|
Join our Facebook Page |
|
|
|
|
UNLUCKY VALENTINES 2011
|
|
02-07-2011, 04:10 PM
(This post was last modified: 01-27-2012 04:45 AM by duelmaster01.)
Post: #1
|
|||
|
|||
![]() |
|||
|
02-09-2011, 11:54 AM
(This post was last modified: 02-11-2011 05:09 PM by duelmaster01.)
Post: #2
|
|||
|
|||
|
January 18, 2009. Mga alas-dos na ng madaling araw. Nasa airport ang magkasintahang Ginger at Ramon. Ngayon ang araw ng paglulan ni Ginger. Masinsinang nag-uusap ang dalawa habang naka-upo sa isang bench sa naturang airport.
>>Ginger: Mamimiss kita, alam mo yun. >>Ramon: Alam ko. >>Ginger: Maipapangako mo ba sa'kin na di ka titingin sa iba habang malayo ako? >>Ramon: Oo naman, siyempre! Ako pa! Labs na labs kaya kita. >>Ginger: Sus, if I know. Malungkot ka lang eh sa bar na agad punta mo. >>Ramon: Hindi ah!! Pero alam mo, mamimiss kita talaga ng todo. >>Ginger: Alam ko! Sino ba namang hindi makakamiss sa'kin. >>Passengers bound for Canada you are requested to the boarding area now.<< >>Ginger: Sige! Wag mong kakalimutan mag-online ha. Chat tayo asap. (Naglalakad na palayo) >>Ramon: SURE!!! At umalis na nga ang eroplanong sinasakyan ni Ginger. Si Ramon naman ay umuwi na sa kanyang condo. Pagdating niya doon ay tinignan niya ang larawa nila ni Ginger sa may mesa malapit sa kama niya. Pagkatapos noon ay natulog siya. Malakas na tunog ng alarm clock. Ito ay bagay na gumising sa kanya sa kanyang pagkakahimbing. Una niyang tiningnan ang cellphone niya na malapit sa alarm clock niya. Oras: 6:12 a.m. Petsa: February 14, 2015. >>Ramon: SHIT!!!! Traffic na naman aabutin ko nito!!! Itutuloy..... |
|||
|
02-09-2011, 05:20 PM
(This post was last modified: 02-09-2011 06:34 PM by duelmaster01.)
Post: #3
|
|||
|
|||
|
Kahit na-late si Ramon sa pag-gising ay swinerte naman siya at hindi masyadong masama ang lagay ng traffic at mga bandang alas-nuyebe ay nakarating rin siya ng sementeryo. Ang araw na iyon ay araw ng mga puso ngunit iginugol niya ang panahon na iyon sa pagdalaw sa puntod.
Pagdating niya roon ay nilinis niya ang nitso sa pamamagita ng pagtanggal ng mga tuyong dahong napadpad dito. Pagkatapos gawin iyon ay nagtirik siya ng kandila at nagsimulang magmuni-muni. Naalala niya ang napanaginipan niya ng nakaraang gabi at kanyang mga alaala ay nagsimulang bumalik sa isipan. Sa simula ay naging mahirap sa kanya ang pag-alis ng kasintahan niya papuntang Canada. Namiss niya ang pagsimba nilang dalawa ng magkasama na nauuwi sa date pagkatapos. Namimiss niya ang paglalambing sa kanya sa mga araw na mabigat ang trabaho niya sa opisina. Nanumbalik sa gunita niya ang mga panahong sila ay magkasama. Kahit nagcha-chat silang dal'wa paminsan-minsan ay mahirap pa rin ang kalagayan nila dahil sa magkaibang oras ng Canada at Pilipinas. Kung hindi si Ginger ang puyat, siya naman. Kahi papano ay nakapag-adjust naman siya kahit konti. Ngunit kasabay nito ay ang pagdalang ng komunikasyon sa pagitan nilang dalawa. Ang dating medyo detalyadong mga usapan ay nauwi nalang sa maikling batian at kumustahan. Hindi niya masisi ang sarili o si Ginger dahil unang relasyon nila itong parahong dalawa na long distance. Isang gabi ay may natanggap siyang maikling tawag galing kay Ginger na nagsasabi na mag-online siya. Mga bandang ala-una na iyon ng madaling-araw ngunit in-on niya yung laptop niya at nag-login sa Skype. Sinumulan niya ang video call ang tumambad sa screen ng laptop niya ay ang naka-black underwear na katawan ng girlfriend niya. |
|||
|
02-09-2011, 06:42 PM
(This post was last modified: 07-11-2011 09:07 PM by duelmaster01.)
