|
Join our Facebook Page |
|
|
|
|
Mahal na mahal kita. Sulat nino?
|
|
10-02-2010, 01:56 AM
(This post was last modified: 10-02-2010 02:30 AM by Satanista666.)
Post: #1
|
|||
|
|||
|
Mahal na mahal kita. Sulat nino?
Ang sulat ng isang "Satanista"
Para sayo ito, Mahal na mahal kita sobra. Pero, sino ba taong makakaintindi sa akin, kungdi ako lang? Ngunit, etong nararamdaman ko ay ikinakahiya ko dahil hindi siya pwede ipagmalaki ng kahit sino man. Hindi katulad ng nakikita mo, na masyado nila ipinapakita ang kanilang nararamdaman at bagkus, ipinagmamalaki pa nila sa kahit sinong taong nakakapaligid nila, sa dahilang hawak-hawak ko pa rin ang aking dangal at dignidad bilang isang babae kung kaya't ako lang siguro ang tipong taong nakikilala mo na hindi marunong maipagmalaki ang itinatawag nating pag-ibig. Resulta siguro ito dahil sa marami akong nalalaman or dala ng maraming natutuklasan sa aking kapaligiran at sa buong mundo. Resulta siguro ito sa aking natutuklasan sa tunay na realidad ng buong mundo at sa kung ano-ano ang aking nakikita. Resulta na rin siguro ito sa aking pagkukumpara na kung ano ang "realidad" at kung ano ang "imahinasyon" na iginagalaw ng mga tao dito sa mundo. Ang aking "pag-ibig na puno ng illusyon at imahinasyon" ay kahit kailan man ay hindi magkakatotoo sa tunay na buhay, sa "realidad" ng mga tao dito sa ating mundo. Kasalanan ko ba kung natuklasan ko siya dahil sayo? Sayo nagsimula ang lahat. Naipaghiwalay ko ang "tunay" na "realidad" ng mga tao dito sa ating mundo sa aking "pag-ibig na puno ng illusyon at imahinasyon" kahit ang mga taong nakikita mo ay hanggang ngayon ay naipagsasama pa rin nila ang salitang "pag-ibig na puno ng illusyon at imahinasyon" sa "tunay" na "realidad" ng mga tao dito sa ating mundo at ito na rin ang dahilan kung bakit napapansin mo na sila ang "nahihirapan", "nagdurusa", "umiiyak", "nasasaktan" at kung ano-ano pang pangyayari na hindi kanais-nais dulot ng "salitang pag-ibig" kahit masaya sila sa ganung sitwasyon na kinatatayuan nila, dahil ipinaghahalo na rin nila ang itinatawag nating "masarap sabay may sakit"-- at nasasayahan pa sila sa "sakit" na yun sapagkat may "kaakibat" daw na sarap. Ngayon, sa lahat ng aking mga isinulat ay hindi ako nagsisinungaling sayo. Mahal na mahal kita ngunit, hindi ko siya kaya ipagsabay ang "pag-ibig kong puno ng illusyon at imahinasyon" sa tunay na "realidad" ng mga tao dito sa ating mundo. Ang dahilan malamang ay siguro, ayoko sa "realidad" na yun na may "kasamang sakit" kung saan may "umiiyak, nasasaktan, nahihirapan, nagdurusa" at kung ano-ano pang mga sitwasyon na hindi kanais-nais. Ayoko na may "kaakibat" na "sakit" dahil kahit kailan man, ang "sakit" ay hindi na magiging "masarap sa aking panlasa"...... hindi dahil sa duwag ako o sabihin nating hindi talaga ako duwag. Mas ipinapaalagaan ko lang ang aking dignidad at dangal