|
Join our Facebook Page |
|
|
|
|
Siya Din Pala...?
|
|
06-29-2010, 03:13 PM
(This post was last modified: 06-29-2010 03:27 PM by Satanista666.)
Post: #1
|
|||
|
|||
|
Siya Din Pala...?
Masarap ang simoy ng hangin sa loob ng SM Megamall. Aircon kase. Naglalakad kaming dalawa ng best of friend ko, na masyadong debotong kristiano. Lahat na ata ay pinaniwalaan niya...... Lahat. ......nang lumabas kami ng SM Megamall, at habang naglalakad papunta sa nag-aandarang mga sasakyan upang kaming dalawa ay umuwi na sa kani-kanilang bahay, nagsalita siya sa akin, na hindi ko akalain na ang sasabihin niya ay patungkol lamang sa kaibigan namin nuon. "May komunikasyon pa ba kayong dalawa ni Joan?", napatanong siya sa akin. Nagdalawang isip ako, kung aamin ba ako sa kanya na may komunikasyon kaming dalawa ni Joan o mas mabuti na huwag na lang umamin sa kanya. Ayaw na ayaw niya akong may komunikasyon kay Joan, sapagkat siya ay manloloko, at hinding-hindi mapagkakatiwalaan pagdating sa pera. Pinabalaan niya ako pagdating sa kanya dahil simulang hindi siya nabayaran ng pera ay hindi na niya ako ipinahintulutan na magkaruon kaming dalawa ni Joan ng komunikasyon. Nauunawaan ko si Joan. Financial problem ang mayruon sa kanya, kaya survival of the fittest siya ngayon, pero sa kabilang dako ng sitwasyon ay nauunawaan ko rin etong kaibigan ko sapagkat tiwala ang natanggalan sa kanya, so kung aamin pa ako ay baka magkagulo pa. Ako lamang ang nakakaunawa sa kanilang dalawa, pero ang dalawang panig ay hindi magkaunawaan sa isa't - isa. Napatingin ako sa kanya kungdi ang sabi ko lamang sa kanya ay "Wala kaming komunikasyon sa isa't - isa, pero hindi mo ba alam na nawalan na sila ng bahay at lupa?", itinanong ko sa kanya, umaasa na sana man lang ay maunawaan niya ang kabilang sitwasyon ni Joan. "Huwag ka makikipagkomunikasyon sa kanya.", ibinilin niya sa akin. "Wala nga kaming komunikasyon. Nuon ko pa siya nakausap kaya nalaman kong nawalan sila ng bahay at lupa... dahil sa utang nila na kay laki-laki.", sinabi ko sa kanya na ipinagtatanggol ko ang sarili ko upang huwag lamang niya malaman na hanggang ngayon ay may komunikasyon pa rin kaming dalawa ni Joan. "Basta. Hindi siya mapagkakatiwalaan. Kailangan ay maturuan siya ng leksyon. Marami siyang taong sinasaktan. Pati pa naman ang pera na inutangan niya sa akin ay hindi niya mabayad-bayaran. Kailangan siya maturuan ng leksyon.", sinabi niya sa akin, na halatang-halata na ipinipigilan niya ang galit sa loob ng puso at damdamin niya. Iisa lang ang kutob kong balak niya. Ang demandahin siya. "Ang akala ko ba, bilang isang kristiano ay dapat marunong magpatawad?", napatanong ako sa kanya, dahil sa hindi ko sigurado kung tama o mali ang naitanong ko sa kanya, halos pabulong ko na siya naesambit sa kanya. "Ano?" "Wala. Ang ibig ko sabihin, dahil lamang sa pera, nagkakaaway-away na kayo. Ang akala ko ba, ang pera ay hindi mahalaga?" "Ang pera ay mahalaga! Papaano tayo mabubuhay kung wala tayong pera? Mamamatay tayo sa gutom niyan.", ang paliwanag niya sa akin. Oh. Debotong kristiano nga, satanista rin pala siya. "Ah. Mahalaga pala ang pera huh?", napatanong ako na hinding kuntento sa puso at damdamin ko. "...huwag lang greedy sa pera." dagdag niya sa akin. Double huh? Hindi ba niya alam sa sarili niya na pati siya ay greedy? ...dahil nagbabalak-balak na rin siyang turuan ng leksyon ang dating kaibigan namin si Joan dahil ang ipinag-away lang nila ay patungkol sa pera? ......nang nakita ko ang maluwag na sasakyan na dumaan sa harapan ko ay ipinara ko siya upang ako ay sumakay, sapagkat nakarating na kaming dalawa sa abangan ng sasakyan habang kami ay nag-uusap. Nagpaalam ako at saka, tumalikod. Sa loob-loob ko, hindi ko maiwasan na sabihin na siya rin pala ay isang satanista. |
|||
|
02-20-2011, 04:14 PM
Post: #2
|
|||
|
|||
|
RE: Siya Din Pala...?
nice one.. totoong kwento mo ba ito??
|
|||
|
« Next Oldest | Next Newest »
|
User(s) browsing this thread: 3 Guest(s)

Search
Member List
Calendar
Help





