Join our Facebook Page



Post Reply 
 
Thread Rating:
  • 2 Votes - 5 Average
  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
  • 5
No Ordinary Love
10-18-2010, 11:03 PM (This post was last modified: 10-21-2010 06:14 PM by JayCee24.)
Post: #1
Wink No Ordinary Love
Im actually have an account here before, it's already 4 years when i was active writing here, i wrote Carry My Love, Gaby (NF),and Reminds me on you. My name is Jia.

I got interested again creating stories since i went back here last week, just checking if i can still activate my account, but unfornately, it was blocked already. I read some stories here and it pulls me back again.

So here i am, creating again an imaginary love story, hehe. I hope you like it guys, i'll keep on updating it.

Ciao.
Im Jenny Rodriguez.My first in the job. Kinakabahan syempre, bestfriend ko kasi ang nagpapasok sakin dito sa Accenture Company, pareho din kasi kaming programmer. Pero ako, Field programmer, kumbaga ako yung nag mamaintain ng mga software na nasa iba’t ibang lugar, like SSS, St. Luke’s MH, at PhilHealth. Tas yung bestie ko, main programmer siya at software developer. Unang araw ko pa lang, sinabon na ako ng boss ko, hmp kainis... bakit naman kasi hindi niya sinabi na kailangan kong magback-up, haaay..”Jenny, nasan ba common sense mo?” Grabe, wala ata ako ngayon sa mood e, eto kasama ko si Kevin. Computer Technician at Programmer din, we will going to St. Luke’s para mag maintain, may reklamo kasi dun about sa mga errors, e malay ko ba about sa mga errors, kailangan ko pang pag-aralan kung pano yun ginawa, hindi naman ako ang gumawa nun e, sila Kevin daw at yung nag resign niyang kasama.
Habang tinitingnan yung computer at yung program, may isang asungot lang naman..hmm gwapo syempre, nurse ata to e, kasi naka white..ay oo nurse nga, na padabog nilagay ang checklist, halos lumuwa yung kaluluwa ko sa sobrang gulat, sarap upakan ng asungot na’to. Kita na ngang may ginagawa pa.


“Hayaan mo na si Dra. Sanchez.”

“Bakit?..hindi ko naman kasalanan kung bakit yun ang nangyari sa pasyente, hindi niya ako binigyan ng notice about sa gamot na ipapa-inom dun, tas ako ang sisisihin niya..”

Aba, bruhong to, wala din pala sa mood, dinamay pa ako...grr, nagulat ako dun sa ginawa mo alam mo ba yun??!!!.

“Sino ka?”

Jenny: Huh??...ako yung programmer na pinadala dito, may reklamo kasi na may error dito sa software nato.

“Ah! Oo, may error nga yan...nagloko, anong nangyari diyan? Virus?”

Jenny: Not actually a virus, sobrang dami na kasing mga temporary files na nakalagay, tas some of the malwares naka-trigger sa software.

“Ah!... i thought virus and malwares are the same.”

Aba, antipatiko tong bruhong to, gusto mo i-explain ko?..saglit.

Jenny: Typically, virus and malwares are not the same.....

“Yea, i see...sege, pagbutihan mo yan”

Aba...loko yun ah. Gwapo ka nga pero ang suplado mo, e kung batuhin kaya kita nitong mouse, baka magising ka sa katotohanan.

Kevin: Hoy..is it done?

Jenny: ALMOST!

Kevin: O, wala ka na naman sa mood. Teka, tingnan ko nga yan.

Jenny: Okay na, wag na...may isang tao lang kasi na bumwesit sa akin ngayon.

Kevin: Si Sir Nico?

Jenny: Hindi... yung isang nurse dito...nakaka-inis yung lokong yun, kala mo kong sino.

Kevin: Inano ka ba?

Jenny: haay, Kev, ayoko ng pag usapan.

Nakakabadtrip talaga yung doctor na yun, kala mo kung sino..porke’t nurse lang ako, ganun-ganun na lang siyang magbentang?. Mag-iisang taon palang ako dito sa Luke’s pero sinusunod ko naman lahat ng pinapabilin ng doctor.

Adrian: O Dau, badtrip ka raw kanina?

Daudinix: Oo nga e. Ganito ba talaga mga nurse.

Adrian: Haha, wag kang mag-alala, mawawala din yan, alam mo kasi yang si Dra. Sanchez, mabait naman yan e, pero pag yan dinatnan...naku!
parang tigre.

Dau: Pare, unacceptable naman siguro yung ganun, na ibunton sa akin ang sisi.

Adrian: Nah, no worry, walang nangyari sa pasyente when i checked it kanina. O sege, ako nalang ang sasalo dun. Okay ba yun?...i’ll talk to Dra. Sanchez.

Dau: Sege, total matagal ka na dito.

(Medyo konti lang ang tao sa canteen, umorder sila ng Coke Can at Pizza)

Dau: Siyangapala, kilala mo yung nagmaintain kanina sa computer?

Adrian: Sino?

Dau: Babae..ayun sinungitan ko, kilala mo ba yun?

Adrian: Hindi...bakit?

Dau: Hihingi lang sana ako ng tawad. Saglit, baka maabutan ko pa yun...babalik lang ako.

Adrian: Hoy, may shift pa ako ngayon, bilisan mo.

Ang bilis naman nilang matapos.

Dau: Gian, nakita mo yung babae dito sa computer?

Gian: Ah, yung programmer? Kakaalis lang..sabi niya, okay na daw yan.

Dau: Kilala mo yun?

Gian: Hindi, si Kevin lang, yung lalakeng kasama niya. Bago siguro yung babae.

Dau: Ah...sa tingin mo babalik pa yun?

Gian: Pag sira ulit ang system.

Dau: Sege salamat ha.

Gian: Siyangapala Dau, hinanap ka ni Dra. Sanchez ngayon lang, she want to talk to you at 3pm.

Dau: O sege, salamat.

Haaayyy, kainis!!!..nakakainis!!!!..badtrip ako ngayong araw...inhale-exhale.


Shiela: (Bestfriend) O, ayos na ang system?

Jenny: OO. Tapos na ata yun. Sana umusok!

Shiela: Ha?..hmmm...bakit? ano na namang nangyari? Behr!!!

Jenny: Naiinis lang ako sa isang nurse dun, ang suplado...

Shiela: Nge, yun lang?...wag mo na yung pansinin no..atleast, you’ve done a great job. First day mo palang...hehe

Jenny: Yea Shie, first day, first mock, first system, first hell-guy...grr..yea FIRST! And i hate it.

Shiela: Hay, init lang yan ng ulo. Sege mamaya, lilibre nalang kita ng pizza bago tayo umuwi. (wink)

Jenny: Really?..sounds great. Hehehe

(Kinabukasan: Habang naka-upo at tinitingnan ang telepono, naisip niya ang babae kahapon na nasungitan niya.)

Tawagan ko kaya yung company nila? Hmm?...di ko naman alam e, when i report the error sa main desk ko naman yun sinabi..so meaning...ahuh!!..tama, may telephone number yung main desk sa kanila.

Dau: Hello?

Operator: Yes, sir, may problema po ba?

Dau: Ahhh...yung system, nagloko ulit... may telepono ka ba sa programmer na nagmaintain nito kahapon?

Operator: Sorry sir, but every nurse don’t have access to call the person who maintained the system, we will call up the company for your concern.

Dau: Ah ganun ba?...so yung babaeng programmer pa rin ba ang pupunta dito?

Operator: It depends po sir, who’s available programmer.

