|
Join our Facebook Page |
|
|
|
|
Feminist or ManHater = Ang Ipinagkaiba ng Dalawa
|
|
06-07-2010, 04:01 AM
(This post was last modified: 06-07-2010 06:38 AM by Satanista666.)
Post: #1
|
|||
|
|||
|
Feminist or ManHater = Ang Ipinagkaiba ng Dalawa
Gising ako at nakaka-interesadong topic eto. Para sa akin, nakaka-interesadong topic eto. Ano nga ba ang ipinagkaiba ng dalawa? Isang Feminist at isang ManHater, pero ika nga, hindi lahat ng mga Feminist ay ManHater at hindi lahat ng ManHater ay Feminist. Magkaiba ang dalawa kahit na ba, may mga ilang Feminist na ManHater talaga, at yun lamang ang masasabi ko, wala ng iba pa.
Ang Feminist, sila ang mga grupong mga babae or sila ang itinatawag na babae na ang gusto nila mangyari ay maging ka-equal nila ang mga kalalakehan. Meron etong mga organisasyon pero hindi ko lang alam kung saang lugar sila matatagpuan, pero nababasa ko siya na meron silang organisasyon patungkol sa grupo ng mga Feminist. Halimbawa, kung kaya ng mga lalake na magtrabaho, kaya din ng mga babae ang magtrabaho. Kung kaya ng mga lalake na sabay magkaruon ng maraming syota na babae, kaya din ng mga babae na magkaruon ng maraming syota na lalake. Kung kaya ng mga lalake na nasa labas ng bahay at umaabot ng gabi, natural-- kayang kaya din ng mga babae na gawin yun, na nasa labas ang babae at umaabot ng gabi. May mga lalake, ayun sa nabasa ko, kapag nakarinig sila na etong babae na eto ay isang Feminist, atrasan na silang lahat. Hindi naman na ibig sabihin na Feminist ka, mas mataas na ang mga kababaihan kaysa sa mga kalalakehan. Hindi ganun, kungdi kung ano ang nakakayang gawin ng isang lalake, nakakaya din gawin ng isang babae. Kahit ba na may mga kababaihan na Feminist, na ManHater din. Kung ManHater man sila, siguro ay dahil lamang sa sarili nilang rason or sarili nilang sitwasyon na hindi natin malaman or may mga ibang kababaihan na hindi nila matanggap na karamihan sa mga lalake ay mas nagdodominate kaysa sa mga kababaihan. Ang ManHater ay talagang galit sa mga lalake. Buong lalake sa buong lupalop ng buong sanlibutan, galit na galit sa mga lalake, dahil sa manloloko, dahil sa katawan lang ang habol sa mga kababaihan, hindi loyal at maraming iba pa. Sa totoo lang, meron akong nahagilap na 10 list most ManHater dito sa internet at saka ko na lamang epopost para malaman natin na meron talagang sikat na celebrity na ManHater talaga. Ang isa pa sa kanila duon ay Feminist or sabihin natin, ekinategorya niya sa sarili niya na isa siyang Feminist pero ManHater din siya, bukod sa pagiging Feminist niya. Meron din akong nabasa sa isang blog na inaamin niyang Feminist siya, sapagkat kahit sino sino na lamang ang nakakasex niyang mga kalalakehan at parang normal lamang sa kanya eto. E diba? Ganun din sa mga lalake? Kung sino sino din ang kasex nilang mga babae huh? Ako, inaamin ko na Feminist ako kahit ilan beses sinasabi sabi ng aking Ina na hindi daw dapat ganun dahil, ayaw daw ni God na maging equal ang babae sa lalake, at lalake sa babae. Ayun sa biblia, ang lalake ay dominante, at sa english nun ay dominant. Sa babae, ayun sa biblia ay submissive. Kahit sa ibang bansa, lalo na sa mga may relihiyon na Islam, mapapansin natin na sobra silang masunurin sa batas ng Koran, ang mga babae duon ay halos hindi na equal sa mga kalalakehan, lahat duon ay karamihan ay nakatakip ang mga mukha, at bukod pa duon, karamihan pa duon ay mabababa ang tingin ng mga kababaihan duon. Lahat ng eto ay dahil lamang sa relihiyon, at batas ng biblia na sinusundan nila. Eto pa. Sabi pa ng pare, sa sermon ng isang simbahan. "Pasensiya na mga girls ha? Walang ma-ooffend. Hindi kayo dapat maging mas mataas at maging ka-equal niyo ang mga kalalakehan" --- Lahat lang eto ay galing sa biblia. Ngayon, magtataka tayo-- karamihan ng mga babae dito sa mundo ay patuloy na humihingi na maging equal ang isang lalake at ang isang babae sa isa't - isa, at dito na rin nagkaruon ng equal ang magkaparehas na gender pero lingid sa ating kaalaman, hindi pala pwede yun sa biblia, at kung tunay tayong mga kristiano, malamang susundan natin kung ano nakalagay sa biblia. Patuloy pa rin tayo kumakawala sa batas mismo ng biblia. Nabuo na rin ang itinatawag nating Feminist, pero hindi ba natin naiisip ang pagkakaruon natin ng isang faith bilang isang kristiano? Bakit hindi natin maisip-isip na ang sinasabi ng biblia ay iba ang sinasabi ng ating modernisasyon? Ang dahilan ba natin kung bakit hindi natin maisip-isip na iba ang sinasabi ng modernisasyon sa sinasabi ng biblia dahil ang ipinapaandar lang natin ay ang itinatawag nating faith kahit hindi na lang natin sundan ang batas na nasa biblia? Kahit na ba, magkaiba ang sinasabi ng "magkabilang mundo"? --- ang biblia at modernisasyon? |
|||
|
« Next Oldest | Next Newest »
|
User(s) browsing this thread: 1 Guest(s)

Search
Member List
Calendar
Help




