|
Join our Facebook Page |
|
|
|
|
Unlucky Valentines 2012
|
|
02-07-2012, 02:59 PM
(This post was last modified: 02-13-2012 08:33 PM by duelmaster01.)
Post: #1
|
|||
|
|||
|
Unlucky Valentines 2012 - Palagi Na Lang Sila, Ako Naman. Pwede?
Chapters 1.) Prologue 2.) One 3.) Four 4.) Three 5.) Epilogue Click on the chapter name to jump to that particular chapter. If it is unclickable, it means the particular chapter is not yet available. Both usernames duelmaster01 and dmz01 belong to me. I had to create another account because of a change in FNETS that prevented me from presenting this story the way I wanted. |
|||
|
02-07-2012, 03:42 PM
(This post was last modified: 02-07-2012 03:45 PM by dmz01.)
Post: #2
|
|||
|
|||
|
Habang nila-lock ko ang pintuan ng bahay na tinirhan ko ng halos dalawang taon, di ko mapigilang malungkot. Maraming alaalang nakakabit sa bahay na iyon. Hindi man akin ang bahay na iyon ay halos isang taon na rin akong mag-isang nakatira rito. Kung tutuusin, hindi ko naman talaga kailangang iwan ang bahay na iyon pero para sa sarili ko ay gagawin ko ito.
Suot ang backpack at dala ang aking maleta ay naghintay ako sa may sakayan ng bus. Puro ulap ang nakikita ko sa langit at parang nagbabadya pang umulan. Naisip ko ang mga magkasintahang nagde-date ng araw na iyon. Ang saklap naman kung uulan, baka mabasa sila pareho. Ngunit naisip ko rin na pwedeng gamitin yung dahilan para dumiretso sila sa motel. Napangiti ako nung sumagi yun sa isip ko. Sa wakas ay dumating na rin ang bus. Pinili kong umupo ako sa upuan sa likuran ng driver, salamat dahil konti lang ang pasahero at bakante ang lugar na 'yon. Mga isa't kalahating oras ang usual na tagal ng biyahe papunta sa lilipatan ko. Nakinig muna ako sa radyo na pinapatugtog ng bus habang pinipilit kong huwag makatulog. |
|||
|
02-08-2012, 05:11 PM
(This post was last modified: 02-27-2012 11:46 PM by duelmaster01.)
Post: #3
|
|||
|
|||
|
October 22, 2010. Ginising ako ng aking alarm ng umagang iyon. Alas otso na. Naka-ilang ulit na ring umulit ang alarm ko kaya pag bukas ko ng aking mata ay nakita kung akmang papatayin na ng bestfriend slash housemate slash may-ari ng bahay ng tinitirhan ko ang aking alarm. Naiirita na kasi siya na halos dalawang oras ng tumutunog ang aking alarm ay hindi pa rin ako nagigising.
Naalala ko na 6:30 ko pala ni-set ang aking alarm ngunit hindi na kinaya ng katawan ko ang puyat. Pagkatapos mag-sorry ay dumiretso ako sa may lababo para maghilamos. Habang ginagawa ito ay hindi ko maiwasang alalahanin ang mga nangyari ng sinundang gabi. Pagkatapos kumuha ng mga litraro para sa pinagtratrabuhan kung dyaryo at ipasa ang mga ito ay dumiretso na ako sa bar na pinag-usapan namin ng girlfriend ko. Correction, ex-girlfriend na pala. Nakipagkita ako dahil gusto ko nang makipag-break. Naging matiwasay naman ang pag-uusap namin at pagkatapos naming pag-usapan ang aming terms of break-up nun ay nag-inuman na lang kaming dalawa at nag-recap sa aming halos dalawang linggong relasyon. Kahit papaano ay nakauwi pa naman ako ng ligtas at ng hindi nagigising ang bestfriend ko mga bandang 3 a.m. Habang maigasig na naghihilamos ay naalala ko rin ang aking mga recent short-lived relationships. Yung isa na inabot lang ng tatlong araw at break agad. Yung isa na inabot ng halos isang buwan. Naalala ko rin yung isa na nakilala ko dahil sinuntok ako sa mukha sa pag-aakala na ako yung nanloko sa kapatid niya. Napangiti ako nang ma-recall ko na pinsan niya ang isa sa mga ex ko. Nang binabanlawan ko na ang aking mukha at nakita ko ang