Dau: Hindi ba pwedeng sabihin mo nalang yung telephone ng company?

Operator: Im sorry sir, but this desk was made for.....

Dau: Yea yea...i got that..sege, you can call up to the company, nasira ulit e.

(Hang-up)

Haayyy...sana siya yung pumunta dito at makahingi ako ng tawad. Grrr..ikaw kasi Dau, ang tanga mo!! Bakit mo yun ginaganun. Tskkkkk

Ella: Wag mong pinupokpok masiyado ang ulo mo.

Dau: Ikaw pala.

(Ella is Adrian's GF)

Ella: O ayan, eto yung mga pasyente na nakatoka sayo..buti at nagkakaintindihan na kayo ni Dra. Sanchez.

Dau: She’s a brat doctor.

Ella: Shhhh...marinig ka ng ibang nurse, lagot ka.

Dau: Hmp!

Anong nasira ulit?? Eto sinabon na naman ako ni Sir Nico.


Sir Nicolai: What happened yesterday? The Luke’s calling again that the system is down AGAIN!

Nagulat ako dun, ba’t ganito nalang kainit ang ulo ng mokong na to.

Jenny: Sir, i did my job, and it was fine when i left. Nagtest pa nga kami ni Kevin dun to make it sure.

Sir Nico: Then why they’re calling...don’t answer me that you don’t know.

Aba loko to... syempre hindi ko talaga alam yun. Hmpppp...second day, eto nasabon na naman.


Sir Nico: I am so dissappointed on you Ms. Rodriguez. Don’t let this thing happen again.

Jenny: Yes Sir.

Grrrr.....parang umuusok na ilong ko paglabas ko. Nakakainis, panong nasira yun? Talagang uupakan ko talaga yung computer na yun.

Kevin: Kami nalang ni Shiela ang pupunta.

Jenny: HINDI!!!..AALAMIN KO KUNG ANONG NANGYARI SA COMPUTER NA YUN!!! KAINIS!

Kevin: E pag ganyan ka, hindi mo yun maayos.

Jenny: I’ll make myself calm...

Kevin: No, you stay here, Shiela and I will go.

Jenny: Hmp, pag ako nakita ni Sir Nico dito, ikaw uupakan ko.

Kevin: Hahaha...ikaw talaga (sabay pisil ng ilong)

Jenny: Aray ko...

Shiela: Wui, i saw that...hehehe, psst,,ano yan Kev?

Kevin: Wala..lika na nga.

Jenny: Shie, goodluck, may asungot dun..thank you for saving me, dahil baka pag pumunta ako, may mapatay akong tao.
Send this user an email Find all posts by this user
Quote this message in a reply
10-19-2010, 11:10 PM
Post: #2
RE: I Will Take You Forever
CHAPTER 2

Shiela: Wala namang error ah.

Dau: Ah, excuse me...

Shiela: Huh??...i guess this system work okay.

Dau: Um, kilala mo ba yung babae dito kahapon? Yung nagmaintain nito?

Shiela: hmm..oo. Bakit?

Dau: Ah..kasi, ano??..um, pwede bang humingi ng number niya?

Shiela: Sorry, but we are not allowed giving the private number to the strangers.

Dau: ahh..ganun ba, hindi ba siya pupunta dito?

Shiela: No, she’s in the office right now, bakit magkakilala ba kayo?

Dau: Ai, hindi... sege sege, salamat ha.

Shiela: Okay.

Dau: Ah, ngapala, anong pangalan ng company niyo?

Shiela: Accenture.

Dau: I see...and also her name?

Shiela: Jenny Rodriguez.

Dau: Okay...thank you, im Daudinix Montero..nice talking to you??

Shiela: Shiela.

Dau: Okay Shiela, thank you.

Yes, haha!! Mapuntahan nga bukas, hindi ata ako makatulog sa ginawa ko sa kanya. Super baaaahhhhhdddd.


Dau: Ella, bukas ng gabi diba ikaw ang mag oovertime?

Ella: Yep, bakit?

Dau: That’s good to know, may lakad lang kasi ako.

Ella: Hmm??....hindi ba kami kasali ni Adrian niyan?

Dau: Next time.

Hay, at last nakapagrelax din sa wakas. Kumusta na kaya yung system dun sa Luke’s? Baka naman nagsungit na naman yung poging supladong nurse yun dun kay Shiela, hahaha...pag ginawa niya yun kay bestie, goodluck nalang sa kanya, baka dumugo ilong nun.

Kevin: Yo!!

Jenny: Kev, kakagulat ka naman.

Kevin: Hehe, okay naman pala ang system sabi sakin ni Shiela.

Jenny: Oh? Pero bakit sila tumawag?

(Kibit-balikat bago umalis papuntang cubicle nito.)

Shiela: Hi.

Jenny: Sabi ni Kevin, okay daw?

Shiela: Oo, ewan ko kung bakit pa sila tumawag, wala namang sira....at saka, may kumulit saking nurse dun, tinatanong ka.

Jenny: Sino?

Shiela: Ahhh...Daaaa...ano ba yun? Montero lang naalala ko e.

Jenny: Hmm? Describe mo nga?

Shiela: Ahh...naka white, tas naka white shoes...

Jenny: Saglit...syempre no, nurse e. I mean yung mukha.

Shiela: Maputi, matangos ilong, tas medyo mahaba at blonde yung buhok, saka gwapo.

Jenny: Ai!!!...yan siguro yung nagsungit sakin kahapon.

Shiela: Talaga??... tinanong din kasi niya yung name mo e.

Jenny: Binigay mo?

Shiela: Syempre no, liban nalang sa personal number mo..hmm..sister, infairness dun sa nurse na yun, gwapo siya ha. Hehe

Jenny: Gwapo nga, masungit naman saka suplado. Kahit na ganyan, hindi pa rin yan makakain ng hayup ang ugali.

Shiela: May ganun? Saglit may kukunin lang ako sa labas.

Tinanong pa niya pangalan ko? Ang weird naman? Para san pa? Saka teka lang!!!! Bakit walang sira ang system? Grrrrr....pinagtripan siguro ako nung lokong lalakeng yun? Pag yun nakaharap ko ulit na natitigan ko ng matagal, talagang lulusaw yun...hmp!!!..kahit gwapo pa siya.

Shiela: (hingal na hingal patakbo sa cubicle ni Jenny) Sister!!!!

Jenny: O bakit??

Shiela: Guess who?

Jenny: Wala akong planong mag arkela ng pwesto sa Quiapo. Kung sabihin mo nalang kaya. Who?

Shiela: Andito siya!!!..

Jenny: Sino??

Shiela: Si Poging Nurse!!!...nasa labas, hinahanap ka.

Jenny: Ano??..pano niya nalaman yung opisina?

Shiela: E, kasi...ano..sinabi ko sa kanya yung company natin.

Aba!! At may gana pang pumunta dito yung loko na yun. Masubukan ngang sungitan. Humanda ka sa akin!!!!...attack!!!.

Dau: (panay tingin sa relo) 5pm na, ano kayang oras labas nila?

Shiela: Um..aherm!

Dau: Hi.

Shiela: Sorry natagalan.

Teka....saglit!!! familiar to e. Hmmm?? Basta familiar to.


Dau: Hi..Jenny right?

Jenny: Ahhh yea.

Dapat akong magsungit at magtaray!!..Go!


Dau: Hi, um...ako yung nurse nung kahapon..Daudinix, Daudinix Montero.

