Join our Facebook Page



Post Reply 
 
Thread Rating:
  • 0 Votes - 0 Average
  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
  • 5
Ang pag-ibig nga naman...
07-08-2006, 10:00 PM
Post: #1
Ang pag-ibig nga naman...
Masakit isipin na sa paningin mo ay kaibigan lang ako. Sa mga mata mo ay isang taong tagabigay ng payo lang ako. Yun lang. No erase at no dagdag. Period. Ang sakit para sakin pag parati nalang ganoon. Umaasa ako araw araw para lang sa Panahon na papansinin mo ko bilang hindi isang kaibigan, at least something more okay na. Sa totoo lang eh sobra na yun. Yun lang naman kasi ang hinihiling ko pag nagdadasal ako eh. Makita mo ko kung paano mo nakikita yung mga nagugustuhan mo.

Ewan ko nga sa yo eh. Andito ako tapos humahanap ka ng iba. Nilalambing kita pero panay ang pagdedma mo sa mga ito. Hay, minsan inisip ko kung maghubad kaya ako sa harap mo mapansin mo kaya ako? Ang hirap kasi ng parati nalang nagmumukang tanga para lang mapansin mo na gusto kita. Lahat kasi ng kamalasan napunta sakin. Manhid ka rin kasi eh. Mapapansin mo lang ang isang bagay kung isasalpak ito sa muka mo. Ang hirap nga talga kung ganoon nalang parati. Parating umaasa para lang sa wala.

At ngayon, eto na naman ako, tumititig sayo. Naghihintay na lumingon ka naman sa akin at ako naman ang pansinin kesa dun sa crush mo. Hay, ang mga panaginip talaga, ang hirap magkatotoo.

I sighed sadly. Napansin mo ako sa wakas. Tumingin ka sa akin ng punong puno ng kaguluhan. Tinaasan mo nga ako ng kilay eh. Leche ka, yun lang ang reaction mo. Wala man lang “okay ka lang?” o kaya “ano problema?” Minsan nga eh napapaisip ako kung kaibigan ba talaga kita. Eh mas may pake pa ata yung mga taong classmate lang natin kesa sa iyo eh.

Bwisit ka talaga. Pinagugulo mo ang simple kong buhay. Minsan talaga eh gusto kitang sapakin. Ano nalang kaya ang magiging itsura mo kung ganoon? Magiging kamuka mo kaya yung classmate natin na parang tinapakan ng limang elepante sa muka? O kaya yung isang teacher natin na mukang duck at may napakalapad ng noo? Ah ewan. Ba,t nga ba yun ang naisip ko. Erase, erase. Iba na nga lang.

Nakatitig ako ulit sa iyo pero kuha na naman niya ang attention mo. Leche, minsan gusto kong ingudngod ang muka niya sa tae ng kabayo para di mo na siya tignan or lapitan eh. Nakakainis kase eh. Minsan tuloy feeling ko namamaliit ako dahil sa kanya. Napapaisip ako kung ganoon na ba talaga ako kapangit? Ah ewan. Ganito nalang siguro kase ang buhay eh.

Tumayo ka sa kinauupuan mo at tumingin sakin. O, turn ko na para taasan ka ng kilay. May taray effect pa talaga para mukang maldita kahit na hindi. Nagbago ang muka mo at parang kumunot ang noo mo. Tapos nun, biglaan mo nalang sinabi na,

“Hoy bruha. Di bagay sayo magmaldita ano. Ibaba mo nga iyan. May taray effect chubaluchu ka pang nalalaman. Che!”

Hay, ang hirap talaga pag ang iniibig mo ay bakla…

---------------------------------------------------------------------------------------
Note: I have nothing against gay people  :smyl:…Biglaan lang dumating yung idea.^^
Visit this user's website Find all posts by this user
Quote this message in a reply
Post Reply 


Possibly Related Threads...
Thread: Author Replies: Views: Last Post
  bawal na pag ibig aquero15 0 893 11-16-2011 01:51 PM
Last Post: aquero15
  Pera o Pag-Ibig? Satanista666 0 2,917 12-21-2009 03:12 PM
Last Post: Satanista666
  * tula ng pag-ibig , sakit , at pagdurusa * reizhabiel 19 78,751 05-09-2008 03:10 PM
Last Post: reizhabiel
  *LanGya taLagA anG pAg iBig* chuba 6 3,284 12-02-2006 04:18 PM
Last Post: chuba
  Ang pag-ibig na hindi pa man nagsisimula ay tapos na..Was it really love? ayumi99 8 3,394 08-30-2006 12:39 PM
Last Post: dominicuz
  Pag IbiG nga Naman.. sarxii_11 6 4,207 08-10-2006 12:26 AM
Last Post: ceejay
  pag ibig, ano nga ba ito?? cerialkiller 1 4,020 12-27-2005 04:17 PM
Last Post: cerialkiller
  IKot ng Pag-IbiG pEppErmInt 1 3,607 08-01-2005 11:18 AM
Last Post: pEppErmInt

Forum Jump:


User(s) browsing this thread: 1 Guest(s)