sarili sa salamin ay napansin ko ang mga pagbabago sa sarili ko kumpara mga taon na ang nakalilipas. Hindi ko maiwasang ihambing sa aking isipan ang sarili ko sa pagdaan ng panahon habang nakatitig sa salamin. At pag nagba-backtrack ako ay di ko maiwasang maalala ang aking first love. Pagkatapos mag-hilamos ay kumain na ako at saka naligo. Naka-alis na si bestfriend nang matapos akong maligo kaya ako na ang nagligpit ng aking pinagkainan. Dahil Friday, sa computer shop ang duty ko. Buti na lang at hindi traffic kaya nakarating ako doon bago mag-10. Pagdating na pagdating ko sa computer shop tiyempo namang naka-play sa radyo ang isang kantang nagpanumbalik sa alala sa akin sa aking first love. Diretso ako sa computer na nakatokang aking aayusin habang inaala ko siya. February 2009.Things didn't go well for the two of us, sa simula. Naka-duty ako sa computer shop kapag Wednesdays at Fridays at jeep ang sinasakyan ko papunta dun. Nakilala ko siya dahil nakatabi ko siya sa jeep. Sa harap siya nun nakasakay, sa may tabi ng driver. Dahl wala ng bakante sa likuran ay dun at nagmamadali na ako ay sa harap na ako umupo, sa tabi niya. Hindi ko siya pinapansin until narinig ko ang diskusyon nila ng driver hinggil sa isang national issue. Dahil paminsan-minsan ay sa jeep ng driver ako nakakasakay ay medyo palagay na kami ng loob kaya sumabad na ako sa kanilang usapan. >>Driver: Eh kasi naman yang mga nagra-rally na estudyante eh sagabal sa daan. Naantala tuloy yung biyahe. >>First Love: Pero kung pakikinggan natin sila, malalaman natin na may point naman yung pinaglalaban nila. Nararamdaman naman po nating lahat ang kahirapan di'ba? >>Driver: Eh dapat pagbutihan na lang nila ang pag-aaral, hindi pa sila naging dagdag-alalahanin ng mga magulang nila. >>Ako: Tama ka kuya. >>First Love: (Tumingin sa akin) Kaya tayo naghihirap eh, tina-tangkilik natin ang sistemang nagpapahirap sa atin. >>Ako: Siya nga? Weh?! Anong ipapalit mo? Paano mo masisigurado na iyon ang mas tamang sistema? >>First Love: Paano mo malalaman kung hindi mo susubukan? Aber! >>Ako: Buhay ng tao po ang pinag-uusapan dito, hindi ka pwedeng basta-basta na lang mag-desisyon. >>Driver: Tama. >>First Love: Yun na nga buhay ng tao pinag-uusapan dito, eh di dapat tapusin na ang kahirapan. >>Ako: Dapat tandaan na iba-iba talaga ang mga tao. Pag ito ay hindi i-consider ng sistemang isinu-sulong mo ay gulo ang resulta. >>First Love: Sabihin mo, parte ka lang sa nakakataas na 1%. >>Ako: Eh di sana may private na sasakyan na akong sinasakyan ngayon. >>First Love: Aba malay ko bang nasiraan ka lang at walang choice. >>Ako: (malapit na sa may computer shop) Ewan ko sa'yo. Manong para na po. Bumaba na ako sa may computer shop at tinuloy ang trabaho ko para sa araw na iyon. Kinabukasan, dahil may tip akong natanggap na may nangyari daw barilan sa isang resort ay nasakyan ko na naman ang jeep na iyon at nakasakay na naman siya sa may harapan. Kahit may bakante sa likod ay pinili ko pa rin na sa harapan maupo. >>First Love: Ikaw na naman? >>Ako: Ano na naman? Please, wag ka munang makipagtalo at nagmamadali ako. Mayroon akong kailangang i-cover na event. Tinitingnan niya ako mula ulo hanggang paa at napansin niya ang Press ID ko pati ang aking camera bag. >>First Love: So, cameraman ka pala. >>Ako: Hindi naman obvious diba. (Sarcastic kong sagot habang hinahawakan ko ID ko) Hindi lang ako nakaget-up na gaya sa mga full-time na reporters. >>First Love: So dapat mas alam mo ang mga nangyayari sa lipunan. >>Ako: And so? >>First Love: Wala lang. I guess, magiging