Join our Facebook Page



Post Reply 
 
Thread Rating:
  • 1 Votes - 5 Average
  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
  • 5
gitara
11-16-2011, 01:52 PM
Post: #1
Heart gitara
sa pagtipa ng gitara at aking pagtugtog
ikaw ang naaalala oh aking irog
sa bawat pagtapos ng araw sa paglubog
ang pagibig mo, sa diyos ko dinudulog

sapagkat ikaw lang ang laman ng isipan
kaya't ninanais na ika'y masilayan
sa bawat oras at araw na dumaraan
pag-ibig mo ang nais maramdaman

kaya nga sinta sa mga oras na magkasama
wala na akong ibang inaalala
kundi hanggang kaylan tayo magkasama
sa pagtulog, paggising ika'y kahalina

sinta pangako mo ako'y di mo iiwan
baka kasi hindi ko makayanan
ang malayo sayo ng matagalan
at di makasama sa walang hanggan.

AqueRoTenKai07
Send this user an email Find all posts by this user
Quote this message in a reply
Post Reply 


Forum Jump:


User(s) browsing this thread: 1 Guest(s)