Post: #4
|
|||
|
|||
|
Isang madaling araw ng Nobyembre 2009 ay may natanggapdsiya siyang tawag kay Ginger na nagsasabing mag-online daw siya. Kaagad naman niyang binuksan ang laptop at nag-login sa Skype. Agad namang tumambad ang hubog ng katawan ng girlfriend niya na kasalukuyang naka-black underwear lang nung sinimulan niya ang video chat. Ito naman ay nagdulot ng kanya mag-init.
>>Ramon: WOW! Ang sexy mo pa'rin. Mas gumanda ka pa lalo. >>Ginger: Laway mo tumutulo (biro niya)! Pero, salamat. >>Ramon: Wala ka bang pasok ngayon? >>Ginger: Wala. Sabado ngayon walang opisina. >>Ramon: oo nga pala ano. >>Ginger: O, ano pang hinihintay mo? >>Ramon: uhm..... >>Ginger: Ouch, i'm not that seductive. >>Ramon: Of course you are seductive. >>Ginger: HUBAD!!! Naging mainit ang sumunod na tagpo. Kahit na sa sa screen lang sila nagkikita ay hayok na hayok ag dalawa na parang takam na takam sa laman. Matitinding mga ungol ang lumabas sa kanilang mga bibig at nakailang round pa sila. Matapos makaraos ay nagpatuloy ang normal na usapan ng dalawa. >>Ramon: Wooh. Enjoy ako dun ah. >>Ginger: Naman! Galing ko kaya. >>Ramon: Musta ka na pala diyan. Mahigpit pa rin ba ang boss mo? >>Ginger: Hindi na naman. Sa mga baguhan lang ata siya ganun.Sa halos sampung buwan ko dito ay siguro nakuha ko na tiwala niya. >>Ramon: Mabuti naman. Teka bakit ganyan facial expression mo? May nangyari ba? >>Ginger: Ramon, i just realized something. >>Ramon: Ano? >>Ginger: (nag-iba ng tono) Lately, for me at least, it feels like we're falling apart. >>Ramon: Bakit mo naman nasabi yan? >>Ginger: Paminsan-minsan na lang tayo nag-uusap. Minsan pa I feel na nakikipag-flirt ka sa iba. >>Ramon: You know I won't do that to you. >>Ginger: Yun nga eh. Nagi-guilty na ako. >>Ramon: Ha? Katamikan ng ilang segundo. >>Ginger: I have something to tell you. Huwag kang magalit please. >>Ramon: What are you saying? >>Ginger: Lately, I have been bonding to this Filipino officemate. He's been a very nice guy to me. >>Ramon: Nakikipag-break ka ba sa'kin? >>Ginger: Patapusin mo ako please. (Nagsisimula nang tumulo ang luha.) Paminsan-minsan lumalabas kami at hindi namin maiwasang mahulog sa isa't isa to the point na umamin siyang may gusto siya sa'kin. >>Ramon: ..... >>Ginger: Tapos.... May nangyari sa'min. Hindi lang yun once. I'm sorry, Ramon. Sorry kung ganito ko sinuklian ang faithfulness mo sa'kin. I admit na ako ang my kasalanan at may pagkukulang. You don't deserve someone like me so pinapalaya na kita. I'm breaking up with you. Itutuloy..... |
|||
|
02-11-2011, 05:08 PM
(This post was last modified: 02-12-2011 10:35 AM by duelmaster01.)
Post: #5
|
|||
|
|||
|
Part 4
Parang mga sundang na sunod-sunod na sumaksak sa pagkatao niya ang mga salitang narinig kay Ginger. Hindi niya akalain na magagawa ito ni Ginger dahil nung nasa Pilipinas pa ito ay hindi naman ito pumatol sa ni isa sa maraming lalaki na nagkakagusto sa kanya. Wala siyang masabi. Galit lang ang nararamdaman niya nung mga oras na iyon.
