Join our Facebook Page



Post Reply 
 
Thread Rating:
  • 0 Votes - 0 Average
  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
  • 5
Love Beyond Death...
06-27-2006, 10:54 AM
Post: #1
Love Beyond Death...
(dinalawa ko na po yung post...di ko alam kung san dapat ilagay eh Lol3)


Love Beyond Death…

…March 9…

2nd anniversary namin ni Jon ngayon. We,ve been together for 2 years. We have decided na i-celebrate ang anniversary namin dito sa house ko. Tutal wala namang tao dito samin and ako lang naiwan mag-isa dito, siguro dito na lang kami mag de-date. Na-i-imagine ko na nga yung date namin. Isang candle light dinner. Of course, ako ang nagluto nang food. Then siguro after nang dinner, mag star gazing kami sa labas. Then ibibigay ko na sa kanya yung gift ko. Isang wrist watch na matagal ko nang pinagipunan. I hope he,ll like it.


…7:00 pm…

Siguro parating na siya.

After a minuet, I heard my cellphone ringing.

It,s Jon!

“hello? Honey! Parating ka na ba?”

”Angela, baby! I,m here na sa garden niyo”

”ok! Pupunta ako diyan. Wait for me ah?”

”ok honey”

Then na-confused naman ako kung paano siya nakapasok sa bahay eh naka lock yung gate.

”maybe I left the gate unlocked” I thought

Pumunta na ko sa garden but Jon is no where in sight.

”Jon! Wala ka naman dito sa garden eh!”

”Nandyan lang ako, dun sa may pool”

Pumunta naman ako sa may pool pero wala din siya dun.

”ikaw talaga! Niloloko mo ba ko?! Wala ka naman dito eh!”

”I,m not joking. Nandito lang talaga ako. Go to your room, There,s a surprise waiting you there.”

”Ok! Last na yan ah! Pagka ito wala parin, bababaan kita nang phone!”

”trust me!”

Pumunta ako sa room ko. As I opened the door, I felt a cold breeze passed by. The aircon was off and my window is close. Where did that wind came from??

Hindi ko na lang pinansin. Siguro imagination ko lang yun.

Pumasok na ko sa loob then may nakita akong maliit na box and a card sa bed ko.

“Angela”

”ito ba yung gift mo sakin??”

”Yes! Uhhmmm, Angela?? Before you open the gift, pwedeng makinig ka muna sa sasabihin ko?”

”sure! Ano ba yun??”

”I just want you to know that I love you very, very much! Just always remember that!”

”I know! But why are you telling me this?”

”wala lang! gusto ko lang malaman mo yun. Can you tell me you love me?”

“Of course! I love you very, very much Jon! Now can I open the gift?”

”ok! Bababa ko na yung phone ah!”

”sige! Punta ka dito sa room ko ah!”

”I love you”

Then the line was dead!

Binuksan ko yung box. Sa loob nun, may silver necklace na may heart pendant. Binuksan ko naman yung card then I read it.

Angela,

Happy 2nd anniversary baby! 2 years na tayo magkasama! I really enjoyed the day na kasama kita. I think hindi muna tayo magkikita ngayon. But don,t worry, magkikita din tayo balang araw.

Just always remember that I love you more than my life. You are the only girl that I loved. You will always be in my heart and I will always be by your side, guiding you. I love you very much baby

Jon.


Now I,m totally confused! I can,t understand him! What did he mean by that??!

Then our phone rang.

It,s Tita Clarisse. Jon,s mom.

”hello? Tita?”

”Angela”

”Tita, are you crying?”

”Angela, HE,S GONE!!!”

”sino po?

”Jon is dead!”

”What?!?! Are you kidding me?!”

”I,m telling the truth Angela! Iniwan na tayo ni Jon!”

”But that,s impossible! Kausap ko pa siya sa phone kanina!”

”Angela, namatay siya because of car accident!”

I was shocked! Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ang lahat nang nangyayari!



The next day, I went to Jon,s wake.

Totoo nga, iniwan na niya kami!

Nilapitan ako ni Tita Clarisse then she hugged me!