masarap kang ka-kuwentuhan. Kung gusto mo ibibigay ko sa'yo number ko. >>Ako: Okay. At least may extra source na ako ng scoop. Dahil nahihirapan na akong kunin ang phone ko sa bag ay sinubukan ko nalang memoryahin ang numerong sinabi niya. Dahil pagkatapos ko ng kumuha ng mga litrato at video ay hindi na kumpletong numero ang naalala ko. 2009 yung taon na iyon. Ultimong Valentines Day ay may nangyaring barilan sa Golden Sand Private Resort. Nakaka-awa yung babae, tadtad ng bala. Yung binata rin may mga tama. Kaya hindi na ako nagtaka kung bakit hindi ko kumpletong naalala yung numero niya. Mabait naman ang pagkakataon. Isang linggo lang ang lumipas ay nagkita ulit kami at ako na ang humingi ng number niya. Nagsimula sa regular na text at tawagan hanggang sa lumalabas na kaming dalawa. Minsan nga ay sinasama ko siya sa kapag may kina-cover akong event. At sa unang pagkakataon, nasabi kong mahal ko na siya. Hindi naging kami. Hindi ko nagawang ligawan siya. Oo, lumalabas nga kami pero hanggang doon lang. May 2009. Isang araw ay nakipagkita siya sa akin para magpaalam. Lilipat na kasi siya at ang kanyang pamilya sa malayong lugar at kinabukasan na ang biyahe nila. Sinabi niya wag akong malungkot, pwede pa naman kaming mag-text at tumawag sa isa't isa. Hindi ka siya nagawang tawagan at itext sa loob ng tatlong araw. At nang tinawagan ko na siya palaging cannot be reached. Ilang beses kong sinubukang tawagan siya ng araw na iyon at sa mga dumaan pang araw pero wala talaga. Wala ring text na nanggaling sa kanya. Hindi ko na alam ang nangyari. Nakakalungkot. Walang closure. Ewan. Ito ang mga damdaming dadalhin ko sa paglipas ng panahon. |
|||
|
02-10-2012, 04:03 PM
(This post was last modified: 02-13-2012 04:32 PM by dmz01.)
Post: #4
|
|||
|
|||
|
January 2011. Dahil na rin sa nature ng trabaho ko ay madalas akong maglibot-libot dahil baka may ma-witness akong news-worthy event. Sa paglibot-libot ko ay napadpad ako sa lugar ng isang kilalang manghuhula sa lugar namin - si Madam Donday. Kahit di ako masyadong naniniwala sa mga hula ay naisipan kong pumasok sa "opisina" niya at baka may makuha akong kahit na anong impormasyon sa kanya.
Pagpasok na pagpasok ko ay agad niya akong binati sabay pinaupo. >>Madam Donday: (malumanay) Hijo, alam kong hindi ka andito para magpahula at alam ko rin na hindi ikaw ang naatasan sa pag-iinterview. >>Ako: So.... dapat na po ba akong umalis? >>Madam Donday: Ito naman o.... Hindi kita tinataboy, ano ba? (mahinang tatawa) Good mood ako ngayon at interesting ang aura mo. >>Ako: Ganun?! ![]() >>Madam: Siyangapala. Belated Happy Birthday! ![]() >>Ako: Impressive. >>Madam: Of course naman. Nararamdaman ko na dinadala mo pa rin ang kung ano mang epekto sa'yo ng nagdaang pag-ibig. >>Ako: (napatigil ako at biglang naalala si First Love) Siyanga? >>Madam: Pero huwag kang mag-alala, nafe-feel ko rin na nagmamahal ka na ulit. In fact, binisita niya ako nitong araw lang. >>Ako: Ha? >>Madam: Nagmamahal ka ng hindi mo namamalayan. >>Ako: What the?!!! >>Madam: Sige, hanggang dito lang muna. Huwag kang mag-alala, libre 'to. Dalaw ka ulit pag libre ka. Don't worry, dahil interesante ka ay libre ulit. ![]() >>Ako: Sige po. Salamat ulit. Umalis na ako sa stall ni Madam at umuwi na. Nadatnan ko si Bestfriend na naghahanda na ng pang-dinner. >>Ako: Musta araw mo? >>Bestfriend: Okay lang, kahit papaano ay nakaiwas. >>Ako: Ha? Sa ano? >>Bestfriend: Eh di sa ex ko. >>Ako: Until now? ![]() >>Bestfriend: Yup. >>Ako: Ewan ko sa'yo. ![]() >>Bestfriend: Nakwento ko na ba sa'yo yung tungkol sa