>>Ginger: I'm sorry, Ramon. Agad na nag-sign out si Ramon at pinatay ang laptop. Kaagad siyang bumalik sa pagkakahiga at bumalik sa pagtulog. Balisa si Ramon pagkagising. Dahil Linggo nung araw na iyon ay wala siyang pasok. Buong umaga siyang palaging nakatulala at sa malayo nakatingin. Ilang beses siyang tinawagan ni Ginger ngunit hindi niya ito sinagot. Mga bandang alas-sais na nang siya ay mahimasmasan at siya ay nagbihis. Lumabas siya ng bahay at sumakay sa isang taxi papunta sa isang bar. Mga bandang alas-otso na siya nakarating ng bar. Umupo siya sa mesa malapit sa may pintuan ng bar. Kaagad naman siyang nilapitan ng isang payat na babaeng naka-miniskirt at tank top at may dalang bote ng alak. >>Babae: (Cheerful at naka-ngiti) Naku sir, i-try niyo po ito. Masarap po ito at gagaan ang pakiramdam niyo sir. Ilang segundo muna ang lumipas bago niya pinansin ang promo girl. >>Ramon: Sige. Order ako isa. Paki-sabi sa bartender na idagdag na rin usual order ko. >>Babae: Sige, sir. No problem. ![]() Ilang minuto lang at naibigay ang order niya. Mag-isa lang siyang uminom at malalaim ang iniisip. Naalala niya ang mga moments nila ni Ginger ngunit kapag umaabot na sa punto ng nngyari nung sinundang gabi ay nag-iiba ang facial expression niya at hindi mai-pinta ang mukha. Dahil dito ay patuloy siya sa pag-inom at pag nauubos ang laman ng bote ng alak ay umo-order na naman siya ng panibago. Naubusan naman siya ng ini-inom at nung makita niya ang relo niya ay mga bandang ala-una na. Muling tinawag niya ang waiter at nag-order. Ilang minuto ang kanyang hinintay at ang promo girl na lumapit sa kanya kanina aang nagbigay ng order niya. >>Babae: Sir, eto na po order niyo. Sir okay lang ba kung samahan ko kayo, tutal mag-isa lang kayo at tapos na duty ko. >>Ramon: Sige. >>Babae: (Umupo sa silya sa may round table ni Ramon.) Ako nga pala si Nelfie. Ano name mo? >>Ramon: Ramon. >>Nelfie: Huwag kang magalit ha. I noticed kasi malungkot ka kaya nag-decide samahan ka. Sana may magawa ako para sumaya ka naman. >>Ramon: May problema ako. Niloko kasi ako ng girlfriend ko na nasa abroad. >>Nelfie: I'm so sorry. >>Ramon: Wag kang mag-sorry. At ngayong gabi ay ayoko muna siyang pag-usapan. Let's get to know more about each other. Mahirap naman na siya pag-usapan natin. O eto, have a drink. >>Nelfie: Ay sorry sir, hindi po ako umiinom. Para po kasi akong wine taster, Tumitikim lang po kami at hindi umiinom. >>Ramon: What the! Oh well, suit yourself. Nagkuwentuhan ang dalawa hanggang sa hindi na niya maalala ang mga napag-usapan nila dahil sa kalasingan. Pagdilat niya ng mata ay napansin niyang pamilyar ang lugar kung nasaan siya. Pamilyar ang mesang malapit sa kamang kinahihigaan niya. Ang kumot ay pamilyar rin. Nalaman nalang niya kung bakit pamilyar ang mga iyon ng mahimasmasan siya. Naalala niya na ang lugar na iyon ay ang kuwarto niya. Iwinaksi niya ang kumot at napansin niyang hindi na niya suot ang itim niyang polo na suot na kagabi. Wala siyang pang-itaas. Biglang may kumatok sa pintuan ng silid niya at binuksan ito ng kumatok, si Nelfie. Itutuloy...... |
|||
|
02-12-2011, 11:52 AM
(This post was last modified: 07-11-2011 09:11 PM by duelmaster01.)
Post: #6
|
|||
|
|||
|
Hindi siya nagkakamali sa kanyang nakita, si Nelfie nga ito. Siya nga ang promo girl na nakasama niya ng sinundang gabi.