That,s the time I started to cry.

Then nakita ni Tita yung necklace na binigay sakin ni Jon.


”where did you get this necklace?”

”Bigay po ni Jon. Anniversary gift niya sakin. Nilagay niya po sa room ko kahapon”

”But that,s impossible! Nakita yan nang mga police na hawak ni Jon nung maaksidente siya. I put that necklace in his room!”

Little Chef

[Image: 125327vehjruzezk.gif]

“"Anybody can make you enjoy the first bite of a dish, but only a real chef can make you enjoy the last.”"

-Francois Minot
Find all posts by this user
Quote this message in a reply
11-06-2006, 07:51 PM
Post: #2
Re: Love Beyond Death...
nakakaka kilig na nakaka kilabot
waaaaaaaaaaaaaa...ang sweet para nakakatakot tlga
kina kabahan ako nung binabasa ko to ah!!!!!

hay nako..love nga naman

NAKAKAPAGPABAGABAG!!!
Find all posts by this user
Quote this message in a reply
11-21-2006, 04:28 PM
Post: #3
Re: Love Beyond Death...
sweet
Find all posts by this user
Quote this message in a reply
05-09-2008, 07:00 PM
Post: #4
Re: Love Beyond Death...
Sampung minuto na ang nakalilipas matapos tumunog ang school bell nila Elea na naghuhuday ng curfew. Medyo magulo pa ang isip niya simula ng umalis si Nico tatalong lingo ang nakararaan . Hindi na ba siya babalik ? Ang lagi niyang tanong sa kanyang sarili . Tila mas maigi pang malagutan ng hininga kaysa ipagpatuloy pa ang kanyang buhay .


Nagpasya na lamang siyang pumunta sa Mcdonald,s kung saan sila lagging tumatambay upang magpalipas oras . Ngunit bago pa siya makapasok ay napansin niya ang isang pamilyar na lalaki na nakaupo sa couch .


“ Nico ! Baa – bakit nandito ka ? ‘Kala ko ba nasa Australia ka ?" tanong ni Elae sa kanya pagtapos makilala ito ng malapitan . Hindi siya makapaniwala . Ito nga ay si Nico . Nasa kanyang harapan ang kanyang matalik na kaibigan !

May gusto pa sanang sabihin si Elea ngunit sumagot si Nico na hindi nabigla sa kanyang pagdating . “ H,wag ka na ngang magtanong dyan , inumin mo na nga ‘tong coke float mo , baka matungaw pa yung ice cream niyan ."


“Hinintay mo talaga ako dito ? Panu mo nalamang dadaan ako dito ? Ba,t yan yung inorder mo ? ‘Lam mo naming hinde yan yung paborito ko eh ! Hmpf ! “ magkakasunod na mga katanungan ang lumabas mula sa kanyang bibig . Hindi lang man nila namamalayan na lumalakas na ang pagbuhos na ulan simula ng mag-usap sila .


“Ano ka ba , siyempre bestfriends tayo kaya alam kong ditto ka pupunta . Pakiramdam ko kase medyo badtrip ka na naman kaya sinubukan kong matagpuan ka dito .”
sagot ni Nico habang hinihigop ang sariling kape paunti-unti . “Bakit di mo subukang tikman ang paborito kong kape ?”


“Inaasar mo ba ‘ko ?" sagot ni Elea bago niya higupin ang parehong kape na inorder ni Nico para sa kanya . “Aba .. masarap nga ! Ba,t ngayon mo lang sinabi na mas masarap pala ‘to kesa dun sa dati kong iniinom ?”

“Kasi nga matigas yang ulo mo eh . Ayaw mo maniwala sakin . Ayaw ko din naman makipagtalo kaya di nalang ako umiimik ."sagot nito sa kanya “Tsaka ayokong makipagtalo sa mga bumabag..”


Magsasalita pa sana si Nico ng biglang sumabat si Elea , halatang gigil na gigil sa susunod niyang sasabihin . “Sa bumabagsak sa subjects ? Oy , hindi na ah . Lahat ng subjects ko ngayon matataas . ” pagdadahilan ni Elea habang nakatitig sa bintana at umiiwas tumingin kay Nico .