Oh crappy-monster!!!!! Siya nga!!!...siya nga!!!!!! Grrrr....kaya pala familiar, si Daudinix!! Yung College Crush ko..................waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa.

Shiela: (Kinilabit si Jenny) Hoy!!

Jenny: Huh?

Shiela: Sege...pasok na muna ako sa inyo ha.

Dau: Um, im sorry sa ginawa ko sayo kahapon...i know it’s sounds unethical to your part, sorry, wala lang talaga ako sa mood.

Jenny: Ahh..(Nakatingin kay Dau)

Dau: Um...ano? hindi ka ba busy?

Jenny: Yea..

Dau: Ah okay...nagugutom ka ba?

Jenny: Yea...

Dau: Ahh...pwede ka bang mainvite for a snacks?

Jenny: Yea...

Dau: Ahh..(Napangiti) Shall we go?

Jenny: Hehe..yea.

Nakakahiya!!..nakakaloka! si Daudinix? Nasa harap ko??..shocking!!


Dau: Mahilig ka pala sa McDo?

Jenny: hehe..it’s my fave food chain.

Dau: Ahh, so how’s your day?

Jenny: Quite okay...ako nga dapat ang pupunta kanina sa Luke’s pero nawala ulit ako sa mood ko e, kaya nag volunteer nalang si Shiela para dun.

Dau: And i want to say sorry again for what i’ve done.

Jenny: Ha?

Dau: Actually, wala namang sira dun e...i called up para bumalik ka dun.

Jenny: Ai loko ka... alam mo bang sinabon ako ng boss ko kanina bakit daw ganun?

Dau: Oh!..so sorry about that..i really didnt mean to.

Jenny: Okay nalang siguro yun...

Dau: Sege..because i have faults, libre kita for two days.

Jenny: Talaga??...

Dau: Promise..hehe.

Naks, nag volunteer pa ang mokong, pasalamat ka at nilibre mo ko nito. Hmm..sarap pala pakiramdam nito o.


FLASHBACKS!!
7 years ago.
4th year college na ako, haay, konting tiis nalang at gagraduate na din. Pero ikaw...Mr. Daudinix Montero...kailan pa kaya kita makakausap at makilala ng personal. Hmp, kahit naman siguro batchmate tayo nung highschool, pag nakita mo ko, for sure hindi mo ako papansinin. Haay.

Kyla: Hoy!!...ayan ka naman, nakangiti at tinitingnan yang crush mo.

Jenny: Hmp, hayaan nalang sana kasi e.

Sam: Guys, ano??...kain tayo, FoodCourt, libre ko.

Jenny: Okay im in.
Kyla: Loka to, basta pagkain talaga....me too. Hehe

Jenny: Hintayin nalang natin si Minch at Julie.

Syempre, heto kumakain sa Food Court ng Gaisano Mall. Tumitingin sa mga dumadaang tao, at nag gagwapo hunting kami.

Jenny: (Biglang napatayo)

Kyla: O bakit?

Jenny: Si...si....yung naka blue t-shirt.

Sam: Sino?

Kyla: Hmmm...yung crush mo???

Minch: Si Daudinix??...

Julie: Sino yung kasama niya.

Jenny: (Napaupo) Girlfriend niya..of course.

Sam: May gf naman pala yan e.

Jenny: Take note!!..GF pa...not a wife..hmm???

Sam: Oo na po. Lakas talaga tama ng babaeng to sa kanya.

He’s wearing blue t-shirt, ang gwapo niya talaga lalong lalo na wearing his eyeglass. Pero ang nakakainis, naka pulupot pa yung kamay ng girlfriend niya, sa braso niya...hmpp..di ba PDA na yun!!! Nakew, pasalamat at nakapag timpi pa ako..chaka lang, ano ako, loka loka at susugurin ko bigla yun? Mas lalong badshot ako kay Daudinix dun.


PRESENT:

Dau: Ilang taon ka na sa Accenture?

Jenny: huh?..um actually, kahapon pa yung first day ko... kakaiba no?..sabak agad sa matinding labanan. Hehe

Dau: Ahh... oo nga, siguro ang galing galing mo sa computer.

Jenny: hehe..medyo lang naman. Alam mo ba??...

Dau: Ano?

Jenny: If you could still remember, batchmate tayo sa HighSchool.

Dau: Nahhh...really?? Sa La Salle Cebu?

Jenny: Yea.

Dau: So taga Cebu ka din??

Jenny: Exactly. Hehehe..

Dau: Come on!!.. i can’t believe it...magkababayan pala tayo. Haha...so how come?

Jenny: Kararating ko lang galing Canada last 3 mos, umuwi ako ng Cebu for a vacation then pumunta ako dito sa Manila para maghanap ng trabaho...i have my bestfriend naman Shiela, tas nag hiring yung company na tinatrabahuan niya, kaya eto.

Dau: Wow... so, you live with Shiela?

Jenny: Yup...we live in the same house. Hehe..ikaw? Ilang taon ka na sa Luke’s?

Dau: It’s actually my one year sa Luke’s. My first time job here in Manila.

Jenny: Wala kang planong mag apply abroad?

Dau: Hmm...wala siguro, i serve my co-filipinoes.

Jenny: Hehe, galing ah.

Eto, ang dami-dami naming napag usapan ni Dau, like nung graduation namin sa HS, pati yung graduation niya nung College siya, at saka nung college ako. Pati yung lugar sa Cebu na madalas kong tinatambayan at madalas din niyang tinatambayan.

I really have fun talking to her, i can’t believe na batchmate ko pala siya, ni hindi ko siya napansin noon e. But honestly, this day....i can manage to smile again. Haha..she’s really good. And i hope we can be bestfriends like they are with Shiela. Hindi naman siguro masama diba
Send this user an email Find all posts by this user
Quote this message in a reply
10-20-2010, 10:30 PM (This post was last modified: 10-20-2010 10:31 PM by JayCee24.)
Post: #3
RE: I Will Take You Forever
CHAPTER 3

Syempre pagkatapos naming mag snacks, hatid na niya ako sa office. Ang cute niya talaga pag walang eyeglass, dati kasi he’s wearing eyeglass kaya attractive siya, pero mas attractive siya ngayon. Dami naming napag kwentuhan. Haay...sana maulit ulit to, ooppsss, may isa pa siyang libre, sabi niya twice yun e. Hehehe..so baka bukas pupuntahan niya ulit ako, sana lagi nalang siyang mag susungit para lagi niya akong malilibre, hahahaha..sama ko. Eto naman ako ngayon, kasalukuyang nasa byahe ng jeepney kasama si Shiela, we’re living to the same apartment kasi. Haay, kapagod naman, parang bibigay na yung utak at mata ko sa antok...pero naman!! Di ko maiwasang hindi mapangiti pag naalala ko kanina.

Shiela: (Tinabig) hoy.

Jenny: Bakit?

Shiela: Kung ngingiti ka, siguraduhin mong hindi sa public place... mapagkamalang baliw ka pa diyan.

Jenny: Hmp.

Urine test, check, stool, check, hmm... i need to get his pulse rate at saka bp.

Ella: O akala ko ba, hindi ka mag oovertime?

Dau: E, wala naman akong gagawin sa apartment, saka si Adrian OT din sa station 3A.

Ella: Kumusta naman ang date?

Dau: Date? Hahaha..i never said that i have a date, sabi ko lang may lakad ako.

Ella: Is it a girl?

Dau: Yea.

Ella: You go out the two of you, walang chaperon? Walang kasama?

Dau: Ah-huh!

Ella: So, anong tawag dun?? Behr?

