|
Join our Facebook Page |
|
|
|
|
LOVE-NAT ♥ isang makulit na lovestory!!
|
|
10-29-2010, 08:30 AM
(This post was last modified: 10-29-2010 08:38 AM by elliedelights.)
Post: #1
|
|||
|
|||
![]() ![]() ![]() ![]() What could possibly happen... when YOUR life takes a sudden turn? What IF, all of a sudden, LOVE reveals itself to you ...and it takes you by SURPRISE? Will you run? Will you hide? Or will you take the risk to do the craziest thing... ...TO FALL IN LOVE? LOVE-NAT by: elliedelights INTRO. Potchi is the Word. Hindi biro ang buhay college. Hindi biro ang umupo ng walong oras sa loob ng classroom at magmuni-muni at magkunwaring nakikinig sa mga propesor. Hindi biro ang tuition fee na binabayaran ng mga magulang ko pang-kolehiyo ko. At higit sa lahat, hindi biro ang kumopya sa accounting quiz na siyang sinasagutan ko ngayon! Bawat numero, bawat puntos, MAHALAGA! Kaya nga dito sa kursong nakuha ko - B.S. Accounting - tatlong bagay lang naman ang kinakailangan mo para mabuhay: 1.) calculator 2.) mga butihing KABARKADA na handang ibigay sayo ang sagot kahit sa ANO pang paraan!! Be creative!! 3.) and last but not the least, a pair of trained EYES para makita ang mga sagot kahit gaano pa ito kalayo!!! Kung wala ka ni-isa sa mga ito. Ha. Good-bye!! Ika nga nila, "No man is an island!" At sinasabi ko na, take it from someone na nabuhay at nakaabot na ng 4th year dahil sa tatlong bagay na toh. Hinding-hindi ka tatagal sa kolehiyong ito kapag nagiisa ka lang!! Pero minsan talaga hindi maiiwasang magkalimutan... kaya't kinakailangan ko pang sipain ang upuan ng bestfriend kong si Borge na nasa harapan ko. Si Borge nga pala ay isang lalaking nakulong sa katawan ng isang babae. Haha. Gets niyo naman na siguro yun! Chaka ko na i-explain ng maayos, busy pa ko sa pangongopya nuh!!! So ayun na nga...nakuha na ni Borge ang malupet kong signal at bigla na siyang pumindot ng calculator niya. Tumingin muna ko kay prof. Area's clear! Sumimpleng tingin na ko sa calculator ni Borge. Una niyang tinaype e 1. Ibig sabihin question number 1. Tapos sumunod ee 950,000 na siyang sagot sa nasabing numero at dire-diretso na ang ritual naming dalwa. Itatype muna niya yung question number tapos yung mismong sagot! Oh diba? Creative? Anong say niyo? Naisip ba yang gawin ni Einstein nun? Kahit nga si Newton o kahit sino pang genius yan... walang magagawa sa iba't ibang style namin ni Borge sa pangongopya!! haha. On with the story... baka naman isipin niyo B.I. na kami niyan. Naku aa, baka iniisip niyo na gawain ko 'toh. Medyo medyo lang. Basta kami ni Borge ang pagtatabihin niyo, asahan niyo na... asahan niyong wala kaming gagawing matino. haha. Saming limang magbabarkada kami talaga kasi ni Borge ang pinaka TANDEM, for short pinaka gago at pasaway. Sa totoo lang, inseparable kami nitong si Borge kaya nga pati tuloy ako napagkakamalan na ding tomboy tapos ganto pa ko umasta, lalo na at ganto pa itsura ko - short hair (boy cut) at ni walang kaarte-arte sa katawan. Ultimo bag ko, pang lalaki - bag pack. Pagkatapos kong masagutan ang last na number, pinasa ko ng agad ang papel ko. Wala ng re-check re-check. Ee para san pa yun? Wala nga akong masagutan. Prof: Oh, Ms. Dimaculangan mukang aral na aral ka ngayon aa? Syempre ngumiti na lang ako. Hindi niya alam na ang lubos kong pinagaaralan kagabi ay kung ano seating arrangement namin nitong sila Borge at kung anong pinaka madaling paraan para makakopya!! haha. At sa wakas... natapos na din ang linchak na quiz!! Ang hirap talagang mangopya!!! Bukod sa nakakapagod ee talaga namang nakakagutom... kaya naman pagkatapos na pagkatapos ee dumiretso na kaming lima sa McDo. Borge: Hoy Ellie! Ano nakuha mo bang lahat kanina? Siya nga pala ang pangalan ko ay Eleonor Malicsi Dimaculangan, Ellie na lang for short. I'm 19 years old taking up BS Accountancy sa Matute University of the Philippines. Ako: Malamang. Gagu ka talaga ee. Kung di pa kita sisipain ee di mo pa ibibigay saken sagot ee malapit ng mag-time. Borge: Lul. Masyado kang excited ee hindi ko pa tapos kunin sagot dito ke Sara. Ako: Sigurado ba mga sagot naten? Sara: Oo. Sigurado yun. Siguradong babagsak tayong lahat!!! Ako: haha. Anakshota!!! Jill: Magbagong buhay na nga kasi kayo!! Meg: Asa ka jan ke Ellie at Borge!! Borge: Oh, tae ako nanaman dadamay niyo! 