Join our Facebook Page



Post Reply 
 
Thread Rating:
  • 1 Votes - 5 Average
  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
  • 5
Ang Sanhi Ng Sobrang Religious At Kulong Sa Bahay
03-04-2010, 02:20 AM (This post was last modified: 03-04-2010 02:37 AM by Satanista666.)
Post: #1
Ang Sanhi Ng Sobrang Religious At Kulong Sa Bahay

Storya na buhay ng isang kakilala kong Satanista, kung bakit na convert siya sa pagiging Satanista niya. Biruin niyo, lumaki siya sa pamilyang "sobrang religious" at pagkatapos, converted din pala siya sa pagiging Satanista niya? Hmmm. Bakit kaya?

Since child, pinaaral na sa kanya ang magdasal ng rosary dahil devoted catholic christian silang lahat ng pamilya. Sa maikling salita, conservative din ang pamilya nila. Walang itinuro sa kanila kungdi magdasal na magdasal na magdasal na magdasal......

Stay lang sila sa house.

Walang exposure sa labas.

May TV man pero, pili lang naman kung manunuod sila.

...sa karanasan niya, nag-aral siya since prep, elementary up to highschool na hindi niya alam kung bakit siya nag-aaral. Nag-aaral siya na hindi niya alam kung ano ang purpose.

Alam niyo ba kung bakit hindi niya alam kung ano ang purpose niya kung bakit siya nag-aaral sa school?

---dahil sa sobrang "religious" at sobrang "close minded" niya--- nuon. Sinabi ko nuon ha? Hindi ngayon dahil iba na siya ngayon. Minsan, napapaisip ako kung lahat lang ito ay sanhi dahil lamang sa "relihiyon" na nagpamotivate sa kanya ng pamilya niya. Not just a "plain religion" kungdi "devoted religious" na talagang kahit ultimo sa biblia at outside sa bibla ay sinusunod nila. Outside the bible ang sinasabi ko dahil hindi lahat ay nakalagay sa biblia.

Magbibigay ako ng halimbawa.

Traditional mass at modern mass. Yun. Walang nakalagay sa biblia ora mismo.

Yung "ostia" or "bread ni Jesus Christ" ay hindi nakalagay sa biblia na it is a "sin" na isusubo mo siya sa sarili mong kamay. Ang required talaga, pare mismo ang "susubo" sayo. Hindi ikaw mismo.

Marami.

Eto pa. It is a "sin" na ang babae ay nakapantalon kapag nagsisimba. Kailangan naka-dress siya. Well, parang ipinalabas nila na "masama ang modern mass"--- or sabihin natin ---"nagkakasala ang mga tao kapag nagsisimba ng modern mass" ---or sabihin natin na a "sin" dahil hindi daw required ang "modern mass" dahil ang required ay "traditional mass" which is 2 hours or 1 hour and half ang simba. In "modern mass" ay 1 hour lang.

---kung eexplain ko pa ang Vatican 1 at Vatican 2, e huwag lang muna. Baka kase maging "Christian Nerd" na kayo kung ganun or sabihin natin na, kahit alam niyo na, ayaw niyo pa rin econsider since sanay na sanay na kayo sa "modern world" at siyempre, sino bang tao na gusto "bumalik sa traditional" diba?

Actually, ang truth, we are in the modern world, kaya hindi ko kayo masisisi kung batas ng simbahan ay ayaw niyo sundin. Okay? ---kahit kristiano kayo [Well, kristiano na hindi sumusunod sa batas? Basta, "modern"--- well, okay lang yan]

So, eto, "devoted catholic christian" ang kinalakihan ng pamilya niya. Lahat na naka-mind set sa kanya is puro "heaven."

"Heaven"

"Heaven"

...at "heaven"

---anyway, in order to go to "heaven", ibigay mo ang puso, isip at damdamin mo sa Diyos. Another thing, kailangan sarado ang isip mo sa "outside world."

What does it mean "outside world"?

Eto. Oo. Etong araw-araw na ginagawa natin at nakikita natin.

Mall, sinehan, computer.... marami e. Yung nakikita natin mismo sa labas. Yun. Eto, para madali, sabihin natin na kung ano ang nakikita sa labas ng bahay at hindi sa loob ng bahay.

Eto pa, para malinaw, kung ano ang "modern" natin sa labas ng bahay kaysa sa loob ng bahay na hindi ka na lumalabas, at higit pa duon, puro dasal at kain lang kayo, at wala kayong inisip kungdi "Diyos at langit" lang.

Hmmm. Kumbento ba ang dating?

---parang ganun na nga.

---ang resulta, since ganun ang pagmotivate sa kanya ng pamilya niya, hindi na rin siya na expose, kaya kapag nag-aaral siya, hindi niya alam kung ano ang purpose niya kung bakit siya nag-aaral.

---saka siya nagkaisip nang dumating siya sa punto ng kolehiyo na kaya pala nag-aaral ang mga tao is dahil sa pera. Siyempre naman diba? Pagkatapos mo mag-aral, e ano sunod? Diba? Maghahanap ka ng trabaho? Para sa ano? Para magkaruon ka ng sahod.