Dau: Haha...just knowing each other and saying sorry.

Ella: Sorry? Naku, may nagawa kang kasalanan? Dau ha, ano na naman yan?

Dau: Ella, im a good guy, and i won’t hurt girls like......

Ella: Like what she did to you?

Dau: Ayoko ng pag usapan yun.

Ella: Okay, total it’s already 3 years. Pero talagang sayang no.

Dau: May gagawin pa ako.

Ella: Hay, gang ngayon pa pala Dau.

Dau: She’s already out of my life. Got that?..

Ella: Yea, i got that.

Ano kayang ginagawa ni Dau ngayon? Nasa bahay na kaya siya natutulog? O nasa trabaho pa din? Hirap din naman kasing maging nurse, kalaban mo yung oras. Pero kahit ganun, just like i’ve always said. GWAPO PA DIN SIYA! Hehehe.

Mahal ko siya, we’ve been together for 6 years... but gone into waste. Girlfriend ko siya nung 2nd year high school palang ako, hanggang sa mag college, hanggang sa pumasa ako sa Nursing Board Exam, akala ko siya na ang babaeng papakasalan ko. Nurse din siya tulad ko, grumadwet kami ng sabay, mabibilang lang sa daliri ko ang times na nag aaway kami, ni hindi nga aabot ng isang araw at mapapatch-up din naman yun. She knew my family and i am also close to her family. Masaya, puno ng pagmamahalan noon pero dumating din ang araw na kailangan niyang pumili. I don’t want her to go to America at doon magtrabaho, o kung talagang she want to pursue her dreams, i said..she can go but our relationship still work on at pupuntahan ko din siya but we argued, she want to break up with me, or rather she used the “cool-off”. Umalis siya, wala siyang iniwan, i tried to call her, but i can’t contact it. I tried to email her, but there’s no response. Para akong baliw, na naghahanap sa taong ayaw pahanap. It’s already 3 years after that. And i can say, that i already move on. I tried to date with the other girls, but none of them can be like her. Maybe, this is life, this is my destiny.

Adrian: Tol, baka mabutas na yang pader sa kakatitig mo ha.

Dau: 3am na pala...

Adrian: Here’s coffee...ilalagay ko na lang ang coffee ni Ella dito ha.

Dau: Okay, i’ll tell her, nasa room 401 pa siya, kumuha ata ng BP.

Adrian: Okay... sabay na tayong umuwi mamaya.

Dau: alright.

Whew! Muntik na ako dun ah. Si Adrian, matagal ko yung kaibigan...since elementary pa kami. Hahaha..yung girlfriend naman niya si Ella, ang tagal na rin nila, 8 years and going strong.

7am. KRING!!!....KRING!!!...

(Unang nagising si Jenny bago niya ginising si Shiela na nasa kabilang kwarto.)

Jenny: Shie....gising na. Una na akong maligo sa yo ha.

*Yawn.... hay, dati okay lang kahit tanghaliin ako ng gising, pero ngayon...baka magalit na naman yung antipatikong-masungit na boss naman pag nalate kami.

Ano na naman kayang sorpresa ang araw na to sa kin?...hmm, maraming trabaho, maraming program na aayusin, maraming ibaback-up na files yung hindi pa natapos kahapon, editing the web design sa isang client, system maintenance, mag eextract ng mga files.....teka saglit!!!!! Ang dami naman niyan?

Gosh, bilis!!!!....8:40am na. Baka ma-late na naman kami nito, si Shiela, halos di na maipinta ang mukha. Naku, kung may pakpak lang talaga kami liliparin talaga namin yun. Huhu, no!!! It can’t be.

8:58 PUNCH!!! PUNCH!!!..haay...thank you biometric. Hehe..see, hindi kami late. Oh ha, kitam.


Kevin: Good morning two beautiful ladies.

Shiela: Thank you Kev, yan gusto ko e, umaga pa lang ang ganda na ng bungad. Hehe..

Jenny: (Deritso agad sa cubicle)

Kevin: O, muka atang nag gyera na naman araw ni Ms. Rodriguez dito.

Shiela: Haha...e pano naman kasi, may kailangan pa yang i-back up dahil pag hindi yan matapos ngayon, lagot na naman siya ni Sir Nico.

Kevin: Favorite ka talaga ni Sir, Jen.

Jenny: Sinabi mo pa, pag ako hindi makatiis dun sa poging boss ko na yun...... hahalikan ko talaga siya.

“Aherm!!!”

Lagot! Patay ako nito. Tubig!, teka ano ba yung sinabi ko? Grrr.....sabi ko senyo e. Fave ako e. Huhu...

Kevin and Shiela: Goodmorning sir.

Sir Nico: goodmorning.

Jenny: (Tumayo) Goodmorning sir.

Sir Nico: Goodmorning, you can sit down.

Jenny: Ahhhh...sir.

Sir Nico: I apologize for what i have said to you yesterday.

Jenny: (tulala)

Sir Nico: Mainit lang yung ulo ko that time....and im sorry. Hindi na yun mauulit sa susunod. And, you can go back to your work. Goodmorning.

Teka? Si sir ba yun?...hmmm? Nakarma ba yun kagabi? O baka hindi makatulog? O kulang kaya sa tulog? Nakapag breakfast na ba yun? Nasobrahan lang ba sa kape?

Shiela: Wui, nag sorry?

Kevin: Haha... so meaning, your not his favorite.

Jenny: Anong nakain nun?

Shiela: Shhh...baka bumalik yun at mapahiya ka pa?..naalala mo ba yung nasabi mo kanina?

Jenny: Ahhhh yung....ki.....ha?may sinabi ba ako kanina?

Shiela: Hmp, palusot pa tong lokang to. Back to work na nga lang.

(Kanya-kanya na ring puntahan sa kanilang cubicle)


2pm.

*Yawn*
Arghh, sakit ng ulo ko. 2pm na pala...kakagutom naman. 5am na kaming nakauwi kanina galing duty. Lulubusin ko nalang to mamaya para next week, another shift na naman ako. Ang hirap, night shift ako pagdating sa birthday ko? No way!! Jamming kaming mga barkada niyan no. Anong masarap na kainin ngayon?...Burger o. McDo??...teka??...McDo. Si Jenny...hehe, oo nga pala, may utang pa ako dun. Pupuntahan ko nalang tas dun nalang ako kakain kasama siya. Good Idea.

Shiela: Hi miss beautiful....

Jenny: Huh?... tapos ka na bang mag snack? O gutom naman yan?

Shiela: Tapos na no, kasama ko si Kevin kanina...ikaw kasi e, ayaw mo e, kasi naman e, gustong kasama si Poging nurse e.

Jenny: Excuse me?

Shiela: Opo, nasa labas ang prince charming mo girl.

Jenny: Ano?????

Shiela: Hmp. E kung ayaw mo?? Ako nalang ang sasama dun. O ano?

Jenny: Wala akong sinabing ayaw ko ha...sege sege lalabas ako.

(After 5 minutes)

Dau: Hi. (Nakangiti at naka eyeglass na)

Crappy-Coco.... siya nga yung dati. Whew!!!..ang gwapo talaga o.

Jenny: Hi...

Dau: May utang pa ako diba. Hehe...so, kain na tayo, gutom na ako e.

After 10 minutes. (McDo)

Jenny: Ang dami mo namang inorder. Mauubos ba natin to?

Dau: Oo, gutom na gutom kasi ako e. Nag overtime kami sa trabaho kagabi, tas mamaya night shift ako.

