Join our Facebook Page



Post Reply 
 
Thread Rating:
  • 1 Votes - 5 Average
  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
  • 5
UNLUCKY VALENTINES 2011
02-14-2011, 08:59 AM (This post was last modified: 07-11-2011 10:05 PM by duelmaster01.)
Post: #11
Heart Part 9
Buong buwan ng Enero ay binulabog nga siya ng texter na nagpakilala na lang bilang "Henry". Kahit na tine-text niya si Henry na ayaw niyang sumali sa plano nito ay kinukulit pa rin siya. Ngunit minsan, inaamin niya sa sarili niya na medyo natutukso siyang makisali sa masamang balak dahil kahit papaano ay may konti pa rin siyang galit kay Richard. Pero sa isip niya, pinagtri-tripan lang siya ng mga officemates niya.

Lumipas ang mga araw at may mga kakaibang balita siyang naririnig tungkol kay Ginger at Richard. Una, muntik nang ma-aksidente dahil nawalan sila ng preno ang sinasakyang kotse ngunit kaka-tune up pa lang naman daw yun nung isang araw lang. Isang araw din ay narinig niya na muntik na raw matamaan ng ligaw na bala si Richard. Isang beses rin daw ay may tumulak daw kay Richard ngunit kahit papaano ay nakakapit siya. Ilan lang ito sa mga bali-balitang narinig niya at kanyang naisip na baka totoo nga si Henry at hindi trip-trip lang.


Buong buwan ng Enero ay ganito nga ang nangyari. Ngunit ang nakapagtataka ay nung mga huling araw ay hindi nagparamdam si Henry. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya ngunit parang kapalit naman nito ay ang pagdalas ng mga banta sa buhay ni Richard.


Pebrero na ng muling magtxt si Henry.

>>Henry: O pare! Musta na? Na-busy lang ako kasi andami kong ginawa. Nabalitaan mo naman siguro diba?
>>Ramon: Ang ano?
>>Henry: Nagkukulong ka lang ba sa apartment mo? Hindi mo ba nabalitaan ang mga "aksidenteng" nangyayari kay Richard.
>>Ramon: So, ikaw talaga may kagagawan nun.
>>Henry: Hindi ba halata?
>>Ramon: Halata. Pero ano bang kailangan mo sa akin?
>>Henry: Anong araw ba ngayon? Anong petsa?
>>Ramon: Ika-trese na ngayon, Linggo.
>>Henry: Anong araw ba bukas?
>>Ramon: Lunes.
>>Henry: Anong meron bukas?
>>Ramon: Valentines Day?
>>Henry: TAMA!!! Araw ng mga Puso nga bukas at kung hindi ako nagkakamali ay may date ang dalawa.
>>Ramon: Anong pakialam ko dun?
>>Henry: Kasi, bukas ay babalik na sa piling mo si Ginger ba yun, at magtatagumpay na ako.
>>Ramon: You're sick.
>>Henry: At alam ko kung saan sila magde-date. Alam mo naman ata na may park dito sa siyudad na 'to na espesyal para kay Ginger. Siguro nga nakapag-date na kayo dun. Dun sa parke ring iyon malalasap ko na ang sarap ng paghihiganti.
>>Ramon: Ewan ko sa'yo. Goodnight.


Dahil dito ay bigla siyang naglakas loob na hingin ang number ni Ginger kay Tita Cely niya at tawagan ito.

>>Ginger: O gabi na ah. napatawag ka ata.
>>Ramon: Pasensya na ah pero may date ba kayo bukas ni Richard.
>>Ginger: Malamang diba? Anong araw ba bukas? Pakialam mo.
>>Ramon: Please huwag niyong ituloy may.....
>>Ginger: Hindi ba nagkalinawan na tayo noon. Ano ba!!! Bakit ka ba nanggu-gulo?
>>Ramon: Let me finish, Ginger! May nagbabadyang kapahamakan sa inyong dalawa.
>>Ginger: At pa'no mo naman nalaman iyan, aber! Unless, ikaw ang may pakana ng lahat ng nangyari kay Richard. Please Ramon!!! Tantanan mo na kami.
>>Ramon: Pero Gin.........


Tinapos agad ni Ginger ang tawag. Sinubukan ulit tawagan ni Ramon si Ginger ngunit nakapatay na ang cellphone nito.

Buong gabi ay putol-putol ang tulog ni Ramon at hindi mapakali. Ginamit niya ang panahong ito upang planuhin ang gagawin niya para sa kinabukasan. Hindi niya halos namalayan na February 14 na.