'to ngang si Ellie malakas mangopya ee. Ewan ko ba jan, wala na ngang pinoproblema sa buhay hindi na lang mag-aral. Ito ang usual scenario namin tuwing lunch pagtapos ng accounting period. Asaran. Kwentuhan. Tipikal na lunch break ng mga magbabarkada. Wag kayong magalala makikilala niyo rin ng lubusan ang mga loka-lokang 'toh sa mga susunod pang kabanata dahil ngayon umaatake nanaman ang sakit ko. Ako: Sheet!! Jill: Bakit? Borge: Ano yun? Ako: Tae!!! Borge: Huh? Asan? Sara: Kumakain kami diba? Ako: Gagu. Na-popotchi ako!! Peram wet wipes!!! Dali!!! Borge: hahaha. Anakshota ka talaga Ellie!! Alam mo minsan... ikapapahamak mo yang pag-potchi mong yan!!! Pigilan mo na yan!! Time na oh, may class pa tayo!! Hindi ko naman aakalain na magkakatotoo ang sinabing 'to ni Borge. Hindi man lang pumasok sa isip ko na kahit papano - kahit minsan - may sense din pala ang sinasabi niya. Minsan nga... iniisip ko... na sana pala... kung nakinig lang ako sakanya... kung sana... pinigil ko na ang bugso ng tiyan ko... siguro... siguro nga... hindi mangyayari ang dapat na mangyari... To be continued... Alamin sa susunod na kabanata kung anong kamalasan ang naghihintay kay Eleonor Malicsi Dimaculangan. haha. NOTE: 1. Matute University of the Philippines ~ does not exist!! Imbento ko lang po ito. 2. Potchi ~ it means, pupu. Pina-sosyal na nata-tae. LOVE-NAT by: elliedelights Chapter One. Boys' CR Minsan talaga... may mga simpleng pangyayari sa buhay natin na kahit kelan hindi natin ineexpect na makakapag pabago ng takbo ng buhay natin. Simpleng pangyayari lang. A simple encounter that could make your whole world turn upside down. Who would have thought that something so typical, so ordinary could change your life forever? Haii... bakit kasi walang manual ang buhay ng tao? Ee di sana naman nalaman ko na beforehand para naka pag-prepare ako sa mga susunod na mangayayari - lalo na ngayon!! Naku, tama na nga sa mga mala- Edgar Allan Poe ko na introduction... haha. Going back to where we've left off... Since time na nga at may next class pa kami sa Law pinauna ko na sila Borge, Sara, Meg at Jill sa room. Naku, strict ang propesor namin dun kaya walang magtangkang magpa-late. Malamang abogada kasi. Pero wala naman akong magagawa diba? Hindi naman pwedeng pigilan ko na lang ang tawag ng kalikasan. Ganto talaga ang tiyan ko, masyadong maselan. Walang araw na ginawa ang Diyos na hindi ako nag-cCR. Dalwang bagay lang naman ang kinakailangan ko para mabuhay sa mundong ibabaw: wet wipes o kea tissue at syempre matinding pabango. Kaya naman si Sara ang masugid kong sponsor dahil sakanya lahat ang gagamitin ko. Ngunit, subalit, datapwat!!! Pagdating ko sa girls' CR, ang mga katagang "CLEANING TIME" ang siyang bumungad sa aken. Naka-lock ang pinto at napatingin ako sa aking relos. Oo nga pala saktong 1:20 naglilinis si ate janitor dito. Sh**t!!! Aruy ku pu!!! Lalabas na 'toh... malamig na pawis na ang tumatagaktak saken at nagsisitaasan na ang dulo ng mga buhok ko sa braso. Diyos ko po Lord, pinapangako ko hinding-hindi na ko mangongopya... wag niyo lang ako parusahan ng ganito!!!! Hindi ko na talaga kakayanin toh!!!! Magpapakabait na ko... magiging mabuti na kong istudyante, anak, ate at mamamayang Pilipino... Buti na lang at narinig ni Lord ang mga panalangin ko, paglingon ko sa kaliwa nakita kong bukas ang CR ng BOYS!! I love you Lord!! Pramis, minsan minsan na lang talaga ko kukopya at susubukan ko sa abot ng aking makakayang magpakabait!!! hehe... sabay bawi ano? Hindi man sa pagmamayabang ano, pero kasi lahat na ata ng CR dito sa buong Matute University of the Philippines ee nabinyagan ko na!! Name it, at siguradong na-potchian ko na yun pero ngayon lang... as in NGAYON lang... sa tanan ng buhay ko... ngayon ko lang 'toh gagawin... ang pumotchi sa boys' CR. Tinignan ko muna ang hallway... walang tao... chaka ako sumilip sa loob ng boys' cr... wala ding kalalakihan. YAHOO!!! Kaya naman, dali-dali akong pumasok at ni-lock ko mismo ang entrance door!! Diyos ko Lord, alam kong trespassing toh pero sana naman maunawaan niyo... para sa tiyan at sa ikabubuti ng sambayanan... pagbigyan niyo na ko!!! Pinatong ko lahat ng gamit ko sa may sink, kinuha ang wet wipes at pabango at pumasok sa cubicle. Haiii... nakaraos din!!!! Salamat!!! Mga ilang minuto na ang nakakalipas... at nagco-concentrate pa din ako... haii... pag biniyayaan ka nga naman ng gantong tiyan oh... maya-maya bigla ko naisip na sobrang tahimik ng kapaligiran... at