>>Ramon: Bakit andito ka? Tuluyan na ngang pumasok sa Nelfie sa silid na iyon na may dalang tray ng pagkain at juice. Nilagay niya ito sa mesa na malapit sa kama ni Ramon at umupo sa kama ng binata. >>Nelfie: Uhm, ako naghatid sa'yo dito. Sobra ka kasing nalasing kagabi. Ayan mag-agahan ka muna. >>Ramon: Uhm..... sa-lamat. Wait, may.... nangyari ba sa'tin? >>Nelfie: Hay naku, wala. >>Ramon: Ba't... wala akong pang-itaas.....? >>Nelfie: Basang-basa ka kasi ng pawis kagabi tapos ang init mo pa dahil sa alak kaya pinunasan kita. >>Ramon: WHAT!!!! ![]() >>Nelfie: O.A. ka naman. Huwag kang mag-alala 'di kita pinagsamantalahan. Ano ba'to? >>Ramon: Teka, paano mo nalamang dito ako nakatira? Pano tayo nakapasok? >>Nelfie: Tinanong ko kaya sa iyo kagabi at sinamahan kita sa taxi. Ikaw pa nagbigay sa akin ng susi para buksan itong apartment mo. >>Ramon: Whoooh! >>Nelfie: Andami mo kayang pinagsasabi kagabi. Andaldal mo pala. >>Ramon: I... hate... you! Pero, bakit andito ka pa? >>Nelfie: Narealize ko kasi na delikado nang umuwi sa'min ng pagkatapos kitang ayusin so nag-decide akong hintayin kang magising ng maliwanagan ka kung anu-anong nangyari kagabi. Kumain ng sandwich sandali si Ramon at uminom ng juice bago ulit nagsalita. >>Ramon: So, saan ka natulog? Don't tell me, tinabihan mo 'ko? >>Nelfie: Ano ka 'ba?! (<-- Kikay) Promo girl ako at hindi pokpok. Sa sala ako natulog 'no. >>Ramon: I'm so sorry. Pasensiya ka na sa'kin kagabi ha. >>Nelfie: Okay. It must have tough. >>Ramon: Teka, ano ba piagsasabi ko sa'yo? >>Nelfie: Marami, including na galit ka dahil linoko ka ng girlfriend mo ngunit sinabi mo sa akin na mahal na mahal mo pa rin siya. Ginger pangalan niya diba? >>Ramon: Wow! Ang daldal ko pala. >>Nelfie: Sige, alis na'ko tutal gising ka na? Don't worry wala ako ginalaw sa mga gamit maliban sa mga kinailangan ko. Di kita ninakawan. >>Ramon: Teka, hintanyin mo 'ko. Magbibihis lang ako at ihahatid a kita. >>Nelfie: Naku, huwag na. Okey na sa'kin na pinatuloy mo ako kagabi. Besides, dun pa rin naman ako nagtra-trabaho from 6-11pm. >>Ramon: Ikaw ang bahala. >>Nelfie: Sige. (Tatayo) Alis na ako. >>Ramon: Paki-lock na lang ng pinto ha at ingat ka. Salamat ulit. ![]() >>Nelfie: No problem, sir!!! ![]() At umuwi na nga si Nelfie sa bahay nila. Itutuloy...... |
|||
|
02-12-2011, 10:41 PM
Post: #7
|
|||
|
|||
|
RE: UNLUCKY VALENTINES 2011 - Parts 3 & 4 released
wew! exited n ako s sunod..
hahaha! kelab na ma itutuloy? peace. =) |
|||
|
02-13-2011, 11:34 AM
(This post was last modified: 07-11-2011 09:14 PM by duelmaster01.)
Post: #8
|
|||
|
|||
|
Napadalas ang pagpunta-punta ni Ramon sa bar kung saan ng nag-tratrabaho si Nelfie. Sa katunayan ay doon na madalas mag-inuman sina Ramon at ang mga ka-opisina niya. Madalas na tuksuhin si Ramon kay Nelfie ngunit patay-malisya lang ang dalawa.
