|
Join our Facebook Page |
|
|
|
|
I GIVE MY FIRST LOVE TO YOU
|
|
01-27-2012, 10:08 PM
Post: #1
|
|||
|
|||
|
I GIVE MY FIRST LOVE TO YOU
Ako si Yannie.Fouth year student ako noon nang maramdaman ko ang salitang love.
I was only 16 years old. Transferee ako sa school. First day ko sa school .. kasalukuyang hinahanap ang room ko. Ang laki kasi ng school kaya hindi ko makita .. sanay akong maglakad ng naka-yuko kasi hindi rin naman ako confident sa face ko. Medyo may pagka-nerdy ako pero hindi naman masyado. Siguro sa panlabas oo pero sa loob hindi nman.. ata? Maputi ako,mahaba ang buhok na pantay hanggang taas ng bewang .. straight siya .. may bangs din ako pero lagi akong naka-full bangs .. mahiyain ako kaya wala akong kaibigan. Lagi lang akong solo. Naglalakad pa rin ako ngayon nang biglang .. “aray!” nadapa ako .. “Ahahah!! Lampa naman nito!” “Mukha siyang manang!” “Haha!!” Tawa doon~ tawa riyan! Mga tawa at lait lang ng tao ang naririnig ko .. pinalilibutan nila ako .. maiiyak na ako.. ng biglang .. “anong ginagawa niyo sa gf ko!?” Teka! Anong gf!? Biglang naghawan! Na para bang dadaan ang hari.. Hinigit lang niya an gang kamay ko at pilit akong tinayo.. at dahil sa hindi ako makatayo .. binuhat niya ako .. Grabe!! Yung buhat na para bang bagong kasal! hays! KAHIHIYAN KAHIHIYAN!! First day na first day may eksena ako!! >.< Nakatitig ako sa kanyan!! WHOAW!! Ang gwapo niya!! Anghel ba itong nagbubuhat sa akin!? Bigla niya akong ibinaba .. hindi ko namalayan nakalayo na pala kami .. andito na kami sa may likod ng school .. nandito kami ngayon sa may damuhan at nakalilom sa malaking puno .. napaka-peaceful dito .. bigla naman siyang umimik. “ang engot mo naman para madapa” sinasabi niya iyon nang natatawa pero nakatingin siya sa malayo.. “ako bang kausap mo? Kung ako kausap mo bkit ang layo ng tingin mo? BANLAG ka ano!?” Napatingin siya bigla.. “hahahaha!! Hindi nuh!!” bigla niya akong binatukan pero mahina lang “nakakatawa ka talaga! Haha!” Asar ah!! Close na ba kami para mambatok siya!! Aba aba! Hindi porket niligtas niya ako sa kahihiyan ay maaari na niya akong batuk-batukan! Aba! Bigla ko siyang binatukan pabalik! Haha! Patatalo ba naman ako!? “aray! Sakit nun ha! niligtas na nga kita diyan kanina eh!” “kahit pa! sige salamat pero ikaw naman kasi nambatok ka!” “eh sinabihan mo ako ng banlag diba!?” Nagtawanan lang kami .. “syanga pala ako si shin. 4th year ako. “ “ahh.. nice meeting you. I’m yannie also 4th year” ngumiti lang ako .. That day .. gusto kong maiyak dahil sa may kaibigan na ako.. nalaman ko pang mag-kaklase kami. Ang saya-saya ko .. ang daming gustong umupo sa tabi niya dahil by two ang sitting arrangement pero nag-request siyang kami ang tabi.. ang daming babae ang sumimangot .. yung bang hindi maipinta ang mukha .. ako naman .. parang maiihi dahil sa tuwa .. samahan pa ng kilig .. ahahha Lagi kami ang partner sa mga school activities at lagi rin kami ang magkasama. Lagi kaming kumakain ng sabay sa favorite place naming .. sa ilalim ng puno sa likod ng school. Masayahin siya.. super kulit at napakabait. Kaso ang lakas kumain!! >.