|
Join our Facebook Page |
|
|
|
|
Beautiful Love Story
|
|
05-16-2006, 04:35 PM
Post: #1
|
|||
|
|||
|
Beautiful Love Story
Ang Kasunduan (The Game)
by Rachelle Arlin Credo http://www.rachelle.co.nr Isang araw, masinsinang nag uusap ang mag bestfriends na sina Alyssa at Francis... Francis: Lam mo bestfriend, nakakalungkot isipin noh? Andito tayo, magkatabi, parehong loveless..hehehe! Alyssa: Oo nga..Nakakabugnot talaga.Maganda namn ako at Dean's Lister pa sa school pero la man lang kahit isang lalaking sumeryoso sa kin. Mapagmahal naman akong tao at todo pa kung magmahal pero para bang ala man lang pumapansin sa kin. Ngunit yung iba dyan, wala nga masyadong maipagmamalaki sa itsura at average lang naman ang katalinuhan pero kung magpalit ng boyfriend ay para lang nagpapalit ng damit. Lahat na nga siguro ng kakilala ko may bf/gf na maliban sa kin.God is just so unfair! Francis: Ako nga eh.Gwapo naman ako, matalino pa, pero ewan ko ba kung bakit ayaw nila sa kin..Palagi na lang akong binabasted. Alyssa: Hmmm..may naisip ako.. Francis: Ano yun? Bibili tayo ng love potion o baka naman may formula ka dyan para magka girlfriend na ko. Alyssa: Gago! Hindi yan..Naisip ko, since pareho naman tayong walang katipan..why don't we play a game? Francis: Ha? Di kita ma gets.. Alyssa: We'd play a game.Magiging gf mo ko for 30 days at ikaw din, magiging bf din kita pero for 30 days..What do you think? Francis: Parang weird yata yang pinaplanu mo ah..pero cge na nga..Bored na din ako sa pagiging loveless. Wla din naman akong gagawin for the coming weeks..okey..deal!so how should i call you..baby?hehehe... DAY 1: Nanood sila pareho ng romantic film sa Country Mall. Nasaisip ni Francis na cheap daw pumili ng setting si Alyssa pero in the end nagustuhan din naman nya kasi walang masyadong tao at maganda rin yung film. Days 2-8: Nagte text silang dalawa ng mga mushy messages.. Day 9: Pumunta sila sa beach at naligo maghapon. Naghabulan sila at gumawa ng sand castle. First time nilang dalawang magkasama maligo sa dagat. DAY 10-14: Nag tatawagan na ang kunwari magboyfriend. Napapagalitan si Alyssa sa mama nya kasi umaabot ang pag uusap nila ng hating gabi. Day 15: Pumunta sila sa carnabal at sumakay ng Ferris Wheel.Natakot si Alyssa kaya napasigaw sya at napayakap kay Francis.Namula ang pisngi ni Francis. DAY 16-20: Sinusundo ni Francis si Alyssa sa unibersidad at pumupunta sila sa mall upang mamasyal bago ihatid ni Francis si Alyssa sa bahay. Day 21: May nakilalang manghuhula si Alyssa at sinabi nya kay Francis na gusto nyang malaman ang mangyayari sa kanya sa hinaharap.Pumunta silang dalawa sa bahay ng manghuhula at nabigla sila sa sinabi nito. Ang sabi nya "Wag nyong sayangin ang panahon nyo. Make the most of it kasi maikli lang ang buhay ng tao." Ano kaya ibig sabihin nun? napatanong si Alyssa kay Francis. DAY 22: Pumunta silang dalawa sa tuktok ng isang burol. May nakita silang cometa. May ibinulong si Alyssa sa kanyang sarili. Tinanong sya ni Francis ngunit napangiti lang sya sabay sabi " Yoko nga, baka di magkatotoo eh" DAY 23-25: Sumama si Francis sa probinsiya nina Alyssa at nakilala nya ang pamilya nito. Hindi nya akalaing sa likod pala ng pagka easygoing ni Alyssa ay may nakatago palang soft side ang bestfriend nya. Day 26: Sumakay sila ng bus at nang saglit na pinahinto ng driver ang sasakyan dahil sa isang asong tumawid sa daan ay di sinasadyang napalapat ang mga labi ni Alyssa sa pisngi ni Francis.Yun ang unang halik ni Alyssa at di alam ni Francis na sya ang first kiss nito. DAY 27: Inimbita ni Francis si Alyssa sa kanilang bahay upang ipakilala sa kanyang mga magulang. Ngunit nang sinambit na nya ang pangalan ni Alyssa ay "bestfriend ko" lang ang nasambit nito. Gayunpaman, nagustuhan si Alyssa ng mga magulang ni Francis at biniru sila na sana ay magkatuluyan sila. Day 28: Binisita ni Francis si Alyssa sa kanilang bahay dala ang dalawang Tobleron chocolates at isang pumpon ng tulips.Napaluha si Alyssa dahil first time nyang makatanggap ng bulaklak mula sa isang lalaki. Day 29: 11:37pm Napaupo ulit sina Alyssa at Francis sa gilid ng bangketa kung saan una nilang pinagkasunduang laruin ang larong magboyfriend.Nagkukuwentuhan sila at nagtatawanan... Francis: Alyssa, nauuhaw ako. Ikaw? Gusto mo ba ng juice? Bibilhan kita sa may tindahan sa may kanto. Alyssa: O, cge..Nauuhaw na din ako eh..katatawa..hehehe!Cge mango juice na lang.. Francis:Hintayin mo ko dito ha? Wag ka muna