|
Join our Facebook Page |
|
|
|
|
NAPULOT KO LANG...
|
|
03-14-2006, 12:07 AM
Post: #1
|
|||
|
|||
|
NAPULOT KO LANG...
nagulo ang isip ko.. hindi ko alam kung bakit...feeling ko
may kung akong pwersa na humihila sa akin patungo sa may lugar kung saan kami dating madalas pumunta. wala talaga akong balak umalis o lumabas ng bahay, gusto ko lang magmukmok sa kwarto, mag emote at makinig ng pina-burn ko sa baclaran. nakaupo lang ako sa tabi, pinapanood ko ung mga magkaka partner na nandoon... wala akong pakialam kung magsyota sila o may kabit na tumakas lang sa asawa niya. i really dont care... kasi khit ako ndi ko alam kung ano ang ginagawa ko don. umihip ang isang malakas na hangin medyo napapikit pa ako kasi bka mapuwing ako ng alikabok na umikot din sa ere... isang papel ang lumipad malapit sa akin.. hindi ko muna pinansin kasi baka ipinampunas pa iyon sa pwet ng kung sinong tao na walang maipanghugas. mabuti sana kung ipinambalot lang iyon ng tinapa... pero hindi rin ako nakatiis... sulat kamay... pula pa nga ang ink na ginamit. Hindi Na Lang Sana....Ano ba kasi pumasok sa kukote mo at naisipan mong guluhin ang maayos kong mundo? Nananahimik ako at kontento sa buhay na mag-isa lang ako, nagpumilit kang samahan ako. Ako naman si tanga nagpadala sa sinabi mong LOVE. Masyado akong natuwa sa dulot mong saya. Kung alam ko lang na magiging masakit ang kapalit ng sayang dala mo hindi ko na sana iniwan ang dati kong mundo. Ang mali ko lang din kasi pinaniwala ko ang sarili ko na totoo ka sa mga sinabi mo. Pinaasa ko rin ang sarili ko na tayo na "forever". Eh, noong panahon palang yon isa ka sa mga taong hindi naniniwala sa forever. Kaso lang hindi mo naman agad sinabi sa akin yon. Pinatagal mo pa ng halos dalawang taon. Ang masakit pa binigla mo ako. Wala ka man lang kaabug-abog iiwan mo na pala ako. Bakit mo naman ako iniwan sa ere? Hindi mo man lang ako binigyan ng panahong makapag-adjust ng paunti-unti. Sabi mo I have a strong personality, na kaya kong lagpasan ito. Sinabihan mo rin ako na kaya kong bumalik sa dating maayos kong mundo. Buti ka pa ang kalakasan na sabi mo ay nasa akin? Pwede ko bang malaman sayo kung saan pabalik sa buhay na dating alam ko? Pagkatapos ng nangyaring ito hindi na ako sigurado kung makakapagtiwala pa ako o kung kaya ko pa ring pagkatiwalaan ang sarili ko. Hindi ko din alam kung tatanggapin pa ako ng dating ako. Pero sabi nila "life must go on". Kaya kahit gaano kahirap, kahit gaano pa katagal siguro naman makakaya din kitang kalimutan. Dapat siguro magsimula na akong wag ka ng patuloy pang mahalin. Tama na ang panahong iginugol ko sa pagmamahal ng totoo sayo. Tama na rin ang pagpapakababang ginawa ko sa sarili ko. Dapat kayanin ko.... Bakit kasi ako pa ang napili mo? Hindi na lang sana. matapos kong basahin...napatinga ako sa langit. magpasalamat ako dahil hindi rin ako ung napili ng kung sinumang tao na yon na nanakit ng puso at damdamin ng nagsulat nito. dahil kahit iniwan ako ng mahal ko nasigurado ko na ako lang ang minamahal niya sa buong buhay niya. dahil sa napulot ko, nagbago ang pananaw ko sa buhay. na kung may dumating man na unos sa buhay ko hindi ko dapat isipin na ako na yong pinakakawawang tao sa mundo dahil may tao na mas higit ang nararamdamang sakit kesa akin.
![]() pano ako magsisimula ulit kung sa isang hakbang ko palayo sau.. hinihila mo ako dalawang hakbang pabalik sa mundo mo.. ~habibi~
|
|||
|
03-14-2006, 01:03 AM
Post: #2
|
|||
|
|||
Re: NAPULOT KO LANG...
Media Search Engine: fnets.net |
|||
|
03-15-2006, 05:37 PM
Post: #3
|
|||
|
|||
Re: NAPULOT KO LANG...
|
|||
|
03-22-2006, 11:19 PM
Post: #4
|
|||
|
|||
|
Re: NAPULOT KO LANG...
hmmm... 0057
![]() pano ako magsisimula ulit kung sa isang hakbang ko palayo sau.. hinihila mo ako dalawang hakbang pabalik sa mundo mo.. ~habibi~
|
|||
|
03-23-2006, 12:18 AM
Post: #5
|
|||
|
|||
|
Re: NAPULOT KO LANG...
Yeah'
|
|||
|
03-23-2006, 03:50 PM
Post: #6
|
|||
|
|||
|
Re: NAPULOT KO LANG...
ryt
|
|||
|
03-23-2006, 07:36 PM
Post: #7
|
|||
|
|||
Re: NAPULOT KO LANG...
|
|||
|
03-23-2006, 09:37 PM
Post: #8
|
|||
|
|||
|
Re: NAPULOT KO LANG...
cpag mag type...
|
|||
|
03-25-2006, 06:16 PM
Post: #9
|
|||
|
|||
|
Re: NAPULOT KO LANG...
astig!! 0033 luffett huh? 0035
|
|||
|
03-25-2006, 06:41 PM
Post: #10
|
|||
|
|||
Re: NAPULOT KO LANG...
![]() pano ako magsisimula ulit kung sa isang hakbang ko palayo sau.. hinihila mo ako dalawang hakbang pabalik sa mundo mo.. ~habibi~
|
|||
|
« Next Oldest | Next Newest »
|
User(s) browsing this thread: 2 Guest(s)

Search
Member List
Calendar
Help



~habibi~






