi mo magagamit ang pagiging 'subjective' mo, diba? 'Subjective' means 'inner' at hindi siya 'external' na nakikita mismo ng mata. Nararamdaman mo lang siya katulad ng 'naaawa' ka sa kanya kaya mapipilitan ka magbigay ng pera. 'Physical thing' tayo lahat. Lahat-lahat as in, katulad ng pwede mo mahawakan, maamoy, makita, malasahan at marinig. First expression ng tao ay "manloloko yan dahil tingnan mo naman, humihingi ng pera pagkatapos, ganun ang suot? manloloko yan" ---something ganun ang expression ng mga tao. Ganun e. 'Objective' siya e. Marami na siyang "logical explanation" at kaya mo na siyang ilista sa papel ang bawat detalye para ma-"authenticated" mo sa babae na yun na "siya ay manloloko." Aminin mo, ganun ka noh? ---or hinde? Sige nga, baligtarin natin ang scenario. Tingnan natin kung magagamit mo yung pagka-'objective' mo sa kapwa mo o hinde na. Merong isang babae, pulubing-pulubi ang dating. Punit-punit ang kanyang damit. Nakapaa lang siya kung maglakad at pagkatapos, humihingi siya ng pera sayo at ikaw ito, meron kang pera. Ano at ano ang gagawin mo? Tingnan nga natin kung magagamit mo pa ba ang pagiging 'objective' mo? ......alam mo, isa lang ang pwede mong sagutin. 'Maaaring' bibigyan mo siya ng pera noh? Sabihin natin, 'external' mo na nakita sa kanya na ganun at ganun ang itsura niya pero it does not mean, magkakaruon ka ng "logical explanation" yan, or sabihin natin na "no questions ask" ka na dahil lang sa itsura na nakita mo sa kanya ---diba? Ganun ka? Nagkikilatis lang tayo dito kung ano ang ipinagkakaiba ng 'objective' at 'subjective' po. Sinusubukan ko mag-detalye sa abot ng aking makakaya. Ang gagamitin mo ay ang pagiging 'subjective' mo ---yung nararamdaman mo na "awa" na wala ka ng tanong-tanong. E kung yung babae na sa inaakala mo na sexi ay talagang walang pera, at napalayas siya ng kanyang mga magulang, or sabihin natin na nasunugan ng bahay, na siya lang mag-isa, or ninakawan siya ng pera sa pitaka at walang-wala talaga siya, yung totoo na nangyayari sa kanya at ikaw naman ito, first expression na nakita mo sa kanya which is "external" ---e bagsak na siya agad sayo kaya hindi mo na binigyan ng pera at sa babae naman na pulubing-pulubi ang itsura, ipinag-utusan lang pala siya ng sindikato para makakuha ng pera, e patay ka ngayon... mas kinawawa mo pa ang "seksing babae" diba? So, let us be "objective" ---mas maganda nga kung pure "objective" tayo dahil dito sa mundo natin, walang kasiguraduhan. Kahit nga ang isang "pulubi" pwede ka pang lokohin dahil sa itsura. Let us be "fair" pero teka, papaano ba magkakaruon ng "fair" dito sa ating mundo? So, ang "subjective" ay puso --- no questions ask. Ang "objective" ay utak --- facts and lots of questions na nakikita nila ang ebedensiya ---kung saan "advance na ang utak mo" na halos ang kulang na lang talaga ay hindi ka na maloko-loko, hindi ka na mapaiyak-iyak dahil sa ano? "Alam mo na ang lahat" kaya imbis na "ikaw ang walang katakas-takas" sa "pang-iinsulto", sa "kahihiyan", sa "pagtatraydor", sa "panloloko" or kung ano mang "negatibo" na nangyayari sa ating mundo, sila na ngayon ang "walang katakas-takas." Ang ibig sabihin nun na imbis na ikaw pa yung nagmukhang "tanga" ---e sila pa ang nagmukhang "tanga." See? Ang laki talaga ng ipinagkaiba ng pagiging "objective" at ang pagiging "subjective" ng isang tao. |
|||
|
03-01-2010, 06:34 AM
(This post was last modified: 03-01-2010 06:48 AM by Satanista666.)