Jenny: Ahh..kaya naman pala. You’re wearing your eyeglass.

Dau: I do wear it pag puyat ako...hindi naman halata eyebags ko diba.

Jenny: (Tinitigan) Hmmmm....di naman. Hehehe.

Dau: So how’s your day?

Jenny: Okay lang naman, i was surprise kanina nung biglang nag sorry sakin yung boss ko. Hahaha, nakarma ata.

Dau: Talaga, so ang ganda pala talaga ng araw mo ngayon no.

Jenny: Hmm parang ganun na nga. E ikaw??...

Dau: Eto puyat....5am na kaming nakauwi.Anyways, we’re batchmate in HighSchool, so kilala mo din sila Adrian at Ella?

Jenny: Si Ella?...yea, i knew her, classmate ko siya nung 1st year highschool e. And we’re bestfriends dati, sabay kaming mag recess, kahit nga mga assignments namin magkapareho. Hehehe.

Dau: Wow, okay i’ll you mention you to her.

Jenny: Magkatrabaho pala kayo? Hindi ko siya nakita nung pumunta ako.

Dau: Roaming kasi siya that time kaya wala siya sa station.

Jenny: ahh...ang hirap pala maging nurse no..kaya nga ayaw ko sa mga ganyan e, lalong-lalo na pag nakakakita ako ng dugo ng mga naaaksidente. Whew!!! Aatakihin ako sa puso.

Dau: hahaha... dami ngang nag sasabi sa min ng ganyan, pero sanayan na rin siguro yan...minsan nga din, nasusuka ako pag nakatoka ako sa Operating Room. So you want to talk about Nursing stuff?

Jenny: Ahh...no thanks. Hehe, kumakain kasi tayo e. Okay lang ba.

Dau: hahaha..that’s cool, ayoko ding pag usapan yan e. Ikaw?..why you choose the world IT? Parang computer lang palaging kasama niyo sa buong araw e no?

Jenny: Correch. Hehehe... umaga, tanghali, hapon kahit gabi... partner namin si Computer but i love it...para kasing minsan nagkakaintindihan, minsan din naman nag aaway...hehehe..minsan nga, (humina boses) kinikiss ko si Laptop ko pag umo okay ang program na ginagawa ko e. Hehe..

Dau: Woah. So, i guess, i’ll kiss my stethoscope. Hehehehe..

Jenny: Ai gaya-gaya ka. Hehehe..embrace mo nalang.

Dau: Wui, nice idea...sege sege. I’ll do that.

Jenny: Hay naku Dau, gutom lang yan...ikain mo nalang.

Ang cute naman niyang tingnan pag kumakain. Sana laging ganito. Dau!! Hoy...hehe, crush kita. Waaaaaaaaaa...erase erase. Stop it Jenny. He’s just a friend, at tinuturing ka niyang kabigan. Okay.
After that, hinatid na rin niya ako sa office tas sabi niya prepare na rin daw siya for duty, syempre he’s smiling so sweetly bago siya sumakay sa kotse niya. Tas pag akyat ko, as usual, yung bestie ko na ubod ng kulit..ako na naman ang napagtripan.


Shiela: Really?????? He’s your batchmate? Ayeee...so meaning dati pa yan no.

Jenny: Anong dati?.

Shiela: Crush mo siya...

Jenny: Shhh...hinaan mo nga yang boses mo. Oo, crush ko siya...pero hindi nung HighSchool pa kami, nung college ako...

Shiela: Ahh..tas? Ano??..nasa isang school pa din kayo? Bakit di mo siya kilala nung first time mo siyang nakita?

Jenny: Hindi pareho yung university namin, dati kasi, he’ll wear eyeglass, tas hindi korean inspired yung buhok niya, parang one inch lang yung buhok niya kaya di ko agad siya nakilala.

Shiela: Sege sege...search mo sa facebook...

Jenny: Eto na nga...tinatype ko na nga pangalan niya.

Search Found:
Daudinix Montero

Shiela: Ai...private yung ilan...wui, ang gwapo pala talaga niya no..yan ba siya nung dati?

Jenny: Oo... (napangiti)

Shiela: Teka, may girlfriend na pala yan e. Tingnan mo o, in a relationship yung status.

Jenny: oo nakita ko no...teka, e ano naman ngayon, dati ko lang yung crush no, hindi na ngayon.

Shiela: Pero aminin mo, kinikilig ka pag kasama mo siya..

Jenny: Loka!

Shiela: Click mo yung picture niya....kahit apat lang yan.

Jenny: oo na...to na nga...tagal mag load.

Shiela: O ayun...whew...he’s hot...super hot..

Kevin: Guys ano yan??

Jenny: Ha? Ah wala, may ano lang, may tinitingnan lang kami.

Kevin: (Parang sumisilip)

Shiela: Wag na kasing sumilip e...halika na nga. May dapat ka pang ayusin.

Kevin: Wui, kayo ha...sabi ko na nga ba e, nagagwapohan kayo sa akin e. Hehehe..

Shiela: Loko to, di ka rin masyadong mahangin no. Upakan kaya kita.

Kevin: O..to naman biro lang yun no.

Shiela: Halika na nga...

Whew... ang tagal ko na palang hindi nakikita facebook niya. I delete him kasi nung after kung grumadwet, e syempre....para kasing nawalan na ako ng chance na makilala ko pa siya. Tsk, kung alam ko lang pala ngayon...pero Jenny!!!...may girlfriend na siya, ano ka ba, hanggang ngayon pa rin ba? Ha??!!!...no way, dati pa yun...nung college pa ako, wala na ngayon. Ano naman ngayon kung may girlfriend siya?..im not affected. Ah-huh!!!...never....no way. Hmp, close ko na to. (after ma-copy ang picture ni Daudinix)
Send this user an email Find all posts by this user
Quote this message in a reply
10-21-2010, 06:15 PM
Post: #4
RE: No Ordinary Love
i change the title for some reasons. hehehe...keep on reading guys. and i hope you also drop some comments. thank you. Big Grin..

God Bless.
Send this user an email Find all posts by this user
Quote this message in a reply
10-21-2010, 09:24 PM
Post: #5
RE: No Ordinary Love
CHAPTER 4
2 days of hardwork, hay sa wakas nakakapagrelax na din. Hmmm...namiss ko ata yung si Dau ah. Hehe, 2 days ko siyang hindi nakausap e, wala din akong communication sa kanya, for sure busy din yun...sabi kasi niya last day na lagi siyang night shift this week, so i guess, pagod talaga yun. Last kaming nagkausap yung nilibre niya ulit ako sa McDo. Haay, eto ako ngayon, nakatingin sa kanyang pic. Shhh, actually, ginawa kong wallpaper sa laptop ko, ako lang naman nakaka alam e, si Shiela nga, hindi niya nakita..sobrang gwapo talaga niya, smiling face talaga o. Tapos, ang linis ng mukha, walang masiyadong bigote, tapos naka eyeglass na nakadagdag pogi points niya kasi sobrang bagay.

Shiela: Hoy! Ano yan daydreaming?

Anak ng....nagulat ako dun ha. Hmp.


Shiela: Wui, may naghanap sayo sa labas.

Jenny: (Tiniklop ang laptop) Sino?

Shiela: Sino pa, di si Poging Nurse.

Jenny: Si Dau?

Shiela: Ayee...kinikilig.

Jenny: Tse! Di no!

Shiela:Your such a liar. Tsk tsk...

Andito siya? Bakit kaya? Namiss niya siguro ako...hehehe.