Itutuloy......
Find all posts by this user
Quote this message in a reply
02-14-2011, 06:00 PM (This post was last modified: 01-27-2012 04:44 AM by duelmaster01.)
Post: #12
Heart UNLUCKY VALENTINES 2011 Finale
[Image: 1]
Kinaumagahan ay napansin agad ni Nelfie na parang balisa si Ramon kaya agad niya itong kinumusta.

>>Nelfie: Okay ka lang ba?
>>Ramon: Hindi eh. May nagbabanta kasi kay Richard at baka madamay si Ginger.
>>Nelfie: So anong plano mo?
>>Ramon: Pipigilan siya siyempre. Kaya magpapasama ako ng pulis pagpunta sa park ng makasiguro naman.
>>Nelfie: Good luck. Ingat ka. Happy Valentines Day na lang sa'yo.
>>Ramon: Salamat. Sige maghahanda na ako.

Pagkatapos maligo, magbihis, at mag-almusal nang nagmamadali ay kaagad niyang pinuntahan ang pulis station upang matuloy ang plano niya. Kahit papaano ay swinerte siyang may makasamang dalawang parak kahit na tatlo at apat ang gusto niya. Mga tanghali na ng makarating ang tatlo sa park. Pagdating nila roon ay nagpasya silang maghiwahiwalay ng mabisa nilang mahinap sia Richard at Ginger. Sa kanilang paglilibot ay si Ramon ay nakahanap kay Ginger. Agad naman siyang naispatan ng dalaga, nilapitan at kinumpronta.

>>GInger: Ano ba?! Ba't ka andito? Manggugulo ka na naman. Sasaktan mo na naman si Richard.
>>Richard: Shit pare! Ikaw pala iyon.
>>Ramon: Hindi ako yun. Andito ako para protektahan kayo. May natanggap akong text, sabi papatayin niya raw si Richard.
>>Ginger: Shut up, Ramon. Hindi na kita mahal. Go away!!!

Sa may likod ni Ramon ay may nakita siyang lalaking may baril at itinutok ito sa tagiliran ni Richard. Agad naman itong napansin ni Richard.

>>Richard: Sino ka? (Lilingonin ang may baril)
>>Lalaki: Hindi mo ko naaalala. Nakakatuwa naman. Ako lang naman ang boyfriend ni Venus na inagaw mo.
>>Richard: Henry? Sabi niya sa akin matagal na kayong tapos.
>>Henry: Naniwala ka naman? Porke ba't magtratrabaho ka sa ibang bansa at yayaman ka na. p*t* mamatay ka na!
>>Richard: Pare linawin ko lang. Hindi ko siya inagaw sa'yo.
>>Henry: Letse ka! Sige ngayon ka magpaliwanag. Ngayon na malamig nang bangkay si Venus.

Napatunganga si Ginger at Ramon sa mga pangyayari. Wala silang masabi. Lumayo muna si Henry kay Richard pero nakatutok pa rin ang baril.

>>Henry: Nagpakamatay siya ng nabalitaan niyang may kinakasama ka na sa labas. Nasaktan siya ng sobra, alam mo ba 'yun. Pangako mo raw sa kanya na babalikan mo siya. Pero ano? NAKAHANAP ka ng iba!
>>Ginger: What?!!?
>>Richard: Huwag kang maniwala sa kanya, Ginger.
>>Henry: Dapat kang mamatay!!!

Nakatulala si Ramon ng mga oras na iton. Hindi niya maigalaw ang mga paa niya. Basta nasaksihan na lang niya na biglang kinalabit ni Henry ang gatilyo ng baril na nakatutok kay Henry. Ngunit nagulat siya sa sumunod na nangyari. Sinalo ni Ginger ang bala na dapat sana kay Richard. Nasaktan siya hindi dahil nabaril si Ginger kundi ni minsan ay hindi ito nagawa sa kanya ng dating kasintahan nung maholdap sila nun at nabaril siya.

Bumaril ulit si Henry at muli namang natamaan si Ginger. Sa mga sumunod na beses ay inasinta na niya itong mabuti at natamaan na nga ng makailang ulit si Richard. Siguro'y nakita ng mga pulis ang nangyari at sinimulang barilin si Henry. Tumakbo si Henry at hinabol siya ng dalawang pulis.

Medyo nahimasmasan ng konti si Ramon at lumuhod siya at niyakap ang duguan at wala ng buhay na katawan ni Ginger. Bumulong siya kay Ginger.

>>Ramon: Minahal mo nga talaga siya. Bakit pa kasi siya pa? Bakit?