Post: #2
|
|||
|
|||
|
RE: The Truth Will You Set You Free... C'mon Let Us Be Objective...
Punta tayo sa "reality bytes" ---as in "reality bytes" tayo. Meron ba kayo napapansin na in real life kapag nagmamahal kayo ay hindi na kayo nag-iisip? I mean, 'yes' naman, meron kayong isip pero ang ibig ko sabihin, hindi na niyo napapansin kung 'tama' ba o 'mali' yung nararamdaman niyo or 'mabuti' or 'masama' ba yung nagagawa niyo, naiisip niyo at nararamdaman niyo sa lahat ng aspeto ng sitwasyon dahil lang sa pag-ibig. Nakakaisip ba kayo? Alam kong hinde e. Siyempre, kung "mahal" mo ba ang tao, mag-"lologic explanation" ka pa ba na keyso "ganito at ganyan ang tao na ito?" Hinde noh. Example, babae sa babae or lalake sa lalake--- ganito. Nagmahal sila sa katulad nila--- 'objective' tayo ha? So, in our human society, tanggap na sila pero hindi lahat. Okay. Kung nagmahal ba sila ay naiisip ba nila na "tama" or "mali" ang magmahal sa isang katulad nila? Maiisip ba nila na "mabuti" or "masama" ba ang magmahal ng isang katulad nila? Well, iba iba naman ang pananaw ng mga tao dito sa mundo kaya okay lang kung para sa kanila "tama" and then, sa ibang tao ay "mali" or "tama" sa ibang tao na inaaccept nila ang ganuong nagmamahalan sa the same s*x. "Mabuti" man o "masama" ay hindi nila malamang maiisip yun dahil 'subjective' sila e. Hindi nila maiisip yun kung "tama" or "mali" ang pag-ibig. No questions ask sila basta, mahal nila. Ganun yun. So, huwag naman sa the same s*x. Sa opposite s*x. Ganito. Merong mag-on na mahal nila sa isa't - isa pero involve ang pre-marital s*x, at meron naman din na may boyfriend or girlfriend na siya, mabilis pa siyang ma in love sa iba. Yun. Hindi nila naiisip kung "tama" or "mali" ba yung "pag-ibig" nila, or "mabuti" or "masama" ba ito. "Subjective" lang siya. Hindi siya "external" na ibig sabihin, hindi siya "objective." Ang "objective" kase "external na nakikita niya." Ang bawat sulok ng "box" kita mo. Kahit ata likod ng "box" ay nakikita mo. Hindi katulad ng "subjective" na unang kita mo lang sa "box" dahil sa maganda ang balot, hay naku! In love to the max ka na. "Subjective" siya na 'nararamdaman' lang na wala kang tanong-tanong kahit "madisgrasya" ka pa. Ganun. Meron pa nga na "mahal mo siya kahit call boy." Meron pa nga na "mahal mo siya kahit prostitute." Meron pa nga na "mahal mo siya kahit mas matanda sayo." Meron pa nga na "mahal mo siya kahit sugar daddy na." Meron pa nga na "mahal mo siya kahit mag live-in kayo sa iisang house." Meron pa nga na "mahal mo siya kahit magnanakaw pa siya." ...marami at maraming iba pa. Ipinagtatanggol mo pa nga ang "magnanakaw" e. Meron pa ngang kanta na "Kahit sino ka man" e. Patunay lang talaga na "subjective" siya. "...mahal kitaaaa... basta mahal kitaaaa... iniisip nila ay hindi mahalaga... mahal kita maging sino ka man..." Ahem. Ahem. Patunay lang talaga na 'subjective' sila. Lyrics na "Kahit sino ka man." Sa aking nabasa between "hate" and "love" sa isang libro dahil meron akong subject nuon ng 'sociology' ata yun e, na nagsasabi na ang "hate" mas malawak siyang nakakakita sa bawat sulok at ang "love" is a feelings na hindi siya maipaliwanag. Merong kapansin-pansin dito sa mundo. Reality bytes ha? Kapag nagbreak kayo o kapag nag-away kayo at pagkatapos, nakakaramdam kayo ng