Join our Facebook Page



Post Reply 
 
Thread Rating:
  • 0 Votes - 0 Average
  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
  • 5
Character at Personalidad ng isang Baliw
03-25-2010, 12:17 PM (This post was last modified: 03-26-2010 02:09 AM by Satanista666.)
Post: #1
Character at Personalidad ng isang Baliw

--kung mababasa niyo "ang dahilan ng hindi pagkakasunduan" sa iba-ibang personalidad at character ng isang kaibigan, pamilya or kapartner niyo, e ang tanong naman-- papaano naman kung "naging baliw" daw sila? Eto nga pala ang link para maintindihan niyo ang apat na personalidad at character ng mga tao. Dahilan Ng Di Pagkakasunduan at ito ang part II.

Hahahaha Grin Gusto niyo ba malaman?

Sabi, maaaring ganito daw sila kapag sumobra sila. Ibig sabihin, sumobra sila na as in sobra-sobra na.

1. Artisan Personality Type.

Mababaliw sila kapag hindi na sila naging happy. Ay, ano ba yun? Mahirap siya ipaliwanag. Hmm. Ganito na lang. Mababaliw sila kapag "nag-iisa" na lang sila, na halos ang mga "friends" nila or sabihin "kasama" nila na hindi siya kasama sa mga "happiness" nila. Nahihirapan ako sa terminology na yun. Papaano ba ito? Sabihin natin na hindi sila kasama sa "adventure"-- nawalan sila ng "social involvement"-- mga ganun ang dating. Tipong "mag-isa" na siya at ayaw niya "mag-isa" kaya mababaliw siya-- ganun. Tipong wala na siyang kasama. Ganun po. Siguro, sabihin natin, hindi na siya nakalabas ng bahay forever. Kinulong siya duon. Mag-isa siya. Kinulong pa siya-- boring na ang buhay ang mararanasan niya, naku, kapag nasobrahan siya dahil ayaw na ayaw niya ang ganun-- mababaliw siya.

--kapag nasobrahan lang ha? As in sobra-sobra talaga.

2. Guardian Personality Type.

Mababaliw sila kapag sobra silang sunod sila ng sunod sa patakaran ng amo nila na kahit hinding-hindi nila kaya, mababaliw na sila. Ibig sabihin, nasira na ang social life niya, as in na lahat-lahat na, hirap na hirap na siya sa buhay niya pero hindi niya pa rin magawang bitawan yung ginagawa niya dahil para sa kanya, kailangan at kailangan pa rin niya sumunod sa batas na "iniimpose" sa kanya ng amo niya or mismong naglalathala ng batas sa kanya-- ganun. Halimbawa, ako-- inuutusan ko na "kailangan gawin niya eto"-- e sobrang dami. Sa sobrang dami na hindi na normal-- ayun, mababaliw siya sa kakasunod sa utos ko na hindi niya magawang tumanggi sa ipinag-uutos ko. Nasiraan na ng bait sa kakasunod sa mga ipinaggagawa ko [Well, kasalanan ko kung nagkaganun, haha]

3. Idealist Personality Type.

Mababaliw sila kapag sobra yung imahinasyon nila. Halimbawa, sa love. Sa sobrang taas ng imahinasyon nila, wala na sa reality. Halimbawa, ganito. Mahal na mahal niya ang isang tao. Mababaliw siya kung nag-imagine na siya si "superman" at bigla siyang tumalon sa pinakamataas na building. Mababaliw sila kapag sobrang taas ang level ng imahinasyon nila. Halimbawa, sa kakapanuod ng "sleeping beauty" or "beauty and the beast"-- sa sobrang taas ng level ng imahinasyon niya, naglalakad na siya sa kalsada na ang pangsuot niya ay pang-"princess"-- ganun.

4. Rational Personality Type.

Hahahaha Grin Eto. Mababaliw sila kapag sobra-sobra naman ang talino nila na halos wala na sa lugar! Lahat na puro calculation ng math, algebra o kung ano man yun, lahat na may logical explanation na halos pati pera, bangkay-- ano pa? Sobrang talino talaga na kapag kausap mo, pati ikaw ay hindi na maunawaan dahil ang sagot sayo may relevant duon sa "math" at any "calculation" na hindi mo na maintindihan.

Halimbawa ako. Sabi ko. "Ang ganda ng bundok noh?"

Ang sagot niya ay ganito-- "Ayun sa calculation x2 + y3 = 789 ang nilalaman ng bundok na yun. 600,000 + 89500 / 567 - 573 ang sagot ay 66778-" and so on... and so on-- mapapanganga ka na lang na sabay sasabihin mo, "papaano mo alam? pati bundok may calculation pa?"

So-- remember, huwag sobra para hindi na tayo umabot sa itinatawag nating "baliw" Smiley

Visit this user's website Find all posts by this user
Quote this message in a reply
03-26-2010, 03:12 PM
Post: #2
RE: Character at Personalidad ng isang Baliw
LOL... talagang nakakabaliw yan. Formula pa lang mababaliw ka na.
Send this user an email Visit this user's website Find all posts by this user
Quote this message in a reply
Post Reply 


Forum Jump:


User(s) browsing this thread: 3 Guest(s)