Join our Facebook Page



Post Reply 
 
Thread Rating:
  • 0 Votes - 0 Average
  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
  • 5
Lahat ay Loyal, Honest, Faithful, Sincere, True at Perpekto
05-24-2010, 03:45 AM
Post: #1
Lahat ay Loyal, Honest, Faithful, Sincere, True at Perpekto

Fiction.

Character:

Michelle
Nina
Kathrina

Leon
Michael
Christopher

Franz


Anim silang magkakaibigan, at anim sila sabay lumaki hanggang tumanda. Eto ay sina Michelle, Nina, Kathrina, Leon, Michael at Christopher.

Si Franz naman ang nakakatandang kapatid ni Kathrina kung saan sobra niyang mahal na mahal si Christopher. Sila ang naging magsyota ng dumaang maraming buwan at taon, at ganun pa man, ang anim na magkakaibigan ay hanggang ngayon ay matatag pa rin ang kanilang samahan.

Si Franz ay walang syota. Matagal na siyang wala. Wala siyang inintindi kungdi makaembento ng time machine, na hindi alam ni Kathrina ang ginagawa ng kanyang kapatid.

Isang araw, ang bilin ni Franz sa kapatid niya ay huwag na huwag siyang papasok sa kuarto, dahil meron siyang importanteng ginagawa, at huwag daw mag-alala sapagkat, meron naman daw siyang baong mga pagkain sa loob ng kuarto, at hinding-hindi muna siya lalabas ng kanyang silid tulugan.

Labis na ikinabahala ni Kathrina ang ipinaggagawa ng kanyang kapatid ngunit, sumunod na lamang siya.

Dumaan ang maraming araw, hanggang dumating na sa puntong nagkasakit si Christopher at namatay sa sanhi ng cancer ay nanatili pa rin siyang loyal sa ipinauutos ng kanyang kapatid kay Kathrina. Hindi niya ipinapakialaman ang nasabing kuarto ni Franz hanggang sa kahuli-hulihan ng araw, lumabas na rin siya sa wakas galing sa kuarto niya.

Nakangiti pa.

"Kuya? Ano ang nangyari sayo? Mukha ka atang masaya ha?" napatanong si Kathrina na nagtataka.

"Masaya talaga ako", sagot naman ni Franz.

"Ah. Mabuti at masaya ka. Anong sekreto mo huh? Samantala ako, nuong hindi ka man lang lumalabas sa kuarto mo, namatay si Christopher dahil sa sakit." sabi naman ni Kathrina sa kapatid niyang si Franz.

"Sekreto ko? Hayaan mo at sasabihin ko sayo, hindi nga lang ngayon, at saka huwag ka mag-alala. May darating naman sayong bago." Sabi naman ni Franz sa kanya.

Dumating ng limang taon. Napansin ni Franz na hindi pa rin nagkakasyota si Kathrina.

"Pansin ko sayo", sabi ni Franz. "Hindi ka pa rin nagkakasyota. Bakit hindi ka pa nagkakasyota?"

"E kuya, loyal ako kay Christopher na kahit namatay na siya, mahal ko pa rin siya." sagot naman ng kapatid niyang si Kathrina.

"May nanliligaw ba sayo?" tanong ni Franz.

"Meron. Si Michael", sagot naman ni Kathrina.

Duon natuklasan ni Franz na matagal nang nanliligaw si Michael kay Kathrina. Sabi sa kwento ni Kathrina, na loyal sa kanya si Michael, na kahit may iba si Kathrina, patuloy pa rin siya mamahalin na kahit na may nagmamahal kay Michael. Loyal pa rin siya sa pag-ibig na idinadala ni Michael.

"Grabe naman pala si Michael. Napakaloyal ng tao na yun. Kawawa naman ang taong nagmamahal sa kanya. Kaibigan ba niya ang nagmamahal sa kanya?" napatanong si Franz.

