|
Join our Facebook Page |
|
|
|
|
PANGARAP LANG KITA <3
|
|
06-08-2011, 08:16 PM
(This post was last modified: 06-13-2011 02:17 PM by MiHO.)
Post: #1
|
|||
|
|||
|
<3 nam
May 19, 2011 “hay. :< tampo na naman sya. Bat ba kasi ang ingay netong bibig na toh eh! AMP!” Minsan, may mga bagay na kahit na anong pilit mo at gawin mo, hindi mo makukuha kung hindi para sayo. Pwede rin namang hindi pa oras para mapasayo.. yung tipong kahit na lumuha ka pa ng dugo, walang bisa..
Haaay. Kakatapos lang ng klase. Malapit na ulit magbakasyon.. College na ko. First year nursing student.. bat ba kasi kami may summer class! Hahaha! 2 weeks lang walang pasok at eto na naman ang malakalbaryong pagpapakilala sa klase, marereshuffle kasi kami. Eto talaga ang pinakaayoko sa lahat eh.. yung naeexpose.. may naalala tuloy ako.. first day of classes and I was grade six that time. Syempre makikita ko na naman yung mga classmates ko. Malakalbaryong pagpapakilala rin. Pagdating ko sa school, napadaan ako sa katabing classroom, yung nasa left. Ang daming tao na nakatayo sa labas na parang may sinisilip kaya nagtaka ako.. anong meron? Ah basta. Bahala sila dun! So eto na nga yung kwento ko.. maya maya, dumating na si Ronalie sa classroom. Nagtanong kaagad sya sa kaibigan nya.. Ronalie: dinah! Ano bang meron dun sa kabilang classroom? Multo? Dinah: ewan ko? New student daw e. Ronalie: ah. Heartthrob? Sus. Gwapo naman ba? Dinah: ewan? ![]() Ronalie: haha. Tara nga. Samahan mo na lang ako sa admin.. magtatanong ako kung magkano renta sa locker. Dapat kasi, libre nay un eh! Ang mahal mahal ng tuition dito eh! Mabilis din lumipas yung araw na yun. Pati nga mga linggo eh.. sa umpisa, walang masyadong events.. ganun pa rin. Patay na patay yung mga studyante sa school na yun sa mahiwagang lalake sa kabilang room. Ralph Jadol-on pala yung pangalan nya.. JULY 6, 2005 Medyo magulo yung schedule ng mga class namin. Good thing nagseservice si Ronalie kaya nakasabay sya sa earlier batch. 9 am sya sinundo kahit na yung time ng class namin, 11:40 pa. pagkasakay nya, napatingin sya sa unahan ng service. Sabi nya, parang ngayon nya lang nakita yung lalakeng nakaupo sa tabi ng driver. Baka transferee.. and yes, pagkadating nila sa school, nakita nyang bago nga lang sa school nila yung lalake. Right after nyang makapasok sa room nila, lumapit kaagad sa kanya yung classmate nila na sumisilip sa kabilang room nung first day of classes. Inggit na inggit daw sya kay Ronalie kasi kaservice nya yung school heartthrob. Pagkasabing pagkasabi pa lang sa kanya nun, pumasok kaagad sa isip nya yung lalakeng nakaupo sa harapan. Sobrang nacurious sya at dahil hindi pa start ng classes nila, lumabas sya. Naglakad para makadaan dun sa tapat ng kabilang classroom. Gusto kasing silipin yung muka nung lalake. Nagawa naman nya. Haha. ayun. hindi ko ba alam dun. Simula nun, puro Ralph na ang bukang bibig. Nakiki-uso ata eh. Crush nila, crush na rin nya. eh samantalang kakasabi nya lang nung first day, “grabe naman magkandarapa yung mga babae sa school”. Fourth week na ng class. Eto na naman si Ronalie, dahil recess namin, nagpasama na naman. May bibilihin daw but actually, dumadaan lang sya sa hallway para masilip yung muka ng crush nya. Know the thai movie “crazy little thing called love”. Gawain nya yun. Palibhasa, walang laban sa ibang may gusto sa crush nya. Di naman kasi sya maganda eh. Sige. Let me define Ralph. GWAPO-CUTE-POGI. Kaya nga heartthrob eh. Dahil na rin siguro new face kaya masyadong naa-appreciate. 