umuwi, huwag mo kong iwanan ok? Babalik ako.. Alyssa: O cge hihintayin kita. Tumakbo ka para mas madali..heheheh! Nakalipas ang 20 minutos...may isang di-kilalang taong lumapit kay Alyssa.. Estranghero: Kilala mo ba si Francis? Alyssa: Ha? Ah, oo..bestfriend ko siya..Bakit? Anong kailangan mo sa kanya? May pinuntahan lang sya.. Babalik din yun.. Estranghero: Wala akong kailangan sa kanya. Ikaw talaga ang sadya ko.. Nang sabihin yun ng estranghero ay kumaba kaagad ang dibdib nya.. Hindi nya alam kung bakit pero para bang bumilis lang saglit ang pagtibok ng kanyang puso... Estranghero: Kasi nasagasaan ng kasama ko ang kaibigan mo. Andun sya ngayon sa ospital..Kritikal ang kalagayan..Im sorry miss.. Sa ospital: 11:57pm Lumabas ang doctor sa emergency room. Tumungo si Alyssa sa doctor at nanginginig na tinanong ang doctor. Alyssa: Doc,kumusta na po ang pasyente?Ok na po ba sya?Ligtas na po ba sya? Hindi umimik ang doctor at binigay sa kanya ang isang can ng orange juice at isang sulat.. Doktor: Nakita namin to sa bulsa ni Francis.. Dali-daling binuksan ni Alyssa ang sulat at ito ang nakasulat do'n: Alyssa, sa nakaraang mga araw na nagkasama tayo, marami akong nakita na di ko nakita noon. Akala ko, dahil happy-go-lucky ka eh yun talaga ang pagkatao mo. Pero hindi pala, sa lahat ng nakilala kong tao, ikaw lang ang nakilala kong may personalidad na kakaiba.Magalang ka at mapagmahal sa mga hayop. Ang cute mo pala kapag pinapakain mo yung pusa na nakita nyo sa ibabaw ng kisame nyo. Maganda rin pala ang boses mo kahit medyo sintonado minsan.Napaka sweet mong tao..Kahit na boring ang mga jokes ko, tinatawanan mo pa rin ako.Sa iyo, di ko kailangang maging ibang tao..at yun ang pinaka gusto ko sa yo..dahil tinanggap mo ko bilang ako nang walang pag aalinlangan..Alam mo ba, na kapag kasama kita ay iba ang kaligayahang nararamdaman ko.. Tuwing gabi, pagkatapos nating magkita ay na mi miss kaagad kita.Di kaagad ako makatulog dahil iniisip pa kita. Kung minsan nga, naiisip ko kung bakit di na lang natin totohanin ang laro natin pero baka magalit ka at di mo na ko kaibiganin.Sa totoo lang Alyssa, ngayon ko na realize talaga na mahal na pala kita. Ayoko mang aminin ay totoo..MAHAL NA MAHAL kITA!Kaya sana, bago matapos ang 30 days ng pagiging mag boyfriend natin ay masabi ko sa yo to..Gusto kitang maging girlfriend ko..this time.totoong girlfriend..wala nang biruan..Mahal kita Alyssa..mahal na mahal.. Pinunit ni Alyssa ang sulat..Umiyak sya nang umiyak at tumakbo kay Francis habang ang luha nya ay walang katapusang bumabaha sa kanyang mga pisngi.. "Francis! Ayokong mamatay ka! Wag mo kong iwan! Mahal kita!Naaalala mo pa ba nung nasa burol tayo? Alam mo ba kung ano ang binulong ko? Binulong ko sa sarili ko na sana ay di na tayo magkahiwalay..na sana tayo ang magkasama habangbuhay..na sana mahalin mo ko ng totohanan! Mahal na mahal kita noon pa man..Wag mong gawin to sa kin! Please! Wag mo kong iwan!Labanan mo ang kamatayan Francis..para sa akin..para sa tin! mahal na mahal kita! Tumunog ang orasan. Alas dose na ng hating gabi. Ilang segundo pa..tumigil ang pagpintig ng puso ni Francis. Sumigaw si Alyssa at umiyak nang walang tigil.Yun na ang ika-30 araw ng kanilang kasunduan, ang dapat ay huling araw sana ng kanilang laro...na humantong sa tuluyang pagpapaalam ni Francis..umuwing luhaan si Alyssa dala-dala ang naunsyaming pag-ibig sa kanyang puso.. We are all in a game..in a game called life.And it's up to us whether we just act our part or really play it real. Whatever it is, let us always remember to love our loved ones and show them how we feel before it is too late...for we'd never know when they will be gone from our embrace...If you were given a time to bestow petals of everlasting compassion and love to your loved ones, when would you do that? Today is the day....Love them while they are still here... |
|||
|
05-16-2006, 04:50 PM
Post: #2
|
|||
|
|||
|
Re: Beautiful Love Story
ang ganda nung storu
kapangalan ko pa talaga yung girl...hehe..alyssa para siya yung 100 days....katulad nung story...namatay din yung guy nung ika-100 days nila ![]() "Anybody can make you enjoy the first bite of a dish, but only a real chef can make you enjoy the last." -Francois Minot |
|||
|
« Next Oldest | Next Newest »
|
User(s) browsing this thread: 1 Guest(s)

Search
Member List
Calendar
Help







![[Image: 125327vehjruzezk.gif]](http://dl7.glitter-graphics.net/pub/125/125327vehjruzezk.gif)