galit, saka kayo nakakapag-isip na "manloloko" siya, saka niyo maiisip na "ang pangit pala niya." Patunay lang na nabulag lang kayo ng "pag-ibig." Sa umpisa, mahal mo siya kahit sino pa man siya, kahit manloloko siya, you don't care talaga pero kapag matagal na matagal na at nakakasawa na [siyempre naman noh? hindi naman lahat, forever ganun ang tao, may times talaga na may magbabago sa isa sa kanila.] ---saka lang sila "tumatalino" ---saka lang sila nakaka pag-isip ---well, totoong totoo siya at hindi ako sinungaling. May proven facts ako. Hindi naman lahat pero karamihan talaga. "Ayoko na sa kanya dahil manloloko siya" ---duh? Saka mo lang naisip na niloloko kanya nang galit ka na? "Mahal ko siya kahit niloloko ako. Accept ko pa rin siya." ---ngek? Eto talaga, hindi na talaga siya nakakapag-isip dahil hindi siya galit. Nagmamahal siya pero kapag pagdating ng maraming taon, kapag galit ka na, saka mo lang pala maiisip na "ginagago" ka niya... hay. Patunay lang na binubulag kayo ng "love." Rami. Totoo pala kapag ang "hate" mas nakakakita siya kaysa "love." Ang "hate" more on "objective" and more on "brains." Ang "love" more on "subjective" and more on "heart." Kaya nga walang "true love" e, dahil kung may "true love", e di lahat ng tao ay "martyr." Hindi tayo perpektong "objective" at "subjective." Tayo kase, kaunting 'loko' sa atin, ayaw na. Karamihan sa mga tao ay may mga karunungan. E teka, kanino ba nanggaling ang 'talino' at 'karunungan' natin? E diba? Ang nagtukso sa atin ay si Satanas. Nag-umpisa ito sa kapanahunan nina Adan at Eba. Hindi ako nagtataka kung bakit ayaw ng Diyos na pakainin tayo ng mansanas sa tree of knowledge dahil malamang, magkakaruon tayo ng karunungan. Ang gusto niya sa atin ay puro inosente or tipong puro "subjective" lang tayo. So, kahit ganito ang nick ko, hindi ako perfect evil. Karamihan sa mga "satanist" kase o tipong pure evil, pure hate or whatever, matatalino. Nakakakita sila na hindi nakikita ng mga taong kristiano. Hindi ako ganun, sayang nga lang dahil hindi ako ganun kaya hindi ko pa rin kaya protektahan ang sarili ko. Hindi ko rin kailangan ang lalake para protektahan niya ako. Karamihan nga sa mga tao ay hirap pagkatiwalaan dahil hindi mo alam kung kailan ka tatraydurin at pagkatapos, aasa pa ako sa kanila? ---pero alam ko diskartehan ang sarili ko to protect myself. ---lalo na sa mga lalake dahil lalake sila. Marami akong shield sa katawan ko. Asus [kapal ko] ---if you want to end this world, eto lang ang technique ---kung may "magic" ang isang tao, at ibinigay niya ang angking talino ang mga tao sa buong sanlibutan--- I mean, sobrang talino, sobrang karunungan at lahat ay perfect--- maniwala kayo, aakyat si Satanas dito sa lupa at magcecelebrate na siya sa 'pagkawagi' niya. ...'Talino' kay Satan. ...'Puso' kay God. Hindi ako nagtataka kung bakit karamihan ng mga tao dito sa mundo, sa 'physical world' natin ay patalinuhan. Sad but true. |
|||
|
« Next Oldest | Next Newest »
|
| Possibly Related Threads... | |||||
| Thread: | Author | Replies: | Views: | Last Post | |
| The Truth Will You Set You Free... C'mon Let Us Be Objective... Part II | Satanista666 | 0 | 520 |
03-01-2010 07:21 AM Last Post: Satanista666 |
|
User(s) browsing this thread: 3 Guest(s)

Search
Member List
Calendar
Help