June 11, 2010. Pag-uwi ni Ramon ay naabutan niya si Nelfie na naka-upo sa bench na malapit sa pintuan sa labas ng apartment niya. Agad niya namang nilapitan at kinausap. Napansin niya na namumugto ang mga mata nito at basa ang mukha. >>Ramon: O, ba't ka umiiyak? Anong nangyari? >>Nelfie: Diretsuhin na kita. Alam kong..... hindi pa lang tayo....... matagal na magkilala ngunit ikaw lang talaga malapitan ko. Nasunugan kasi yung tinitirahan kong boarding house kagabi eh.... >>Ramon: Teka, sa inyo pala iyong buong barangay na nasunog na napanood ko sa TV. >>Nelfie: Oo. Gusto ko sana makitira muna sa iyo kahit sandali lang. Sobrang layo kasi ng tinitirhan ng kaibigan ko sa bar na pinagtra-trabahuan ko. Mga apat na sakay pa. >>Ramon: Okay lang. Wala namang problema sa akin iyon. Wala namang magagalit eh. >>Nelfie: Ha? Talaga! Salamat!!! (Mapapayakap kay Ramon at mapapaiyak.) >>Ramon: O tama ng iyak. Pasok muna tayo ng makapag-hapunan ka. It must have been tough. Pumasok na nga ang dalawa sa loob ng apartment. Nagsimulang magluto si Ramon ng pang-hapunan at pinagpatuloy nila ang usapan. >>Nelfie: Hindi naman ako masyadong space-consumer. Kahit diyan na lang ako sa may sala matulog okay lang. >>Ramon: Nakakahiya naman sa'yo. Bisita kita. Hindi ka diyan sa sala matutulog. >>Nelfie: Eh,...... saan? >>Ramon: May isa pa akong kuwarto rito. Tutal tinatambakan ko lang naman iyon ng kung anu-ano ay lilinisin ko na para doon ka na matutulog at may paglalagyan ka ng gamit. Mabuti na iyong may sariling space ka. >>Nelfie: Salamat. Andami mo nang naitulong sa akin. >>Ramon: No problem. Buti na ring may tao rito sa apartment kapag wala ako. >>Nelfie: Huwag kang mag-alala habang andito ako ay ako ang maglilinis at mag-aayos dito. That way, makakabawi naman ako sa'yo. >>Ramon: Kahit 'di na. >>Nelfie: I insist. >>Ramon: Okay lang sa'yo? >>Nelfie: Oo naman. Pero after nating kumain eh punta muna akong bar para magtrabaho. Biyernes ngayon, maraming kustomer. Sayang kasi kikitain ko kapag lumiban ako. Magagamit ko rin iyon para makabili ako ng mga bagong gamit ko. >>Ramon: O sige. Tutal wala naman akong gagawin tonight eh aasikasuhin ko nalang room mo. Pansensiya na walang kama dun ngunit may extrang comforter naman ako eh. Gamitin mo nalang iyon. >>Ramon: Thanks. Nahapunan na rin ang dalawa at nagkuwentuhan tungkol sa mga bagay-bagay. Nang matapos iyon ay dumiretso na sa trabaho si Nelfie. Buwan na ang lumipas at nakaipon na rin si Nelfie upang makahanap ng bagong titirhan ngunit pinipigil naman niya ito. Kahit papano ay napansin niyang nag-eenjoy naman si Nelfie kaya nakukumbise niya ipinagpapaliban nalang muna ni Nelfie ang paglipat. Sa umaga pag wala siya ay si Nelfie ang nag-aayos ng bahay, namamalengke at nagluluto ng hapunan, gaya nga ng sabi ng dalaga. Sa hapon pag-uwi niya ay sabay na silang naghahapunan at pagkatapos nito ay si Nelfie naman ang umaalis pagkatapos nitong maghugas ng pinggan. Disyembre na nang taong ding iyon ay ganoon parin ang setup ng dalawa. Isang araw ay biglang nakatanggap ng tawag si Ramon kay Tita Cely, ang nanay ni Ginger. Itutuloy..... |
|||
|
02-13-2011, 03:39 PM
(This post was last modified: 07-11-2011 09:18 PM by duelmaster01.)
Post: #9
|
|||
|
|||
|
Agad namang sinagot ni Ramon ang tawag sa kanyang cellphone.
