|
Join our Facebook Page |
|
|
|
|
Ang Martir at ang Pretender
|
|
03-28-2006, 01:53 PM
Post: #1
|
|||
|
|||
|
Ang Martir at ang Pretender
ano nmn ang pinagkaiba ng MARTIR,
sa pagiging great PRETENDER... kpag martir ka, lahat tinatago mo.. gusto mo cia, pero dahil sa dahilang di mo alam, sa sarili mo nlng.. para lang umiwas sa mga isyu lalo na kung paborito ng bayan ang kwento ng buhay mo.. nakikita mo cia kasama ng iba, habang ikaw pasimple nlng na lumalayo at kunwari walang nakita.. xempre, bakit mo pa cla titingnan?.. kung ang nais mo talaga ay ikaw ang nsa ganong kalagayan... masakit kc, mdalas imposible... pero ang pagmamahal, hindi matatawag na pagmamahal kung hindi ka msasaktan.. minsan, ang kung gaano pa cia kasakit, mas lalo mo ciang minamahal... kahit niloloko ka na at pinapaasa, ikaw isang martir kunwari isang bulag na walang nakita... madalas hindi raw naaapektuhan, pero pagdating sa bahay, kapag mag-isa na lng, ano gnagawa mo? ayan, umiiyak habang wlang nakakakita.. walang nakakaalam... pag tinatanong ka kung hanggang saan ang kaya mong ibigay, sasabihin mo: " lahat, lahat ng kaya ko.." pero pag tinatanong ka na kung ano na ang gagawin mo matapos mong masaktan, e2 ang sagot mo: "... iyak.. dadaanin ko nlng sa iyak..mwa2la din yan.." hindi mo alam.. sa bawat luhang pumapatak, lalong dumadagdag sa pagmamahal mo sa knya... tanga ka na sa ibang tao.. pero ang tingin mo sa sarili mo isa pa ring henyo.. bakit.. kasi.. sa bawat pagmamahal na binibigay mo, hindi mn ikaw ung nagkukulang.. pero mali pa rin daw un.. magtira daw para sa sarili.. tama nmn.. pero mahirap gawin.. para sa isang taong, puso ang umiiral... ipaliwanag mo man sa knila, hindi nila un maiintindihan.. dahil hindi nmn sila ung nsa kalagayan mo di ba... ikaw, na nagmamahal lang, ayan.. tingnan mo mabuti.. umiiyak ng wlang katapusan.. wala nmng pinagkaiba sa pgiging great pretender eh.. ang taong martir AY MAGALING MAGPRETEND.. oo.. expert sila jan.. dahil.. kahit alam nila na hindi nmn sila ang mahal, anong ginagawa nila, ayan, hindi pa rin natitinag.. hindi nagsasawa.. patuloy pa rin sa pagbibigay.. hanggang sa wala ng mailuha.. hanggang sa maging manhid na.. oo nga nmn.. bakit mo itatago ang nararamdaman mo sa knya di ba?!.. anong nakakahiya?.. eh mahal mo cia.. minsan ang pagiging tanga, wala sa pagiging martir.. ang pagiging tanga, nasa pagiging duwag.. bakit mo itatago ang isang bagay, na khit kelan hindi nmn kasalanan... magtira para sa sarili, un ang sabi nila.. pero kaya ka nga nagmamahal, dahil mahal mo ang sarili mo at gusto mo lumigaya kasama ng taong mahal mo di ba?.. pero madalas.. kung cno ung nagmamahal ng totoo.. ung pa ung nagdurusa, sa kabila ng lahat ng pagmamahal na kaya nilang ipadama.. wala nmn minsan sa knila ung problema.. minsan nandun na sa taong mahal nila.. na masasabi kong great pretender din.. kc nag-pepretend sila na wala silang nararamdaman.. pareho lang di ba?!... wlang pinagkaiba.. hindi mo alam kung knino ka na maniniwala.. pero sa kabila ng lahat.. hindi mo magawang magalit sa taong mahal mo.. tapos ng ilang minuto, ayan ka na ulit.. obserbahan mo sarili mo.. babalik at babalik ka uli sa knya.. ilang beses mo mang itanggi sa sarili mo, ikaw yan at wala ng iba.. pero kpag nsasaktan ka na, ano pa rin iniisip mo, "paano na cia"... cia.. cia.. puro kapakanan niya.. eh siya ba.. khit minsan inisip ka?.. hindi nmn di ba... pero asan ka.. ayan, sa kbila ng lahat ng sakit, tumatayo pa rin.. lumalaban.. cge lang ng cge.. hanggat kaya pa... ganyan magmahal ang martir.. wlang hinihinging kapalit.. walang bakit, paano, cno, dati at kung ano ano pa.. ang meron lang, : "mahal na mahal ko xa...." |
|||
|
08-10-2006, 02:19 AM
Post: #2
|
|||
|
|||
|
Re: Ang Martir at ang Pretender
padaan :83: :33:
|
|||
|
« Next Oldest | Next Newest »
|
| Possibly Related Threads... | |||||
| Thread: | Author | Replies: | Views: | Last Post | |
| Quotes ng mga MARTIR sa LOVE | infernochick | 6 | 20,817 |
11-13-2011 11:16 AM Last Post: techieagent |
|
User(s) browsing this thread: 1 Guest(s)

Search
Member List
Calendar
Help