< “ano ka ba naman!! Wala pang kalahati itong nakakain ko ikaw patatlong kuha mo na ng kanin at ulam!” “hayaan mo na! ang sarap kasing magluto ng mommy mo eh! Haha!! Ang sarap ng sinigang niya! THE BEST!” “ewan ko sayo!! Mauubos na oh!!” “hahah!” Madalas kaming magtalo sa mga bagay-bagay.. pero kahit ako ang may kasalanan madalas siya pa rin ang sumusuyo sa akin .. kilala na siya ng magulang ko at ganoon din naman ako sa magulang niya.. Isang araw hindi ko siya makita sa school.. wala rin siya sa room eh mag-ttime na kami kaya hinanap ko siya..pinuntahan ko agad siya sa fav. place namin.. nakahinga ako ng mabuti ng makita ko siya doon . nakaub-ob lang siya sa mga tuhod niya at nakasandal sa puno.. ang iba naming babae nakita ko .. pini-picture-an siya sa malayo!! Aba aba!! Mga feelers sila no! haha joke lng.. kung makaasta prng gf ako ah? Lol! Agad akong tumakbo papunta sa kanya at umupo sa tabi niya .. “uy,mag-ttime na tayo..” kinuhit ko siya .. “o-oo.. sige una kana” nahalata kong basag ang boses niya kaya inangat ko agad ang mukha niya.. Nalungkot at gulat ng makita kong ang lalaking mahal ko ay .. umiiyak .. “bakit ka-“ bago ko pa maituloy ang sasabihin ko.. hinalikan niya ako .. Hindi ako gumalaw.. pagkatapos niya akong halikan niyakap niya ako ng mahigpit .. “I love you yannie” napapikit ako .. at niyakap rin siya .. iyon ang .. pinakamasayang araw ko .. sa buong buhay ko.. “I love you too” Simula ng araw na iyon .. lagi na siyang sweet sa akin .. ni hindi sumasapit ang araw na hindi niya nasasabi ang salitang I love you Pinaalam na rin naming sa magulang naming ang tungkol sa amin. Hindi naman sila nagulat sa halip ay natuwa.. Araw-araw ang saya ko .. Para bang ayaw ko nang matapos .. Tinatanong ko siya kung bakit siya umiiyak noong araw na iyon pero hindi niya ako sinasagot sa tuwing tinatanong ko iyon kaya hindi ko na rin inabala pang itanong ulit .. Sa tuwing magkikita kami .. lagi siyang may dalang tatlong puulang rosas sa akin.. Hindi ko makakailang .. mahal na mahal ko siya .. Days have past .. Bigla ko nalng nalaman na umalis sila ng family niya.. pumunta silang America .. Nalaman ko sa teacher naming kasi ini-announce na nag-draft siya.. Halos sumabog ang dib-dib ko sa narinig ko .. naalala ko tuloy bago ang araw na iyon ay walang humpay niya akong sinasabihan ng I love you ..binigyan niya ako ng sing sing at sinabi rin niyang ako lang daw ang una’t huli niyang mamahalin.. nung gabi pang iyon ay binigay ko sa kanya ang .. ang lahat sa akin.. Halos mamatay ako.. sa lahat ng narinig ko.. Nag-walk out ako sa class room namin.. pumunta ako sa favorite place naming .. sa likod ng school.. Umiyak ako ng umiyak!! Hinubad ko ang sing sing.. at itinapon ko. Kulang na lamang ay isumpa ko siya sa lahat ng nangyari at ibaon ng buhay sa lupa. After 2 months .. “anak!! Pumunta ka ditto sa baba!! Madali ka!” Agad akong bumaba .. nagulat ako ng makita ko ang magulang ni Shin. “ah.. bakit po” “umupo na muna tayo” sabi ni mommy Tumabi sa akin