|
Join our Facebook Page |
|
|
|
|
Money Is The Most Important Thing In The Whole World
|
|
03-13-2010, 01:41 PM
(This post was last modified: 03-13-2010 01:49 PM by Satanista666.)
Post: #1
|
|||
|
|||
|
Money Is The Most Important Thing In The Whole World
Hindi ako makatulog. Grabe. Hindi ako makatulog. Naghihinagpis kase ang puso ko e. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makahanap ng trabaho pero, this time, magkakaruon din ako. Huli na kase ang lahat-lahat nang natuklasan ko na mahalaga pala ang pera dito sa mundo. Hindi ko kase alam na mahalaga pala ang pera e. Malay ko ba? Hindi naman kase kami tinuruan patungkol sa pera e. Ang itinuro lang sa amin ay magdasal ng rosary, about God or kung ano pa man. Ayan tuloy, pagkalabas ko ng bahay namin, saka ko natuklasan na ang lahat ng mga tao ay pera ang nagpapaikot sa kanilang lahat. E sa hindi ko alam. Kasalanan ko ba? Iba ang kinalakihan kong pamilya e, kaya hindi ko alam. ---kaya pala, nuong grade six ako, nag-aaral ako pero hindi ko rin alam kung saan ang patungo ko. Hindi ko alam kung bakit ako nag-aaral. Ang alam ko, nag-aaral ako dahil gusto ng mga magulang natin na makatapos sa pag-aaral. Sana naman, nuong bata pa kami, itinuro na sa amin, na dito sa ating mundo, pera ang nagpapatakbo sa mga tao para ako, alam ko ---para malaman ko rin na kaya pala kami nag-aaral ay para sa pera. Kulang pa yung sinasabi nila na kaya ka nag-aaral ay para makapagtrabaho ka. Hindi dapat ganun e. Hindi dapat. Ang dapat, ang ituro sa amin na importante ang pera sa buong lupalop ng sitwasyon. Tingnan niyo, nakita niyo ba ang resulta? Pasado nga ang grades ko, pero yun lang. Wala akong motivation. Sumusunod lang ako sa mga patakaran dahil yun ang gusto ng mga magulang natin. Hanggang dumating ako ng highschool. Pagkagraduate ko ng highschool, ang akala ko nuon, natapos na ang kahirapan ko sa taong ipinag-aaralan ko sa highschool. E hindi pa pala nagtatapos duon. Meron pa palang kolehiyo. ---and again, hindi ko alam na meron pa palang college. Take note, hindi ko pa alam kung bakit kinakailangan ko pa mag-aral ng college. Hay. Sana naman, itinuro na rin sa akin ng mga magulang ko na importante talaga ang pera para alam ko. Ang akala ko kase nuon, pagkatapos ng highschool ko, magpapahinga na ako. Sa loob na ako ng bahay at magpapahinga. ---inosente noh? Pero this time, sa mga karanasan ko sa labas ng bahay, sa mga karanasan ko sa iba-ibang sitwasyon, nadagdagdan ang aking karunungan at nauunawaan ko na naman uli na importante talaga ang pera. Kahit anong aspeto ng sitwasyon, mahalaga ang pera. Alam niyo, kung ebinuklat lang ang aking isipan sa tunay na realidad ng ating mundo, magpupursege talaga ako mag-aral. May goal na ako e. Dapat itinuro sa amin nuong bata pa, na dito sa mundo, ang mga tao ay nagsusurivive para mabuhay at hindi yung tungkol sa mga "heavenly celestial" na hindi mo malaman kung ma-eaapply din ba yan sa reality or hinde. ---ang resulta? Undergraduate ako. Ang dahilan kung bakit undergraduate ako is hindi ko ipinapahalagahan ang aking pag-aaral dahil hindi ko alam kung ano ang goal ko duon. Sabihin natin, sumusunod lang ako sa takbo ng agos ng mga tao na keyso nag-aaral sila sa college, so pati ako ay kinakailangan din mag-aral. Mag-aaral ako at epapasa ko lang ang aking mga grades para sa mga magulang ko, para matuwa sila and then, yun lang. Wala akong goal. ---ang resulta na naman dahil sa mga ginagawa ko ay mas madali kong bitawan ang pag-aaral ko kapag nagmamahal ako. Nakatutok na kase ang lahat ng atensyon ko sa isang lalakeng mahal na mahal ko. Ako ang tipong babae na loyal, honest, faithful and sincere. Kahit kamatayan, naandiyan pa rin ako sa tabi niya at hinding-hindi ko siya iiwan. Magiging sunod-sunuran ako na parang aso at wala akong pakialam sa sinasabi ng iba. Ang mahalaga ay ang lalakeng mahal ko kaya lang, yung pagmamahal na inialay ko sa kanya ay isa lang naman ang hiling ko. Hindi ko alam kung mahirap sa kanya yun or hinde. Ang hiling ko lang naman sa kanya ay ganun din siya dapat sa akin. Binitiwan ko na nga ang lahat-lahat at pagkatapos, siya ay hinde? Hindi ba, unfair yun? Sa akin, unfair yun kung hindi nagkaganun ang sitwasyon. ---ni minsan, hindi ko inisip na importante ang pera ---ni minsan, hindi ko inisip na mahalaga ang materyal na bagay dahil kahit ang celphone ko nuon, e ako lang naman ang may celphone na may pinakaluma sa lahat ng mga luma. Loyal ba? Yes, dahil bigay sa akin ng mother ko yun dahil nagkaruon siya ng bagong celphone kung kaya, ibinigay niya na lang sa akin. Hindi ako naghahangad