hula sa akin. >>Ako: Apparently, hindi pa. >>Bestfiend: Ganito daw, yung pangatlo ko raw, magiging kami na talaga or something like that. >>Ako: Anong klaseng hula yan? Hindi sure. >>Bestfriend: Malabo daw kasi. >>Ako: As expected sa future mo, malabo. ![]() >>Bestfriend: Ewan ko sa'yo. ![]() Lumipas ang mga araw at nakahanap naman ako ng libreng oras at pinuntahan ko ang lugar ni Madam. Tiyempong nasa may pintuan lang siya at pinapasok niya ako. >>Ako: Busy po kayo? >>Madam: Eto katatapos lang manghula. Mamayang gabi pa yung sunod na naka-schedule. >>Ako: Ganun po ba? >>Madam: Ganyan talaga. Bat parang wala ka atang energy? >>Ako: Hulaan niyo po. ![]() >>Madam: Ewan ko sa'yo. >>Ako: Dumalaw lang naman po ako. Sabi niyo naman sa'kin nun na punta ako rito pag libre ako. >>Madam: Siyangapala, may nase-sense na naman akong patayan ngayong nalalapit na Valentines. Maging alerto ka at siguradong scoop mo yun. >>Me: Na naman?! >>Madam: Oo. >>Me: May nakikita naman po ka'yo na tungkol sa akin. >>Madam: Uhm.... manhid ka pa rin. ![]() >>Me: The hell!?! Di kaya... >>Madam: Ikaw bahala diyan. Huwag mo akong sisihin kapag na-realize mo na lang kapag nawala na siya sa'yo. >>Me: Matagal na po siyang wala. Ni hindi ko nga siya ma-contact. >>Madam: Hindi yung first love mo tinutukoy ko, pero dapat natuto ka na sa kanya. >>Me: Eh sino? >>Madam: Malapit siya sa'yo. Di mo lang nare-realize na mahal mo siya dahil pinangungunahan mo ang sarili mong damdamin. >>Me: Okay. Na-feel kong mag-vibrate ang cellphone ko sa aking bulsa. Kinuha ko ito at may tatlong mensahe pala. Isa kay galing kay Bestfriend at ang dalawa ay mga kasamahan ko sa diyaryo. Mga Messages Quote:From: Bestfriend Quote:From: Kasamahan 1 Quote:From: Kasamahan 2 Dahil dito ay nagpa-alam na ako kay Madam at pinuntahan ang mga location na sinabi ng mga kasamahan ko. Buti na lang at hindi matrapik at nakarating naman ako agad. February 14, 2011. Tama si Madam. May binaril sa magkasintahan sa park. Napatay sa engkwentro ang salarin pero dead on the spot ang magkasintahan. Pagkatapos maasikaso yun ay umuwi na ako agad. Mga bandang 6pm na iypn at sabay kaming nakarating sa pintuan ng buhay ni Bestfriend. Naka-ayos siya at mulang galing sa likad. Pagpasok namin ay pinag-usapan namin ang mga nangyari sa araw na iyon. >>Ako: Musta naman? Lumandi ka na naman 'no? ![]() >>Bestfriend: Not really. Nagpahanap lang ako kay #3. Mahihirapan kasi siya kung dito lang ako sa bahay. >>Ako: Landi much? Ingat ka. May binaril na magsyota kanina sa park. >>Bestfriend: Afraid! >>Ako: Dapat lang. >>Bestfriend: May faith naman ako na mahahanap ko siya one of these days. >>Ako: Good luck. >>Bestfriend: Thanks. Tumulong ako sa pag-prepare ng dinner at nanood ng movie sa laptop pagkatapos then natulog. Na-alimpungatan ako ng bigla siyang tumabi sa akin tapos pawisan. Nagka-nightmare daw siya. April 2011. Nakatanggap ng tawag si Bestfriend isang tanghali dahil pinapauwi daw siya sa kanila for some reason. Dahil dun ay bigla siyang nag-empake at hiniram pa niya flash drive ko para sa pagpa-print ng plane ticket niya. Sa last night niya ay sa labas kami kumain. Trip niya mag-tapsilog at dahil sa nagastos niya for plane ticket at bagong sweldo ako nun ay utang daw lang muna niya yung sa meal namin for that night. Wala na akong nagawa so pumayag na ako. Nag-shake kami nun pagkatapos. Hindi ko na siya hinatid sa airport kinabukasan. Pero bago siya umalis ay kinausap ko muna siya. >>Ako: Ingat ka. >>Bestfriend: I know right. >>Ako: Siyangapala, if ever man di kayo mag-work out ni