Join our Facebook Page



Post Reply 
 
Thread Rating:
  • 0 Votes - 0 Average
  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
  • 5
Kailan Kaya Tatama
11-06-2010, 04:13 PM
Post: #1
Kailan Kaya Tatama
Kailan Kaya Tatama

Bakit kaya lagi nalang akong mali? kung sasagutin ko ung sarili kong tanong, hindi ko rin masasagot! Sad

Kung matanong nyo naman ano ung bagay/sitwasyon na lagi ako mali! ano pa nga ba! edi lintik na "LOVE" yan. Siguro napansin rin bakit ko nasabing "lagi nalang ako mali". ung un ilalahad ko palang.

Unang kabanata ng aking pagiging "Mali".

Itong una pagtibok ng puso ko di ko masyadong pansin, kc alam nyu na bata pa di pa alam kung bakit ganito ung nararamdaman. Basta ang alam ko lang masaya ako at lagi ko siyang hinahanap. Pag kasama ko siya ayaw kona na matapos ang araw na un. Siguro rin dahil sa bata pa ako (grades school siguro) di ko masyado pinansin. Sa isip ko noon wala naman mawawala kung pabayaan ko nalang ganon, di ko nalang sabihin na may nararamdaman ako para sa kanya, masaya ako pag kasama ko sya, huminto ang oras nakikita ko sya, na sya ung nagbigay ng kulay sa buhay ko. Dumating ung araw na matatapos din pala ung mga araw makakasama ko sya, tadhana na ung gumawa ng paraan para malayo ako sa kanya. Lumipat kc kami ng bahay, syempre malayo sa kanila. Magmula noon parang may kulang na sa buhay ko, Syempre sya! wala ng magpasaya at magbibigay ng kulay sa buhay ko. Dun ko napagisip-isip na "Mali" ba ang naging desisyon ko na wag na sabihin sa kanya na may nararamdaman ako para sa kanya. Kung sinabi koba sa kanyan, ganon di kaya ung nararamdaman nya sa akin? Hanggang ngayon di ko parin alam ang sagot sa tanong na yan! Pero di ko naman pinagsisihan, nandyan na yan nangyari na di na pweding ibalik ang nangyari na, ang maaring gawin nalang ay tanggapin na mali at subukang itama ang mali ng isang tama!
Send this user an email Find all posts by this user
Quote this message in a reply
11-10-2010, 12:58 PM
Post: #2
RE: Kailan Kaya Tatama
Hirap nga lang ng ganon! ung tipong sa tagal mo ng tinatago parang gusto mo ng sumabog at paramdam na may nararamdaman ka sa kanya! smile.gif. Matatagal tagal din bago ko narealize na wala na talaga, umasa parin kc ako na baka magkita pa kami at masabi ko sa kanya. Pero dumating ang isang araw na may humigit sa kanya sa puso ko... ito ung:

Pangalawang kabanata ng aking pagiging "Mali".

High school na ako nung marealize ko na wala na, kc may humigit na sa puso ko. Ung muling nagbukas sa puso kong matagal ng nakasara. Muling nakaroon ng kulay at saya ang buhay ko. Muling nagkaroon ng saysay ung bawat pagtulog at paggising ko. Ung bang tipong wala ng kulang smile.gif.

Klasmate ko sya for 2 years (2nd & 3rd yr), as usual pala di nya alam na may natatago akong pagtingin sa kanya (Torpe KC ako Cry ). Kontento na kc ako sa ganong, ung makasama at makita syang masaya. Saka nag aalangan kc ako (parang nerd kc ako), parang sa isip ko di kami bagay. Parang pinagtabi sina "beauty and the beast", pero di ko naman sinasabi pangit ako di lang ako gwapo. Grin.

Dumating ung araw na nagsabi ung isa kung kaibigan na may gusto sya kay "Joanna". Joanna pala ung name nya, ung someone special ko na aaminin ko na hanggang ngayon may puwang parin sya sa puso ko. Nung marinig ko un, para ako nabagsakan ng mga malaking bato na parang matatabunan ako ng buhay. Wala ako nasabi kung ang salitang "Sigurado kaba pare?". Gusto ko mang sabihin na "Wag pare mahal ko sya, sya ang buhay ko" pero hindi pwedi kc wala ako karapatan at di nila alam na matagal ko ng mahal si joanna. Kung sana may lakas lang ako ng loob, na sabihin ung nararamdaman ko di sana ganito ang magyayari. Ang hirap pa nito ako pa ang naging tulay ng kaibigan ko para kay joanna. Ang sakit para ako tanga, na nabibigay ng mga sulat at regalo na alam ko di naman galing sakin na pinabibigay lang. Umaasa na kung di lang ako isang malaking tanga. Ako sana at galing sakin ung mag sulat at regalo, na maparamdam ko sa kanya kung gaano ko sya kamahal gaano nya ako napapasaya. Kaso wala eh, wala nako magawa ayaw ko naman masira ung pagkakaibigan namin kaya pinili ko nalang itago ung nararamdaman ko. Di ko narin alam kung nagka tuluyan sila ng kaibigan ko, ang alam ko kc mag graduate na kami ng High School nanliligaw parin ung kaibigan ko kay joanna.

Dun ko rin na realize na "Mali" na naman ako. Kung sana lang may lakas ako ng loob na sabihin. Cry
Send this user an email Find all posts by this user
Quote this message in a reply
Post Reply 


Possibly Related Threads...
Thread: Author Replies: Views: Last Post
  Kaya kayo magbabasa kau ng message okay... babaing_praning 13 1,574 04-22-2008 08:31 PM
Last Post: reizhabiel
  kaya ko pb? korny 13 1,514 11-11-2006 08:16 AM
Last Post: dominicuz
  kaya nyo bah..... ::~bhaby_kitzkie~:: 4 646 03-11-2006 02:37 PM
Last Post: krayzie03
  Kailan? jezsen91 1 866 12-17-2005 01:03 PM
Last Post: jezsen91

Forum Jump:


User(s) browsing this thread: 1 Guest(s)