>>Ramon: Hello Tita. O, good afternoon! Musta po kayo? >>Cely: Ok lang naman ako hijo.Eh, ikaw? >>Ramon: Ok rin po. Napatawag po ata kayo. >>Cely: Ay oo. iimbitahan sana kita. >>Ramon: Sa ano po? >>Cely: Huwag ka sanang magalit hijo ha? Sa darating na Sabado, December 12 ay magbabakasyon si Ginger. Meron sana kaming welcome party para sa kanya. >>Ramon: Pero tita.... >>Cely: I know may rift between sa inyong dalawa pero I think this party is a good opportunity para maayos niyo nang tuluyan iyong mga issues niyo. >>Ramon: Okay po sana sa akin. Ngunit sa side niya po? >>Cely: Ok lang yun sa kanya. Don't worry. >>Ramon: Sige po. Try ko po. >>Cely: Aasahan kita hijo ha. Tiyempong katatapos pa lang ng tawag ay lumabas naman mula sa banyo si Nelfie at naka-tapis lang. Napansin niya agad ay kakaibang facial expression ni Ramon. >>Nelfie: O, bat parang ang hirap atang ipinta ng mukha mo? May nangyari ba? >>Ramon: Magpapa-welcome party kasi si Tita Cely. >>Nelfie: Anong masama dun? >>Ramon: Ah, si Tita Cely kasi yung mama ni Ginger. Tapos para kay Ginger kasi yung party. >>Nelfie: Ginger? Yung ex mo? Ooohh, awkwardness. >>Ramon: Iyon nga eh. >>Nelfie: Ano ba sabi niya sa'yo? >>Ramon: Gamitin ko daw yung opportunity na ito para magka-ayos kami. >>Nelfie: Wait, hindi ba sabi mo may boyfriend ng iba si Ginger. >>Ramon: Yan nga yung mahirap. >>Nelfie: So ano plano mo? >>Ramon: Ewan ko pa. >>Nelfie: Kailan ba yan? >>Ramon: Sa 12. >>Nelfie: Wait here may kukunin lang ako. Pumunta sandali si Nelfie sa tinutuluyang kwarto at kinalikot ang cellphone. >>Nelfie: December 8 ngayon, Miyerkoles. Teka sa Sabado na iyan ah. Tumango na lang si Ramon bilang sagot. >>Nelfie: Naku, mag-decide ka na. >>Ramon: Teka lang, okay. Uhm.... >>Nelfie: Ano? >>Ramon: Pupunta ako pero.... >>Nelfie: Pero, ano? >>Ramon: Sasamahan ako. >>Nelfie: What the hell!! Ba't naman? >>Ramon: Para kung magwala ako ay may umawat sa akin. >>Nelfie: Huwag naman! Sabado yan. Maraming kustomer. >>Ramon: Sige na. >>Nelfie: Bilang utang na loob, sige sasamahan kita but you better behave. >>Ramon: Sure, no problem. Mabilis na lumipas ang mga araw at Sabado na. Mga bandang alas-siyete dapat sanang darating ang dalawa ngunit dahil sa trapik ay 8:30 na sila narating sa bahay nila Ginger. Si Ramon ang nag-doorbell at mga ilang segundo lang at may bumukas ng pinto, si Ginger. Agad namang nagkatinginan ng mata sa mata sina Ginger at Ramon na siyang nagpatahimik sa kanila. Itutuloy.... |
|||
|
02-14-2011, 12:27 AM
(This post was last modified: 07-11-2011 09:59 PM by duelmaster01.)
Post: #10
|
|||
|
|||
|
Sa eye-to-eye na pagkikita nilang dalawa ay kapwa wala silang masabi. Buti na lang at napadaan sa may pintuan si Tita Cely niya at binasag ang katahimikan.