"Oo. Si Michelle. Mahal na mahal siya at sobra daw siyang loyal sa kanya." sagot naman ni Kathrina.

"Huh?" Nagulat si Franz.

Mas lalo siyang nagulat nang nalaman niyang si Michelle ay may nagmamahal din sa kanya, na tapat at hindi siya ipinagpapalit sa iba. Ang kaibigan din nila na si Leon at mas lalo siyang nagulat sa naekwento ni Kathrina sa kanya, na pati si Nina ay tapat na nagmamahal kay Leon.

"Lahat ba kayong magkakaibigan ay wala pang syota?" napatanong si Franz na hindi siya makapaniwala sa mga ikinikwento ng kanyang kapatid si Kathrina.

"Opo"

"For five years?" tanong ni Franz.

"Opo"

"Oh. Sana naman, huwag naman mangyari ang napuntahan ko in the future." sabi ni Franz, at ikinuwento ni Franz na nag-eembento siya nuon ng time machine. Sinubukan niya eto, at nakarating sa kabilang dimension sa future. Masaya siya at nakabalik siya. Ayaw na niya bumalik duon.

"Bakit kuya? Ano ba ang future na nakita mo at parang masaya ka pa nakabalik dito? Yun ba ang dahilan kung bakit nang huli kita nakitang lumabas ng kuarto mo ay nakangiti ka na?" napatanong si Kathrina.

"Oo. Masaya ako dahil nakabalik na ako dito dahil ang napuntahan kong mga tao duon ay namatay sila sa pagiging matandang dalaga at matandang binata. Karamihan duon ay nagsisimatayan na hindi nakakapag-asawa."

"Ha?" laking gulat si Kathrina sa narinig niya. "Nagsimatayan na lahat na hindi nakakapag-asawa ni isa duon? Hindi ko maintindihan. Bakit?"

"E sa sobrang loyal, honest, faithful, sincere at sobrang totoo sa kanilang sarili dahil sa pagmamahal nila sa iisang tao na yun, ayaw pang tumingin sa iba, sobrang stick to one sila na kahit hindi naman sila minahal na pabalik, loyal pa rin sila. Ayun. Tumandang dalaga at binata sila lahat duon, at hindi na sila nakapag-asawa sa sobrang loyal nila sa iisang taong mahal nila na hindi naghahangad ng anumang kapalit."

"Ay..." napasambit si Kathrina.

...pagkaraan ng ilang buwan, nabalitaan ni Franz sa kapatid niyang si Kathrina na may bago siyang syota. Walang iba kungdi si Michael.

Visit this user's website Find all posts by this user
Quote this message in a reply
Post Reply 


Possibly Related Threads...
Thread: Author Replies: Views: Last Post
  TRUE LOVE ms vulnerable 0 222 09-30-2011 09:18 AM
Last Post: ms vulnerable
  Libre Lahat Satanista666 0 846 02-11-2010 08:04 PM
Last Post: Satanista666
  i will be true to you frenzyguy 1 640 11-29-2006 03:42 PM
Last Post: frenzyguy
  halo halong poems english lahat Niko* 56 2,409 11-12-2006 10:44 PM
Last Post: Niko*
  faithful husband... tania0516 4 938 10-25-2006 12:09 PM
Last Post: tania0516
  Para sa Lahat jejeynn 1 620 08-28-2006 12:05 AM
Last Post: jejeynn
  my true luv story baby_gurl83 4 1,324 03-29-2006 11:46 PM
Last Post: baby_gurl83
  totoo naman na ignorante tayong lahat sa katotohanan diba??? angelicface 1 771 03-19-2006 05:52 PM
Last Post: angelicface
  A True Soulmate jana_17 4 1,769 09-08-2004 09:05 PM
Last Post: jana_17
  --===If YoU weRE onLY TRuE===-- _LuV^Pi^e_ 2 2,080 05-06-2004 02:12 PM
Last Post: karamelle

Forum Jump:


User(s) browsing this thread: 1 Guest(s)