naalala ko ang horror story na kumakalat sa unibersidad... meron daw nag-suicide na istudyante dito mismo sa CR ng boys at ayon pa nga daw sa sabi-sabi kapag kumanta ka dito sa CR ee merong magtutuloy ng kanta mo... bigla-bigla akong kinabahan... pano kung biglang may pugot na ulong lumabas sa ilalim ng cubicle? O kaya pano kung may kamay na humaltak sa paa ko? Biglang nawala ang hilab ng tiyan ko at napalitan ito ng mabilis na tibok ng puso ko... tama bang takutin ang sarili??? Ako: Easy ka lang Ellie... easy ka lang... Bakit nga ba ko natatakot? Hindi naman totoo yun!! Kwento-kwento lang yun!!! Kaya naman naisip kong gawin ang imposible... sige, kakanta ako... tignan naten kung ano mangyayari!!!! Ako: :Whistle: 'Cause I Don't Care eh eh eh eh eh.. I Don't Care eh eh eh eh eh Boy I Don't Care... Hinihintay kong may mag tuloy ng kanta ko. Pero ang sumunod ay total silence. Malamang, napaka ambisyosong multo naman nun kung pati ang K-pop na kanta ng 2ne1 ee alam niya diba? Perrroooo... kung bakit ako namutla at halos tumalon na palabas ang puso ko sa takot ay sa kadahilanan na biglang may nagtuloy na kanta ko... Boses: Dareun yeojadeurui darireul humchyeoboneun// Niga neomuneomu hansimhae// Maeil ppaenonneun keopeulling// Na mollae han sogaeting// Deoisang motchameulgeotgata// Oh oh oh SBAM!!! Despite the fact na takot na takot na ako nakuha ko pa din maglinis kahit na gusto ko ng tumakbo palabas! Pero pang-Guinness Book of Record talaga ang ginawa ko sa bilis kong nagpack up at lumabas ng cubicle... hindi ko na din nakuhang magamit ang pabangong pinahiram saken ni Sara... wala na kong pakialam... hindi ko pinangarap na maging biktima ni Sadako nuh!!! Pero pagbukas ko ng pinto ng cubicle nanlaki lalo ang mga mata ko dahil hindi ko ineexpect na ang bubungad saken ay isang GWAPONG MULTO... ayun siya... oo ayun... nakaharap sa salamin at nakangiti na para bang naaaliw... pero kahit gaano pa siya kagwapo o kahit kamukha pa siya ni Brad Pit o Leonardo De Caprio o kahit siya pa si John Lloyd Cruz o Derek Ramsey... nakuuu hindi napigil ng ka-gwapuhan niya ang tindig ng balahibo ko sa TAKOT!!! Dali-dali ko ng hinablot ang bag ko at tumakbo palabas ng CR. To be continued... Magkita-kita ulit tayo sa susunod na kabanata... hahaha... patikim pa lang yan para sa intro ng prince charming ni Ellie... sana na-ENJOY kayo sa chap na 'toh... please read and review... mas gaganahan akong mag-update pag may comments... haha... kaya nga mejo napahaba toh ee... thank you nga pala sa mga nag-comment... this chapter is dedicated to you guys... muahs =) See you all next time. Ciao!!! |
|||
|
10-29-2010, 12:27 PM
Post: #2
|
|||
|
|||
|
RE: LOVE-NAT ♥ isang makulit na lovestory!!
ai. . . ang kyut!!!!!!
heheheh...... finally~! may bago rin! woooooohh!!! party-party! tuloy nyo po ah. . . . .
|
|||
|
11-01-2010, 09:52 PM
Post: #3
|
|||
|
|||
|
RE: LOVE-NAT ♥ isang makulit na lovestory!!
asan na yung kasunoooooooooooodddddd????????
|
|||
|
11-10-2010, 02:07 AM
(This post was last modified: 11-10-2010 02:12 AM by elliedelights.)
Post: #4
|
|||
|
|||
|
RE: LOVE-NAT ♥ isang makulit na lovestory!!
Chapter Two. First Kiss.
Ang napaka sungit at strict kong propesor sa Law e hindi na din nakuhang magtaray saken pag pasok ko ng classroom. Ikaw ba naman mamutla ka ng bonggang-bongga na parang nawalan ka na ng ‘sang galong dugo ee siguradong kahit sinong anak ng Diyos ee maaawa sayo. Tapos sabog na sabog pa itsura ko, tipong hahabulin na ko ng suklay at plantsa dahil sa gulo ng buhok ko at gusut-gusot kong uniform. At kahit sino naman ee hindi na kailangan mag-alinlangan pa sa itsura kong ‘toh. Isang tingin lang sakin alam na ng lahat na nakakita ako ng MULTO. Borge: Tol, anong nangyari sayo? Ako: (tulala pa din) … Sara: Grabe, para siyang pinagnasaan at tinapon na lang sa isang tabi! Meg: Asa ka naman!!! Yan?? Sinong magtatangka diyan nuh? Kadiri. Borge: Hoy, tol!! Ano ka ba? Para kang nakakita ng tikbalang aa? Ako: Oo tol... Isang gwapong tikbalang!!! Nagkatinginan na lang sila Borge, Jill at Sara sabay tawa ng malakas na malakas. Borge: Sa tanda mong yan, kung anu-ano pa yang mga nakikita mo!! Di na uso multo ngayon Ellie!! Ako: Di ako nagbibiro… may multo talaga sa Boys’ CR!!! Totoo pala yung kwento-kwento na pag kumanta ka itutuloy nung multo yung kanta mo… Borge: Tol, biruin mong may mas nakakatakot pa palang multo kesa sayo? Sara: