Join our Facebook Page



Post Reply 
 
Thread Rating:
  • 0 Votes - 0 Average
  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
  • 5
kung paano ko nilunod ang goldfish sa aquarium
08-02-2006, 10:58 AM
Post: #1
kung paano ko nilunod ang goldfish sa aquarium
kung paano ko nilunod ang goldfish sa aquarium
ay kung paano ko rin nilunod ang pag-ibig ko sa iyo
at kahit sapilitan kong ginawa at pinili ito
di ko nagawang limutin ang pagbabago mo.

kung paano ko tinapos bilangin ang bituin sa gabi
ay kung paano ko rin tinapos ang nararamdaman ko
kasing tagal ng pangningning ang siphayo
ni hindi ko na maalala kung saan ako huminto.

kung paano ko kinulayan ang hangin sa paligid
at pinili ang mga matitingkad dito
ay kung paano ko rin binura ka sa isipan ko
kahit na alam kong di kita maaalis sa puso.

kung paano ko sinuklayan ang buhok ng kalbo
ay ganun din ang paghagilap ko sa iyong pangako
puno ng pag-asang matagal nang naglaho
hindi ko man lang naabot at nasilayan sa palad ko.

kung paano ko nilakad ang tubig sa sapa
ay tulad ng pag-abot ko sa iyo sinta
ngunit sa masamang panaginip doon ko nakita
ang pag-ibig mo'y napaka-imposible talaga...


(Note from the author: Kung sino man po ang gustong mag-copy paste ng tulang ito ay huwag po nating kalimutang i-acknowledge ang may akda. Sana po wag po tayong mag-plagiarize. Masama po yun. Lagot po tayo kay papa jesas. Salamat.)

---Jec Descatiar (http://iheartmamon.wordpress.com/)
Visit this user's website Find all posts by this user
Quote this message in a reply
08-02-2006, 11:34 AM
Post: #2
Re: kung paano ko nilunod ang goldfish sa aquarium
  :33:  ang galing! ang galing mo pare! ikaw ba nagsulat niyan? dapat janitor fish na lang nilunod mo..hehehe :33:
Visit this user's website Find all posts by this user
Quote this message in a reply
08-02-2006, 11:36 AM
Post: #3
Re: kung paano ko nilunod ang goldfish sa aquarium
(08-02-2006 11:34 AM)eradic8s_27 Wrote:    :33:  ang galing! ang galing mo pare! ikaw ba nagsulat niyan? dapat janitor fish na lang nilunod mo..hehehe :33:

opo..ako nagsulat niyan..wahehe..wala kaming janitor fish eh....thanks sa comment :35:
Visit this user's website Find all posts by this user
Quote this message in a reply
08-02-2006, 11:37 AM
Post: #4
Re: kung paano ko nilunod ang goldfish sa aquarium
(08-02-2006 11:36 AM)eradic8s_27 Wrote:  
(08-02-2006 11:34 AM)eradic8s_27 Wrote:    :33:  ang galing! ang galing mo pare! ikaw ba nagsulat niyan? dapat janitor fish na lang nilunod mo..hehehe :33:

opo..ako nagsulat niyan..wahehe..wala kaming janitor fish eh....thanks sa comment :35:

bakit mo pa ito nirereplayan? eh iisang tao lang tayo... :embarass:
Visit this user's website Find all posts by this user
Quote this message in a reply
08-02-2006, 11:38 AM
Post: #5
Re: kung paano ko nilunod ang goldfish sa aquarium
wala..pampadami lang ng posts at reply..hehehe..walang magawa..
Visit this user's website Find all posts by this user
Quote this message in a reply
08-02-2006, 11:41 AM
Post: #6
Re: kung paano ko nilunod ang goldfish sa aquarium
aahhh..okey..corny mo 'tol! *peace out*
Visit this user's website Find all posts by this user
Quote this message in a reply
08-03-2006, 11:51 PM
Post: #7
Re: kung paano ko nilunod ang goldfish sa aquarium
nakakatuwa naman kayo!! Grin
Visit this user's website Find all posts by this user
Quote this message in a reply
08-04-2006, 08:10 AM
Post: #8
Re: kung paano ko nilunod ang goldfish sa aquarium
(08-03-2006 11:51 PM)Ö╪JaNe 07â•ªÖ Wrote:  nakakatuwa naman kayo!! Grin

uuy! pare may nag-comment na isa! pasalamatan natin!
Visit this user's website Find all posts by this user
Quote this message in a reply
08-04-2006, 08:12 AM
Post: #9
Re: kung paano ko nilunod ang goldfish sa aquarium
(08-03-2006 11:51 PM)Ö╪JaNe 07â•ªÖ Wrote:  nakakatuwa naman kayo!! Grin

sige..para kay jane na sa tingin ko ay rocker din..maraming salamat..mula sa aming puso, nawa'y nagustuhan mo ang tula...hehe Grin
Visit this user's website Find all posts by this user
Quote this message in a reply
08-04-2006, 08:29 AM
Post: #10
Re: kung paano ko nilunod ang goldfish sa aquarium
a very interesting poem and a very intriguing author. hehehe nice one ^_^
Send this user an email Visit this user's website Find all posts by this user
Quote this message in a reply
Post Reply 


Forum Jump:


User(s) browsing this thread: 4 Guest(s)