Join our Facebook Page



Post Reply 
 
Thread Rating:
  • 0 Votes - 0 Average
  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
  • 5
Question and Answer
03-12-2010, 11:51 PM (This post was last modified: 03-12-2010 11:52 PM by Satanista666.)
Post: #1
Question and Answer

Question and Answer.



1. Bakit kinakailangan pa mag-suot ng business attire kapag mag-aapply ng trabaho? Bakit kinakailangan pa may "attire code" pa na katulad na bawal ang "sandal" or "rubber shoes", e ang mahalaga lang naman ang "skill" ng tao?

Actually, steotyphical ang mga tao. What if merong isang mahirap na tao, at wala siyang maesuot na damit pero ang tali-talino niya? Meron siyang maipagmamalaking "skills" at angking "talino" diba? ---pero wala siyang matinong damit dahil laki siya sa hirap, so papaano yun? It means ba, first expression dahil lamang sa suot niyang damit ay bagsak na siya sa interview? Hindi na siya nabigyan ng pagkakataon para makapagtrabaho pa dahil lamang duon. Ang sagot ko ay hindi ko sila maintindihan. Sabihin na lang natin na "bobo" sila. Masarap sila sabihan ng "bobo" lalo na kung hindi sila malawak mag-isip. Masisisi niyo ba ako? Hahahaha.



2. Ano ang mas mahalaga sa mga tao, pera or ang pag-ibig?

Mahalaga ang pera kaysa pag-ibig. Bakit? Mapapakain ka ba ng salitang pag-ibig na yan? O sige, isipin niyo kunyari na walang wala kayong pera ngayon. Dali! Isipin niyo ngayon na. Kunyari, walang wala kayong pera and then, pagkatapos ikaw ay nag-aaral sa isang pinakamahal at pinakasikat na eskwelahan sa Pilipinas. Nasa college level ka. Nagkabaon-baon sa utang ang mga magulang mo. Kunyari lang. Hay naku! Nag-iisip ba kayo? Hindi niyo ata "feel" e. O sige, ipagpatuloy natin. Halimbawa, sinabi sayo ng mga magulang mo na hinding hindi ka na nila matutustusan ng pag-aaral mo. Anong iisipin mo diba? Siyempre, ang una papasok sa isipan mo ay kailangan mo magkaruon ng pera. Makaka-isip ka maghanap ng work para makapagtapos ka ng pag-aaral mo. E may biglang dumating, na tunay na nagmamahal sayo?

Wala kang pera.

Hindi ka pa natapos sa pag-aaral mo.

Siyempre, kailangan mo na naman ang pera yan, or else, hindi kayo magkakatuluyan diba? Walang pera e.

Kaya mo ba na siya muna ang pagtuunan ng pansin at okay lang sayo na kahit walang pera, walang trabaho at hindi ka nakatapos sa pag-aaral basta diyan lang siya sa tabi mo ay nabubusog ka na?

Napaka-hipokrito mo naman kung umamin ka na ganun ka. So, napakamahalaga talaga ay pera. Hindi ka makakapag-asawa kung wala kang pera.


3. Ano ang mas iniisip mo para maging "healthy" ka sa araw-araw mong pamumuhay?

Iniisip ko ang mga sitwasyon na maaaring mangyari sa akin in the future. Ready ako lagi edepensa ang aking sarili. Naniniwala ako na hindi masama yun. Hindi masama yun dahil naniniwala din ako, na ginagawa niyo rin yun.

Huwag na kayo maging hipokrito.





...parang ganito.


1. Hindi mahalaga ang pera [...pero araw-araw naman siya nagtatrabaho para magkapera ===> hipokrito o!]

2. Ako ay isang kristiano [...pero nagsisinungaling naman ...pero kasali ka naman din sa seven capital sins ===> self-proclaim christian]

3. Naniniwala ako kay God [...pero nagagalit kapag sinabihan mo ng "inosente" at "isip bata", e samantalang nasa biblia ang "inosente" na kapag tumulad ka na parang bata ---makakarating ka sa langit ===> self-proclaim christian]

4. Huwag na tayo maghipokrito, maraming self-proclaim christian. Kasali ka na rin, hahahahaha.



Visit this user's website Find all posts by this user
Quote this message in a reply
03-26-2010, 03:16 PM
Post: #2
RE: Question and Answer
1. Bakit kinakailangan pa mag-suot ng business attire kapag mag-aapply ng trabaho? Bakit kinakailangan pa may "attire code" pa na katulad na bawal ang "sandal" or "rubber shoes", e ang mahalaga lang naman ang "skill" ng tao?

Oo, mahalaga ang skill ng tao pero makikita rin sa pananamit mo kung anong pag-uugali ka meron gayong nag-aapply ka pero naka-rubber shoes at maong. Kailangan formal ka. Ika nga first impression para tanggapin ka sa trabahong inaaplayan mo.

Send this user an email Visit this user's website Find all posts by this user
Quote this message in a reply
Post Reply 


Forum Jump:


User(s) browsing this thread: 1 Guest(s)