bilang isang babae na huwag maging "magpa-aksaya" sa mga nagdaraanang araw kapag "ipinagsama ko ang pag-ibig na puno ng illusyon at imahinasyon" sa tunay na "realidad" ng mga tao dahil dala ng aking natutunan at natuklasan sa aking sarili, sa aking nakikita sa buong mundo ang "umiyak" at "magpakahirap" ng kahit ano pa mang sitwasyon na hindi magaganda kung saan ayoko na pati ako "mahalo" sa mga "taong nabibilang duon" at ayoko din siyang "mahaluan" ng sakit sapagkat sayang ang panahon at araw at oras at may posibleng baka, hindi na rin ako makabangon pero hindi sa lahat ng oras. Oo, sabihin nila na ako ay "weirdo" at "napakasama kong tao" at "hindi sila makarelate" sa "pamamaraan ng aking pananaw" sa mundong nakikita ko at sa sinasabi ko sa kanila at "natutuklasan ko sa mundo"-- dahil na rin sa pagiging Satanista ko... oo, ganun ang tingin nila lahat sa akin, sa lahat ng nakakasalubong ko sapagkat "ang pag-ibig" kong ito ay kahit kailan man ay hindi ko siya ipinagmamalaki at hindi siya kayang ipagmalaki sapagkat "Ang pag-ibig kong puro illusyon at imahinasyon" ay kailan man, hindi siya magkakatotoo sa tunay na buhay. --Satanista-- ====== Dear Satanista, Ang akala ko ba ay "true love" ang hinahanap mo? E di, tumulad ka din sa ibang taong marunong ipagmalaki ang salitang pag-ibig sa kanilang puso at damdamin diba? Kaya lang hindi nga lang forever ang "true love" na yun, kaya hindi pa rin "true love" kungdi "love" lang sapagkat darating din ang panahon, ang tao ay nagsasawa din, mag-aayaw din at hahanap din yan na "magpapasatisfied at magpapakuntento" sa buhay nila. Subukan mo ipagsama ang "pag-ibig na puno ng illusyon at imahinasyon" at sa "tunay na realidad ng mga tao" dito sa mundo para maranasan mo din na "umiyak" at "masaktan" at "urakan" ang pagiging dangal at dignidad mo bilang isang babae. Tanggalin mo muna ang "lahat ng natutunan mo" at "natuklasan" mo-- kung baga, tanggalin mo muna ang pagiging "intellihente" na pagiging ikaw o kaya maki-agos ka din sa takbo ng mga tao, tulad ng "sabay-sabay ang mga syota"-- defense mechanism yan kapag "hindi satisfied at kuntento" ang mga tao, maraming iba pa ang defense mechanism na pwede mong gawin tulad ng "magpakatomboy" ka para meron ka ding "kasama sa idea" mo, ang dami kayang "homosexual" dito sa mundo para hindi ka na mag-isa-- ang dami-dami kaya para maipagsabay mo ang sinasabi mong "salitang pag-ibig" mo na puno ng "illusyon" at "imahinasyon" at sa "tunay na realidad" ng mga tao. Ang lahat ng mga tao, Satanista, ay may dahilan at rason kung bakit nila nagagawa yun kaya kahit katiting, maki-agos ka na rin sa amin at ang pag-ibig na itinutukoy mo ay ipagsabay mo na kung ano ang realidad ng mga tao. --Secret Admirer-- |
|||
|
10-04-2010, 07:55 AM
(This post was last modified: 10-04-2010 10:46 AM by Satanista666.)
Post: #2
|
|||
|
|||
|
RE: Mahal na mahal kita. Sulat nino?
