|
|
|
wala lang
|
|
05-15-2006, 11:06 AM
Post: #1
|
|||
|
|||
|
wala lang
Nangangalahating oras na pagkalipas ng alas-siete. Marami pang tao dito sa cafe. Marami nga yatang walang date. Marami nga yata ang sawi. Marami nga yata sa Advertising ang walang lovelife. We'll all grow old alone. Bokya ang puso. Do not pass go. Do not collect $200. Ito na nga yata ang destiny ko. Ang umupo sa harap ng monitor. Ang mag-isip ng kwento. Mangupit ng pictures sa Google. Magsulat ng scripts. Mag-layout sa Photoshop. Ito na yun. Wala nang magbabago. Gustuhin ko man, ito na ang idinrowing nung artist ng destiny sa mga palad ko. Hindi na mabubura. Hindi na mapapalitan. Touch move. Hindi na pwede gumoma. That's it, pansit. Mahirap din palang mabuhay sa panahong hindi na uso ang love sa mga yuppies. Puro trabaho at puro laro na lang ang natitirang pwedeng pagka-abalahan. Hindi na pwedeng pumalag. Tanggap na lang ng tanggap. Kung nandyan, eh di nandyan. Kung wala, pasensya. Kung kelan mo pa naman gustong baguhin ang buhay mo, walang nagse-second the motion. Wala pa ring pakialamanan. Numb na ang mga pakiramdam. Kung sino man ang nakaimbento ng valentine's day, gusto ko syang makilala at mag-sorry dahil isa ako sa mga dahilan kung bakit sya naging failure. |
|||
|
« Next Oldest | Next Newest »
|
| Possibly Related Threads... | |||||
| Thread: | Author | Replies: | Views: | Last Post | |
| love poem..(wala lang) | yusuf | 4 | 385 |
07-19-2006 12:09 PM Last Post: frenzyguy |
|
User(s) browsing this thread: 1 Guest(s)

Search
Member List
Calendar
Help