>>Cely: Uy, hijo! Buti naman nakarating ka. >>Ramon: Ay..... opo. Welcome back pala, Ginger. >>Ginger: Sa..lamat.... >>Cely: O, may kasama ka ata. Sige, pasok kayo. Pinatuloy naman sila Ramon at Nelfie ni Ginger. Dinala naman silang dalawa sa may sala na pinakamalapit sa may dining area nang makapag-halubilo naman sila sa ibang bisita. Sa may kinalalagyan ni Ramon ay rinig niya ag usapan ni Ginger at ng Mommy nito. >>Ginger: Ma, ba't siya andito? >>Cely: Anak ako ang nag-imbita sa kanya. >>Ginger: Pero ma, alam mo naman na kasama ko si Richard. Besides, mahirap ang naging breakup namin. >>Ramon (sa isip niya): Richard pala pangalan niya. (Titingin-tingin sa mga bisita) Sino kaya siya dito? >>Cely: Pero anak, you two need to settle your issues ng matahimik na kayong dalawa. You don't want na bigla na lang niya kayong sugurin na dalawa sa galit niya. >>Ginger: Paano yan, ma? >>Cely: Dun muna kayo sa may terrace. Ako na lang muna bahala kay Richard at sa kasama ni Ramon. Pagkarinig niya sa mga salitang ito ay kaagad na nilapitan ni Ramon ang common friend nila ni Ginger at nangumusta. Gaya ng inaasahan ay nilapitan siya ng Tita Cely at nagpa-anyaya na samahan siya. Magalang naman siyang sumunod. Sa may kusina silang dalawa nagtungo at kumuha ng isang tray ng pagkain. Dala-dala niya ang tray samantalang dala-dala naman ng Tita Cely niya ang isang bote ng drinks at dalawang beses. Gaya ng narinig niya ay sa terrace nga sila pumunta at naabutan nga nila dun si Ginger. >>Cely: O hijo, hija. Maiwan ko muna kayo dito ha ng makapag-usap kayong dalawa ng masinsinan. >>Ginger: Sige ma, kami ng bahala rito. Bumaba na nga si Tita Cely niya sa may sala at ini-entertain ang mga guests. Sinumulan naman ni Ginger ang usapan. >>Ginger: I know this is weird for you. But let me start first with an apology. >>Ramon: Okay lang. >>Ginger: So you're not mad? >>Ramon: Of course, may galit pa rin ako. What do you expect from me? Sa punto ito ng usapan ay tumalikod si Ramon at humarap sa may view ng terrace. >>Ginger: I'm so sorry. It must have been hard for you. >>Ramon: Kahit na masakit. I appreciated later on na naging honest ka sa'kin. Dahil doon, nabawasan ang sakit na sana'y madarama ko. Pero ansakit-sakit pa rin. Alam mo, mahal na mahal pa rin kita. >>Ginger: Pero paano girlfriend mo? >>Ramon: Ah, si Nelfie, yung kasama ko. Hindi ko yun girlfriend, housemate ko yun. Nagpasama lang ako dito. Eh, yung boyfriend mo, kasama mo bang umuwi? >>Ginger: Richard pangalan niya. Yes, umuwi rin siya dito sa Pilipinas. In fact, andito siya sa party at siya pa ang nagbigay sa inyo ng food niyo kanina. >>Ramon (Medyo seryosong sarcastic): Talaga? >>Ginger: It's all my fault. Ewan ko ba kung bakit ko nagawa ito ngunit I take all the blame. >>Ramon: Siguro naghanap ka lang ng makakapitan, ng makakasama. Mahirap ang mag-isa. Well, I realized that during the past few months. Buti na lang andyan si Nelfie, kahit papano ay naibsan ang lumbay ko. >>Ginger: Mahirap nga mag-isa. Pero matanong ko lang, mahal mo na ba si Nelfie? >>Ramon: Ba't mo naman natanong iyan? To be honest, hindi ko siya mahal. Ikaw pa rin minamahal ako hanggang ngayon. Pero, she has been a very good friend and companion. >>Ginger: Well, I think I ought to introduce you kay Richard. Pero paki-usap ko sana, huwag kang mag-iskandalo. >>Ramon: (Medyo ngumingiti na) Ouch. Ano akala mo sa akin uncivilized? Sa harap ng maraming tao susuntukin ko siya at sisigawan ng: "Putang ina mo inagaw mo girlfriend ko. Letse ka! Magsama kayo!" Kahit na gusto kong gawin iyon ay may natitira pa naman akong