Dear Secret Admirer,
Leche ka. Ikaw yan. Kilala kita. Pasecret-secret admirer ka pa diyan. Nagtatago ka pa. Itinuturo mo pa sa akin na tumulad ako sa kanila. Hindi mo ako maintindihan at kahit kailan, hindi tayo magkaintindihan. Ang ibig mo sabihin na kailangan tumulad ako sa kanila para hindi ako maging "weirdo" at para "maging kaibigan nila" ako at para maisip nila na "normal ang aking pag-iisip" basta maging kasabay ko lamang ang kanilang "pag-iisip" at ang kanilang "pananaw"? Bakit ganun kayo? Hindi ko kayo maunawaan. ...kapag "bakla" at "tomboy" at "silahis", okay-okay lang sa inyo. Normal sa inyo. Hindi niyo na kinakailangan na keyso pagsabihan pa sila na "Uy, may sira ka sa ulo--" at "Uy, weirdo ka" at "Uy, napaka-abnormal mo" at "Uy, may disorder ka"-- bagkus, ang sasabihin niyo lang ay "--dapat niyong intindihin na minahal din ng Diyos ang mga bakla at tomboy"-- at sasabihin din niyo na "--normal na sa atin ang mga yan" at sasabihin niyo din na "--mababait naman sila as long as hindi sila nananakit, okay lang dahil marami silang maitulong"-- kahit naipagmamalaki mo na keyso "iisa ang kanilang puso, damdamin, prinsipyo at idea" nila, just a simple word lang na magbitaw ka lang ng salita na "It is a sin"-- lahat na ng tao ay galit na sayo. Sabay itinitira sayo na "hindi daw ako nakiki-agos sa takbo ng mga tao" at keyso ako ang "weirdo" na keyso ako ay may "disorder"-- na keyso ako ang "naiiba"-- hindi ba masakit yun? ......kung ano sa tingin kong "nakakabuti" ala-alang sa pagmamahal ko sa kanila upang malaman nila, ngunit ang ibabalik sayo ay "galit", "maaasar", "panlalait" na kahit ano-- sabay sabihin sayo-- "your are so weird and i think your out of this world" at pagkatapos ikaw, kasama ka na rin sa kanila na "pumapatol sa mga bakla" at "nagkaka-third party ka ng bakla" na sabay sabi mo ay "Naiintindihan naman ako ng Diyos"-- kaya pala, ganun na lamang ang tingin ng mga tao sa akin? Halos rejected ako ng mga tao basta ang alam nila, maniwala lang sila sa Diyos dahil alam nilang naiintindihan naman sila ng Diyos kaya ganun? As long as "iisa lang kayo ng idea ay hindi na sila mapagsasabihan na "weirdo" bagkus ako yung sasabihan ng "weirdo" at "kakaiba"? ......at pagkatapos, ituturo mo pa sa akin na "magdefense mechanism" na rin ako para tumulad ako sa mga tao upang hindi maiba na kahit alam kong may mga tao akong masasagasaan upang mailigtas ko ang aking sarili sa kapahamakan? Ang akala ko, ang sabi sa biblia, we have to suffer para magkaruon ng "true love"-- bagkus ang nangyayari, baligtad. Ang ginagawa natin, umiiwas tayo sa suffering para lahat na ay puro sarap at ginhawa. ......ginawa ko na yang suffering na yan na nagmahal ako sa sobra kong loyal, sobra kong honest, sobra kong faithful at sobra kong sincere na halos isang daang porsyentimo ang naibuhos ko na-- ano ang nangyari? Merong naasar pa uli, na-weriduhan pa uli at nagtataka pa silang lahat kung bakit daw ako nagpapakahirap. Kailangan daw, "mahalin ko ang aking sarili at respetuhin ko daw ang aking sarili"-- iisa din ang kanilang idea kaya ni isa ay hindi sila nasasabihan ng "weirdo" at may "disorder" at "sira-ulo" kungdi ako pa ang nasasabihan ng "tanga" at "weirdo" at "baliw" at keyso may sira sa pag-iisip. Ang sabi ng mga tao sa akin-- "mali daw ang ginagawa ko" pero bakit ang sabi sa biblia ay "mabuti" daw kapag ganun ang gawin ko? Sabihin mo nga sa akin kung saan ako nagkamali? Sabihin mo nga sa akin kung sino dapat ang susundin ko? Ang mga tao na may iisa ang kanilang "idea" para hindi ako "maiba" at hindi ako masabihang "weirdo" at "siraulo" or ang mismong nakalagay sa biblia kahit magtiis akong sabihan akong ganun? --kahit sa kahulihulihan ng resulta nito ay