number 3, let me be your number 4. >>Bestfriend: Bakit? >>Ako: Basta. Pero, I have faith na magwowork-out kayo ni #3 mo. And you better do everything for you two to work-out. Alam kung you can't see me beyond being your friend. >>Bestfriend: Paano pag ayoko? >>Ako: Sige na. Pang-motivate mo na lang yun para gawin mo ang lahat para magwork-out yung relationship niyong dalawa. >>Bestfriend: Okay. Eto naman, parang hindi ako babalik agad. >>Ako: Just in case lang. Sige have a safe flight. Love you bestfriend. >>Bestfriend: Salamat. Ikaw din. Safe namang nakarating si Bestfriend sa kanila. Pero after a week ng makarating siya sa kanila ay nag-text siya habang nagsna-snack ako. Matatagalan daw muna bago siya makabalik at ako lang muna ang bahala sa bahay. Bigla kong nakagat ang aking dila. 4 ang unang numerong lumabas sa isip ko. One, two, three, four.... D.... Donday. At parang alam ko na ang ano ang nasa isip ni Madam sa oras na iyon. |
|||
|
02-12-2012, 05:53 AM
(This post was last modified: 02-27-2012 11:45 PM by duelmaster01.)
Post: #5
|
|||
|
|||
|
November 2011. Nakakapanibago pa rin na mag-isa na lang ako sa bahay. Kaya madalas ay nasa labas na lang ako at nagpapakasubsob sa trabaho. Minsan naman ay kina Madam ako tumatambay.
Isang araw ay nagulat na lang ako ng may matanggap akong text message galing sa ex ni Bestfriend. Ewan ko lang kung dahil friendly ako o sadyang unli lang nung time na yun at naisipan ko ring magreply. >>Bestriend's Ex: ![]() >>Ako: bkit? >>Bestriend's Ex: ala lng.... bored. >>Ako: asan ka ngaun? >>Bestriend's Ex: sa pad ko.. >>Ako: i see... pa'no mo nakuha number ko at ba't ka nag-text? >>Bestriend's Ex: secret... random reason.... >>Ako: they say there's always a hidden logical explanation behind a random pick...... >>Bestriend's Ex: busy? wachudoin? >>Ako: Eto, pauwi na galing work... >>Bestfriend's Ex: Sa newspaper trabaho mo nun di 'ba? >>Ako: oo. . . . . text nalng kita ulit later... >>Bestriend's Ex: okay ![]() Doon nagsimula ang hindi ko ini-expect na mauuwi sa isang relasyon. Nung naging kami ay na-realize ko na may katotohanan pala ang mga konting nasabi sa akin ni Bestfriend tungkol sa kanya at may na-confirm dun akong mga bagay-bagay tungkol kay Bestfriend. Napatunayan ko rin na hindi pa rin siya makapagmove-on kay Bestfriend. December 2011. Kina Madam Donday.... >>Madam: So ano ipagpapatuloy mo pa ba 'yan? Minsan lang ka'yo magkita tapos ilang sakay pa papunta sa kanila. >>Ako: Hanggang kaya. >>Madam: Feel ko malapit na kayong maghiwalay. >>Ako: Okey lang basta valid yung reason. >>Madam: Ganun?! ![]() >>Ako: Parang tulad lang sa iba kong ex. Hindi ko naman kailangang ikulong ang sarili ko sa kanya di'ba... >>Madam: Ewan ko sa'yo. Bahala ka sa sarili mo. >>Ako: Personally, gusto ko na siyang makapagmove-on.... >>Madam: Hmm.... Pa-simple ka pa. Selfishly motivated naman yan. Double-edged pa.>>Ako: The term! ![]() >>Madam: Aminin. >>Ako: In a way, oo. Masama ba? >>Madam: Hindi naman. Pero ikaw, alagaan mo yang sarili mo. Iisa lang yan, wala yang kapalit. >>Ako: Okay po. ![]() Tama nga si Madam. Nakipaghiwalay nga siya shortly citing distance and other factors as reasons. Pumayag naman ako. Maintain pa rin naman namin ang communication via texting and other means. Pero ewan ko kung bakit may kirot nung Pasko ng taong yun. Aside na hindi ako umuwi sa hometown ko, wala pa si Bestfriend at single pa ako. Nakisabay pa ang malakas na hangin na nagpalamig sa mga panahong 'to. |
|||
|
02-13-2012, 06:33 PM
(This post was last modified: 02-13-2012 06:34 PM by dmz01.)