5’11 yata yung height nya. Thirteen years old na sya pero grade five pa lang.. kasi galing sya sa japan. 8 years old na sya nung dumating dito sa Pilipinas. Di nga daw marunong magtagalog yun dati eh. Basta. Ang daming may gusto sa kanya. bago kasi yung muka sa school eh. Yung tipong kahit highschool students, may crush sa kanya. Medyo maraming linggo na rin yung lumipas nun. Girl scout si Ronalie at boy scout naman si Ralph. minsan, pag umaga, kailangan nilang pumasok ng mas maaga kasi para maka-attend ng flag raising. Si Ralph yung taga-hila ng lubid nung flag eh--height master yata yung tawag dun?- tapos si Ronalie naman, patrol leader. Syempre moment na nya para matitigan yung crush nya at kiligin sya.. nung una, walang masyadong may alam na crush nya din yung si Ralph. kaya lang nabanggit nya kay Michael, kaservice at closefriend nya, yung tungkol dun. Ang ingay pa naman nun. Ayon.kumalat tuloy. Lahat ng kaklase, kaservice at kung sinu-sino pa, nakaalam. Kahit nga si Ralph, alam na nya yata eh. Sino ba namang hindi maiilang dun diba? Kaya ayun, nahiya na si Ronalie.. ni hindi na nya nasubukang kausapin si Ralph. October 27, 2005 Wala namang masyadong special nung araw na yun. di ba elementary students pa lang sila? Uso nun yung autograph book. Yun yung pinapasulatan sa mga kaibigan tsaka sa crush para malaman yung gusto nila. lahat naman yata nagdaan dun eh. Di ba? ayun nga. Walang ganun si Ronalie dati pero yung kaibigan nyang si Dinah, meron. Chicken Little pa nga yung cover nun sa pagkakaalala ko. Kaklase ni Ralph yung kapatid nya kaya madali lang nyang napasulatan sa kanya yun. Ewan ko nga eh. Pati yata yun, may gusto kay Ralph, dinedeny lang. sus. Di syempre, nakita ni Ronalie yun at ako syempre. Boring ngang magsagot eh. Ang makukuha mo lang na info, cellphone number. Yung mga sagot sa crush, ayun na.. wala na. hindi yata natapos yun sagutan eh. Siguro sawang sawa yun nun. Halos lahat kasi, nagpapasagot sa kanya. di syempre, tuwang tuwa yung bruha, si Ronalie. nakuha na nya yung number ng crush nya. At dahil Thursday ngayon at kailangan nilang pumasok ng maaga bukas.. pagkauwing pagkauwi nya, kinuha agad nya yung cellphone nya at tinext agad si Ralph. TEXT Ronalie: ui. Di ba flag up bukas? (then send to 0915949****) Asus. Palusot nya lang yun. Alam naman nyang meron eh. Matext nya lang talaga. Style nya, bulok. Hehe. Maya-maya pa, may sumagot.. (Ralph’s Point of View.) “huh? Sino kaya toh? Sige, sasagutin ko na lang yung tanong nya” TEXT Ralph: oo. Sino toh? Ronalie: si ronalie. yung kaservice mo.. (Ralph’s point of view.) “si Ronalie?!” Ralph: nay! Penge pangload. Nanay Fe(lola ni Ralph): bakit? Magdodownload ka na naman ng laro sa cellphone mo? Ralph: Hindi po. May itetext lang ako. Yung classmate ko. (“hah? Bat classmate nasabi ko. Basta. Para mareplyan ko sya. :”>” sabi ni Ralph sa isip nya.) TEXT Ralph: ah. Okay. Papasok ka ba ng maaga? Ronalie: thankyou! Oo. Ikaw? Ralph: welcome. Oo. Ronalie: ah. Thankyou ulit! Ralph: Wala yun. Pagkatapos, hindi na sumagot si Ronalie. Kinabukasan.. |
|||
|
06-13-2011, 02:19 PM
(This post was last modified: 06-13-2011 02:25 PM by MiHO.)