Flash News! Isang dalaging-ding, nakakita ng multo sa Boys’ CR ng Matute University of the Philippines!! Sosyal ka!! Mabenta yun sa diyaryo Ellie!!! Ako: Naisip ko, pano kung sundan ako ng ligaw na kaluluwa na yun? Pano kung sirain niya ang buhay ko at habang buhay niya kong gambalain? Pano na ko? Marami pa kong pangarap sa buhay… Sa mga sinabi kong ’toh binatukan tuloy ako ni Borge. Borge: Pakyu!!! Masyado kang ambisyosa… ahh. Kung sa bagay, tama ka!! Hahabulin ka nga nun sa pagaakalang isa kang dalagang tikbalang!! Sara: Oh e di kayo na!!! Kayo na ang hari’t reyna ng mga tikbalang… pakasal na kayo!!! Ako: Gagu!!! haha.. Tama. Bakit ba ko natatakot sa multong yun? Ee wala naman akong ginawang masama? Pumotchi lang naman ako sa teritoryo niya… hindi naman siya masasaktan sa amoy nun!!! Maya’t maya biglang may umakbay sa akin. Si John Paul (a.k.a. Japo). Mabait tong si Japo, siya pinaka ka-close ko sa mga kalalakihan. Intsik beho to na kilalang kilala sa buong campus hindi dahil sa gwapo siya o ano pa man… pero masaya kasing kaibigan tong si Japo kaya mahal na mahal ng lahat. Ako nga pala ang nagbigay ng pangalan niyang Japo ewan ko ba at biglang lahat ee nakigaya na. =) Japo: Oi Ellie… itsura mo!!! Nakipag-habulan ka nanaman ba ke Manong Guard? Ako: Sira!!! Borge: Wag mo ng tanungin Japs, maloloka ka lang! Japo: Oh sa Biyernes nga pala aa? Meg: Bakit? Ano meron sa Biyernes? Japo: Merong party sa Eastwood. 8pm. Lahat ng students ng MUP imbitado. Borge: Yown!!! Deym!!! Party!!! Sara: Tamang-tama may bago akong dress… masusuot ko na din!!! Japo: Uh… (namumula) Ikaw Jill? Wag ka sana mawawala aa? Ako: (sabay batok ke Japo) Gagu!!! Wag ka nga Japo… wag kang pa-cute di bagay sayo!! Jill: Uh… di ko pa sure ee… Japo: (hinigpitan ang akbay saken) Ellie talaga… wag ka magulo… (biglang tinatakpan ang mukha ko ng kamay niya) Uh, Jill… kung gusto mo sunduin na lang kita sainyo… chaka… Ako: Taeeee… JAPO!!!!!!!!!!!! (tinatanggal kamay niya) Jill oh!!! Jill!!! Jill: Magpapaalam pa kasi ako ee… hehe… Japo: Ahhh ganun ba?… Ako: Bat ako hindi mo tinatanong? Borge: Ee obvious naman na si Jill lang ang gusto niyang pumunta nuh!!! Japo: Oi hindi aa… lahat kayo imbitado… Oh ano Ellie?… Ako: Hindi din ako sure… tsk… gastos lang yan… wala akong pera… Hindi ako kagaya ng mga kaibigan kong ‘toh. Hindi naman ako anak ng donya at don pero hindi din naman ako kasing hirap ng daga. Sa katunayan naman ee kumakain naman kami tatlong beses sa isang araw. Kung baga, hindi kami mayaman at hindi din naman kami mahirap. Pero kasi, hindi kasama sa budget ko ang pag-gmik. Borge: Umiral nanaman yang ka-kuriputan mo!!! Kaya ka minumulto niyan ee… Ako: Gagu!!! Tinatamad kasi ako ee. Japo: (nakaakbay pa din) Ano ka ba Ellie? Wag ka ngang KJ… at wag kayong magalala LIBRE lahat yun… Borge: Huwaw!!! Sheet… oh tara na!!! Ako: Eeeehhh… tinatamad talaga ako ee… Sara: Ano ba kasing event yun Japo? Bakit buong school imbitado? Japo: Wala lang… party lang… bakit kailangan ba lagi ng dahilan para pumarty? Meron tayong sponsor… sagot na niyang lahat. Meg: Sinong niya? Japo: Basta… kaya nga pumunta kayo ee… Borge: Ellie ano? Tol naman ee… lam mo namang di ako pupunta ng di ka kasama… Ako: Pakyu!! haha. Borge: Sige na… Ako:Libre? Japo: Oo. Ako: May pagkain ba dun? Japo: Oo. Sagot na ng sponsor natin yun. Borge: May beer? Japo: Oo. Swimming pool ang beer dun. Ako: Oh, Jill tara punta na tayo!!!! Jill: Huh? Eeee…. Ako: Wag ka magalala meron silang isang drum ng iced tea dun!!!!! Borge: Eeee… may gwapo naman kaya??? Japo: Ehem. Andun ako ee. Ako: (tinanggal kamay ni Japo) Tara na. Nagkakalokohan na dito ee… Borge: (tumayo na din habang nagkakamot ng ulo) Tara girls, gutom na ko ee… At iniwan na lang namin ang kawawang si Japo…. hahaha… ----------------------------------------------------------------------- Makalipas ang tatlong araw matapos akong multuhin sa Boys’ CR… pumatak na din ang araw ng Biyernes… ang araw na magpapabago ng takbo ng buhay ko… ang araw na kahit kailan ay hinding-hindi ko na makakalimutan… Kapag ganitong mga gmikan wala ka ng iba pang maaasahan kundi si Sara Felisidad. Sa taglay niyang galing sa fashion at make-up ee talaga namang talong-talo niya si Ricky Reyes at Vicky Belo combined!!! Naku, swear!!! Wala ng iba pang tatalo kay Sara sa larangang ito!! Oo mga kapatid nandito kami sa mala-mansyong bahay ni Sara nagkita-kita kanina pang