|
Join our Facebook Page |
|
|
|
|
Part II --- Dahilan Kung Bakit Di Magkasundo.
|
|
03-09-2010, 11:16 PM
Post: #1
|
|||
|
|||
|
Part II --- Dahilan Kung Bakit Di Magkasundo.
Eto ay part II ha? Ang rami-rami ko kase gustong sabihin e, kaya pasensiya na po. Hehehehe ![]() Anyway, magbibigay ako ng mga halimbawa na movie, at ito yun. Check niyo ang mag-syota ha? Kung sino ang "artisan" at "guardian" diyan ha? Yung mismong dalawang magsyota. Ang pamagat nito ay "Jumper"--- well, sa akin obserbasyon, "artisan" at "guardian" po ang mag-syota pero kayo, tingnan niyo kung ano sa tingin niyong character at personalidad na meron sila. Kunyari, observant kayo. Ala, nagteacher na noh? Anyway, hindi ko na siya pahahabain pa. Panuorin niyo na lang ito. Jumper Trailer lang yan. Um. Ang babae na nakasuot na kulay puti at ang lalake na bida, kung saan may part duon sa scene na naghahalikan sila, at siya din po ang lalakeng nakapayong ay magsyota ang dalawa, sa movie lang ha? Ang lalake duon, kung anu-ano ang ipinaggagawa niya. Nakapasok at labas na siya ng bangko para makakuha ng pera at pagkatapos, ipinaghahabol pa siya ng "kalaban"--- natural, mag-isa lang siya. Sa full length movie, meron pa siyang naka-"s*x" na nakilala lang niya somewhere na I think, sa bar ata. Ang babae, tingnan niyo ang babae, naandiyan pa rin sa tabi ang babae sa kanya. Lagi nga napapahamak ang babae sa movie na yun e, haha pero sila pa rin. Kayo? Nakikita niyo ba? ---or na-oobserba niyo ba yung character at personalidad na meron sa dalawang magsyota na yun sa movie? Kahit hindi perpekto--- yung sa tingin niyo lang. Sa akin, "artisan personality type" ang lalake. Ang babae ay "guardian personality type" ang babae. Sa akin lang ha? E kase, pakawala ang lalake. Lagi pa siya "in danger" at eto naman si babae, napapahamak na siya lahat-lahat, naandiyan pa rin siya sa tabi ng lalake. Eto naman ang isang movie. Tingnan niyo kung ano ang "personality type" na meron sila ha? Ang pamagat nito ay the "enchanted"--- Disney Enchanted 1 Disney Enchanted 2 Pasensiya na sa isang movie ng jumper, hindi ko nakayanan efocus talaga ang scene kung saan silang mag-syota na nag-uusap para makita niyo yung mismong character at personality mismo. Ang hirap hanapin lalo na kung mabagal mag-download ng movie, e hindi ko pa kabisado kung saan ang scene, hindi katulad nito sa "disney enchanted"--- ilan beses na ipinanuod ng kapatid ko, pati ako ay nahawa na rin kaya ayun, kabisado ko siya. Anyway, hula ng kapatid ko, ang lalake ay "rational personality type" at si Giselle na nakabistida ay "idealist personality type" siya. Well, observant lang naman e. Sa amin lang yun, kung ano ang pagkakakilanlan namin sa both character ng movie na yun. si Giselle ay "idealist" dahil masyado siyang mala-imahinasyon about "love" and everything na wala na sa tunay na "reality"--- puro "love" lang siya at wala ng iba. Diyan sa scene na yan, inosente siya na iniisip niya na keyso may happy ending. Nanggaling kase siya sa ibang "mundo"--- "mundo" ng puro happiness, ganun po. Walang selos, walang inggit--- inosente kung baga. Well, hindi naman itinutukoy ko na "literal" ganun ang "idealist personality type" ha? Sobra naman kayong literal, hindi ganun. Epinoportray diyan na ganyan ang "character" at "personality" ng "idealist"--- Eto pa, sa sobrang "feelings" ang gamit nila, nakakagawa sila ng tula na galing sa puso nila. "Rational personality type" naman ang lalake dahil, alam mo ba yun? Kahit ang syota niyang isa, hindi si Giselle ha? May nauna sa kanya ay boring na boring sa kanya dahil hindi siya sweet. Hindi man lang nagpapadala ng bulaklak sa kanya, mga ganung tipo. Ang lalake kase sa movie na yun, hindi siya naniniwala sa "fairy tale" e. So, yun na yun. |
|||
|
« Next Oldest | Next Newest »
|
| Possibly Related Threads... | |||||
| Thread: | Author | Replies: | Views: | Last Post | |
| Open Minded. Dahilan Kung Bakit 'Di Magkasundo' | Satanista666 | 3 | 1,400 |
03-07-2010 02:55 AM Last Post: Satanista666 |
|
User(s) browsing this thread: 1 Guest(s)

Search
Member List
Calendar
Help