Post: #2
|
|||
|
|||
|
RE: PANGARAP LANG KITA <3
OCTOBER 28, 2005
Friday again. Favorite day ni Ronalie toh eh. Kasi.. sasabay na naman si Ralph sa batch nila na 5 ang uwian. Ang uwian kasi talaga nina Ralph, 3 pm pero pag Friday, 5 na sya nakakalabas kasi may meeting sila sa scout. Another thing, sa umaga, makikita nya si Ralph kasi may flag-up. So ayun na nga, maaga syang pumapasok, parehas silang sumasabay ni Ralph sa 6 am ang sundo. At dahil pagkatapos ng flag up eh wala pa silang klase, kinukulit si Ronalie ng mga kaklase nya lalo na yung mga lalaki. Gustong gusto kasing hinihiram yung cellphone nya at para mapapayag sya, sinasabi nilang pipictyuran nila si Ralph which is totoo. Syempre, kilig na naman si Ronalie. anu pa nga ba? Habang nasa classmate ni Ronalie yung cellphone nya, dahil kinukunan ng picture yung crush nya, lumalabas sya ng room para makita at masilip sa kabilang room(room nina Ralph) kung maayos naman ba yung cellphone nya. Wala pa naman kasing tao dun maliban kay Ralph kaya nakakapasok yung classmate ni Ronalie. Ilang minuto lang yung lumipas, bumalik na si Ronalie sa classroom nila. Natulog ng nakaupo at nakapatong yung ulo sa armchair. Ang aga kasi nila pumasok eh. Sayang yung oras. Maya maya pa, nagsawa na yung classmate nya, si Olegario. Sinauli na yung cellphone nya at may kasama pang bonus. Yung laging hawak ni Ralph na stress-release ball. Ayun. kilig na naman. Eh malamang. Hanggang dun na lang sya eh. Mabilis lang lumipas yung oras at uwian na naman. Ang favorite part of the day ni Ronalie kaya lang cleaner sya para sa araw na yun kaya haggardness. Pagkatapos nya maglinis, ni hindi na sya nagpowder ng muka.. tumakbo na sya deretso sa service kasi alam nyang sya na lang yung hinihintay. Nawala sa isip nya na magpaganda kasi nga andun yung crush nya. Bago dumating sa service, nakapagpabango sya at nakapag-alcohol ng kamay. Pagkabukas ng pintuan ng school service, nagulat sya kasi halos wala na talagang space at sya na lang ang hindi pa nakakaupo. The only space na natira eh yung sa tabi ni Ralph which is sinadya ng mga kaservice nya. Hindi nya tuloy alam kung matutuwa ba sya o maiinis at as what she had expected, may biglang nagsalita na kaservice nila.. Audrey: yee. Oy. Umayos kayo. Padaanin nyo si Ronalie oh. Paupuin nyo na dun. ![]() Hindi maintindihan yung muka ni Ronalie nun. Hindi rin kasi nya alam kung anong mararamdaman kasi nahihiya sya. Goodthing may tagapagtanggol sya.. na hindi mo rin maintindihan kung nangaasar ba o hindi.. Tito Nick(service driver nila): umayos na. wag nang mang-asar. Namumula na si Ronalie oh. Paupuin nyo na. Pero wala rin. No choice. Nahiya na kasi si Ronalie kaya umupo na sya. Parang ang tagal ng oras nun. Yung kahit magkatabi sila, hindi naman nya makita yung muka ni Ralph. June, July, August, September, October, November at December.. mabilis lang lumipas yung mga araw na yun. Same routine, same happenings. Ano nga bang madalas na ginagawa ng mga taong hanggang crush na lang? ayun, tingin lang.. daan sa hallway, text para maakausap.. at yung gamit na nakuha nya galing kay Ralph? nakatabi pa syempre. December na naman.. ang pinakahinihintay ng mga estudyante sa school na yun. Christmas party at field trip. Syempre. Ano nga ba yung usual na scenario pag Christmas party? ang dami na naman ng nakaporma. Si Ronalie? simple lang. nakatirintas yung buhok, naka-blouse na color blue, tokong na maong at high heels. Teka, nadescribe ko na ba sya? Hmm. chubby na mataba, morena, makapal yung buhok na laging nakatali, makapal yung kilay, di masyadong matangkad, average yung talino.. ano pa ba? Hindi naman sya maganda eh. Basta, madaling iapproach at masayahin yun. Teka, nasan na nga ba tayo? Ayun, nakatayo lang si Ronalie nun sa tapat ng classroom nila since hindi pa nagsisimula yung party. hinihintay nya na lumabas yung crush nya galing sa classroom nila. hindi naman sya umaasa na mapansin sya eh pero wala pa rin, hindi nya pa rin nya nakikita. Lumipas yung oras, hinihintay pa kasi nila na matapos yung Christmas party ng pang-umaga kaya hindi pa sila makapagsimula. Maya-maya, lumabas rin ng classroom nila yung classmate ni Ronalie na patay na patay din kay Ralph, si Joy. hindi naman sya pinansin ni Ronalie. Habang nakatingin si Ronalie sa