“Manhid ka talaga .. kung alam mo lng ..”
bulong ni Elea sa sarili niya habang nag-iisip ng susunod na sasabihin .


Isang mahabang katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa habang patuloy pa rin ang malakas na pagtagas ng ulan. Wala namang bagyo na naiulat sa telebisyon ngunit kakaiba talaga ang panahon ngayon, parang hindi normal.


“Bes, gusto ko ng chocolate cake, yung 12 piece package ha?”
sabi ni Nico upang putulin ang katahimikang namamayani sa kanila.


“Aba, ang kapal naman ng mukha mo Bes, dapat nga ako ang ilibre mo kasi kadarating mo lang galing sa pagpapagamot diba?”
Magsasalita pa sana si Elea ng ma-realize niyang siya nga ang dapat manlibre sa kanya dahil nga bumalik ito sa kanya at siya agad ang kanyang pinuntahan.


“Ok, ako nang bahala sa order mo ser, maghintay ka lang dyan, ser!”
sabi nito sa kanya bago siya tumayo at pumunta sa katapat na bakeshop para bumili ng cake na request sa kanya .


Ngunit pagbalik niya sa kanyang upuan, wala na si Nico . Nag-cr? Hindi. Nagpa-load? Imposible. Kung anu-ano ang pumapasok sa kanyang isipan habang nag-iisip kung papaano hahagilapin si Nico .


Hanggang sa mapansin niya na tila may nakasulat sa tissue na nakalagay sa ilalim ng kape ni Nico. “Nauna na ako. Hindi pa nagsisimula, ni nagtatapos ang pag-ibig ko sayo, Elea. Kausapin mo na lang si Manang. Smile! ”


Pagkabasa ng sulat ay agad na iniligay niya ang tissue sa kanyang bulsa at saka pinaharurot ang kotseng dala-dala niya. Sunod-sunod ang kanyang katok sa gate ng bahay nila ni Nico . Dumungaw si Manang at nagmamadaling pinagbuksan siya ng pintuan.


“Aba Elea ! Napasugod ka iha ?”
tanong ni Manang sa kanya pagkatapos buksan ang pintuan. “Teka, ipasok mo muna yang kotse mo at magpatuyo ka muna ng katawan, basang-basa ka eh .”


“Yung kotse dyan na lang po muna sa labas. Pakihanda na lang po ang tuwalya at mainit na tubig…”
marahang sagot ni Elea , halatang giniginaw pa rin ito kahit sandali pa lang siyang naulanan. “May chocolate cake po kasi akong bitbit. Pinabili kasi ni Nico ng magkita kami sa Mcdo kanina. At saka sabi niya kasi makipagusap daw ako sa–”


Biglang sumabat si Manang sa sinasabi ni Elea, “Ano !? Si Nico !? Nakita mo!? Por Dios Por Santo hija!? Huwag mo nga akong tatakutin!” halos makalimutan ni Manang na nababasa pa rin sa ulan si Elea at nagsimula na itong magtanong .


“Manang … nilalamig na ako. Sa loob na lang po natin pag-usapan yan, pwede?”
sabat naman ni Elea bago tuluyang pumasok sa bahay nila Nico. Kapamilya na rin ang turing ni Elea sa pamilya ni Nico kung kaya,t normal na sa kanya ang makipag-usap sa mga ito .

Pagkatapos ayusin ang sarili ay agad na nag-usap ang dalawa tungkol sa muli nilang pagkikita ni Nico. Halatang hindi pa rin mapakali si Manang sa mga narinig niya mula sa dalaga.

“Wala na si Nico, nung isang linggo pa.”
ang tanging nasabi ni Manang sa panimula ng kanilang usapan.

“Alam ko pong umalis si Nico, pero nagkita ho kami kanina. Siya pa nga ang nag request ng mga cake na ito. Dahil na rin sa sobrang dami kaya naisipan kong ibigay na lang ito sa inyo. Tutal, di ko naman mauubos lahat ito. Masarap ho yan.”
sabi ni Elea bago ngumiti kay Manang.