na magkaruon ng bagong celphone. Sa mga taong nakikita ko, palit ng palit ng celphone dahil hinahabol nila ang modernisasyon ng bagong unit ng celphone. Sa maikling salita, ako lang ata ang napag-iiwanan ng panahon. ---yan ang resulta sa pagiging loyal ko sa lahat ng loyal, kahit ang lalake ay hindi ko ipinagpapalit. Stick to one ako hanggang mamatay ako. ---so, anong masama sa pagiging obsessed? Sabi nila, masama ang obsessed at nakakatakot. ---ay, hindi pala sila loyal, ako lang pala ang merong loyalty sa katawan, isip, pananalita at kaluluwa ko. ---siguro, iba nga lang talaga ako sa lahat ng mga tao at oo nga, duon na nagpatunay na wala palang loyal na tao kungdi ako lang. Ganun din. Napag-iiwanan din ako ng panahon dahil sa modernisasyon nating ngayon ay walang loyal. "Hindi mahalaga ang pera. Hindi siya mahalaga---" Reklamo ako ng reklamo at ini-insist ko na hindi talaga mahalaga ang pera, na sa kahuli-hulihan pala, na realized ko na ang mga sinasabi ko ay "imahinasyon" lamang yun para sa mga tao. "Kailangan natin kase ng pera. Walang pambayad sa tuition fee, walang pambayad sa utang... yung mga pam-paenroll sa mga anak, bahay at lupa---" Sa loob-loob ko pa nuon Hindi importante ang pera. Materyal lang yun. Ang importante ay ang pagmamahal. "---pero mahalaga ba talaga ang pera?" Tanong ko pa nuon. "---sinisingil na ako e." Sagot naman niya. "---pero" Napatahimik na lang ako nuon. Ano nga ba sasabihin ko sa kanya? ---keyso hindi mahalaga ang pera? Anong saysay kung sasabihin ko yun diba? ---kahit hindi ko gawain maghanap ng pera, napilitan din ako maghanap ng pera. Napilitan talaga ako at pagkatapos, naka-isip na rin ako maghanap ng trabaho pero papaano nga ba ako magtatrabaho kung hindi ka nga nakatapos sa pag-aaral diba? Bigla ako napa-isip. ---ay. Mahalaga nga talaga ang pera sa buhay ng tao. Mahalaga nga talaga. Hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral pero huli na ang lahat para balikan ko siya. Hindi na rin ako nagtataka kung bakit may mga tao ay nagpupursige mag-aral ng mabuti para lang makuha nila ang scholarship, para makuha nila ang pagiging honorable mention nila dahil kapag mataas ang grades mo during your college life, ang sabi, hahabulin ka raw ng mga employer. Hindi ko alam yun dahil ang alam ko, hindi mahalaga ang pera e. Malay ko ba? ---pero, may pag-asa pa naman. Mahalaga nga talaga ang pera. Pera at ang karunungan. Pagsamahan natin yun at ang resulta ay parang nasa tuktok ka ng bundok. Maraming karunungan. Maraming alam. Aral at aral at aral. Basa at basa at basa ka sa internet. Debate sa kaliwa at kanan. Mga intellihente mga diskusyunan patungkol sa relihiyon at pulitika. Lahat ay puro karunungan kaya nang nalaman ko na, importante pala ang pera na may kaakibat na karunungan--- mas pagtutuunan ko eto ng pansin. Nabulag ako nuon. Ang akala ko kase, ang pera ay hindi mahalaga pero mahalaga pala. Sa dami-dami ng problema ng mga tao, hindi makaiwas ang mga tao na hindi problemahin ang patungkol sa pera. Kahit ano pang klaseng sitwasyon. Mababasa siya sa kahit anong forum ---ipinag-uusapan yan ng mga kausyo sa mga negosyo ---nagkakaruon ng demandahan dahil hindi nakakabayad ng utang ---napipilitan magprostitute at mag-call boy para matustusan lang nila ang kanilang pag-aaral ---hay. Mundo nga naman ng mga tao o-oh. Whew. Minsan, nakauwi ako ng gabi, at minsan ay napapatingin din ako sa itaas kung saan nagsisiklapan ang mga bituin sa dilim ng gabi. Hindi ko lubos maisip sa sarili ko na kahit ilan beses sabihin ng mga tao na keyso hindi mahalaga ang pera, kapag nawalan sila ng pera, hahabulin-hahabulin nila eto. Kahit taong mahal nila, kaya nilang iwan, maka-survive lamang sila dito sa mundo. Ngayon, kasama na rin ako sa mga taong nag-susurvive at naghahanap ako ng eskwelahan na magbibigay ng tumpak na tumpak na kaalaman sa Adobe Photoshop para ako din ay makakuha ng trabaho, at magkapera. Importante ang pera, hindi ko alam nuon. Malay ko ba? Money is the most important thing in the whole world than love. |
|||
|
03-26-2010, 03:13 PM
Post: #2
|
|||
|
|||
|
RE: Money Is The Most Important Thing In The Whole World
No doubt. Money is really important to all people. Why? If you don't have money, you can't buy food. Kaya nga hindi ka makatulog dahil sa gutom. LOL
|
|||
|
« Next Oldest | Next Newest »
|
| Possibly Related Threads... | |||||
| Thread: | Author | Replies: | Views: | Last Post | |
| want to earn money | booba | 0 | 346 |
02-28-2010 02:04 PM Last Post: booba |
|
User(s) browsing this thread: 1 Guest(s)

Search
Member List
Calendar
Help