malayo, hindi nya napansin na dumaan na pala sa likod nya yung hinihintay nyang magpakita sa kanya, si Ralph. hinila ni Joy si Ralph, magpapakuha daw kasi ng picture kasama sya.Medyo nangaasar nga eh kasi sa harap pa ni Ronalie nagpakuha at tiningnan pa sya. Nangiinggit yata. Joy: Ralph! Picture tayo. kasama si James.. (yung isa pang heartthrob na kaibigan din ni Ralph)Ralph: ah. Eh. Sige.. (habang nakatingin kay Ronalie na naglalakad papasok sa classroom nya. Medyo malungkot din yung mukha ni Ralph nun. Hindi mo nga maipinta eh. Hindi naman yun napansin ni Ronalie.) Haha. yun, kaya pumasok na lang si Ronalie sa loob ng classroom. Mabilis lang naman din lumipas yung party, hindi tulad ng iba na maraming regalo, isa lang yung nakuha ni Ronalie, yun yung galing sa kaexchande gift nya. Nung uwian, sinundo na rin sya ng daddy, mommy at kapatid nya na nakakotse. Pupunta daw kasi sila sa Makati Med. Nung araw na yun din kasi yung dating ng tita nya galing sa Paris. May sakit daw kaya umuwi. Pagkarating sa ospital, maaliwalas yung lugar at may malaki pang santa claus na nakatayo malapit sa elevator. Chance na rin para makipagbonding sa mga kuya nya, sa tatlong makukulit na pinsan. Pagkapasok nila sa kwarto, nandun yung tita nya. Nakahiga at may swero. May cancer pala yung tita nya pero hindi pa naman ganun kalala kaya hindi nya masyadong iniisip yun. Medyo matagal din silang nag-stay sa ospital kaya gabi na nang nakauwi sila. Pagkauwi, inayos na agad ni Ronalie yung mga dadalhin nya para bukas. Fieldtrip na kasi at pagkatapos, natulog na sya. Kinabukasan, medyo late na nagising si Ronalie kaya tinulungan na rin sya ng daddy nya na magluto ng dadalhing baon. Syempre, excited si Ronalie. matapos maligo at mag-ayos, inihatid na si Ronalie ng daddy nya sa school na naka-kotse. Papasok na rin kasi yung daddy nya sa trabaho. Syempre, pagkarating sa school, ano nga bang unang ginawa ni Ronalie.. edi hinanap yung crush nya kaya lang hindi nya makita kasi medyo madilim pa nun. Kaya umupo na lang sya sa loob ng classroom nila kasama si Dinah. Nung medyo maliwanag na, pinapila na sila sa labas ng classroom para makapunta na sa bus. Ronalie: Sa wakas! Nakita ko na rin sya!(sigaw nya nung natanaw nya si Ralph sa di kalayuan) Dinah: Ha? May sinasabi ka? Ronalie: Ah eh, sabi ko.. sa wakas, pinapila na tayo. Haha. oo. Yung nga. Sabi kasi 6 am tayo aalis eh, 7 na oh. Naku naku naman talaga! He-he. Dinah: Ah.. Habang naglalakad papunta sa bus, hindi nilubayan ng tingin ni Ronalie yung crush nya. Syempre, madaling makita, matangkad eh. Natigil na lang yun nung nakasakay na sila sa bus. Katabi nya si Katherine nun kasi ang katabi ni Dinah eh yung kapatid nya. Una nilang pinuntahan yung science centrum. Hi-tech na museum. Marami kasing hands-on na gamit para maexperience mo yung different fields ng science tulad ng natural science, biology, chemistry, biochemistry, physics at marami pa. pagkababa galing sa bus, pinapila muna sila para organized yung pagpasok. Syempre, eto na naman yung mala-flash light na mata ni Ronalie at Ronalie: Yes! Dinah: Ha? Bakit? (sabay tingin sa way na tinitingnan ni Ronalie) Ronalie: ah. Wala. Wala. :> Dinah: ahh. Si Ralph! Ronalie: SHHHH. Uy. Wag ka maingay. :>> Dinah: haha. oo na.. Habang naglalakad-lakad, syempre, hindi hinihiwalayan ng tingin ni Ronalie si Ralph. nakooo. Stalker ang bruha. Hahaha! Hindi tuloy nya napasin na nawala na sa tabi nya yung mga kasama nya. Haha. muka tuloy batang nawawala. Hanap dito, hanap dun. Yan.. nawala na rin sa paningin nya si Ralph.. Ronalie: Haaaaay. Ano ba yan. Tsk2. (“oh! Ayun! bwahahaha. May maganda rin palang magagawa tong pagkawala ko eh” sa isip isip nya.) Nakita nya kasi si Ralph na maglalakad papunta sa kanya. ayan na. papalapit na.. ang bilis ng kabog ng dibdib ni Ronalie nun.. papalapit na rin ng papalapit si Ralph. lalapit na rin sana sya nang biglang.. TOINK! Nilagpasan lang sya. Kaya hinabol nya at tinanong.. Ronalie: Ralph.. Ralph: Hm? Ronalie: Ah. Eh.. Nakita mo ba sina Dinah? Nawawala kasi eh. Ah. Eh ako pala yung nawawala. Haha. ![]() Ralph: Hindi. Ronalie: Ah. Thankyou.(“Sungit! Hmp!” bulong nya sabay lakad palayo.) |
|||
|
« Next Oldest | Next Newest »
|
User(s) browsing this thread: 3 Guest(s)

Search
Member List
Calendar
Help




