|
Join our Facebook Page |
|
|
|
|
Open Minded. Dahilan Kung Bakit 'Di Magkasundo'
|
|
03-06-2010, 02:08 AM
(This post was last modified: 03-06-2010 02:15 AM by Satanista666.)
Post: #1
|
|||
|
|||
|
Open Minded. Dahilan Kung Bakit 'Di Magkasundo'
Andito ako ngayon. Antok ako pero hindi ako makatulog. Hay. Magsasalita ako kung ano ang nasa isip ko. Imagine niyo na kausap niyo ako. Hehehehehehe. Anyway, meron akong "topic" para sa inyong lahat. Etong "topic" na eto ay para sa mga taong "away ng away" ---sa mga taong "hindi magkasundo" or "hindi magkaintindihan" at malalaman niyo kung bakit. Bakit at bakit at bakit talaga. Okidokkidok? Alam niyo ba kung bakit may mga taong "magkagalit" and then, "forever" na hindi "nagbabati"? Alam niyo rin ba kung bakit "nagkakahiwalay" kayo ng syota mo or mga kaibigan mo? Alam niyo rin ba kung bakit at bakit "nagkaka-third party or nagkakaruon ng kabit" ang asawa or syota niyo? Lahat lang eto ay dahil iba-iba ang mga karakter at personalidad ng mga tao. Take note. Hindi po siya nagbabago. Nagbabago siya in some ways pero, ganun pa rin siya. I mean, pwede siya magbago sa mga kapaligiran niya pero ganun pa rin siya. Okay. Mahirap ba maintindihan yun? Mukhang hindi niyo ata gets pero kung gets niyo, congratulations!!! You have won P1 million pesos and free tour in hongkong!!! Anyway--- joke lang yun. Ang ibig ko sabihin na hindi na nagbabago ang personalidad at karakter ng mga tao ay yung since child na ganun ka na. Halimbawa, kung since child na mahilig ka sa adventurous, paglaki mo adventurous ka pa rin. Merong magbabago sayo pero, yung pagiging adventurous mo, ganun ka pa rin. Mahirap pa rin bang unawain ulit? Haha. O sige, ganito na lang. Para madali, magbibigay ako ng apat na personalidad kung saang itong personalidad na ito ay sikat na sikat siya, at ito rin ang ginagamit ng mga professor sa eskwelahan para magkaruon ng kapayapaan at madistinguish nila ang iba-ibang ugali ng mga tao sa eskwelahan. Ginagamit siya sa organisasyon at sa mga community. Sa counceling ay ginagamit din siya. Hoy!!! Hindi ako nagsisinungaling noh? Baka kung anu-ano ang iniisip niyo. Hehehehe. Eto ang apat na personalidad na meron sa tao sa buong sanlibutan. Ang una ay "Artisan Personality Type" Hindi ko naman siya pwedeng tagulugin noh? Mahirap e. Hindi ko rin alam ang tagalog nito so stick to english na lang tayo. Ang pangalawa ay "Guardian Personality Type" Ang pangatlo ay "Idealist Personality Type" at huli sa lahat ay "Rational Personality Type" ---lahat lang yan ay since child, meron na po tayo niyan. Sa aking pananaw, mahirap pagsabihan ang isang tao na "kailangan baguhin mo ang personality mo" ---and then, meron pa akong nakikita or naririnig na chinicheck nila ang "personality" mo para kung fit talaga ang trabaho sayo. Okay naman yun kung echecheck nila ang "personality" mo para makita nila kung fit ka nga duon sa work mo, diba? Walang kaso duon, pero kung mapapansin natin, sa hirap pa naman ng buhay sa Pilipinas, karamihan pa ay "survival" pa para makahanap ng trabaho--- kahit "inborn personality" nila, e sadyang babaguhin nila ang kanilang "personality" para lamang matanggap sa trabaho kaya may mga resulta, na within 1 week, ala e! Quit na sa trabaho. Ayaw na dahil hindi na niya kaya. Ang ibang tao naman, wala na siyang ginawa kungdi magalit at magalit sa mga ka-officemate niya keyso daw "imoral" sila, keyso "pangit" ang ugali, mga ganun ba? Puro judgemental na nasa isip niya, pero yung mga ka-officemate niya, ayun, wala, normal lang sa kanila na para sayo, napaka-abnormal na, na ang kulang na lang ay magkaruon ka na ng "psychological effect" sa galit at sa inis. Umpisa palang, hindi na kayo magkasundo. Kahit nga sa magsyota e, sa mag-asawa, pati sa mga magkakaibigan. Binabase lahat yan sa character at personality para magkasundo kayo o hinde. Actually, lahat naman yan ay na reresolba, hindi nga lang alam ng mga tao. Yun nga lang, hindi alam ng mga tao. Halimbawa, sa itinutukoy kong "Artisan Personality Type"--- kapag ang isang tao ay inborn nito, or ipinanganak na siya na ganito ang personality niya, well, hindi na siya magbabago. Ganun na talaga siya. Ang ugali at personalidad ng "Artisan Personality Type" kase ay masyadong adventurous, ayaw nila humawak ng responsibilidad, pakawala, laging enjoy, um... ano pa? Always free like a bird. Ganun sila. May batas man pero lagi sila ang taga sira ng batas. It does not mean na naging criminal sila or something, noh? Hindi po. Tipong ayaw nila na "nakatali" sa iisang bagay or sa iisang tao dahil ang gusto nila "malaya" sila in terms na nakikipagsosyalan sila, in terms of nakikipaglandian sila, masyadong friendly, na malaman-laman mo pala, may syota na pala siyang taga cebu, taga u.s.a, taga probinsya--- sila kase ang itinatawag na "lover risk"--- ay tama ba? Ano nga ba english nun? "love risk" or "risk lover" or what? Yun na yun. Pahihirapan pa ako e. Ibig ko sabihin, mahilig sila mag-risk kung magmahal. Of course, lahat ng tao ay nagririsk sila sa pangalan ng pag-ibig noh? Ang ibig ko sabihin nito, sila yung madaling ma-in love na basta lang sila sumusugod. Ang iniisip lang nila is for the "present"--- yun. Ganun sila. Kahit yung mga interest at hilig nila--- naka mind set sila on the "present"--- kahit sa mga "physical appearance"? Mahihilg sila sa magaganda, gwapo...... mga ganun ba? Madali sila ma-attract sa mga magagaling kumanta, magaganda, sexi, gwapo, ano pa? Yung mga physical thing? Magaling sumayaw... magaling manamit kahit ultimong unggoy ang itsura... [ang sama noh? haha] Ganun sila. Pagdating naman sa "s*x thing"--- u-uy! ---sila yung mga taong madaling "hindi masatisfied" kapag hindi ka marunong "makipag-s*x" ---I mean, tipong madali na silang "makulangan" na feeling nila, hindi sila mahal ng tao dahil lang sa "s*x" ---sila kase, ipinapakita nila ang kanilang "pagmamahal" sa "s*x".... sa "s*x" at sa "s*x" at sa "s*x" lang. Okay ---pero, bukod sa mga "Artisan Personality Type" na ipinapakita niya sa ibang bagay ang kanyang