si daddy niyakap ako .. hindi maintindihan kung bakit ganun? Hinawakan ng mama niya ang kamay ko at maluha-luhang sinabi ang mga katagang nagpapatak ng luha ko.. “si shin.. wala na siya” Hindi ko maintindihan! Ayaw kong maniwala! Gustong tumawa at humalakhak at sabihin .. ang SAMA ng joke niyo! “hindi siya nagamot sa amerika.. “ patuloy ng papa niya .. Isinalaysay nila sa akin ang buong pangyayari .. may cancer of the blood daw si shin .. matagal na .. noong nakaraang 5 buwan lamang ito nalaman at nakumpirma .. lalo akong naiyak kasi yun yung day na .. na nagging kami .. Bawat salaysay ng magulang ni shin sa nanyari ay para akong nabibingi .. parang gusto kong papaniwalain ang sarili kong bangungot lang ito na magigising na rin ako mamaya .. gigisingin ako ni shin sa bangungot na ito .. Maya-maya .. wala na akong maimik .. may ibabot lang sa akin ang mama niya na notebook.. at umalis na rin sila .. ako naman .. tumakbo at umakyat sa kwarto .. Binuksan ko ang notebook.. sulat kamay si shin ito .. “ Patawarin mo ako yannie kung hindi na ako nagpaalam na aalis ako .. ayaw ko kasing makita kang umiiyak hindi ko rin alam kung papaano ko sasabihin sayo .. hindi ko nga masabi ang karamdaman ko kasi alam kong iiyak ka .. nahihirapan na ako dito pero kinakaya ko .. para sayo yannie .. mahal na mahal kita .. Hindi niya mapigilang hindi humagulhol ng iyak .. hbang binabasa iyon .. Bawat araw na hindi kita kasama para akong mamatay.. hindi ko pala talaga kaya na hindi ka kasama.. May tali na ang buhay ko… alam ko .. nararaamdaman ko.. at kung sakaling mawala ako gusto kong ipagpatuloy mo ang buhay mo.. maging Masaya ka .. ngumiti ka.. lagi mong tatandaan na sa lahat ng mali para sa akin ikaw ang pinakatama .. I love you engot .. “ “mahal na mahal din kita .. mahal na mahal” at niyakap nalang niya ang notebook na iyon .. Dalawang araw ng nakakalipas nang matapos ang libing ni shin .. hindi siya masyado nakain .. lagi siyang nagsusuka .. namamayat na rin siya .. “anak! Ano bang nanyayare sayo!” sabi ng tatay niya sa kanya .. nagsusuka kasi siya ngayon asa cr sila.. “anak! Wag mong sabihing buntis ka!” sabi nmn nang nanay niya .. Napatulala ang magulang niya .. Siya naman .. napangiti .. “ma .. pa .. sana nga po buuntis ako .. para may ala-ala sa akin si shin .. patawarin niyo po ako pero bago po siya umaliss noon may nanyare pos a amin ..” Niyakap lang siya ng magulang niya na para bang naiintindihan siya .. Kinabukasan .. nagpa-check up siya .. kinakabahan siya ng biglang magsalita yung doctor.. “8 weeks .. twins” |
|||
|
« Next Oldest | Next Newest »
|
| Possibly Related Threads... | |||||
| Thread: | Author | Replies: | Views: | Last Post | |
| GIVE UP... give up... GIVE UP... | tania0516 | 6 | 1,039 |
03-10-2009 07:38 AM Last Post: tania0516 |
|
| Dont Give UP! | tania0516 | 3 | 1,043 |
12-02-2006 08:13 PM Last Post: tania0516 |
|
| give up or take in | kahit ano jan | 1 | 615 |
08-19-2006 04:48 PM Last Post: kahit ano jan |
|
User(s) browsing this thread: 1 Guest(s)

Search
Member List
Calendar
Help