alas-tres ng hapon. At biruin niyo tirik na tirik ang araw ng dumating ako dito ngayon nabalot na ng kadiliman ang kalangitan at hindi pa din tapos si Sara, Meg, Jill at Borge sa pag-aayos!!! Oo, tama, pati si Borge!!! Hayun sila nakapila ke Sara. Tapos na niyang make-upan sila Meg at Jill at damit naman ang pinoproblema ng mga loka-loka. Ako? Sus. Wala akong hilig sa mga ganyang klase ng bagay. Ni buhok ko nga ee hindi ko masuklay, magpamake-up pa kaya??? Kaya pinanunuod ko na lang sila habang nakahiga sa water-bed ni Sara. Kumpara sa aming lima, ako lang ang namumukud tanging naka shorts at sleeveless at naka rubber shoes. Silang lahat ahy talaga namang naka dress at high-heels. Oo pati si Borge!!! Gaga talaga ‘to kahit kelan ee… haii… at ngayon 6:00 pm na at mukang wala pa din silang balak matapos at inaantok na ko!!! Borge: Ellie, ano ka ba? Maraming damit jan si Sara oh, magpalit ka nga!!! Ako: Naku, tama na yung pinagbigyan ko kayong sasama ako!!! Ito ngang si Jill oh, kanwari pang di sasama… Sara: Syempre, andun si papa Japs mamaya!!! haha. Jill: Oi, hindi aaa… wag nga kayo…. Meg: Ellie, kahit magpalagay ka lang ng konting powder ke Sara oh!!! Ako: Aaaa-yo-ko!!! Sara: Hay naku, magmumuka ka lang PA ko dun pag ganyan ang itsura mo!!! Ako: Ahh basta, ayoko!!! Bilisan niyo na lang at gutom na ko!!!! Nagkatotoo nga ang sinabi ni Sara. Para kong basahang naglalakad sa Eastwood. Andaming mga taga-MUP na kamuntik ko ng hindi makilala dahil ngayong gabi ee nagmuka silang mga tao dahil kagaya nila Sara, naka make-up din ang mga kababaihan at ubud ng iiksi ng mga damit nila. Ultimo ang mga lalaki ay naka porma. Samantalang ako… ito…. muka ngang personal assistant ng mga bruha kong mga kaibigan. Borge: Sabi ko sayo ee magbihis ka!!! Ako: Eee… hindi naman ako nandito para makipagkilala sa kung kanino… Meg: Oo na. Pagkain lang habol mo dito. Oo nga pagkain lang… pero lintik pagpasok namin sa The Manor, isa sa mga bar sa Eastwood, ee Dios ko po halos hindi ako makahinga sa siksikan ng mga tao tapos ang sakit-sakit pa sa tenga sa sobrang lakas nung tugtog, ang dilim dilim pa... tapos lintik ang usok ng mga naninigarilyo. Ni wala ngang lamesa o upuan ee. Lahat nakatayo at lahat andun sa dance floor nagsasayawan. Wala silang paki alam sa mundo basta sayaw lang sila ng sayaw!! At ako??? Ito kumakalam na ang tiyan!!! Dumidilim na paningin ko!!! Asan ang chicken joy? Asan ang lechon? Asan ang pancit? Ice cream? Bangus? ASAN ANG PAGKAEN????? Walang ibang nakahain sa maliit na lamesang nakatayo sa tabi ko kundi mga bote ng beer, baso ng iced tea at isang katakut-takot na yelo. Alam ko mga kaibigan, muka akong adik pero wala sa bokabularyo ko ang uminom ng alak!!! Yun, yun ang pinagkaiba namin ni Borge. Lahat ng bisyo alam niyan!!! Katulad ngayon, halos nalanghap ko na ang lahat ng binuga ng sigarilyo niya. At kapit na kapit na sa damit ko ang amoy ng sigarilyo. Hindi na maipinta ang muka ko… naku JAPO wag na wag kang magpapakita saken… hayup ka!!! Kakatayin talaga kita at ikaw ang gagawin kong hapunan!!! Sara: Oi Ellie… tignan mo oh!! Ang gwaaaapoooo!!!! Nakatingin sayo!!!!! Ako:(nakaalumbaba na sa mesa) Oo. Sige. Gwapo. (pero hindi naman ako nakatingin at wala naman akong pakialam… kung pagkain siya matutuwa pa ko) Meg: Tara, sayaw tayo dali!!! Borge: Tol, okay ka lang? haha. Tara gusto mo munang lumabas??? Ako:Hindi. Dito na lang muna kayo… ako na lang magisa lalabas… papahangin lang ako… Sunud na lang ako sainyo mamaya… sasayaw na lang din ako pagbalik ko… Borge: Talaga? Ako: Oo. Pramis! Sige na. Borge: Sige, sunud ka na lang tol. Waaaah… paglabas ko grabe… FRESH AIR!!!!!!!!!! Parang ayoko na ngang bumalik sa loob ee!!! Naisip ko hindi naman siguro masama kung magliwaliw muna ako… at least dito sa labas hindi ako OP. So ayun na nga, nilibot ko muna ang Eastwood. Napadpad ako sa hall of fame na kung saan ang mga pangalan ng mga batikang artista sa industriya ng Pilipinas ay nakaukit sa LAPAG na may hugis bitwin. Haha. Hinanap ko yung pangalan ng sweetheart kong si John Lloyd Cruz. Tapos mga sandal pa ee napadpad ako sa isang park sa Eastwood. Hindi ko alam kung ano man ang tawag nila sa lugar na toh… basta muka siyang park saken… Maganda ang ambiance nung park, mejo mahangin at meron pa ngang mini pond sa may maliit na bridge banda dun. Dali-dali akong pumunta dun para tignan kung may mga isda ba sa pond… di naman sumagi