pagmamahal, isa na duon ang pagiging expressive nila sa "s*x" at ito ang delikado sa "Artisan"--- Ang delikadao sa "Artisan" is hindi mo malaman kung mahal ka niya or hinde kung "makikipagsex" ka sa "Artisan" dahil ang nakakaalam nun ay mismong "Artisan"--- ang "Artsian" kase ay dalawang klase lang ang character na meron sila. Serious ang love nila sayo kaya sila nakikipagsex or it is just a fling kung makikipagsex sila sayo, pero hindi naman masama ang taong may ganitong personalidad at karakter. Ang tutuusin nga, masarap silang kasama dahil nakaka-enjoy silang kasama. Siyempre naman, sila yung mga taong nagpapasaya at nagpapakulay ng buhay natin, kung wala sila, wala rin tayo, kaya huwag na kayo magreklamo na keyso, masama sila, pangit ang ugali. May purpose din sila kung bakit naandito sa lupa. Hindi niyo ba alam? ---sila ang taga inpluwensiya na pagiging "free" nila, ang pagiging "adventurous" nila, nagkakaruon ng saya sa ating buhay. Mahahawa ka sa pagiging "party-goer" nila, o see? Masaya? So, hindi sila masama. Magkaiba lang kayo ng personalidad at karakter niyong dalawa kaya malamang, hindi kayo nagkakaintindihan kung bakit or sadyang, inis ka sa kanya dahil ang nakikita mo sa kanya ay magdamit na halos kita na ang "kaluluwa"--- sus! Huwag mo na intindihin yun. Ganun lang talaga sila kaya huwag mo na sila pigilan na keyso "ganito at ganyan ka dapat"--- Hay naku! Hindi sila susunod sayo kahit umiyak ka pa ng milyong dugo sa mata mo. Never sila susunod sayo kaya huwag mo na sila itali sa leeg at huwag mo na ipilit ang gusto mo mangyari dahil magkaiba kayo, okay? ---kung hindi man kayo magkasundo, magkaiba nga lang siguro kayo ng personalidad at karakter pero, meron naman siguro ma-fifit sa personalidad at karakter na meron ka e. Nagkataon lang talaga na hindi kayo magkasundo dalawa kaya sad to say, nagkakaruon ng "third party", "sulutan" ng mga partner, nagkakaruon ng "kabit"--- hay naku. That is life. Hindi ako nagtataka, kahit "kasal" ay meron pang "annulment" at "divorce" na nalalaman. Merong taong pwede makaintindi sa personalidad at karakter ng isang "Artisan Personality Type"--- meron naman. "Guardian Personality Type" naman siya. Ang "Guardian Personality Type" naman kase ay masyadong traditionalist, at masunurin sa batas. Gusto niya na ginagabayan siya at mahilig siya manggabay. Ganun ang character nun. ...kaya kung "pakawala" si "Artisan", madaling maintindihan ang taong "Guardian Personality Type" dahil ang ugali nun, ginagabayan lang naman niya si "Artisan" e. Kung ang hilig ni "Artisan" ay mamasyal sa hongkong, fine! Maiintindihan naman ni "Guardian" na mahilig si "Artisan" na magtour around the world. Wala na siyang tanong-tanong. Wala ng away-away or whatever although, may flows. Lahat naman ay may flows e. Wala namang perfect na mundo e, diba? Anyway, stop muna ako dito. Antok na kase ako. Itutuloy ko na lang ito kapag naka-log in ako dito, okay? |
|||
|
03-06-2010, 12:13 PM
(This post was last modified: 03-06-2010 12:24 PM by Satanista666.)