Sa paghabol ng mga pulis kay Henry ay napuruhan ito at nag-dead on arrival sa hospital. Inayos naman ng pamilya ni Ginger at Richard ang mga nangyari at kahit papaano ay natanggap naman nila ang mga nangyari.

Si Ramon naman, naging gawain na niyang dalawin ang puntod ni Ginger tuwing Valentines Day, gaya ng ginagawa niya ngayon. Naputol na lang ang pag-alala niya sa nakaraan nang makatanggap siya ng tawag kay Nelfie.

>>Nelfie: Let me guess. Nasa sementeryo ka at nakikipag-date. Big Grin
>>Ramon: Sige mang-alaska ka pa.


Si Nelfie, housemate pa rin siya ni Ramon and still, wala pa rin silang gusto sa isa't isa. Some things just don't change.

~THE END~
Find all posts by this user
Quote this message in a reply
03-15-2011, 12:47 PM
Post: #13
Thumbs Up RE: UNLUCKY VALENTINES 2011
all I can say is...


WOW!
Send this user an email Find all posts by this user
Quote this message in a reply
03-31-2011, 04:37 PM
Post: #14
RE: UNLUCKY VALENTINES 2011
i really like ur storieS.. i admire u.. ur great in making in stories.. i really love it..
Send this user an email Find all posts by this user
Quote this message in a reply
12-28-2011, 01:12 AM (This post was last modified: 12-28-2011 01:16 AM by duelmaster01.)
Post: #15
Photo 1 Message Received
>>Nelfie: Talaga! Ano bang kadalasan ginagawa pag Valentines Day? Di'ba date.
>>Ramon: Haha. Bahala ka dyan. Eh ikaw? Hindi ka umuwi sa apartment kagabi. Kasama mo ano yung sinasabi mong lalaking madalas sa bar? Yung half-German.
>>Nelfie: Hindi ah... Birthday ng isang katrabaho ko sa bar kahapon at dun na kami nagpalipas ng gabi. Nasa taxi nga ako ngayon pabalik sa apartment eh.
>>Ramon: K fine. Gabi na ako babalik dyan. Sa labas na rin ako kakain.
>>Nelfie: I see. Sige bye na at di ako unli.
>>Ramon: Bye. Ingat.

Pagkatapos ng tawag ay muling nagdasal si Ramon sa puntod at umalis na ng sementeryo sakay ng taxi papunta sa isang Chinese restaurant na madalas puntahan nila ni Ginger nun nung nililigawan pa lang nya ito.

Habang hinihintay ang order ay may pumasok na babae sa restaurant na napansin ni Ramon. Suot ng babae ang isang purple dress na kahawig sa paboritong isuot ng dating girlfriend. Ang itsura ng babae ay tulad din ng kay Ginger. Dahil dito ay pumikit si Ramon ng mga halos limang segundo at pagdilat niya ay nandun na ang waiter dala ang in-order niya. Pagkatapos maayos ng inorder ay hinanap niya ang babaeng naka-purple at nung makita niya na ay tama nga ang hinala niya - malayo ang itsura ng babaeng iyon kay Ginger.

Napangiti na lang si Ramon. Mukhang matagal pa bago may pagbabagong mangyayari.
Find all posts by this user
Quote this message in a reply
01-26-2012, 06:24 PM
Post: #16
Heart UNLUCKY VALENTINES 2012
"Magugunaw na lang ang mundo hindi pa nila naririnig ang kwento ko. Puro nalang sila at ang kamalasan nila sa pag-ibig. Sana bago magunaw ang mundo, may maka-alam man lang ng kwento ko. Sana...."


UNLUCKY VALENTINES 2012 Soon!
Find all posts by this user
Quote this message in a reply
02-10-2012, 04:10 PM
Post: #17
Thumbs Up Unlucky Valentines 2012 Now Available!!!
Unlucky Valentines 2012 - Palagi Na Lang Sila, Ako Naman. Pwede?


Out na!

Read it here.
Find all posts by this user
Quote this message in a reply
Post Reply 


Possibly Related Threads...
Thread: Author Replies: Views: Last Post
Heart Unlucky Valentines duelmaster01 41 4,969 02-19-2012 12:54 AM
Last Post: duelmaster01
Heart Unlucky Valentines 2012 duelmaster01 5 435 02-13-2012 06:33 PM
Last Post: dmz01
Heart Unlucky Valentines 2010 duelmaster01 8 1,778 02-10-2012 04:10 PM
Last Post: duelmaster01

Forum Jump:


User(s) browsing this thread: 3 Guest(s)