That time, hindi niya naiisip na ganun pala ang patakaran. Hay naku. Huwag na sana tayo maging hipokrito na keyso ang pera ay hindi mahalaga--- keyso hindi nila iniisip ang pera--- please, huwag na tayo maging hipokrito. The truth is, kailangan talaga natin ng pera. Hindi maaaring hinde.

...nang nagkaisip siya na ganun na ang patakaran ng mundo, lahat ay involve ay pera, nagkaisip siya then, saka siya na convert bilang isang Satanista.

A Satanist kase is not just sinasamba si Lucifer or ano. Hindi yun. May dalawang klase kaseng satanista e.

Philosophical Satanist.

Religious Satanist.

Ang Philosophical Satanist kase ay katumbas ng ethical ng humanist point of view ng mga tao. That is the ideology ng isang Philosophical Satanist. Ang Religious Satanist naman is, natural, may black mass pa at meron ka pang sinasambang Diyos.

Hindi siya makapaniwala na sa araw araw na nabubuhay siya, for all those years, hindi niya alam ang purpose niya o sabihin natin, siya lang ang hindi nakakaalam kung ano ang purpose niya kung bakit siya nag-aaral sa school dahil nga iba ang nagpamotivate sa kanya e. Iba. E lahat ng tao, buong mundo, alam nila kung ano ang purpose nila kung bakit sila nag-aaral at yan yung para magkapera... diba?

Ang natutunan niya is dasal, kain at goal in life is to go to heaven kaya hindi niya alam ang purpose nuong nag-aaral siya. Hindi niya alam ang purpose kung bakit kailangan ng pera dahil ang alam niya, ang pera ay hindi mahalaga.

I think, sabihin natin, saka nagkakaisip ang mga tao o bata kapag highschool na, na kailangan nila mag-aral ng mabuti para makatuntong ng college, at para magkapera. Pera naman diba ang nagpapaikot sa tao? Kaya ka nga na-aaral dahil lahat may kapalit e. Kahit tubig, binabayaran na. Pati pa naman ang CR? Duh?

Natuto na rin siya "magsurvival" dito sa mundo na sabi pa nga niya, tumulad na rin siya sa mga taong "nagsusurvive" tulad ng paghahanap ng trabaho, maka-isip ng pera, compentensiyahan para mapili ka ng employer mo--- lahat survival, pati ultimong pagkain--- sinusurvive mo kaya ka nag-iipon ng pera--- lahat!


...nang nakonvert siya sa pagiging "Satanista", sabi niya. "sis, lahat tayo nakadepende sa physical world. Kapag naiba ka, weirdo na ang tingin sayo."

Hindi siya naconvert dahil sa sabi ng mga tao na weird siya or ano, or dahil hindi siya nakiki-agos--- naconvert siya dahil sa alam na alam niya na etong mundo na inaapakan natin is a "satan world"--- kahit mismong iniisip natin, ginagalaw natin ay pang-satanista lahat kahit ang "faith" ng mga tao ay kay God, hindi pa rin tayo ligtas dahil depende tayo sa materyal na bagay--- kung baga "nagsusurvive" tayo para mabuhay dito sa mundo, at hindi tayo "nagseself sacrifice" para mamatay tayo dito sa mundo and then, makarating tayo sa langit.

Para makarating tayo sa langit, "huwag tayo magsurvive" dito sa earth dahil bakit tayo "nagsusurvive" dito sa earth, e "satan world" nga eto? Dapat nga, "nagsusurvive" tayo sa kaluluwa natin, kaya okay lang sa atin na "mamatay sa gutom" ---"mag self sacrifice" para makarating sa langit pero hindi ganun ang nangyayari sa atin.

Survival lahat!

Eto naman ang friend ko na "christian nerd" kung siya ay tawagin ko nuon, hindi na ngayon, dahil sa milyong milyong tao na gumagawa na pang-satanista, kahit ayaw niya gawin kung ano ang ginagawa ng mga tao in a "modern world"--- well, kinakailangan niya gawin.

Sabi ko. "bakit hindi mo na lang eaccept na nasa realidad tayo? Nasa mundo tayo ng mga tao. Accept mo kung ano ang reality dahil reality ito e."

"O sige, papayag ako na aaccept ko kung anong reality na meron tayo pero hindi na ako magiging kristiano, dahil anong silbi ko kung ipagmamalaki ko na ako ay isang kristiano sa puso, kung ang ginagawa ko ay pangsatanista din?" ---sabi niya.

Magiging labas kase nun sa kanya ay "self-proclaim christian"

Yan ang storya kung bakit converted siya sa pagiging "Satanist" niya.

Visit this user's website Find all posts by this user
Quote this message in a reply
03-26-2010, 03:20 PM
Post: #2
RE: Ang Sanhi Ng Sobrang Religious At Kulong Sa Bahay
Hindi rin talaga maganda sa isang tao ang sobrang kulong sa bahay na parang walang kalayaan para makipag-kaibigan. Kung ang bata nga, gagawa ng paraan para lamang makalabas ng bahay, paano pa kaya ang matanda?
Send this user an email Visit this user's website Find all posts by this user
Quote this message in a reply
Post Reply 


Possibly Related Threads...
Thread: Author Replies: Views: Last Post
  bahay namin, maliit lamang xTaiNd 1 1,167 08-12-2007 11:55 PM
Last Post: xTaiNd

Forum Jump:


User(s) browsing this thread: 1 Guest(s)