Post: #2
|
|||
|
|||
|
RE: Open Minded. Dahilan Kung Bakit 'Di Magkasundo'
Kagabi, nalimutan ko magpunas ng gabi. Mabuti nga, natulog ako kaysa hindi matulog sa gabi. So, nasaan na ba tayo? Sa "Guardian Personality Type" diba? Anyway, etong "four personality" na eto ay mas malawak pa kung magbabasa kayo ng mga libro ni mister David Keirsey. Isa pa, yung "four personality type" na yan ay nasa biblia din. So, saka na yang biblia-biblia na yan. Importante din ang "Guardian Personality Type" sa buhay ng mga tao ---dahil sila ang mga tipong tao na "sumusunod" sa batas, kung hindi dahil sa kanila, wala rin tayo noh? Sila kase ang mga tipong tao na mahilig sa mga "organisasyon" ---sa mga "insitution" ---pwede siya maging career bilang isang "teacher", siyempre--- "teacher" siya na nagga-guide sa mga estudyante niya although, kahit anong "personality" ay pwedeng maging "teacher." ---kung wala ang mga "guardian" na yan, e sino magtatayo ng mga "school" ---ng mga "institution"? Sino ang gagawa ng "organisasyon" at maraming iba pa? Sino ang magtatayo ng mga "hospital" kaya magpasalamat tayo sa mga "guardian" although, sa mga "batas" na yan, minsan nakakairita na ang mga "guardian." Minsan kase, ang nakakainis ng kaunti sa "guardian" ay yung sobrang masunurin sa "batas" na talagang "ini-impose" na sayo na kahit ayaw mong sundin, makakaramdam sila ng "frustration." ---kung si "artisan" ay mag-aalinlangan ka kung mahal ka niya or hinde pagdating sa "s*x" na yan, si "guardian" naman ay nakakairita pagdating sa mga "batas-batas" na yan. Katulad nito. Halimbawa, mother ko. Ang hula ng kapatid ko, ang mother namin ay isang "Guardian Personality Type" at ang akin naman, kutob ko, siya ang "Idealist Personality Type" pero I think, tama ang kapatid ko sa pagkakakilanlan niya sa personality ng mother namin. Ang sa kanya, kaya naman niya nasabi na "Guardian Personality Type" daw ang mother namin, kase sobra siyang "traditional" at the same time, bawat batas ng simbahan ay talagang sinusundan niya. Kailangan sundin at hindi maaaring hinde. Ganun siya. Lagi niya kase na ibinabanggit na keyso sabi ni God, ganito daw sundin. Ganun siya pagkatapos, nagagalit siya kapag hindi nasusundan ang kagustuhan niya. Ganun siya. ---kahit ultimong wala sa biblia dahil hindi naman lahat, nakalagay sa biblia, katulad na lamang sa pantalon at "ostia" na keyso pare dapat ang susumbo sayo, at hindi mismo sa kamay ng tao ang inilalagay, ayun, kailangan sundin. Ang sa akin naman, kaya na sabi ko na "Idealist Personality Type" ang mother ko, kase pansin ko sa kanya, masyadong "Ideal" siya sa gusto niya mangyari. I mean, meron siyang "Ideal" sa amin na kailangan ganito gawin namin ---kailangan, ganito kami na maging katulad ng isang "saint" ---ang ideal niya sa amin ay maging masunurin sa mata ng Diyos and then, sinasama niya ang buong mundo. E since, ang mother namin, hindi mahilig gumawa ng tula, so kinategorya ng kapatid ko na "guardian" siya. Minsan, nakakairita ang ganun klaseng "personality" pero magpasalamat pa rin tayo sa kanila, diba? Katulad ng "artisan"--- magpasalamat din tayo sa kanila, kahit ayaw mo dahil ganun ang character nila, keyso ganun ang physical appearance nila na ang raming kaartehan sa katawan--- kase on public ang personality ng "artisan" kaya hindi mo sila masisisi. Maraming "personality ng artisan" na makikita mo sa "telebisyon" at isa sa mga halimbawa duon ay mga taong nagtatrabaho bilang "artista"--- gustong gusto nila "on public" sila. Yung nakikita sila mismo ng "mass media" although, meron namang iba-ibang personality na nagtatrabaho sa pagiging "artista" pero majority talaga mga "Artisan Personality Type." |
|||
|
03-06-2010, 01:44 PM
(This post was last modified: 03-07-2010 02:25 PM by Satanista666.)