Dau: Hi. (Nakangiti)

Jenny: Hi. Wui, napadaan ka ata?

Dau: Ai hindi, nasadya lang talaga ako.

Jenny: Ahh...so??..anong kailangan natin? May sira ba yung PC sa station?

Dau: hehe..hindi, actually, last day naiwan mo tong panyo mo sa kotse ko...gabi ko na kasi tong nakita e.

Jenny: Wui..hehe, kahapon ko pa to hinahanap ah. Salamat ha.

Dau: Your welcome.

Hmm..teka, pano ba?...Ah, Jenny? Can i have your number? Ai...halata Dau, ibahin mo.... tsk. Go, baka mahalata niya.

Dau: Um, next week, birthday ko na.

Jenny: Talaga? Advance ha..

Dau: Thank you....um, gusto sana kitang imbitahin...sama mo na rin kaibigan mo..si Shiela right?

Jenny: Ahhh...san mo ba icecelebrate?

Dau: Um, jamming lang sa Apartment namin. Di bale, konti lang naman bisita ko e...

Jenny: Hmmm...sege sege...but i can’t promise, baka kasi mag oovertime kami next week, hindi pa naman sure.

Dau: Ganun ba?..so pwede ko bang mahingi number mo, para i follow up nalang kita?

Hehehe, ayun nakahirit din. Ang galing ko talaga. Hahaha

Jenny: Aw, sure...eto o.

(After minute.)

Dau: Thanks, i’ll text by then ha.

Jenny: Sure.

Dau: Sege, i have to go (tingin sa relo) Duty ko na kasi..sorry di muna kita malilibre ha. Hehe

Jenny: Hahaha, to naman. Okay lang no, di bale, next time, ako naman ang manglilibre sayo...

Dau: Woah, okay you said that ha. Sisingilin ko yan. Haha

Jenny: May ganun? Sure.

Dau: Sege salamat...bye.

Jenny: Bye.

Hm, ano ba pwedeng lutuin next week? Ano kaya paborito nila Jenny at Shiela? Hmm, spaghette? Para namang bata, okay chicken curry?..whew! ang hirap naman mag decide? Teka, sege, sa dessert nalang muna, for sure gusto nila fruit salad. Okay...check, check....wala kayang allergy si Jenny at Shiela sa mga food? Haay..

Ella: Aba, ano yan?

Mark: Maghahanda daw yan sa birthday niya, mukang may special na bisitang darating?

Dau: Haha, have i told you about Jenny Rodriguez, Ella?

Ella: Nope, but i knew her.... is she the special girl?

Dau: Ah c’mon, she’s a friend, magaan lang yung loob ko to her, and also to her friend, Shiela.

Mark: Sus, palusot pa tong mukong na to. Tol, hindi ka magkakaganyan kung hindi siya special sayo.

Dau: Whatever you said. Nung isang araw ko pa lang to nakilala ah, i just knew that she was my batchmate in highschool, i mean our batchmate. See.

Ella: Oo nga, batchmate natin si Jenny, nasa ibang section nga lang siya.

Mark: I didnt know that. Sorry, my bad. Is she pretty?

Dau: Nope. She’s gorgeous. 

Ella: Aba, galing ng banat nito ah.

Mark: See, Ella, ganyan ka-gwapo ang kaibigan natin.. hahaha. At least after Ce...

Dau: Yea right...i dont want to hear her name. O, eto...i will cook, Menudo, Fried Chicken, Spaghetti, and Sinigang..is that enough?

Mark: Hmm, kakagutom naman yan.

Ella: Okay, if that’s what you want..ilan ba mga bisita mo?

Dau: Kayo lang no. And also Shiela and Jenny.

Mark: Im excited to see that gorgeous Jenny. Hehe.

Dau: and also, she’s nice. Haha... sege, i have to get BP.

8pm (Shiela and Jenny’s Apartment)

Shiela: Talaga? Invited tayo? Hmp, baka sa totoo lang, ikaw lang yung inimbita, sinasali mo lang ako. (Kumakain ng otap habang may ginagawa sa laptop nito)

Jenny: Loka, hindi no...sinama ka niya. At take note bestie, kinuha pa niya number ko.

Shiela: Wooo...really? ganyan ka na ba ka-ganda?

Jenny: Hmp, maganda ako no...sa loob at lalong lalo na sa labas.

Shiela: Oo na. E kailan yun?

Jenny: Next week, tetext lang daw siya.

Shiela: (Tumingin kay Jenny habang may ginagawa din sa laptop) Hmm, alam mo?

Jenny: Hindi pa.

Shiela: Tingin ko.

Jenny: Ano?

Shiela: May crush din si Dau sayo.

Jenny: (Biglang nabulunan sa iniinom na softdrinks) Nasobrahan ka ba sa otap?

Shiela: Actually, hindi.

Jenny: Okay ka lang ba? Ba’t mo yan nasabi?

Shiela: E napaka insensitive mo naman pala e...eto ha, una, humingi siya ng sorry sayo nung sinungitan ka niya sa hospital, talagang hinanap pa niya ang accenture company dito sa makati kahit obvious namang malaking kompanya to, pangalawa, nilibre ka niya..twice, tas siya lagi ang sumusundo sayo with matching sweet smiles pa, pangatlo, sinauli niya yung panyo mo nung naiwan mo sa kotse niya, pang apat, ininvite ka niya sa birthday niya.

Jenny: So?

Shiela: Getch?

Jenny: hmm...hindi.

Shiela: Ay, loka-loka ka, kung ako sayo, unahan mo na.

Jenny: Anong unahan ko na?

Shiela: Dau, i love you, kahit hindi mo pa sinasabi sakin.

Jenny: Gusto mong makatulog agad??

Shiela: Suggestion lang naman e.

Jenny: Suggestion?..e parang mo akong ginagawang tanga, at isa pa, hindi magagawa ni Dau yun dahil unang una, may girlfriend siya...pangalawa, hindi siya nanliligaw. Okay?

Shiela: Bahala ka.

Jenny: Hmp... kahit na ligawan pa niya ako, di ako papayag no. Dati ko lang siyang crush, hindi na ngayon.

Shiela: I believe you. (sinulat sa hangin ang salitang LIE sa beLIEve)

(10pm pero hindi makatulog si Jenny. Biglang tumunog ang cellphone nito)

*0909XXXXXXX
Hi, 2log ka na?

*reply: (sino na naman kaya to?)
Sino to?

*0909XXXXXXX
Hehe, opps, si Daudinix 2.

*Jenny:
Wui, hi.. e2 nga e, d pa mak2log, ka2isip sa system buks. Kaw? Duty pa dn?

*Dau:
Usual. Hehe, sori nads2rbo kta.

*Jenny:
Ok lng, wla namng gnagawa e.

*Dau:
Anng fave mng ulam?

*Jenny:
Hmm, the best sakn ung sinigang na baboy. Hehe, bak8 mo naitnong?

*Dau:
Talaga? Fave ko din yn. Lulu2in ko yn sa bday ko, sana mkapunta kayo.

*Jenny:
Hehe. Oo nga e.Matnda ka na pla. Hahaha.

*Dau:
Aba, 28 plng ako no. At kalabaw lng tumatnda. Haha

*Jenny:
Asus, ngpapalusot. Haha, o sege na nga, bata ka pa... sa isip. Haha. Wui, bka aq na 2ng nakdsturbo sau ha.

*Dau:
Hndi, pina2log ko na mga pasyente, nilgyan ko ng alak yung mga dextrouse nila.