magiging mag-isa na ako sa mundo? Sino ang dapat kong sundin? Sabay, sasabihin mo sa akin na makisabay ako sa takbo ng mga tao-- na katulad mo na nakiki-agos sa takbo ng mga tao? Ang sakit-sakit ng ginagawa ng mga tao sa akin. Rejected ako halos ng society at karamihan pa ay mga kristiano-- samantalang kristiano din ako nuon. Siguro, naiinis sila sa sobra kong masunurin sa biblia at dahil sa paniniwala ko sa Diyos na sobra-sobra at sa biblia na yan, kung saan naging tapat din ako sayo magmahal ngunit iniiwasan ko na rin ipagsama ang aking pag-ibig na puno ng illusyon sa realidad ng mga tao upang maiwasan ko ang sakit na yan-- ang sakit daw na may kaakibat na sarap pero, kung ganun pa man-- mas mainam na hindi na lang ako makihalo sa ganung mga tao kahit "iisa ang kanilang mga idea" patungkol sa pag-ibig at sa realidad ng mga tao dito sa mundo-- dahil magulo silang lahat. ==Satanista== Dear Satanista, Isa lang ang masasabi ko sayo. Maki-agos ka na lang sa takbo ng mga tao kaysa rejected ka sa society dahil maiiba ka sa amin. Tanggapin mo ang pre-marital s*x na meron tayo-- Ang mga bakla, silahis at tomboy-- Ang pagkakaruon ng divorce-- Ang pagkakaruon ng annulment-- tama ba? Ang pagkakaruon ng "vanity"-- kahit alam mong it is a sin-- maki-agos ka na rin. Isipin mo na lang na hindi siya "sin" para hindi ka maisipan na may "disorder" ka at "weird" ka-- Ang pagkakaruon ng "pride"-- mahalin mo ang sarili at respetuhin mo ang sarili mo-- bakit? Tama naman a, kahit sabihin mo na "sin" yun. Naku. Kung hindi ka makiki-agos sa aming mga tao-- mawawalan ka ng mga kaibigan. Ipinapangako ko sayo yan at hindi lang yan, walang magmamahal sayo-- --madami siya. Ang mga "sin" na alam mo at natutunan mo-- iignore mo na lang at isipin mong hindi "sin" yun para madali kang maka-adapt sa amin, kahit ako, alam kong "sin" yun-- e may magagawa ba ako? E sa may pagkakataon na "kailangan" kaya kahit "sin"-- wala akong choice, kailangan gawin kahit malakas ang pananampalataya ko sa Diyos dahil kung makikigaya pa ako sayo, ipinapangako ko sayo-- tayo ng dalawa ang "rejected ng society ng mga tao"--- kaya ayoko tumulad sayo. Gusto ko naman din na magmahal at may magmamahal sa akin noh? ==Secret Admirer== Dear Secret Admirer, O sige na nga. Siguro, may hope pa. Makiki-agos na lang ako sa takbo ng mga tao kung ano ang meron sila. Okay ba yun? Pero ayoko na bumalik sa kristiano. Ano ang silbi ang pagiging kristiano ko kung ang gawain ko ay taliwas sa pagiging kristiano ko? E di, hindi na ako babalik. ==Satanista== ----------- Dear Satanista, Ano ka ba, sabi ko nga sayo, huwag mo muna iisipn ang "sin" na yan. Maging kristiano ka pa rin kahit taliwas ang ginagawa mo-- sabi ko nga sayo, maki-agos ka dahil kahit nagproklama kang satanista, hindi ka nila maiintindihan. Ganun pa rin. Weirdo ka pa rin sa paningin nila at rejected ka pa rin ng society-- nagpalit ka lang ng name from christan to satanist-- huwag mo ng palitan. Maging christian ka pa rin. --para hindi ka "rejected ng society"-- kase naman, ang dami mo kaseng natutunan sa nilalaman ng biblia na yan, ayan tuloy-- naiba ka sa amin. Kami nga, alam namin ang biblia, tamad kami sumunod diyan or hindi na namin iniisip yan-- work, school at bahay lang-- isama na rin ang nuod ng sine at pagkatapos, ikaw? Trying hard na sundin ang lahat mismo na nakalagay sa biblia-- sa mismong sinasabi ng biblia pati sa kilos mo, trying hard na sinusunod mo ang biblia na halos perfect?-- pagkatapos, saka mo eshashare sa mga ganung tao-- naku--"maglalayuan ang mga tao sayo"-- --maki-agos ka na lang sa takbo ng mga tao para hindi ka rejected ng society. |
|||
|
10-05-2010, 02:24 AM
Post: #3
|
|||
|
|||
|
RE: Mahal na mahal kita. Sulat nino?