Post: #3
|
|||
|
|||
|
RE: Open Minded. Dahilan Kung Bakit 'Di Magkasundo'
Sa "Idealist Personality Type" naman, alam niyo na? Comes from the word "Ideal"--- Isang halimbawa na may ganitong personality type is si Adolf Hitler. Siya po. Siya ang namuno bilang isang presidente ng Germany. Tama ba? Germany? Well, yun ang nareremember ko sa aking memory. Tingnan mo, dahil may "ideal" siya, naging "diktatoryan" ang bansa nila, na tipong ang presidente ay wala ng ginawa kungdi magdictate na magdictate sa gusto niya mangyari, ayun sa "ideal world" niya. Pansin niyo ba kung bakit zero percent ang walang namamahala bilang presidente na may personality type ng Idealist? E siyempre, kung ano ang "Ideal" para sa kanya, yun lang ang susundin niya para sa sarili niya. Ang karamihan na namamahala sa pagiging presidente ay it is either "Guardian Personality Type" or "Artisan Personality Type"--- well, pasensiya na ha? Hindi ko maremember kung kagaano karami ang personality na merong porsyento ang madalas mamuno bilang presidente sa mga bansa e. Nalimutan ko na. Ang "Rational Personality Type" naman, meron din namumuno pero sobrang-sobrang liit lang ng porsyento. Mas madalas talaga sa alin mang dalawa, "artisan" or "guardian." Anyway, ang "Idealist Personality Type" is sila ang mga tipong tao na malakas ang "imahinasyon" nila. Wala silang inisip kungdi "love" at tipong mga "personality development"--- I mean, ang gusto nila ay tipong taong "makakaintindi" sa kanila ayun sa "personality development" nila. Ibig ko sabihin, gusto nila ay tipong makilala nila lubusan ang kanilang sarili. Sinusundan nila yung "conscience" nila kung ano sa tingin nilang makakabuti at makakasama. More on "personal" sila. Kaya minsan, ang mga "idealist" ay bigla kang magugulat sa kanila kung pati, personal life mo ay naghihimasok pati sila--- kase kahit sa terms of conversation, more on "personal" sila. Lalo na sa "partner"--- ang gusto nila "one to one" kayo sa isa't - isa. Sharing kayo ng ideas--- buhay ng buhay niyo sa isa't-isa, mga ganun. Malalim sila kung baga na halos hindi mo sila masisid sa kabugturan ng dagat. Sila ang mga tipong tao na kaya nilang bitawan ang trabaho, or tipong mga school work ala-alang sa mga mahal nila sa buhay, mga ganung tipo. Kung pagpipilian siya kung "school" na kailangan niya pumasok or "nangangailangan ang kaibigan niya sa kanya"--- mas bibitawan niya ang school at pipiliin niya ang kaibigan niya, kahit bumagsak siya sa school, wala siyang pakialam. Ang problema nga lang sa mga "Idealist Personality Type"--- mas "prone" sila sa "suicidal"--- yun nga lang. Nakakaisip sila magpakamatay or minsan, nakakaisip sila pumatay ng tao sa tindi ng emotional level nila, mga ganung tipo. Masyado kase silang "Idealistic" na minsan, hindi sila "praktikal" kung mag-isip. Hindi katulad ng mga "Artisan Personality Type"--- praktikal sila mag-isip. More on "feelings" ang mga "Idealist Personality Type." Halimbawa, ganitong scenario. Merong babaeng nabuntis. Iniwan ng lalake ang babae at pumunta sa iba. Ang "ideal" ng babae ay kailangan, may nanay, may tatay, buo ang pamilya na may anak. Ganun sila. E since, hindi na natupad ang "ideal family" niya, ayun, masasaktan siya, madedepress siya--- sa sobrang sama ng loob niya at hindi nangyari ang dapat mangyari, makakaisip na siya magpakamatay dahil hindi niya malubos maisip na siya ay magiging single mother na dapat "buo ang family" nila not unlike sa "Artisan Personality Type"--- kapag iniwan ng lalake ang babaeng nabuntis, mag-iisp siya ng praktikal na solusyon. Mag-woworking mom siya. Kung iniwan man siya, meron pa namang bilyon na lalake sa kapaligiran niya e, meron pa siyang matatagpuan na karapat-dapat na lalake para sa kanya. Yan ang mahirap sa "Idealist Personality Type"--- karamihan, "prone" sila makaisip na magpakamatay. ...sila din ang nasa kategorya na mahilig mang alay ng buhay sa kanilang mahal. Pinaka-best na example na "Idealist Personality Type" ay si Jesus Christ. |
|||
|
03-07-2010, 02:55 AM
(This post was last modified: 03-14-2010 12:17 AM by Satanista666.)