Post: #6
|
|||
|
|||
|
Buti hindi umulan at hindi ako nakatulog sa biyahe kundi ay lalampas. Naabutan ko namang naghihintay sa gate ang may-ari ng bahay na aking tutuluyan, si Madam.
>>Madam: Ba't naman sa lahat ng mga araw eh ngayon ka pa lumipat? Wala ka bang ka-date?>>Ako: Madam naman. Alam mo naman siguro na wala siya ngayon di'ba? ![]() >>Madam: Eh bakit ka pa lumipat ng tirahan? Ayaw mo nun na kahit papaano may attachment ka pa sa kanya. >>Ako: Para na rin po ito sa sarili ko. >>Madam: Teka, pasok muna tayo at hindi maganda ang itsura ng langit. Hinatid na ako ni Madam sa magiging unit ko. Mas maliit yun kaysa sa bahay ni Bestfriend pero okay na 'yun. Isa pa mas malapit yun sa office ng newspaper na pinagtra-trabahuan ko at walking distance sa stall ni Madam. Pagkatapos kung mailagay yung maleta ko sa loob ay pumunta na kami sa bahay ni Madam. Doon kami sa sala nag-snack habang pinag-papatuloy ang aming pag-uusap. >>Madam: Pa'no yung bahay ng bestfriend mo? >>Ako: Secured naman po 'yun. >>Madam: Eh ikaw? >>Ako: Okay naman ako. Matatagalan pa naman siguro bago niya mahanap si #3 niya. Besides, baka makasagabal pa ako sa paghahanap niya kay #3. >>Madam: Martyr! ![]() >>Ako: Hindi naman. I just want him to be happy, that's all. Sad nga lang na kung kailan pa siya nawalay sa akin, dun ko pa na-realize yung true feelings ko. >>Madam: Okay lang yan. Sa ngayon, focus ka muna sa work mo. Bagong promoted ka pa naman. ![]() >>Ako: Yun nga eh. ![]() >>Madam: Basta, huwag ka ng masyadong malungkot. Hindi mo man siya kapiling ngayong Valentines, at least hindi siya namatay like some people I know. >>Ako: Speaking of that, di 'ba nasabi niyo sa akin na may pupuntahan kayong death anniversary? >>Madam: Mamaya pa namang gabi 'yun. Gusto mo sumama ka pa. Kilala mo naman kung kanino death anniversary yun. Ikaw pa, journalist ka. >>Ako: I think wala namang problema.Sa ngayon, bagong tirahan, bagong posisyon sa trabaho, at bagong outlook ako sa buhay ngayon. Hindi ko alam kung gaano ko kakayanin na wala siya sa piling ko. Still, kakayanin. ~WAKAS~
|
|||
|
« Next Oldest | Next Newest »
|
| Possibly Related Threads... | |||||
| Thread: | Author | Replies: | Views: | Last Post | |
| Unlucky Valentines | duelmaster01 | 41 | 4,970 |
02-19-2012 12:54 AM Last Post: duelmaster01 |
|
| Unlucky Valentines 2010 | duelmaster01 | 8 | 1,778 |
02-10-2012 04:10 PM Last Post: duelmaster01 |
|
| UNLUCKY VALENTINES 2011 | duelmaster01 | 16 | 1,943 |
02-10-2012 04:10 PM Last Post: duelmaster01 |
|
User(s) browsing this thread: 3 Guest(s)

Search
Member List
Calendar
Help













Pa-simple ka pa. 
Wala ka bang ka-date?



I think wala namang problema.