Join our Facebook Page



Post Reply 
 
Thread Rating:
  • 0 Votes - 0 Average
  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
  • 5
BAKIT MATAAS ANG SINGIL NG KURYENTE?
04-23-2010, 07:54 PM
Post: #1
BAKIT MATAAS ANG SINGIL NG KURYENTE?
THE POWER INDUSTRY’S FORKED TONGUE:

Grabe, ang taas taas ng kuryente sa kasalukuyan. Pareho lang naman ang naging konsumo natin kung ikukumpara sa mga nagdaang buwan, ngunit, bakit ganito? Dumoble o ‘di kaya’y trumiple pa ang singil sa ating mga ordinaryong mamamayan.

Ganito ba sa Pilipinas?

At ano ang sagot sa atin ng mga taga-gawa at taga-singil ng kuryente (MERALCO at NAPOCOR)? They tell us things about the WESM. They convince us and make us believe that they do not want bad things to happen. They speak of how all these is “unexpected”. Ang pahayag ng MERALCO, sobrang taas ng kanilang singil bagama’t taga-singil lamang sila: Hindi daw sila ang sanhi ng pagtataas ng presyo. Ano nga ba ang nagpapataas? Ang power producers daw ang may kasalanan: Nagkulang ang ginegenerate na kuryente mula sa isa sa mga power sources ng power generators. Kung baga, ang power producers natin ay gumagawa ng kuryente gamit ang hyrdoelectricity, geothermal energy, at coal-powered energy. Nagkulang daw ang generated electricity dahil nagkaaberya ang isa sa mga power sources na ito.

Bakit nagkaaberya ang isa sa mga power sources? KAINUTILAN. Bakit, power producers, hindi ba’t responsibilidad ninyo ang siguraduhing in top condition ang inyong mga kagamitan? Taas kayo nang taas ng singil, maya’t maya nama’y brown out dahil sa kapabayaan ng NAPOCOR. Taas nang taas ng singil; pinapasa naman ng MERALCO kay Juan Dela Cruz ang mga losses ng kumpanya. And FYI ma’ams and sirs, just because ERC allows you to raise your electricity prices doesn’t mean you HAVE to. Just because you are allowed to pass innumerable losses to the public doesn’t mean you should. If man lives with such a way of thinking, the words morality, ethics, and goodwill would not exist. You can still make profits. DO NOT WORRY. Tutal, bilyon-bilyon naman ito.

Hindi ba’t responsibilidad nila na tugisin ang mga nagjujumper? OO sila’y responsable dito. Ang halaga ng kuryenteng ginagamit ng mga nagjujumper ay dinedeclare na losses at pinapasa naman sa taung bayan. Kung maaalala’y natukoy na ito ni Mike Enriquez sa isa sa kanyang mga show.

Tapos ganito. Idadaan ng power players ang kanilang excuses sa pamamagitan ng technical terms like WESM, stock market price of electricity, atpb. 

POWER PLAYERS, hinahamon kayo ng mga mamamayan ng bayan. Sa pagpapaliwanag sa aming mga ordinaryong mamamayan, maaari bang hindi masyadong teknikal ang inyong mga rason? Isa pa, okey lang naman siguro sa inyo kung bababaan nang kaunti ang bilyon-bilyong profits lalo na’t pwede namang mag-allot ng budget sa pagpapabuti ng generating and distribution facilities.
Send this user an email Find all posts by this user
Quote this message in a reply
Post Reply 


Forum Jump:


User(s) browsing this thread: 1 Guest(s)