Post: #4
|
|||
|
|||
|
RE: Open Minded. Dahilan Kung Bakit 'Di Magkasundo'
Ang huli ay ang "Rational Personality Type"--- Kabaligtaran ng "Idealist Personality Type" na kung saan halos more on "feelings" sila, ang "Rational Personality Type" naman ay more on "utak." Utak... Utak... Utak... ...eto, kakaunti lang ang karunungan ko patungkol sa "Rational Personality Type" dahil mas sobra akong interest sa tatlong personality type na katulad ng "artisan", "guardian" at "idealist" ---at alam niyo ba kung bakit? Ganito kase yun. Ang ex-boyfriend ko ay isang "artisan" at ang ka-third party niya nuon ay laging nag-fafall sa kategorya ng "guardian" so, no wonder talaga kung bakit sa tagal ng relasyon namin nuon, hindi na kami magkasundo sa isa't - isa. Dati yun kaya mas pinokus ko ang pansin sa tatlong personality na ibinabasa ko at para makakuha ako ng maraming inpormasyon. Naghagilap ako kaya sa huli, nauunawaan ko na. Hindi na ako nagrereklamo nuon na keyso niloko niya ako or ano, na actually... ganyan lang talaga siya. Hindi lang talaga kami magkasundo sa isa't - isa. So, ang "Rational Personality Type" ay ito ang tipong tao na mahilig mag-isip patungkol sa mundo natin. Isang halimbawa nito ay ang scientist na si Albert Einstein. Tinagurian siyang genius. Rude sila magsalita pero para sa kanila, hindi sila rude magsalita. Alam niyo ba ang ibig ko sabihin? Sa sobrang napunta lahat sa utak, ang pagkakaalam ng mga tao sa taong may personalidad na "rational" ay walang puso, napaka-rude, matigas or whatever na actually, ganun lang sila. Normal lang sa kanila yun. Ganun sila. Halimbawa, ganito. Niyaya siya ng babae sa party. Sagot niya ay ganito. "Ayoko. May gagawin ako." Ang iisipin ng mga tao sa kanya ay "walang paki-sama" or ang isasagot niya ay ganito. "Ayoko. Ang mga kasama mo ay mukhang pokpok." Siyempre, dahil lang sa pananamit ng mga friends mo, ikaw naman ma-ooffend. Iisipin mo, napaka-rude niya na actually, normal na sa kanila yun. Ganun lang talaga sila kaya yung mga taong hindi sanay sa ganung character, e sanayin niyo na dahil ganyan lang talaga siya. Nakakatulong naman ang "Rational Personality Type" sa atin dahil kung wala din sila, wala rin tayo noh? Haha. Sino ang nag-embento ng ilaw? Sino nakatuklas ng gravity? O diba? Yan ang mga "utak" ng masa. Malalim at mahabang eksplanasyon ito patungkol sa "Rational Personality Type" at ayun sa psychologist na si David Keirsey, well, fit silang dalawa ni "Idealist Personality Type" dahil ang "rational" ay mas napapa-curious siya sa nararamdaman ng "idealist" sa pagiging mala-imahinasyon nila. Okay naman na kahit iba-iba ang personalidad at karakter ang partner niyo e. Wala naman kaso duon e, kaya lang ayun sa statistics mas magkasundo ang "artisan" sa "guardian" at "rational" naman sa "idealist"--- base on statistics lang naman ha? Although, may "flows" pa rin noh? Tulad nga ng sinabi ko, walang perpekto dito sa mundo. So, for example, ikaw halimbawa ay "artisan" at pagkatapos, ang napangasawa mo ay "idealist"--- or "rational" at "guardian" naman ang napangasawa mo ay talagang may pagkakataon na hindi kayo magkasundo dalawa pero mareresolba naman yan e. Nasa tao na yun kung papaano nila e-aadjust sa isa't - isa e, diba? Or much better, punta kayo dalawa sa psychologist para maayos yung hindi pagkakasunduan niyo. Eto kase ang problema sa atin e, hindi porke't