sa isip ko na wala napala gaanong tao sa gawing ito…dapat naisip ko na hindi pala dapat naglalakad ng mag-isa ang isang dalagang kagaya ko. Sumilip ako sa pond at naaaliw ako habang pinagmamasdan ang mga isda… ng biglang… Lalaki 1: Hey beautiful… how could you be alone in a place like this? Beautiful? Ako ba yun? Paglingon ko, napapalibutan na ako ng apat na binatilyo. Sila yung mga tipong mga anak mayaman pero halata sa mga itsura nila na wala silang gagawing kabutihan sa mundo. Mga porma pa nga nila ee yung mga nakikita ko minsan sa tv. Nakatingin lang ako sa kanila, sinusuri mga itsura nila. Sobra na bang desperado ang mga lalaking ito para patulan ang isang kagaya ko? Lalaki 2: You want to grab something to eat? Eat? Eat daw? Kamuntik na kong maniwalang mga anghel silang hulog ng langit. Pero ever since wala talaga akong tiwala sa mga taong nage-English. Kaya nga wala akong respeto sa mga propesor ko ee. Haha. Napaka bastos ko naman kung di ako sasagot diba? Nag-English sila, well, pakitaan ko nga tong mga toh... Ako:Well, I’m fine thank you. How ‘bout you? Lalaki 3: You’re cute & funny too. May sira nga talaga ulo nito… ako cute? Funny pwede pa. Pero cute??? Ah. Wala akong panahon sa mga kagaya nito. Paalis na dapat ako pero bigla akong hinawakan sa braso nung isa pang lalaki sa likod ko. Ah, wag nilang sabihing malalaki silang lalaki at babae ako. At kahit apat sila at isa lang ako papatulan ko talaga ang mga ‘toh. Ako: Let go!!! Naks!!! Biruin mong may nabaon akong English!!! Ha. Wag kayo apat na taon kong pinagaralan yan!!! Lalaki 3: We’re just going to have fun! You don’t have to be so rude! Ako: Rude? Rude your fes!! Ee kayo nga ‘tong rude!!! Naku, tigilan niyo ko aa? Wag niyong pinaiinit ang ulo ko ngayon lalo na’t nagugutom ako!!! Lalaki 4: Oooh. Yan ang gusto ko ee yung palaban! Lalaki 2: Yeah. Mas masaya. Ako: Masaya? Ee kayo lang tong nageenjoy aa? Ano bang mga nakain nitong mga ‘toh? Ee muka na ngang basahan tong damit ko ako pa napag-tripan nitong mga toh. Ee andami ngang babae na halos wala ng suot dun sa The Manor kanina ee… Humigpit na ang hawak saken nun lalaki at sa totoo lang mejo masakit na ang braso ko. Hindi ko alam kung anong sumapi saken at bigla kong inapakan yung paa nung lalaking may hawak saken. Napa-aray siya at nabitawan ako. Hindi ko na inaksaya ang oras at tumakbo na ko ng sobrang bilis papalayo sa mga adik na yun. Paglingon ko nasa likod ko pa din sila… hinahabol pala nila ko… wwwwaaaahhh… Diyos ko… ano ba tong pinasok ko??? Hindi ko na alam basta takbo na lang ako ng takbo hanggat sa may napuntahan akong makitid na iskinita ng biglang may mga kamay na humablot saken sa likuran ko… isang kamay niya ee nakatakip sa bibig ko. WWWAAAAaaahhhh… Patay!!! Nahuli ako!!!! Wala na kong nagawa as my captor pressed me against the cold wall of the dark alley. Pagtingin ko sa muka niya nanlaki mga mata ko at muling tumindig ang mga balahibo ko… hinding hindi ko makakalimutan ang muka ng lalaking ito… siya… oo… siya yung MULTO sa BOYS’s CR!!! Dahan-dahan niyang tinanggal yung kamay niya sa bibig ko. Multo: Ssshhh… Lalaki 1: Asan na? Did you see her? Lalaki 2: Wala ee. San kaya dumaan yun? Hanapin niyo!!! Nawala na sa isip kong may mga maniac na humahabol saken… nawala ng lahat sa isip ko… at hindi ko na din halos narinig na malapit na samin yung apat… wala ng ibang nasa isip ko kundi ang sumigaw ng MULTO… Diyos ko… hanggang dito ba naman sinusundan ako ng kaluluwang ito? Ganun ba katindi ang gayuma ng potchi ko? Sisigaw na talaga ako at siguradong katapusan na naming dalawa ng multong ito pag nangyari yun but a pair of lips stopped me from completely doing so… There I was in the darkest alley in Eastwood, with four maniacs after my trail and right then and there… the ghost who has haunted me for days just stole my FIRST KISS away…para lang mapatahimik ako. To be continued... |
|||
|
11-12-2010, 11:37 PM
Post: #5
|
|||
|
|||
|
RE: LOVE-NAT ♥ isang makulit na lovestory!!
waaaaaaaaaaahhhhhhhh. . . .
hhhhhhhhhhhhmmmmmm loyal reader ata ako neh. hahahaha ang cute! tuloy-tuloy po pleaseeeeeeeeee
|
|||
|
11-15-2010, 05:17 PM
(This post was last modified: 11-15-2010 05:18 PM by elliedelights.)
Post: #6
|
|||
|
|||
|
RE: LOVE-NAT ♥ isang makulit na lovestory!!
@ ALYKINZEMO --> haha. ui salamat sa pagsuporta... oo nga ee, LOYAL READER ka!!! Dahil jan, ito pa isa pang chapter para sayo!!