*Jenny:
Hala, ang sama nito. Pag aq na-ospital, hndi ikaw ang i-rerefer ko na nurse. Haha

5mins na ah, di na nagreply, baka naman may ginagawa na yun. Tsk, sarap na sana ng usapan namin e.

(Biglang may tumawag)

**Daudinix M.**

Jenny: Wui, napatawag ka ata.

Dau: Sakit ng kamay ko sa kakatype e, hindi naman talaga ako mahilig sa text.

Jenny: Baka kasi mapalo ka na ng doctor diyan ha.

Dau: Mawawalan sila ng cute na nurse. Haha.

Jenny: Ang hangin, naramdaman mo yun??

Dau: Hahaha... o rather say, gwapo at machong nurse.

Jenny: Grabe, bumagyo na ata sa labas o. Hahaha.

Dau: Anong ginagawa mo diyan?

Jenny: Eto, nakahiga, kausap ang taong makulit, tumawag pa talaga.

Dau: Nakadisturbo siguro ako no... naku, baka magising boyfriend mo diyan ha.

Jenny: Loko... laptop ko lang katabi ko at mga teddies ko.

Dau: Eto naman, nagbibiro lang ako. So ano na? Pupunta kayo sa birthday ko?

Jenny: Ang kulit talaga...di ba sabi ko, susubukan namin.

Dau: Oo nga, sabi mo nga. Haha... to naman, nag fofollow up lang naman e.

Jenny: (Humihikab) makulit ka lang talaga.

Dau: Inaantok na to o. O sege, tatawag nalang ako bukas para i-follow up ka, hehe..tulog ka na.

Jenny: Hmp, gusto mo lang atang marinig lagi boses ko e.

Dau: Tama ka dun.

(Katahimikan)

Dau: Hello?..Jenny? natulog ka na ata e.

Jenny: Huh? Hindi..ano..may ano lang, may kinuha lang ako. O sege, tulog na nga lang ako kulit.

Dau: Hehe, sege...goodnight, sweetnightmare.

Jenny: Sira. Sege... ikaw sana multuhin diyan sa hospital.

Dau: Maiinlab multo sakin. Hahaha..

Jenny: Hay, ewan ko sayo..sege na nga..goodnight na.

Dau: Sege...goodnight.

Ano sabi niya? Gusto niyang marinig lagi boses ko? Hmm...inaantok lang naman siguro ako nun e. Tskkk...at matutulog na nga lang ako.
Send this user an email Find all posts by this user
Quote this message in a reply
10-25-2010, 10:33 PM
Post: #6
RE: No Ordinary Love
CHAPTER 5

Pupunta ba ako o hindi?..wala pa akong gift...birthday na niya mamaya. Haaay, sa loob ng isang linggo, naka ilang tawag na ang mokong na yun, at tinatanong lang kong pupunta ba ako? Hmm ang sweet niya no, ahaha. Haay, can’t decide, actually nahihiya lang talaga ako, sa barkada niya at lalong lalo na sa kanya, naku, baka dumating pa yung girlfriend niya dun. Tigoks ako nito, capital O at P. Pero naman!!!..eto na naman ang taong makulit.

Daudinix M. Calling....

Jenny: Hmm?...Mr. Makulit, alam kong busy ka na ngayon kasi 4:30pm na, may time ka pang tumawag ha.

Dau: Hehe, syempre, o ano? Punta ka ha...sama mo si Shiela.

Jenny: Haay, ilang beses ko bang sasabihin sayo Mr. Makulit, na titingnan ko, hindi pa kasi nag aanounce si Mr. Boss dito kung mag OOT kami...okay ba?

Dau: E di, alamin mo na...sege na, tanong mo na....goooo

Jenny: Hala to, e kung batukan kaya kita...hmp, ang sungit kaya nun sa akin, baka pag initan na naman ako.

Dau: O so? Pupunta ka talaga...

Jenny: Hay, ang kulit.....o sege na, para matapos na to..oo na, pupunta ako...ako, si Shiela na naman ang hanging kasi ngayon sobrang busy nun.

Dau: O di mas okay...hehehe

Jenny: Ano sabi mo?

Dau: Biro lang. Hehehe... kulitin mo ulit si Shiela ha...sege na, susundiin kita diyan sa office mamaya.

Jenny: Ha?.. uuwi pa ako, magbibihis.

Dau: Wag na...

Jenny: Ayoko no, saka.... gusto ko ng tubig sa katawan muna.

Dau: O sege, para makita ko din apartment mo..

Jenny: Ha?

Dau: Anong ha?... susundiin kita diyan, tas pupunta tayo sa apartment niyo, pagkatapos, dito sa bahay...okay ba?

Jenny: Ewan ko sayo kulit, sege na...hindi na ako makapagtype sa keyboard ko...may tao kasing makulit.

Dau: Aherm... gwapong makulit.

Jenny: Ha??...nabingi ako saglit..ano yun?

Dau: Sabi ko gwapong makulit...

Jenny: Static e...ano yun, gagong makulit?

Dau: Ang sama naman nito.... off ko nalang to.

Jenny: Hahaha...magkita nalang tayo within 1hour Mr. Makulit.

Dau: Gwapo.

---Line off---

Okay, atlast..libre na akong makapagtype sa keyboard ko. Ang kulit talaga nun.

Shiela: Hay, atlast okay na din ang network, whew, naloka ako saglit dun. So, tuloy tayo sa birthday bash ni Dau. Hehe

Jenny: E ano pa nga bang magagawa ko, kanina nga, nangulit na naman.... susunduin daw niya tayo.

Shiela: Ay, talaga? Sege sege...

5:30 (Uwian)

Shiela: Wui, ayun na pala siya o.

Dau: Hi... hehe.

Jenny: Kanina ka pa?

Dau: 5 minutes waiting lang..so tayo na?

Afterwards.......Dau’s Apartment.

Jenny: (sa may gate) sinong nagluto?

Dau: Ako..kanina. o diba...

Jenny: Oh?? Its already 7pm, panis na yang niluto mo. Hehe

Dau: Di no, ilalagay lang yun sa microwave...and..here! welcome to my apartment. Ayos ba?

Shiela: Ikaw lang tumira dito?

Dau: Hindi, kasama ko si Adrian...and Adrian, this is Shiela and of course Jenny.

Adrian: Hi, nice meeting both of you.

Dau: And that girl, that is Ella, the guy in the kitchen, that’s Mark.

Ella: Hi, Jennnyyy...kumusta girl?

Jenny: Okay lang.

Mark: Hi...Shiela right?..and Jenny?

Shiela: Hello din...sila lang ba bisita mo Dau?

Dau: Yup...so halina kayo.

(While Eating)

Ang saya, habang kumakain, kwentuhan dito, kwentuhan doon...at very accomodating sila Mark, Adrian and Ella and also Dau, kahit napapalibutan na puro nurse they are interested about computers, so kami naman ni Shiela, mega explain to the highest level, mahirap na... programmers ata kami. Hehehe. So, pagkatapos namin kumain, kanya kanyang puntahan na rin kami, si Shiela tumulong kay Mark nagligpit. Si Dau naman, may tiningnan sa component player niya, si Ella at Adrian naman, nasa kusina, naghuhugas. E ako? Ayaw akong patulungin nila Mark, tas nag second the motion ang lahat. Haay, kaya eto ako, nasa maliit na terrace sa itaas nila...ang ganda ng mga bituin. Haay...relaxing.

Dau: Wui.

Jenny: Grr...Mr. Makulit!