may problema ka individual, siya lang ang pwede pumunta sa psychologist. Porke't may problema lang ang tao, sa personal life, siya lang ang pwede pumunta sa psychologist. Pwede both partner pumunta sa psychologist or sa counceling dahil hindi niyo ba alam, may mga psychologist na alam nila ang "4 personality type" ng mga tao, huh? Duon mapag-uusapan para magkasundo kayong dalawa, pero parang hindi ganun ang nangyayari. Kapag hindi magkasundo, hiwalay na. Wala ng resolba o siguro, walang pera para magpapsychologist. E kung mayaman lang ang dalawang mag-asawa o mag-syota diba? Why not? E di magpatulong sila sa psychologist para maayos ang problema nila sa isa't - isa. Yun. ...siguro, may mga tao na hindi nila naiisip yun. Isa pa, baka yumaman na ang mga taong nasa larangan ng psychologist diba? E siyempre, kapag hindi magkasundo, duon na sila pupunta, at natural, maglalabas ka ng pera. Eto pa ang isang halimbawa. Kaunting palantandaan sa "4 personality type" ng tao. 1. Kapag si "artisan" ay bibili ng damit, ang damit na bibilhin niya sa mall ay todong kuha ng atensyon para sa pang-"masa"--- kung ano ang maganda sa paningin in "public"--- 2. Kapag si "idealist" ay bibili ng damit, ang damit na bibilhin niya sa mall ay yung sa tingin niyang maganda, kahit si "artisan" ay pangit na pangit siya keyso, ang ipinili ng damit ng "idealist" ay makaluma or hindi sunod sa uso, mga ganung tipo. May "ideal" siya sa damit na gusto niyang bilhin e. Kaya huwag na kayong magreklamong mga "artisan" sa taong "idealist" na kung sakaling deep inside niyo ay parang napapangitan kayo. Hayaan niyo na. E sa kanya, maganda e. Ano pakialam niyo, diba? Huwag niyo na ipilit siya na yung gusto mo, gusto rin niya dahil magkaiba kayong dalawa. 3. Ang "guardian"--- kung ano ang nakasanayan niyang suotin since child, since ang family niya ay ganun din magsuot, siyempre, yun ang bibilhin niyang damit. 4. Ang "rational"--- hmmm... bibili lang siya ng damit o mamimili siya ng damit basta may logical reasoning ang damit na bibilhin niya. Haha. Hindi niyo ba naunawaan yun? Halimbawa ganito. Hindi nila tinitingnan kung pangit o maganda ang damit. Halimbawa, mainit na ang panahon. Maganda man o hindi ang damit ang bibilhin nila, ang tinitingnan nila kung yung susuotin nila ay pwede magpapresko sa katawan nila, mga ganung tipo. Halimbawa, sleeveless shirt. Sa "artisan"--- kung ano ang maganda sa paningin ng "masa" diba? Sa "rational" hindi, kaya siya bibili ng sleeveless shirt dahil mainit ang panahon. Hindi siya bibili ng sleeveless shirt kung hindi mainit ang panahon. Ganun sila. Halimbawa, sa high-heels shoes para sa babae. Sa "artisan"--- sa tingin niya na maganda sa kanya at sa "public", bibili siya pero sa "rational"--- kapag alam niya na may good reason kung bakit kinakailangan bumili ng high-heels shoes, bibili siya. E kung alam naman niya na sasakit lang pala ang paa niya duon, hindi siya bibili. Ganun sila. Yun lang yun. |
|||
|
« Next Oldest | Next Newest »
|
| Possibly Related Threads... | |||||
| Thread: | Author | Replies: | Views: | Last Post | |
| Part II --- Dahilan Kung Bakit Di Magkasundo. | Satanista666 | 0 | 901 |
03-09-2010 11:16 PM Last Post: Satanista666 |
|
| *The Open Letter* | James307 | 0 | 474 |
12-12-2009 11:54 AM Last Post: James307 |
|
User(s) browsing this thread: 4 Guest(s)

Search
Member List
Calendar
Help