Dear Secret Admirer,
Sige na nga. Siguro nga, ganun na lang ang gawin ko pero nakaka-guilty e. Guilty-guilty ako. Sasabihin ko na ako ay kristiano, sabay ang ginagawa ko ay taliwas sa ginagawa ng mismong tunay na kristiano? Nakukunsensia ako. Sobra. --Satanista-- ===== Dear Satanista, Oh. Gusto mo ba na masabihang "weirdo"? ...at wala ng lalapit sayo? Nasa society tayo ng mga tao. Ang kalaban mo ay mga tao. Talo ka. Mag-isa ka lang. Papaano mo sila kakalabanin kong "isang buong idea" ay pare-parehas lang tumatakbo sa kanilang isipan at pagkatapos ikaw lang ang tanging mag-isa na "ganun" mag-isip? Subukan mo magkunwari sa abot ng makakaya mo para maisipan nila na katulad mo sila kahit marami ka ng alam toward sa kanila. Wala tayo magagawa. Eto ang henerasyon natin kaya... huwag ka na maging Satanista ha? ===Secret Admirer=== ------ Dear Secret Admirer, E bakit nga ganun? Ang sabi ng mga tao sa akin, kapag may gagawin ako at kapag magsasalita ako ay "mali" sa paningin nila at hindi daw "tama" kaya nagmumukha akong "weirdo" sa kanila at may "mental disorder" daw ako pero sabi naman sa biblia na "mabuti at kalulugod daw sa paningin ng Diyos"-- tama naman sa Diyos, pero bakit sa kanila... "mali" daw? ===Satanista=== ----- Dear Satanista, Gusto mo ba maiwan mag-isa at wala ng lumapit sayo dahil sa sobra mong masunurin at halos perpekto mo nasusundan ang nakasulat sa biblia? Marereject ka ng society. Eto ang gawin mo para maging "in" ka sa mga tao. Maniwala ka sa Diyos pero huwag kang masyadong devoted to God na halos naibubuhos mo na ang lahat. Huwag ganun-- stay as christian ka pa rin pero hayaan mo na magkasala ka at tanggapin mo na rin dahil yun ang neutral, ang magkasala kahit alam mo sa sarili mo na hindi dapat ito ang gawin mo dahil it is a sin, gawin mo na lang-- kahit yun na lang ang gawin mo para hindi ka maiba sa amin or better magsuicide ka na lang dahil itong mundo na ito ay hindi para sayo since rejected ka ng society. Maniwala ka pero huwag 100% percent love ang ibigay mo kay God dahil kung ginawa mo yun, weirdo ka na sa amin niyan. Kung true love na 100% na ibubuhos na perpekto sa Diyos, e weirdo ang magiging tingin ng tao sayo or marereject ka ng mga tao niyan... maniwala ka pero huwag devoted. Tanggapin mo na lang na walang true love. Ang tanggapin mo may love sa mundo kung saan komportable na ang mga tao sa ganun kahit hindi kami devoted na 100% kay God. Okay na? ===Secret Admirer=== ------------------- Dear Secret Admirer, Okay na po. Sige, salamat. ==Satanista=== |
|||
|
« Next Oldest | Next Newest »
|
User(s) browsing this thread: 1 Guest(s)

Search
Member List
Calendar
Help