respeto sa sa sarili ko. >>Ginger: (mapapangiti) Kaya siguro minahal kita noon, dahil diyan. >>Ramon: Salamat. Siguro kailangan na tayong bumalik sa baba. >>Ginger: I think so. Baka nauubos na distraction powers ni Mommy. (Nagsitawanan ang dalawa.) Bumaba na nga ang dalawa pabalik ng sala ngunit hindi sila ng nagsabay. Nauna muna si Ramon na agad pinuntahan si Nelfie. Ilang minuto ang lumipas at sumunod naman si Ginger agad naman pinuntahan ang mommy niya. Gaya ng sinabi ni Ginger sa terrace ay pinakilala nga sa kanya ang boyfriend nito. Medyo hindi sila malayo sa itsura maliban lang na mas matangkad ng konti sa kanya ang bagong boyfriend nito. Ipinakilala naman ni Ramon si Nelfie kina Richard at Ginger. Sa kanilang pagpapakilala at pag-uusap ay piling-piling salita lang ang lumabas sa kanilang bibig at may awkward atmosphere sa kanilang apat. Hindi na nila masyadong pinatagal ang usupan at in-enjoy na lang ang gabi. Kinabukasan, sabay na nag-almusal at nagsimba si Nelfie at Ramon. Pagkarating nilang dalawa sa apartment galing sa simbahan ay napag-usapan nil ang nangyari ng sinundang gabi. >>Nelfie: Pala-kwento pala itong si Ma'am Cely. Andami niyang nakuwento tungkol sa pamilya niya sa aming dalawa ni Richard. >>Ramon: As expected, ganyan talaga si tita - palakuwento. Nag-enjoy ka ba kagabi? >>Nelfie: Kahit feeling ko parang out of place ako kagabi ay okay lang. Enjoy at keri naman. >>Ramon: Good. >>Nelfie: Malay ko ba namang sa Canada pala nagtra-trabaho itong si Richard at siya pala yung bagong boyfriend ni Ginger. >>Ramon: Pero kahit papaano ay pakunswelo na lang sa akin ni Ginger na may itsura pinili niyang ipalit sa akin. Nako kung pangit yung gagong iyon ay makakalimutan ko talaga ang ipinangako ko kay Ginger sa terrace. >>Nelfie: So you mean, nakapag-usap kayo ni Ginger sa terrace. So anong nangyari? >>Ramon: Ayun, kahit papaano ay nagkalinawan kaming dalawa. Galing nga ni tita eh. Siya may pakana nun. >>Nelfie: Kaya pala super kuwento niya kagabi. >>Ramon: That's it. >>Nelfie: (Tatawa sandali) Iwan ko na sa'yo ha. Pero parang gusto ka pa rin niya bilang manugang. >>Ramon: Hindi na. Mabait at peacemaker lang talaga iyon si tita. Nagpatuloy pa ang usapan ng dalawa tungkol sa ilang aspeto ng party na nauwi sa mga ilang detalye ng buhay ni Nelfie. Sa katunayan, hindi na nila namalayan na tanghali na pala at wala pang nakasaing kanin. Nagpasko. Nagbagong taon. Parang normal lang ulit ngunit sa tuwing nakikita niya si Ginger ay naalala niya ang nararamdaman niya para sa kanya pero masakit ito sa damdamin lalo na kapag nakikita niyang kasama nito si Richard. Isang araw ng buwan ng Enero taong 2011 ay nakatanggap na lang siya ng text mula sa hindi kilalang tao. Sinubukan niyang mag-reply ngunit malabo ang sagot ng taong ito. Ito ang mensahe niya: Tulad sa akin ay inagaw rin niya ang syota mo sa'yo. Kung gusto mo tutulungan kita. Tatapusin natin ang hayop na 'yun. Itutuloy..... |
|||
|
« Next Oldest | Next Newest »
|
| Possibly Related Threads... | |||||
| Thread: | Author | Replies: | Views: | Last Post | |
| Unlucky Valentines | duelmaster01 | 41 | 4,969 |
02-19-2012 12:54 AM Last Post: duelmaster01 |
|
| Unlucky Valentines 2012 | duelmaster01 | 5 | 435 |
02-13-2012 06:33 PM Last Post: dmz01 |
|
| Unlucky Valentines 2010 | duelmaster01 | 8 | 1,778 |
02-10-2012 04:10 PM Last Post: duelmaster01 |
|
User(s) browsing this thread: 4 Guest(s)

Search
Member List
Calendar
Help


![[Image: UV_2011_web.png]](http://i273.photobucket.com/albums/jj239/duelmaster01/Unlucky%20Valentines%20Poster/UV_2011_web.png)