“Hindi mo nauunawaan Elea… Pa– Patay na si Nico, nung isang linggo pa.”
garalgal na sagot ni Manang habang mahigpit na hinahawakan ang basong tubig na inihanda nito para sa kanilang dalawa.


Tila nabuhusan muli ng malakas na ulan si Elea sa kanyang narinig mula kay Manang. Ibig sabihin, hindi na niya kailanman makikita si Nico. Ang lalakeng minahal niya ng palihim at patuloy na minamahal hanggang sa kasalukuyan.


“Ngunit, bakit niya nakita si Nico? Ano yun, multo?”
sabi nito sa kanyang sarili.


“Hindi naging matagumpay ang kanyang operasyon. At dahil sa hindi kinaya ng kanyang katawan ang lala ng karamdaman, binawian na siya ng buhay. Ayaw naming ipaalam sayo ang nangyari kasi baka kung ano pa ang mangyari sayo”
pautal-utal ang mga bawat salitang nasasambit ni Manang sa kanya. “Ki- kinuha na sa atin si Nico! Elea, wala na si sir Nico namin! Muhuhuhuu!”

Napaiyak na rin Elea na tila sumasabay ang kanyang luha sa malakas na pagbuhos ng ulan. Ang kanyang mga luha ang nagsasabi sa kanya na maging malakas ngunit isang bahagi rin sa kanya ang nagsasabing magpakatatag siya na bumubulong na kaya niyang dalhin ang kalungkutang nadarama.


Si Nico! Siya ang nagpapalakas sa kanya! Siya ang sumasalo sa lahat ng kanyang problema. Siya ang lalaking laging nang-aasar sa kanya ngunit nanlilibre sa kanya sa kapehan upang makipagbati. Peace offering niya kasi ang chocolate cake o kaya coke float na binibili nito para sa
kanya. Ngunit wala na si Nico . Wala na siya .. wala na .


Maya-maya pa,y may iniabot na sulat si Manang sa kanya. Sulat daw iyon na ibibigay sa kanya kung sakaling hindi na siya makakabalik, magpakailanman. Dali-dali niyang binuksan iyon at binasa.

Elea ! Ang tatamad - tamad kong bestfriend !

Kamusta ka na? Siguro umiiyak ka na naman ngayon. Tsk tsk… Para ka talagang gelatine . Napakahina mo kasi, iyakin ka. Bwahahaha!

Huwag kang mag-alala, ako ang magiging gelatine container mo para hindi ka masira at manatiling fresh araw-araw. Yun naman ang papel ko sayo diba, ang maging side-kick mo forever?

Pero paano yan kung mawala ako? Iiyak ka na lang ba palagi? Hay naku, pag naasar ako sayo, ipapatikim ko sayo ang paborito kong float na ayaw na ayaw mo namang tikman. Ang arte mo kasi.

Anyway, punasan mo nga yang luha mo, hindi bagay sayo eh. Siguraduhin mong bubuklatin mo ng maayos yang tissue bago mo ipunas sa luhay mo, ok? Masyado ka kasing KJ maski sa pagpupunas ng tissue eh.

Ingat,

Nico


Oo nga, umiiyak siya habang binabasa ang huling sulat ni Nico sa kanya. Mahina, subjects , couch, ulan, tissue, gelatine, kape, cake .. lahat ng kanilang napagdaan ay unti-unti niyang naalala .


Kinuha niya ang tissue na sinulatan ni Nico kanina nang mapansing wala na ang kaninang nakasulat duon. Binuklat niya ng maigi ang tissue hanggang sa mapansin niya ang nakatagong mensahe sa pinaka inner fold nito .


“Be my lady, Elea, forever.” ayon sa sulat.

“Oo mahal ko ..” luha na may kasamang ngiti ang tanging naisagot niya sa sulat ni Nico .
Send this user an email Visit this user's website Find all posts by this user
Quote this message in a reply
Post Reply 


Forum Jump:


User(s) browsing this thread: 3 Guest(s)