|
Join our Facebook Page |
|
|
|
|
8 Ways To Win His Heart
|
|
06-20-2011, 10:07 PM
Post: #1
|
|||
|
|||
Quote:A/N: Sana habang binabasa nyo tong storya.. Wag nyong bilisan ha? Damdamin nyo yung mga salita. Lalo na yung narrations kasi yun yung nararamdaman ng character at yung nangyayari. Yun lang. Enjoy. Hindi rin ako writer or something, pero hindi ko first time. *first time ko sa stories tho* So yun. salamat :) Ako si Telle. Sabi nila gumaganda daw ang tao pag nagmamahal, pero bakit ako? May mahal naman ako a. Si Kish. Yung mahal ko. Pero ang layo layo ko. Pero hindi ako mahal. “Hoy Telle, tapos na kami. Ikaw vice president. Ikaw na lang mangulekta ng papers. Last day na naman e.” sabi ni Aya. Pinsan ko at kasama ko sa bahay. Siya yung president. Lagi na lang pinapasa sakin lahat. Kung may magtatanggol lang sakin e.. Maitim kasi ako, maliit, mapayat, at may salamin. May mahabang buhok na hindi inaayos, tahimik, at walang kaibigan. Asa pa kong may magtatanggol sakin diba. Si Kish.. sana. “Tara, Aya.” Narinig ko si Kish. Tinitigan ko siya, tinignan niya rin ako. Nililigawan niya kaya si Aya? “Syempre, sino bang bagay sa gwapo e di yung maganda.” Bulong ko sa sarili ko. Napakalayo ko kay Kish. Bakit nga naman ako aasa. Tanga mo Telle, TANGA. Panget ka e. Habang pauwi ako, may nadaanan akong nagbebenta ng magazines. Merong isang magazine na kumuhang atensyon ko. Yung may part na, 8 Ways to Win His Heart (For Uglies). Medyo nakakainsulto yung title pero totoo. Hindi ko alam, siguro dahil nasa isip ko nun si Kish, kaya binili ko agad. Siguro kasi umaasa ako kahit walang pag asa. Umuwi na ko sa bahay at natulog. Matutulog na naman ako. Gigising na naman ako bukas ng walang kaibigan, ng panget ako, ng loner. Gigising ako na mahal ko siya, may mahal siyang iba. |
|||
|
09-26-2011, 12:18 AM
Post: #2
|
|||
|
|||
|
RE: 8 Ways To Win His Heart
pakituloy na po.
|
|||
|
10-01-2011, 10:54 PM
Post: #3
|
|||
|
|||
|
RE: 8 Ways To Win His Heart
Kinabukasan, napagdesisyunan kong gawin every steps by day.
1. Hair Dami pa niyang sinabi na mag ayos daw blabla dahil sino daw ang may gusto ng magulo ang buhok blabla bla. Pero since hindi ako marunong mag ayos, napagdesisyunan ko na lang na pumunta sa salon at mag paiksi ng buhok. Pagkalabas na pagkalabas ko ng bahay, nakita ko si Kish.Nagdalawang isip ako, tutuloy ba ko? Anong ginagawa niya dito? Pinuntahan ba niya ko? Nagustuhan na ba niya ko? “Hi Telle.” Tapos ngumiti siya. Yun mga ngiting yun.. Pwede na kong mabuhay dito at titigan na lang yung gwapo niyang mukha.. Yung nakamamatay niyang ngiti. “Uh, Telle. Ayos ka lang?” Napansin ata niyang natulala ako. Ano ka ba Telle, umayos ka nga. Ngumiti ako. “Ah, oo. Ano nga pala ginagawa mo di—“ “Kish! Sorry ang tagal ko ba? Tara na?” Oo nga pala. Nililigawan niya si Aya. Si Aya, si Aya na maganda, na maayos, na may Self Confidence. Si Aya na perfect sa paningin ng mga tao. “Bye Telle. See you around.” Tapos ngumiti na naman siya. Ang bait niya talaga. Sumakay na sila sa motorbike. “Bye Telle.” Sabi ni Aya. Tapos bigla niya akong inirapan. Galit kasi siya sakin e. Lagi siyang cinocompare nina Tita sakin. Bakit daw hindi niya magawang mag excel sa studies like me? Kung alam lang nila kung gano ako kainggit sa anak nila na nililigawan siya ni Kish. Sana ako na lang siya. Sana ako na lang si Aya. Konting lakad na lang makakarating na ako sa salon para magpagupit nung matanaw ko yug motor ni Kish. Pareho pa ata kami ng pupuntahan. Nalaman kong tama ako nung pumasok ako ng salon. Nakita ko si Kish, nakaupo sa sofa, nginitian ko siya at nginitian niya rin ako. Hanggang dun na lang ba ako? Asa ka pa Telle, asa ka pa. Nakita ko rin si Aya, naka hot oil cap. “Wow. Anong ginagawa mo dito? Magpapaganda ka? Ay teh, di kaya ng make up.” Tapos nagtawanan sila. Tanggap ko naman e, tanggap na tanggap ko, pero bakit kaylangang ipamukha? “Dapat diyan face transplant. HAHAHAHA. Kaya wala ka nang pag-asa.” Nagtawanan ulit si Aya at yung mga bakla. Tama na. Apak na apak na yung pride ko. “Aya ano ba? Tigil na nga.” Tinignan ko si Kish at nginitian bilang Thank You. Kish wag ka namang ganyan, mas nahuhulog ako sa’yo e. Ang sakit lang lalo. Dumeretso na ko sa may counter at sinabi na magapagupit lang ako. “Bob cut po.” Pinaupo ako sa tabi ni Aya. Ang panget ko tuloy lalo. Pinapunta rin ni Aya si Kish sa tabi niya, para makipagkwentuhan at magmukhang body guard. Nas gitna tuloy namin si Kish. Tumingin ako sa salamin. Nandito ako, nandito yung mahal ko. Pero nandito si Aya at si Aya yung mahal niya. Ang sakit. ----- Sorryyyy ~ Grabe, lalo na dun sa nagPM sakin. Pasensyaaa. Ngayon lang ako nakapagbukas ng FNETS Accnt, . Ayun lungss, magiging active na rin ako dito. ![]() *Ang cucute ng smiles. ;] And Hello! ;] |
|||
|
« Next Oldest | Next Newest »
|
User(s) browsing this thread: 3 Guest(s)

Search
Member List
Calendar
Help





Sorryyyy ~ Grabe, lalo na dun sa nagPM sakin. Pasensyaaa. Ngayon lang ako nakapagbukas ng FNETS Accnt,
. Ayun lungss, magiging active na rin ako dito. 