) check it out to see the CASTS & other info. be careful in navigating it, may mga SPOILERS kasi... ;D Chapter Three. Sef is the Name. For a while I thought my heart stopped and time seemed to drag on forever... Di ko ma-gets... di kayang i-comprehend ng braincells ko ang mga sumunod na pangyayari. Mas gugustuhin ko pang mag-solve ng isang katutak na accounting problems o mag analyze ng isang dangkal na financial statements kesa intindihin ang mga nangyari saken - to face the bitter truth that a ghost just kissed me... rather a ghost stole my VERY FIRST KISS... Siguro nga, hindi ako babaeng maituturing sa kilos, galaw, pananalita at pag-iisip ko!!! Pero... kahit papano babae pa rin naman ako... at importante saken ang FIRST KISS na yun!!! Hindi ko lubos na maisip na ako, si Eleonor Malicsi Dimaculangan, ay nanakawan ng halik ng walang hiyang multo na toh!!! Nanlaki ang mga mata ko, at para kong yelo na nanigas na lang bigla at nakalmutan ng huminga... hindi ko alam kung anong itsura ko... all i know is that my face is burning hot dahil sa sobrang pula... Multo: (smiles handsomely) Oh okay na miss! Ligtas ka na! A thank you will do... ...and the moment he stepped away... I felt... T-teka ano daw??? Pasalamat??? Sino??? AKO?? Narindi ang tenga ko, para bang bigla akong sinampal at nagising mula sa bangungot. Biglang nakaramdam ako ng matinding pangangailangan na PUMATAY ng tao!!! As in, pagbigyan niyo lang ako... ngayon lang... papatayin ko lang ulit itong hinayupak na multong toh... tayu-tayo lang makakaalam... Multo: Wag mo ko masyadong titigan miss, baka ma-in love ka!!! Simpleng thank you lang ayos na! Parang biglang may lumabas na laser beams sa mata ko at parang bulkang sasabok ang dibdib ko. I never thought I could HATE a person this much... yung tipong gusto kong basagin bungo nitong hayup na toh at tagain siya ng paulit-ulit... dahil sa totoo lang... kahit negative zero ang lovelife ko... kahit papano... hindi ko inasam na magiging ganto ang experience ko sa first kiss ko... dahil para saken... gusto ko SPECIAL ang unang lalaking hahalik sa ken... at hindi yung gantong... GRRRRRRR... Hindi ko alam kung ano pang magagawa ko sa multong ito... dahil nagdidilim na ang mga paningin ko... kailangan ko ng magpakalayu-layo dahil sigurado akong hindi maganda ang mangyayari sa kanya... agad akong naglakad at pinili ko na lang na wag magsalita... ayokong pumatol sa multong ito... oo nga... multo lang siya... multo... maaaring guni-guni ko lang... masyado lang ata akong nasobrahan sa pagbabasa ng Law book ko at na-law-loka na ko... di ko papatulan ang multong ito... hindi ako baliw... wwwwaaaaahhh... Multo: Oi, t-teka lang... saglit... miss!!! Hindi ko siya pinapansin kahit ilang beses na niya kong pinapatigil... sinusundan lang niya ko kahit na takbo't lakad na ginagawa ko pabalik sa The Manor... hindi ko kakausapin ang multong ito kahit na sasabog na ko sa galit at inis... pero ng nasa labas na ko ng The Manor... hindi ko na talaga kaya... Multo: Miss, pipe ka ba?? Hindi ka ba marunong magsalita??? O baka naman binge ka?? Ako: Pwede ba? Dumistansya ka saken!!! Wala akong panahon sa mga maniac na multong kagaya mo!!! Multo: (napataas ang kilay) Multo?? (napaisip) Aaaahh.. oo nga pala ikaw yung babae sa Boys' Cr!!! Hahahaha... itong gwapo kong toh??? Pagaakalaan mong MULTO??? Ako: Hoy!!! Hindi ka si John Lloyd Cruz kaya wag kang ambisyoso!!! Hindi ka gwapo!!! Multo: Ano bang problema? Ikaw na nga tong tinulungan kaw pa tong galit... Ako: Tinulungan?? O minaniac mo?? Nakaligtas nga ako sa apat na adik na yun... pero nahuli din ako ng isang maniac na kagaya mo!! Anong dapat kong ipasalamat dun??? Multo: PPPfffftttt... hahahahaha... FIRST KISS mo ba yun miss??? Sa tanan ng buhay ko... hindi ko kailan man pinangarap pumatay ng tao... ngayon lang talaga. Hindi ko na nga namalayan na para kaming artista sa dami ng nanunuod sameng dalwa... Bago pa namin ipagpatuloy ang bangayan na toh, biglang pumasok sa eksena si JAPO!!! Japo: (umakbay sa multo) Oi, Sef!!! Anong problema?? (napatingin sakin) Ellie?? Anong... Sef: Oi. Japo! (smiles) Itong babaeng toh ee... hindi man lang marunong tumanaw ng utang na loob. Nagulat ako... lintik talaga tong si Japo kahit mga multo kilala siya!!! Ako: Utang na loob??? Ikaw ba bangag o sadyang bangag??? Sef: Teka nga muka ka bang kamaniac-maniac??? Ee mas lalaki ka pa nga atang kumilos saken ee... Hindi ko na napigilan ang sarili ko at kagaya dun sa ginawa ko kanina, inapakan ko ng matindi ang paa nitong mayabang na toh. Napa-aray siya ng bonggang-bongga at kinakailangan ng pumagitan ni Japo dahil aatakihin ko na talaga siya... biglang dumami ang pumipigil saken... sila Borge na pala tong mga dumating. Borge: Oi Ellie... dios mio... tama na!!! Ano ka ba? (agad naman akong kumalma) Jill: Kanina ka pa namin hinahanap!!! Meg: Ano bang nangyari? Borge: Nakainom ka ba? Bakit ka nakikipag-away dito?? Bakit daw, tanong saken ni Borge... Bakit, masama bang gustuhin ng isang babaeng kagaya ko na negative