Dau: Hehe, sabing gwapo e.

Jenny: Oo na, gago..sabi mo e.

Dau: Hahahaha..talaga to. O? Nabusog ka naman? Ang sarap kong magluto?

Jenny: Hmmm...o sege, 99.99% masarap ka ng magluto. Hehehe

Dau: Hay, ang lapit na sana...tsk, sana sinarapan ko pa.

Jenny: O sege na, nagpapakonsensiya pa tong mokong na to. Oo na po, masarap na po.

Dau: Yes! Hahaha...nakuha ko din.

Konting katahimikan.

Jenny: Di ko ata nakita girlfriend mo.

Dau: Ano?

Jenny: Hm??...

Dau: Paki ulit nga sinabi mo?

Jenny: Sabi ko, di ko nakita girlfriend mo dito?

Dau: Girlfriend? Sinong maysabi sayong may girlfriend ako??

Hmmm ...sa facebook profiel mo? Waaaaaaaaaa..ayan Jenny, pahiya ka.

Jenny: Ahh, ano dun sa ano....sa..actually, sa facebook profile mo?

Dau: Hahahahaha....sa facebook profile ko? Nakita mo pa pala yun?

Jenny: Oo naman no, try mo kayang i search name mo... haaay, as if naman hindi ka laging nag oopen.

Dau: Di na nga.

Jenny: Ano?

Dau: Sabi ko, di na nga...its almost 3 years and a half, inactive na yung account ko.

Shhhhhhhhhhhhhhhhiiiiiii....ay bad...grrrrrrrrrrrrrrr

Dau: Bakit ka natulala diyan? Ikaw ha...hinanap mo ako sa facebook ha...siguro crush mo ako no?

Hala, hala....sapakin ko kaya tong mokong na to. Tumaas ata dugo ko, uminit pisngi ko...gosh gosh...no..Shiela, tulong!!!!

Jenny: ANO????!!!.... kapal mo ha. E talaga naman dati no, nasa friendslist kita...na erase ko lang siguro yung profile mo kaya ko sinearch, saka ano namang connect dun no? Hmp...diyan ka na nga.

Dau: O....to naman, masiyadong highblood. Nagbibiro lang naman e...oo na, hindi mo na ako crush, kunwari nalang...

Jenny: Hmp....aalis na ako.

Dau: Hahahaha. Bakit? May boyfriend ka na ba?

Jenny: Wala!

Dau: O yun naman pala e, hindi masamang magka crush sa ibang tao.

Jenny: Oo sa ibang tao..okay lang, pero ikaw???..ikaw Mr. Makulit at saksakan ng sungit....nevah.

Dau: Anong masungit? Nag sorry kaya ako sayo no.

Jenny: Weh, pero masungit ka pa rin, aminin mo na kasi yun.

Dau: Mabait ako...at gwapo.

Jenny: Hala, kumidlat...ikaw kasi, wag ka ng magsinungaling..tatamaan ka niyan.

Dau: hindi no, ang tatamaan niyan, sa taong ayaw maniwala. Hahahahaha.

Jenny: Hmp.

Konting katahimikan.

Jenny: Mahilig ka bang mag stargazing?

Dau: Hmm? Medyo, pag ako lang mag isa dito sa apartment at hindi ko duty.

Jenny: Ang ganda kasi nilang tingnan no.

Dau: Oo.

Hay, sana laging ganito, katabi ko siya, kausap. Hehehehe...nananaginip na naman si Jenny.

This maybe the happiest birthday i ever had. I dont know, maybe because i gain two friends. Thank you Lord. And the star tonight is beautiful....really, beautiful.
Send this user an email Find all posts by this user
Quote this message in a reply
10-26-2010, 11:05 PM
Post: #7
RE: No Ordinary Love
CHAPTER 6

Mark: O... isang linggo mo nalang laging binabanggit si Jenny sa akin ah.

Dau: So? Anong masama?

Mark: Wala naman....

Dau: I consider her as my bestfriend, magaan lang yung loob ko sa kanya.

Adrian: At hindi mo ba yun naisip that you might..take note...might fall inlove with her?..hmm?

Dau: Hahaha....ba’t niyo yan nilalagyan ng malisya?

Mark: Hep!!..tol, hindi naman sa ganun, pero hindi mo ba naisip? Na ang lahat, nag uumpisa sa...

“Pagkakaibigan”

Dau: Woshooo....gutom lang yan, ibahin niyo naman kami ni Jenny..were batchmate, at binabawi ko lang yung mga times na hindi kami nagkakilala noon.

Adrian: Mark, ang hirap naman kausap ng utol natin....simula nung kay Cel....

Dau: Got to go....may aasikasuhin pa ako.

Mark: Hoy, ba’t ba ayaw mong pag usapan yun?

Dau: Gagabihin siguro ako ng uwi Adrian, the key is in your locker. Bye.

Kainis naman taong yun, lagi akong inaasar. Hay, at binibigyan pa ng dungis pagkakaibigan namin ni Jenny.


Accenture Office.

Dau: Knock knock...

Jenny: Kagulat ka naman, teka...pano ka nakapasok?

Dau: Hmm si Shiela. Hehe, labas tayo mamaya....

Jenny: Huh? Busy pa ako..

Dau: Hmm, i’ll wait, wala kasi akong kasama e.


Jenny: Bakit di mo ba duty?

Dau: Day shift ako..from 5am to 3pm.

Jenny: Ahh...mamaya pang 6pm labas ko.

Dau: Maghihintay ako sa kotse ko... sege na.

Jenny: Ewan ko sayo Mr. Makulit.

Dau: Sege ka, pag hindi mo ako sinamahan....

Jenny: Hmm?...ano na naman gagawin mo? Alam mo ikaw, tigil-tigilan mo na ako sa mga blackmail mo ha...alam mo namang sa bandang huli mapapayag mo naman ako e. Hmp...oo na po, Mr. Makulit..

Dau: Sabing gwapong makulit..

Jenny: oo na, gagong makulit.

Dau: Maghihintay ako sa kotse...hehehe..

Jenny: Sege na, tsupi, may gagawin pa ako.

Haay...kaloka lokong yun.

Shiela: Nag resign na si Kevin.

Jenny: Ha? Bakit?

Shiela: Mas nakahanap siya ng company sa labas ng bansa. Ang swerte no.

Jenny: Ganun ba?... kaya naman pala hindi ko na siya nakikita dito last week pa.

(Sir. Nikolai’s office)

“Kuya, i have to take the position as the head programmer in IT department. Nawalan ka na ng empleyado, siguro ako...okay na rin.”

Sir Niko: You shut up Nicky..hindi mo field ang IT.

Nicky: E anong gagawin ko sa bahay?

Sir Niko: You have your life in state, why you get home?

Nicky: I don’t want to have business again with mom and dad, lagi nila akong sinasakal sa mga desisyon ko. Kuya, i need it...i need a job.

Sir Niko: Then not in this company, hindi ko rin to pag aari.

Nicky: But i know you can back-up me. Please...

Sir Niko: *Sigh* ano pa nga bang magagawa ko.
Send this user an email Find all posts by this user
Quote this message in a reply
Post Reply 


Possibly Related Threads...
Thread: Author Replies: Views: Last Post
  Not your ordinary girl pichoy01 4 960 03-20-2012 01:03 AM
Last Post: pichoy01
  no ordinary love.. new story p0h baby_loislane04 8 2,108 03-28-2010 11:31 AM
Last Post: daizy_025

Forum Jump:


User(s) browsing this thread: 1 Guest(s)