zero ang lovelife at walang pakialam sa pag-ibig na sana SPECIAL ang magiging first kiss ko? Masama bang gustuhin na sana... kung maaari... the first guy to kiss me will also be the last and only person to do so??... Kasalanan ko ba kung ganito ang pananaw ko??? Masama bang pahalagahan ang unang halik na yun???... sabihin niyo nga saken... kung tama o mali ako? Gusto ko tong sabihin lahat kela Borge... pero hindi ko kayang sabihin sakanya na hinalikan ako ng maniac na lalaking yun... Sa pananahimik kong yun, parang alam na ni Borge na may maling nangyari. Tumingin siya dun sa lalaking inaaway ko at kung hindi lang siguro ako galit... siguro tatawa na ko ng malakas sa naging itsura ni Borge... kuminang ang mga mata niya na para bang may mga HEARTS na lumalabas... obviously, she was charmed by this loathsome guy. Borge: Ano bang nangyari Kuya? (pa-flirt niyang tinanong) Sef: Well, I just saved her life back there. Wala na kong choice ee. I have to kiss her to keep her from shouting. Tapos siya tong galit na galit. Sa pagkakakwento niya parang its the MOST ORDINARY thing in the world... na para bang napaka normal lang ng ginawa niya at parang siya pa yung inapi... Borge,Meg,Jill, at Japo : KISS??? Oo mga kapatid, amazing talaga dahil sabay-sabay nilang sinabi yun na para bang wala ng ibang nabanggit yung multo kundi ang salitang yun: Kiss. At ineexpect ko na ang susunud... sabay-sabay din silang naghalakhakan... Japo: Langya ka Sef!! hahaha... sa lahat si Ellie pa!!! Meg: Ayos kaibigan mo Japo!! Gwapo nga pero may depekto naman ata sa pagiisip!!! Borge: Buti hindi ka natetano!!! Sef: haha. Kaya nga ee. Mukang hindi pa naman babae yang kaibigan niyo. Ako: (naririndi na lalo) Borge: Congrats Ellie!!! Dalaga ka na!!! Ako: Naku, uuwi na nga ako!!! Ayoko na dito!!! (papaalis na dapat pero pinigilan ako ni Japo) Japo: (umakbay saken) Oh, teka lang... easy ka lang Ellie... lika... (hinaltak ako sa harap nung multo) Mabuti pang pakilala muna kita... ito nga pala si Miguel Josef Uy Monteverde. Sef tawag namin sakanya. Sef... ito si Eleonor Malicsi Dimaculangan. Mas kilala bilang Ellie. Ako: hmpf!! Borge: Hi, Sef!!! Ako nga pala si Borge!! Jill: My name's Jillian. Jill na lang for short. Meg: And I'm Meg. Ako: Japo: Mukang magiging magbest friends kayo Ellie. Ako: Umasa ka Japo!! Bitawan mo ko't aalis na ko!!! Borge: Wag ka nga Ellie. Nagsisimula pa lang ang kasiyahan... pasok ulit tayo sa loob... and let's PARTEY!!! Japo: Siya nga pala girls... si Sef ang sinasabi kong SPONSOR naten ngayon... kabarkada ko siya since highschool... taga Madatung University nga pala siya!!! Borge, Jill,at Meg: Sponsor??? Madatung University??? Borge: Sheet ka Ellie. Ang swerte mo sa humalik sayo!!!! At ayun na nga ang simula ng pagkakakilala namin ni Miguel Josef Uy Monteverde... pagkakasabi pa lang ni Japo tumatak na agad sa utak ko ang buong pangalan niya. To be continued... |
|||
|
11-23-2010, 04:00 PM
(This post was last modified: 11-23-2010 04:13 PM by alykinzemo.)
Post: #7
|
|||
|
|||
|
RE: LOVE-NAT ♥ isang makulit na lovestory!!
ayown!!!! tama! loyal reader!
i love romantic-comedies!!! hayyyyyyyy tuloy po please. . . tanung ko lang...tapos nyo na po ba yung story??? nasa candymag pala sya! |
|||
|
11-29-2010, 10:40 AM
Post: #8
|
|||
|
|||
| RE: LOVE-NAT ♥ isang makulit na lovestory!! | |||
|
11-29-2010, 09:30 PM
Post: #9
|
|||
|
|||
RE: LOVE-NAT ♥ isang makulit na lovestory!!
(11-29-2010 10:40 AM)elliedelights Wrote:(11-23-2010 04:00 PM)alykinzemo Wrote: ayown!!!! tama! loyal reader! opo.. kaso tuloy na ba dun??????? may complete copy ka ba nito po... pls. pls. kung meron pa--email naman sakin pls. pls. pls. i'm dying pls. ![]() )
|
|||
|
11-30-2010, 12:16 AM
Post: #10
|
|||
|
|||
RE: LOVE-NAT ♥ isang makulit na lovestory!!
(11-29-2010 09:30 PM)alykinzemo Wrote:(11-29-2010 10:40 AM)elliedelights Wrote:(11-23-2010 04:00 PM)alykinzemo Wrote: ayown!!!! tama! loyal reader! yep. tuloy-tuloy na toh sa candymag. nakuu, ginagawa ko pa every update ee. Pero naisip ko na yung buong flow nung story. hehe. salamat sa support!! YAY KITA SA CANDYMAG!!
|
|||
|
« Next Oldest | Next Newest »
|
| Possibly Related Threads... | |||||
| Thread: | Author | Replies: | Views: | Last Post | |
| Kwento ng isang Guitarista | ayelness | 3 | 1,105 |
05-22-2011 08:54 PM Last Post: ayelness |
|
| Mr. Makulit | benchgal | 69 | 6,865 |
02-12-2009 11:52 AM Last Post: SaMgOnZaLeS |
|
User(s) browsing this thread: 4 Guest(s)

Search
Member List
Calendar
Help

![[Image: heart.gif]](http://img.photobucket.com/albums/v609/akachang_07/love%20love%20love/heart.gif)
![[Image: ik8rf94ka9hcl17g4u3itnuhn61281413296.jpg]](http://img.photobucket.com/albums/v609/akachang_07/FORUMS%20STORY/ik8rf94ka9hcl17g4u3itnuhn61281413296.jpg)
![[Image: ik8rf94ka9hcl17g4u3itnuhn61281413969.jpg]](http://img.photobucket.com/albums/v609/akachang_07/FORUMS%20STORY/ik8rf94ka9hcl17g4u3itnuhn61281413969.jpg)
![[Image: love.jpg]](http://img.photobucket.com/albums/v609/akachang_07/love%20love%20love/love.jpg)



